Ano ang Bitcoin Cash (BCH)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Bitcoin Cash (BCH)?

Ano ang Bitcoin Cash (BCH)?

Baguhan
Na-publish Jun 16, 2021Na-update Feb 1, 2023
5m

Panimula

Kapag may nangyaring pulitika sa mga blockchain, puwedeng magpasimula ang mga hard fork ng mga bagong proyekto. Ang Bitcoin Cash (BCH) ay ginawa ng isang grupo ng mga developer, namumuhunan, negosyante, at minero na hindi nasiyahan sa mga plano sa pagpapaunlad ng Bitcoin. Ang Bitcoin Cash, na ginawa noong Agosto 2017, ay isang peer-to-peer na electronic cash system na nakatuon sa pagpapataas ng scalability at sa mababang bayarin sa transaksyon. Tinutukoy rin ang proyekto bilang Bitcoin ABC (Adjustable Blocksize Cap).


Scability ng blockchain

Noong 2017, nakaranas ang Bitcoin ng matatagal na pagdating ng kumpirmasyon ng transaksyon at lumalaking bayarin sa transaksyon, taliwas sa una nitong ideya ng pagiging halos agaran ng mga pagbabayad sa napakababang bayarin. Bago ginawa ang Bitcoin Cash, may matinding debate sa komunidad ng Bitcoin tungkol sa mga implikasyon ng pagpapalaki ng limitasyon sa laki ng block.

Dahil desentralisado ang Bitcoin, kinakailangang magkaroon ng malawakang kasunduan sa mga iminumungkahing pagbabago. Kaya, kailangang magkasundo ang lahat ng node ng network kapag gumagawa ng mga pagbabago at update sa software ng Bitcoin.

Ipinakilala ang Bitcoin Cash bilang mas scalable na cryptocurrency, na may pinababang bayarin sa transaksyon at pinabilis na kumpirmasyon. Ikinakatwiran ng komunidad ng BCH na mas tumutugma ang proyekto sa panukala ni Satoshi Nakamoto tungkol sa isang peer-to-peer na electronic currency. Ang pangunahin nilang dahilan ay ang mas mabilis at mas murang sistema sa pagbabayad ng altcoin na posibleng mas angkop kaysa sa Bitcoin para sa pang-araw-araw na paggamit.
Hindi nagtagal matapos ang Bitcoin Cash fork, sumailalim ang orihinal na blockchain ng Bitcoin sa pinakahihintay na soft fork na upgrade para ipatupad ang isang teknolohiyang kilala bilang SegWit (Segregated Witness). Ginawa ang upgrade na iyon noong 2015 ng Bitcoin developer na si Pieter Wuille. Ipinatupad ito sa network ng Bitcoin para matugunan ang congestion sa network at iba pang problema sa scalability.

Pinlano ang SegWit soft fork bago ang BCH hard fork, pero naniniwala ang mga tagapagtaguyod ng Bitcoin Cash na ang SegWit ay isang mas mahinang alternatibo sa pagpapalaki ng limitasyon sa laki ng block. Ang pag-fork ng Bitcoin Cash mula sa Bitcoin ay sinuportahan ng ilang kilalang miyembro sa industriya ng blockchain, kasama sina Jihan Wu (co-founder ng Bitmain) at Roger Ver (CEO ng Bitcoin.com).


Paano gumagana ang BCH?

Direktang na-fork ang Bitcoin Cash mula sa orihinal na source code ng Bitcoin, kaya maraming pagkakatulad ang mga ito. Nagpapagana ang parehong network ng Proof of Work na mekanismo ng consensus at puwedeng sumali at mag-ambag dito ang kahit na sino. Gayundin, ang anumang address na may BTC bago ang pag-fork ay nakatanggap ng parehong halaga ng BCH pagkatapos ng fork (parehong string ng address, pero sa magkaibang network).
Katulad ng Bitcoin, may target din ang BCH na oras ng block na 10 minuto at max na supply na 21 milyong coin. Nahahati ang rate ng emission ng BCH kada 210,000 block (halos kada apat na taon). Ang kasalukuyang reward ng block ay 6.25 BCH bawat block.

Hindi tulad ng Bitcoin, mas malaki ang limitasyon sa laki ng block ng Bitcoin Cash, na nagbibigay-daan para mas marami pang transaksyon ang maisama sa bawat block. Unang itinaas ang limitasyon sa laki ng block sa 8MB mula sa 1MB, at pagkatapos ay itinaas ulit sa 32 MB noong 2018.

Pero noong isinagawa ito, ilang beses lang na lumampas sa 1 MB ang average na laki ng block ng BCH mula noong 2017. Makakakita tayo ng paghahambing sa average na laki ng block ng BTC at BCH sa BitInfoCharts.com.


Isinasaayos ng Bitcoin at Bitcoin Cash ang hirap sa pagmimina nito sa pamamagitan ng tinatawag na difficulty adjustment algorithm (DAA). Gayunpaman, isinasaayos ng Bitcoin ang hirap sa bawat 2016 na block, habang isinasaayos naman ang hirap sa pagmimina ng Bitcoin Cash pagkatapos ng bawat block.

Nagpatupad din noon ang Bitcoin Cash ng emergency difficulty adjustment (EDA) algorithm para bawasan ang hirap sa pagmimina at bigyan ng insentibo ang mga minero para sumali sa network. Gayunpaman, inalis ang algorithm sa kalaunan dahil sa hindi pagiging stable. Ang pagpapatupad ng EDA ay isa sa mga dahilan kung bakit mas marami nang ilang libo ang blockchain ng BCH kaysa sa Bitcoin.

Noong 2019, nagpatupad ang Bitcoin Cash ng teknolohiyang tinatawag na Schnorr Signatures, isang alternatibong algorithm na bumabago sa paraan ng paggamit ng mga digital na pirma. Ang Schnorr Signatures scheme ay simple at ligtas at nagbibigay-daan para sa higit pang privacy at scalability kaysa sa ECDSA scheme na kasalukuyang ginagamit ng Bitcoin.


Mahahalagang feature ng BCH

  • Ang source code ng BCH ay batay sa orihinal na protocol ng Bitcoin.
  • May limitasyon ang supply na 21 milyon.
  • Bilang fork ng Bitcoin, ginagamit din ng BCH ang Proof of Work (PoW) na mekanismo ng consensus para magbigay ng mga bagong coin.
  • Pinataas ang limitasyon sa laki ng block mula 1 MB at ginawa itong 32 MB.
  • Ikinakatwiran ng komunidad na mas malapit na tumutugma ang ethos ng BCH sa mga orihinal na plano ni Satoshi.
  • Isinasaayos ang hirap ng pagmimina ng BCH pagkatapos ng bawat block sa pamamagitan ng difficulty adjustment algorithm (DAA).
  • Hindi ipinatupad ng BCH ang SegWit.
  • Ipinatupad ng BCH ang Schnorr Signatures noong 2019.
  • Binuo ang pagpapaunlad ng smart contract bilang mas huling update.


Mga araw-araw na pagbabayad

Idinedepensa ng komunidad ng Bitcoin Cash na idinisenyo ang BCH para gamitin bilang pera. Magagamit mo ito para mabilis na makapagpadala sa at makatanggap ng pera mula sa sinumang may BCH wallet, mga indibidwal man o mga negosyo. Dahil sa mabibilis na transaksyon at mababang bayarin, posibleng mas angkop ang BCH para sa pang-araw-araw na paggamit kaysa sa Bitcoin, lalo na sa maliliit na pagbabayad.

Bagama't may mga tindahan at merchant na tumatanggap ng mga pagbabayad ng Bitcoin Cash, mukhang hindi pa ito nakasanayan ng marami. Noong Hunyo 2021, nag-flag ang Mapa ng Bitcoin.com ng libo-libong tindahang tumatanggap ng BCH, pero marami sa mga iyon ang hindi bumabanggit o nagbibigay ng ganoong opsyon sa pagbabayad sa kasalukuyan, na nagpapahiwatig na hindi tumpak o luma na ang mapa.


Paano mag-store ng Bitcoin Cash (BCH)

Inirerekomenda namin ang paggamit ng Trust Wallet. May daan-daan pang crypto wallet na sumusuporta sa BCH, tulad ng mga hardware wallet na Ledger, Trezor, at Cobo Vault. Puwede ka ring mag-store ng BCH sa isang desktop wallet tulad ng Electrum Cash.

Inirerekomenda ng ilang tagapagtaguyod ng Bitcoin Cash ang paggamit ng mga Bitcoin.com o Coinomi wallet para mag-store ng BCH. Available ang parehong software wallet na ito sa Windows, Mac, Linux, Android, at iOS.

Mahalagang tandaan na gumagana ang BTC at BCH sa magkaibang network ng blockchain. Hindi ka puwedeng magpadala ng Bitcoin sa isang address ng Bitcoin Cash wallet, at vice versa.


Bitcoin SV

Noong 2018, isang bahagi ng komunidad ng Bitcoin Cash ang nag-fork sa protocol para gumawa ng isa pang cryptocurrency na tinatawag na Bitcoin Satoshi Vision (kilala rin bilang Bitcoin SV o BSCV), na may mas malaki pang limitasyon sa laki ng block na 2 GB.

Ang pinagtalunang hard fork ay sinuportahan nina Craig S. Wright at Calvin Ayre at kilala ang event bilang Hash War. Gayunpaman, hindi nakakuha ng malaking suporta ang BSV mula sa komunidad ng crypto. Ang kawalan ng suporta at paggamit ay malamang na nauugnay sa maling pag-aangkin ni Craig S. Wright na siya si Satoshi Nakamoto, ang nag-imbento ng Bitcoin.


Mga pangwakas na pananaw

Sa lahat ng libo-libong proyekto sa cryptocurrency na nag-fork mula sa Bitcoin, ang BCH ang nanatiling relatibong mahalaga. Bagama't hindi nito narating ang taas at kasikatan na katulad ng sa Bitcoin, makakahanap ka pa rin ng mga store na tumatanggap ng BCH bilang bayad, lalo na dahil mas mababa ang bayarin sa transaksyon at mas mabibilis ang kumpirmasyon nito.

Gayunpaman, ang mas malalaking block ay naghahatid ng mga alalahanin sa seguridad ng network at dahil dito, ang Bitcoin pa rin ang itinuturing na pinakaligtas na network ng blockchain. Bukod pa rito, ang Bitcoin pa rin ang pinakasikat na cryptocurrency, ibig sabihin, may mas mababang liquidity at paggamit sa merkado ang BCH kaysa sa BTC.

Share Posts
Magrehistro ng isang account
Gamitin ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng pagbubukas ng account sa Binance ngayon.