Mga Nilalaman
- Mga detalye ng Ledger Nano S
- Ano ang nasa kahon?
- Pangkalahatang-ideya ng Ledger Nano S
- Mga bentahe at kahinaan ng Ledger Nano S
- Presyo ng Ledger Nano S
- Mga pangwakas na pananaw
Mga detalye ng Ledger Nano S
Mga Dimensyon (cm) | 5.7 x 1.7 x 0.9 |
Timbang | 16.2 g |
Screen | OLED |
Input | Dalawang button |
Koneksyon | Wired (micro-USB) |
Baterya | Hindi |
Compatibility |
|
Mga sinusuportahang coin at token | ~1200+ |
GitHub |

Ano ang nasa kahon?
- Ledger Nano S
- USB cable
- 3 recovery sheet
Pangkalahatang-ideya ng Ledger Nano S
Ang Ledger Nano S ay isang compact device na kasyang-kasya sa bulsa – kamukha ng regular na USB stick ang disenyo nito. Diretsahan at madali ang unang pag-set up, na angkop kahit sa mga baguhan.
Ang pinakamadaling paraan para pamahalaan ang mga hawak na crypto sa isang Ledger device ay sa pamamagitan ng Ledger Live. Available ito para sa desktop at mobile, pero sa mga Android device lang available ang mobile app. Nangangailangan ang koneksyon ng third-party na OTG (On The Go) USB cable, na may micro-USB port sa isang dulo at may female USB port sa kabila.
Isang maliit na problema ng Ledger Nano S ay medyo mababa ang flash memory nito. Kung gusto mong makipagtransaksyon gamit ang isang cryptocurrency, kailangan mong mag-install ng partikular na app para dito. Dahil nangangailangan ng hiwalay na app ang bawat coin, ilan lang ang puwede mong i-install nang sabay-sabay. Mahalaga ring tandaan na hindi makakaapekto sa mga key at pondo mo ang pag-uninstall ng isang app. Pero hindi ka makakapagsagawa ng transaksyon gamit ang account na iyon hangga't hindi mo ini-install ulit ang app.
Gustong magsimula sa cryptocurrency? Bumili ng Bitcoin sa Binance!
Mga bentahe at kahinaan ng Ledger Nano S
Mga Bentahe
- Sumusuporta sa lahat ng pangunahing blockchain at maraming iba't ibang token.
- Madaling gamitin.
- Mabilis at madaling magdagdag ng mga coin.
- Sumusuporta sa maraming wika.
- Abot-kayang presyo.
- Ang Ledger ay isang kilala nang kumpanyang tumatakbo mula pa noong 2014.
Mga Kahinaan
- Ilang app lang ang puwede mong i-install nang sabay-sabay.
- Hindi masyadong mobile-friendly kumpara sa Ledger Nano X.
Presyo ng Ledger Nano S
Mula noong Enero 2020, ipinagbibili ang Ledger Nano S sa halagang $59.
Ipinapayong laging bumili ng mga hardware wallet mula mismo sa manufacturer. Sa pagbili ng mga segunda manong hardware wallet, may panganib na makompromiso ang mga pribadong key.
Mga pangwakas na pananaw
Isa ang Ledger Nano S sa mga naging pinakamatagumpay na hardware wallet dahil sa abot-kayang presyo at dali ng paggamit nito. Ang mas bagong bersyon nito, ang Ledger Nano X, ay mas maraming feature pero mas mataas din ang presyo. Dahil sa magandang track record sa seguridad ng Ledger, nananatiling magandang opsyon ang Nano S bilang mas murang alternatibo.
Bilang buod, posibleng maging mainam na opsyon ang Ledger Nano S para sa mga gustong i-secure ang kanilang portfolio gamit ang simpleng hardware wallet sa abot-kayang presyo.