Mga Nilalaman
- Mga detalye ng Trezor Model T
- Ano ang nasa kahon?
- Pangkalahatang-ideya ng Trezor Model T
- Mga bentahe at kahinaan ng Trezor Model T
- Presyo ng Trezor Model T
- Mga pangwakas na pananaw
Mga detalye ng Trezor Model T
Mga Dimensyon (cm) | 6.4 x 3.9 x 1.0 |
Timbang | 22 g |
Screen | RGB LCD (240 x 240 pixels) |
Input | Touchscreen |
Koneksyon | Wired (USB-C) |
Pinapagana ng baterya? | Hindi |
Compatibility | Android, Linux, Windows 8+, macOS 10.11+ |
Mga sinusuportahang coin at token | 1000+ |
GitHub |

Ano ang nasa kahon?
- Trezor Model T device
- Magnetic dock kung saan ididikit ang Trezor
- Manual para sa pagsisimula
- Recovery sheet
- USB-A to USB-C cable
- Mga Sticker
Pangkalahatang-ideya ng Trezor Model T
Sa mga user ng Trezor One, parehong magiging pamilyar at iba ang Model T. Kapansin-pansing mas malaki ang Model T kaysa sa nakaraang modelo, pero maliit pa rin ito at kasyang-kaysa sa palad mo.
Ang pinakamalaking pagkakaiba ay ang bagong screen, na may makulay na touch display na pumalit sa monochrome screen at dalawang button ng nauna sa Model T. Naglagay rin ng suporta para sa mga SD card, bagama't wala pa itong gamit.
Para sa mga gumagamit ng two-factor authentication, magagamit din ang device bilang dagdag na layer ng seguridad para sa mga pag-log in gamit ang pamantayan ng U2F. Dagdag pa rito, gumagana rin ito bilang password manager.
Gustong magsimula sa cryptocurrency? Bumili ng Bitcoin sa Binance!
Mga bentahe at kahinaan ng Trezor Model T
Mga Bentahe
- Magagamit ito sa maraming iba't ibang platform at application
- Sumusuporta sa maraming indibidwal na blockchain at maraming iba't ibang token
- Open-source na firmware
- Maliit na form factor
Mga Kahinaan
- Dahil sa presyo, isa ito sa mga mas mahal na device sa merkado
- Posibleng mahirap mag-type sa screen
- Walang gamit ang SD card slot noong isinulat ito
Presyo ng Trezor Model T
Mula noong isinulat ito noong Pebrero 2020, $169.99 ang presyo ng Trezor Model T.
Para makasiguro sa integridad ng isang hardware device, dapat lang itong i-order mula sa manufacturer o mga opisyal na reseller. Siguraduhing hindi napakialamanan ang packaging bago ito gamitin.
Mga pangwakas na pananaw
Sinusundan ng Trezor Model T ang yabag ng nauna rito. Noong 2018, nagdagdag ang SatoshiLabs sa imbentaryo nito ng hardware wallet na nagpapahusay sa marami sa mga feature ng Trezor One. Sa color touchscreen, SD card slot, at suporta sa libo-libong coin, ibinibigay ng Model T ang marami sa mga feature na aasahan ng isang tao sa isang modernong crypto hardware wallet.
Para sa mga ayos lang na gumastos nang dagdag, nagbibigay ang Trezor Model T ng mas tuloy-tuloy na karanasan ng user kaysa sa mga minimalist na alternatibo.