Ano ang Smooth Love Potion (SLP)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Smooth Love Potion (SLP)?

Ano ang Smooth Love Potion (SLP)?

Baguhan
Na-publish Nov 26, 2021Na-update Nov 11, 2022
7m

TL;DR

Ang Smooth Love Potion (SLP) ay isang ERC-20 gaming token sa sikat na NFT game na Axie Infinity. Walang limitasyon ang supply nito at ito ang pangunahing pinagmumulan ng kita ng mga naglalaro ng Axie Infinity. Sa ecosystem ng Axie Infinity, puwedeng gumamit ng SLP ang mga player para mag-breed ng mga digital pet na tinatawag na mga Axie, na puwedeng ibenta sa marketplace bilang mga NFT sa iba pang player. Puwede ring i-trade ang SLP sa mga palitan ng crypto tulad ng Binance.

Para makakuha ng SLP, ang mga player ay puwedeng kumumpleto ng mga pang-araw-araw na quest, makipaglaban sa iba pang player sa Arena (PvP), o lumaban sa Adventure mode (PvE). May limitadong dami ng SLP na puwedeng makuha ang mga player bawat araw, at ibu-burn ang SLP na ginamit sa pag-breed kapag may bagong Axie na nagawa.


Panimula

Sa kalagitnaan ng biglang pagsikat ng mga NFT, nagbukas ang teknolohiya ng blockchain ng panibagong mundo ng mga posibilidad. Mas maraming kumpanya ang gumagawa ng mga gaming metaverse nila sa blockchain, at marami sa mga ito ang nagbibigay-daan sa mga player na kumita habang naglalaro. Isa sa mga ito ang Axie Infinity, na tuloy-tuloy na sumisikat mula pa noong 2018.

Ang mga reward ng Axie Infinity ay binubuo ng sarili nitong ERC-20 token, ang Smooth Love Potion (SLP). Bilang cryptocurrency, puwedeng bumili at magbenta ng mga SLP token ang mga user sa mga merkado ng crypto. Sa laro, magagamit ang SLP para mag-breed ng mga bagong Axie, na puwedeng i-trade bilang mga NFT sa marketplace ng Axie Infinity.



Ano ang Axie Infinity?

Ang Axie Infinity ay isang play-to-earn na NFT game kung saan naglalabanan ang mga player gamit ang mga natatanging character sa laro na tinatawag na mga Axie. Puwede mong isipin na Pokémon ang isang Axie. Bawat isa ay may iba't ibang class, parte ng katawan, at stats. Ito ay mga non-fungible token (NFT) na puwedeng i-store sa Ethereum wallet o Ronin Wallet.

Binuo ang ecosystem ng Axie Infinity sa blockchain ng Ethereum. Para makapaglaro, kailangan mong bumuo ng isang team ng mga Axie. Puwede kang bumili ng mga Axie sa marketplace o manghiram sa iba pang player sa isang scholarship program. Puwede ka ring mag-breed ng mga bagong Axie gamit ang mga Smooth Love Potion token (SLP). Puwedeng makakuha ng mga SLP token sa pamamagitan ng paglalaro ng Axie Infinity, at binibigyan din ng mga AXS token ang mga player na may mga nangungunang rank. Dagdag pa rito, puwedeng lumahok ang mga may-hawak ng AXS sa pamamahala sa ecosystem ng Axie Infinity.


Ano ang Smooth Love Potion (SLP) at paano ito gumagana?

Gaya ng nabanggit, ang Smooth Love Potion (SLP) ay ang native cryptocurrency ng larong Axie Infinity. Ang SLP, na dating kilala bilang “Small Love Potion,” ay isang ERC-20 gaming token na may supply na walang limitasyon. Mula Nobyembre 2021, umabot ang market cap ng SLP nang $197 milyong USD na may supply na nasa sirkulasyon na lampas 3 bilyon.

Puwedeng makakuha ng SLP sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga pang-araw-araw na quest o paglahok sa mga battle o adventure sa laro. Pagkatapos makakuha ng isang partikular na dami ng mga SLP coin, puwede nang simulang i-breed ng mga gamer ang mga natatangi nilang Axie. Nag-iiba-iba ang gastos sa pag-breed ng bawat Axie, dahil nakadepende ito sa mga breed count ng mga dati nang Axie (ang mga magulang). Puwedeng mag-breed ang mga Axie ng maximum na 7 beses bawat isa. Habang tumataas ang breed count, mas maraming SLP ang kinakailangan.

Ang SLP ay isang altcoin na may mekanismo ng pag-burn. Pagkatapos ng bawat pag-breed ng Axie, ibu-burn na ang mga ginamit na SLP token habambuhay. Dahil puwede lang mag-farm ang mga user ng limitadong dami ng mga SLP sa laro bawat araw, inaasahang lumaki ang demand ng token habang sinusubukang magtagumpay ng mga player sa pag-breed. Nag-iiba-iba ang presyo ng SLP ayon sa mga puwersa ng supply at demand. Umabot ito sa all-time high na $0.41 noong Hulyo 2021.

Sa metaverse ng Axie Infinity, ang SLP ay hindi lang basta currency sa laro para sa pag-breed ng mga bagong digital pet. Isa rin itong reward token para sa mga player kapag umabot sila sa mga bagong level o nanalo sila sa mga laban gamit ang mga Axie nila. Sa kabilang banda, ang mga may-hawak ng SLP ay puwedeng gumawa ng mga ispekulasyon tungkol sa presyo ng SLP at mag-trade nito sa mga palitan ng crypto gaya ng  Binance. Available din ang SLP sa mga liquidity pool ng Uniswap. Bahagi na ngayon ang SLP ng kilusang play-to-earn na nagbibigay-daan sa mga player na kumita sa pamamagitan ng paglalaro ng Axie Infinity.


Paano makakuha ng SLP sa Axie Infinity?

Puwedeng makakuha ng SLP sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga pang-araw-araw na quest, pakikipaglaban sa mga player sa mga Arena (PvP) match, o pakikipaglaban sa mga monster sa Adventure mode (PvE).

1. Kumumpleto ng mga pang-araw-araw na quest

Mula Nobyembre 2021, nagbibigay ang pang-araw-araw na quest ng dagdag na 25 SLP sa mga player na magsasagawa ng pang-araw-araw na pag-check in, makakakumpleto ng 10 level sa adventure mode, at mananalo ng 5 arena match.


2. Makipaglaban sa Arena (PvP)

Arena (PvP) ang pangunahing pinagmumulan ng mga reward na SLP sa laro. Itinutugma ng PvP Arena ang mga player sa isa't isa batay sa mga ranking (MMR) nila. Gagamit ng isang energy ang bawat match sa Arena, at magbibigay ng reward na SLP ang bawat panalo, ayon sa MMR ng player. Kung mas mataas ang iyong ranking, mas maraming SLP ang makukuha mo sa bawat panalo. Tandaan na kailangan mo ng MMR na mas mataas kaysa sa 800 para makakuha ka ng mga reward na SLP.


Kung ubos na ang energy, puwede pa ring maglaro ng PvP ang mga player para mapataas ang MMR nila, pero hindi sila makakakuha ng mga reward na SLP. Makikita mo kung gaano karaming energy ang mayroon ka mula sa pangunahing menu sa kaliwang bahagi sa itaas ng screen. Nakadepende ang dami ng energy mo sa dami ng mga Axie na hawak mo:

  • Mula 3 hanggang 9 na Axie: 20 energy.
  • Mula 10 hanggang 19 na Axie: 40 energy.
  • 20 Axie o higit pa: 60 energy.


3. Makipaglaban sa Adventure Mode (PvE)

Ang Adventure ay isang single-player mode sa laro. Binubuo ito ng 36 na level na pahirap nang pahirap at mga reward na SLP. Puwede kang makakuha ng hanggang 50 SLP araw-araw mula sa mga adventure. Hindi kailangan ng energy para makapagsimula sa adventure mode, kakailanganin mo lang nito kung gusto mong makakuha ng experience points para sa iyong mga Axie.

Kumpara sa PvP, nangangailangan ang PvE ng mas kaunting oras at pagsisikap para makapag-farm ng SLP. Gayunpaman, puwede ka lang makatanggap ng mga one-time na reward na SLP para sa bawat level ng adventure. Puwede mong laruin ulit ang parehong level para matugunan ang kinakailangan sa reward na SLP sa pang-araw-araw na quest, pero hindi ka makakatanggap ng anumang dagdag na reward na SLP. Para makakuha ng mas maraming SLP, puwede mo ring talunin ang mga boss sa ilang partikular na level para sa mga one-time na reward na SLP.


Paano mag-claim ng SLP mula sa Axie Infinity papunta sa Ronin Wallet?

Pagkatapos makakuha ng SLP mula sa laro, make-claim mo ito nang manu-manu bawat 14 na araw. 

1. Mag-log in sa iyong account sa Axie Infinity at ikonekta ang Ronin Wallet mo. I-click ang [Mag-claim ng Mga Token] mula sa menu para makita ang dami ng SLP na puwede mong i-claim at kung kailan mo ito magagawa. Pagkatapos ay i-click ang [I-claim ang SLP] para ilipat ang SLP sa iyong Ronin Wallet.

2. Bumalik sa dashboard ng iyong account sa Axie Infinity at siguraduhing nakakonekta ang Ronin Wallet mo. I-click ang [Mag-claim ng Mga Token] - [I-claim ang SLP]. Makikita mo ang na-claim na SLP sa iyong Ronin Wallet.


3. Kung gusto mong ibenta ang SLP, puwede mo itong ilipat sa iyong MetaMask o sa iba pang Ethereum wallet gamit ang Ronin Bridge. Puwede mo ring ipadala nang direkta ang SLP sa iyong Ronin Wallet sa Binance sa pamamagitan ng RON network. Makakatipid ka rito dahil makakaiwas ka sa bayarin sa gas sa ether (ETH).
Tandaan na puwede mo ring i-trade ang iyong SLP kapalit ng iba pang cryptocurrency gamit ang Katana decentralized exchange. Mula noong isinulat ang artikulong ito, sinusuportahan ng function na pag-swap ang AXS, WETH, USDC, at SLP.


Paano bumili ng SLP sa Binance?

Para makapag-breed ng mas maraming Axie, baka kailanganin mong magkaroon ng mas maraming SLP token. Maliban sa puwede kang makakuha nito sa paglalaro ng Axie Infinity, makakabili ka rin ng SLP mula sa mga palitan ng crypto gaya ng Binance. Pagkatapos, puwede mo itong ilipat sa iyong Ronin Wallet sa pamamagitan ng Ronin (RON) network.

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at pumunta sa [Mag-trade]. Piliin ang [Classic] o [Advanced] na mode ng pag-trade para magsimula. Sa tutorial na ito, [Classic] ang pipiliin natin.

2. Susunod, i-type ang “SLP” sa search bar para makakita ng listahan ng mga available na pares sa pag-trade ng SLP sa Binance. SLP/BUSD ang gagamitin natin bilang halimbawa.


3. Sa ilalim ng [Spot], piliin ang uri ng order at ilagay ang halagang gusto mong bilhin. I-click ang [Bumili ng SLP] para ilagay ang order at makikita mo ang nabiling SLP sa iyong Spot Wallet. Mula roon, puwede mong pindutin ang [I-withdraw] para ilipat ito sa external na wallet.


Mga pangwakas na pananaw

Isa ang Axie Infinity sa mga pinakasikat na proyekto ng DeFi sa kasalukuyan. Bilang gaming token sa isang play-to-earn na blockchain game, nag-aalok ang SLP sa mga player ng simple at interaktibong paraan para magkaroon ng dagdag na kita. Sa katunayan, nagbigay-daan ang mga reward na SLP sa maraming komunidad sa mga bansang tulad ng Pilipinas na madagdagan ang kanilang kita sa gitna ng krisis sa ekonomiya bunsod ng COVID-19.