TL;DR
Ang NFT na lupa sa metaverse ay isang plot ng virtual real estate na kinakatawan ng non-fungible token. Depende sa platform, magagamit ng may-ari ang lupa niya para sa pakikisalamuha, pag-advertise, trabaho, gaming, at iba pang gamit.
Puwede kang bumili ng NFT na lupa sa metaverse sa pamamagitan ng pagbebenta ng lupa ng isang proyekto o gamit ang isang marketplace ng NFT para bumili nang direkta sa mga may-ari ng lupa. Mangangailangan ka ng digital wallet at cryptocurrency para mabili ang lupa. Puwede ring magbenta ng lupa sa iba pang user sa iba't ibang platform, at magkakaroon ng mga mekanismo ng pag-upa sa hinaharap.
Kapag bibili ka ng iyong NFT na lupa, lagi kang bumili mula sa isang proyekto sa bentahan ng lupa o nang secure sa sekondaryang merkado sa pamamagitan ng pinagkakatiwalaang palitan ng NFT. Siguraduhin na nauunawaan mo nang mabuti ang nauugnay na proyekto ng lupa at isasaalang-alang mo ang sangkot na pampinansyal na panganib.
Panimula
Unti-unting sumisikat ang metaverse sa mga tech fan, mamumuhunan, at mahilig sa crypto. Malaki ang itinaas ng demand para sa virtual na lupa sa 3D na digital na mundo, at may mga pagkakatulad ang merkado sa real estate sa totoong buhay. Simple lang ang proseso ng pagbili at pagbebenta ng NFT sa metaverse na madali mong masusundan gamit ang aming gabay.
Ano ang NFT na lupa sa metaverse?
Ano ang mga paggagamitan ng NFT na lupa sa metaverse?
Bagama't posibleng gumawa lang ng ispekulasyon ang ilang mamumuhunan, baka gustong gamitin ng ibang mamimili ang lupa sa nakalaang layunin nito. Makakaapekto ang pipiliin mong proyekto sa kung ano mismo ang magagawa mo sa iyong lupa. Pangkaraniwan para sa mga space ang mag-host ng mga event, conference, at kahit magparenta ng space para sa pag-advertise kung nakakakuha ng sapat na trapiko ang lupa. Ipinatupad din ng ilang kumpanya, kasama na ang PwC, ang kanilang lupa sa mga iniaalok nilang serbisyo. Kung bumili ka ng lupa sa isang NFT game, malamang na makakatanggap ka ng mga benepisyo sa laro mula sa plot.
Paano bumili ng lupa sa metaverse
Pareho sa proseso ng pagbili ng anupamang NFT ang prosesong sinusunod ng pagbili ng NFT na lupa. Ang kailangan mo lang ay wallet at kaunting cryptocurrency para makapagsimula. Tulad sa anumang pamumuhunan, siguraduhing magsasagawa ka ng sarili mong pananaliksik bago ka sumugal.
Hakbang 1: Pumili ng platform ng metaverse
Hakbang 2: I-set up ang iyong wallet
Hakbang 3: Ikonekta ang iyong wallet sa marketplace ng Sandbox
Sa mapa ng The Sandbox, makakakita ka ng mga plot ng lupa kung saan puwedeng mag-bid. Magagawa mo nang direkta ang ilan sa mga ito sa pamamagitan ng marketplace ng The Sandbox, habang ang iba naman ay naka-host sa mga external na palitan gaya ng OpenSea. Tingnan natin ang isang lupa kung saan tayo direktang makakapag-bid sa pamamagitan ng The SandBox para panatilihin itong simple.
Bago ka makapag-bid sa kahit ano, kailangan mong ikonekta ang iyong wallet. Sa mapa ng The Sandbox, i-click ang [Mag-sign In] sa kanang sulok sa itaas. Siguraduhin ding nakatakda ang iyong wallet sa tamang blockchain para sa proyekto, sa sitwasyong ito, Ethereum.

Susunod, i-click ang [MetaMask].

Magpapakita ang MetaMask ng pop-up na humihiling sa iyong kumonekta. I-click ang [Susunod].

I-click ang button na [Kumonekta] para ipagpatuloy ang pagkonekta ng iyong wallet.

Hihilingin sa iyo ngayon ng The Sandbox na magdagdag ng email address at gumawa ng alyas. I-click ang [Magpatuloy] para tapusin ang pag-set up ng iyong account. Puwede ka ring boluntaryong magbigay ng password kung gusto mong gamitin ang SandBox editor.


Kapag matagumpay ka nang nakakonekta, makikita mo ang balanse ng iyong account at larawan sa profile sa kanang bahagi sa itaas ng website.

Hakbang 4: Bumili ng SAND o ETH sa Binance at ilipat ito sa iyong wallet


Hakbang 5: Pumili ng parcel ng LAND
Madali mong matitingnan ang mga available na lupa kung saan ka makakapag-bid o na mabibili mo sa The Sandbox gamit ang mga filter sa ibaba. Nabili na ang karamihan ng mga lupa sa The Sandbox, ibig sabihin, kadalasang sa OpenSea ka lang makakakita ng available na lupa. Gayunpaman, makakapag-bid ka pa rin sa mga bentahang ito sa pamamagitan ng mapa ng The Sandbox. Ang mapa rin ng SandBox ang pinakamagandang paraan para i-verify na bumili ka ng lehitimong NFT na plot, dahil naka-embed ang mga link ng OpenSea sa UI.

Pagkatapos makahanap ng lupang gusto mong bilhin, puwede mong i-click ang button na [Mag-bid] para mag-offer o puwede mo itong bilhin sa nakatakdang presyo sa pamamagitan ng pag-click sa halaga sa ETH. Tingnan natin kung paano mag-offer sa pamamagitan ng pag-click sa [Mag-bid].

May makikita ka ngayong pop-up na magbibigay-daan sa iyong mag-offer. Ilagay ang halaga ng bid at i-click ang [Maglagay ng Bid] bago kumpirmahin ang transaksyon sa iyong wallet. Kung tinanggihan ng nagbebenta ang iyong bid o natapos ang bentahan, isasauli ang crypto sa wallet mo.

Kung magki-click ka sa nakatakdang presyo, dadalhin ka sa OpenSea para kumpletuhin ang transaksyon. Kakailanganin mong ikonekta ang iyong wallet sa marketplace bago mo mabili ang lupa. Puwede mo ring gamitin ang OpenSea para mag-offer kung ayaw mong gawin iyon sa pamamagitan ng The Sandbox.
Paano magbenta ng lupa sa metaverse
Karaniwang may dalawang ospyon kapag ibebenta mo ang iyong NFT na Lupa. Puwede mo itong ibenta sa marketplace ng proyekto sa metaverse o sa sekondaryang marketplace. Sa The Sandbox, mga third-party na marketplace lang ang magagamit sa mga bentahan sa kasalukuyan. Sa hinaharap, ang mga may-ari ng lupa ay makakapagbenta nang direkta sa pamamagitan ng The Sandbox nang may 5% bayad sa transaksyon sa SAND.
Paano magparenta ng lupa sa metaverse
Ang ilang proyekto, gaya ng The Sandbox, ay mag-aalok ng pagkakataon sa mga may-ari ng lupa na iparenta ang lupa nila sa mga third party. Gayunpaman, walang opisyal na system na nakatakda para sa paggawa nito. Kung magpapasya kang iparenta ang lupa sa isang tao, kakailanganin ninyong magkaroon ng pribadong kasunduan, kaya medyo delikado ang proseso. Kapag nagpaparenta ka, hinding-hindi mo dapat ilipat ang pagmamay-ari ng iyong NFT sa nagpaparenta. Mas ligtas na maghintay na mailunsad ang isang opisyal at secure na system ng pagpaparenta.
Mga tip bago bumili ng NFT na virtual na lupa
Lagi ka dapat sumunod sa pinakamahuhusay na kagawian kapag namumuhunan ka sa NFT na lupa, tulad na lang ng gagawin mo sa anupamang pamumuhunan. Siguraduhing gamitin ang opisyal na link ng proyekto para bumili ng iyong NFT na lupa o pumili ng mapagkakatiwalaang third-party na marketplace. Bago ka bumili, magsaliksik nang mabuti tungkol sa platform kung saan ka mamumuhunan at tingnan ang mga pangunahing kaalaman tungkol dito. At huwag kalimutan, hindi lang pagbili ang opsyon, puwede kang makapagrenta ng lupa sa hinaharap kung kailangan mo ito para sa partikular na layunin.
Mga pangwakas na pananaw
Naging napakasikat ng ecosystem ng digital na real estate sa mundo ng cryptocurrency. Gaya ng nakikita mo, madali lang bumili at magbenta ng lupa. Gayunpaman, kung minsan, nagiging mas mahal ito kaysa sa aktwal na pamumuhunan sa pisikal na real estate dahil sa mga kasalukuyang presyo. Kung bibili ka nga ng NFT na lupa sa metaverse, siguraduhing pag-iisipan mo ang mga panganib at susunod ka sa mga ligtas na kasanayan sa crypto.