Mga Nilalaman
- Mga detalye ng Cobo Vault
- Ano ang nasa kahon?
- Pangkalahatang-ideya ng Cobo Vault
- Mga kalakasan at kahinaan ng Cobo Vault
- Pagpepresyo ng Cobo Vault
- Mga pangwakas na pananaw
Mga detalye ng Cobo Vault
Mga Dimensyon (cm) | 11.2 x 6.4 x 1.46 |
Timbang | 188.7 g (walang case), 512.3 g (may case) |
Screen | LCD (640 x 1136 pixels) |
Input | Touchscreen, camera, at power button |
Koneksyon | N/A |
Pinapagana ng baterya? | Oo |
Compatibility | Android, iOS |
Mga sinusuportahang coin at token | 750+ |
GitHub |

Ano ang nasa kahon?
- Hardware device, SD card para sa mga update at baterya
- Pamproteksyong case
- Cobo Tablet para sa pag-store ng seed at tray ng letra
- Charging dock at USB-A to USB-C na cable
- Screwdriver
- Card ng warranty
- Mga mnemonic na tagubilin sa tablet
- Mabilisang gabay
Pangkalahatang-ideya ng Cobo Vault
Ang Cobo Vault ay isa sa mas matitibay na solusyong available sa merkado. Naka-air gap mismo ang device, ibig sabihin, hindi ito kumokonekta sa iba pang machine sa anumang punto. Hindi sinusuportahan ang 3G/4G, WiFi, Bluetooth, at NFC, at samakatuwid, hindi magagamit bilang vector ng pag-atake.
Kahit pagdating sa pag-charge, kailangang i-detach ang baterya at i-charge sa pamamagitan ng nakahiwalay na dock. At para i-update ang firmware, kailangang magpasok ang mga user ng SD card (pinaglagyan ng update) sa likod ng device.
Ang tanging input na natatanggap ng Cobo Vault mula sa labas ay sa pamamagitan ng camera nito, na ginagamit nito para mag-scan ng mga QR code mula sa isang smartphone app. Sa pamamagitan ng system na ito, puwede pa ring gastusin ng mga user ang mga pondong hawak nila sa device nang hindi gumagamit ng anumang cable. Pero kumpara sa ibang device, medyo mas kumplikado ang paggawa ng mga transaksyon sa Cobo Vault. Ang paggamit ng camera ay may ilang pagkakatulad sa SafePal wallet.
Gayunpaman, hindi maikakailang ang pinakadahilan kung bakit ito namumukod-tangi ay ang “vault” mismo. Nakatago ang display at baterya sa loob ng metal na case na pumoprotekta sa mga bahagi nito laban sa matinding pisikal na pinsala, na sumusunod sa mga military-grade na pamantayan.
Gustong magsimula sa cryptocurrency? Bumili ng Bitcoin sa Binance!
Mga kalakasan at kahinaan ng Cobo Vault
Mga Bentahe
- Dahil sa malaking screen, puwedeng gumamit ang user ng buong keyboard.
- Hindi kailanman kumokonekta ang device sa anupamang device, kaya lubhang nababawasan ang mga vector na pag-atake.
- Binubura ang laman ng device kung pisikal na pinakialaman.
- Open-source na firmware.
Mga Kahinaan
- Isa sa mga pinakamahal na device sa merkado.
- Maraming maiso-store na token, pero ang mga indibidwal na blockchain na sinusuportahan ng Cobo Vault ay hindi kasing dami ng sa ilan sa mga kakumpitensya nito.
- Medyo hindi mahusay ang proseso ng pagpapadala ng mga coin mula sa device.
Pagpepresyo ng Cobo Vault
Mula noong Pebrero 2020, ang presyo ng Cobo Vault ay $490.
Para matiyak ang integridad ng hardware device, dapat na i-order lang ito mula sa manufacturer o mga opisyal na reseller. Nag-aalok ang Cobo ng feature kung saan mao-authenticate ng mga user ang kanilang device kapag natanggap ito, para matiyak na hindi ito napakialaman sa panahon ng pagpapadala.
Mga pangwakas na pananaw
Sa presyong halos $500, hindi mura ang Cobo Vault. Pero sa ngayon, may ilang wallet kaming sinuri na mukhang nag-aalis ng mga digital at pisikal na vector ng pag-atake gaya ng ginagawa ng Cobo Vault. Bilang resulta, napapabayaan ang pagiging nagagamit at pagiging portable, pero malinaw na idinisenyo ito para sa mga user na gusto ng matibay at pangmatagalang solusyon sa storage – lalo na para sa malalaking halaga ng cryptocurrency.