Ethereum sa Proof-of-Stake: Ang Kailangang Malaman ng Mga Nagho-hodl ng Ethereum
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang paglipat ng Ethereum sa Proof of Stake?
Bakit Proof of Stake?
Ang daan tungkol sa PoS Ethereum 
Ano ang mangyayari sa ETH ko?
Mga inaasahan mula sa mga user at sa komunidad
Mga pangwakas na pananaw
Ethereum sa Proof-of-Stake: Ang Kailangang Malaman ng Mga Nagho-hodl ng Ethereum
Home
Mga Artikulo
Ethereum sa Proof-of-Stake: Ang Kailangang Malaman ng Mga Nagho-hodl ng Ethereum

Ethereum sa Proof-of-Stake: Ang Kailangang Malaman ng Mga Nagho-hodl ng Ethereum

Intermediya
Na-publish Sep 7, 2022Na-update Dec 23, 2022
6m

TL;DR

Ang Merge ng Ethereum ay bahagi ng paglipat ng Ethereum mula sa blockchain na Proof of Work papunta sa Proof of Stake. Sa pangkalahatan, nag-aalok ang Proof of Stake ng maraming benepisyo sa scalability at sustainability. 

Habang lumilipat ang Ethereum sa bagong shina-shard na istruktura nito, ililipat ang katayuan ng orihinal na mainnet. Ibig sabihin, walang kailangang gawin ang mga may hawak ng ETH sa kanilang mga coin at dapat silang mag-ingat sa mga scammer na nagsasabi sa kanila na kailangan nilang “ilipat” ang kanilang mga token. 

Panimula

Sa pinakahihintay na paglipat ng Ethereum sa Proof of Stake na mekanismo ng consensus, nagkaroon ng mahalagang tanong ang maraming nagho-HODL: Ano ang kailangan kong gawin sa ETH ko? Magandang tanong ito, dahil posibleng malagay sa panganib ang kaligtasan ng iyong mga pondo kung hindi mo nauunawaan nang mabuti ang sitwasyon. Una, tingnan natin ang mga dahilan ng paglipat ng Ethereum sa Proof of Stake (PoS).

Ano ang paglipat ng Ethereum sa Proof of Stake?

Mula noong ginawa ang Ethereum (ETH), ginamit nito ang parehong system na ginagamit ng Bitcoin (BTC) para magkaroon ng consensus sa mga bagong block ng mga transaksyon: ang Proof of Work (PoW). Sa mekanismo ng consensus na ito, nagkasundo ang mga minero nang walang sentral na awtoridad, kahit na nariyan ang masasamang loob na kumikilos para mapasama sila. 

Ang Proof of Work, na ipinatupad ni Satoshi Nakamoto sa network ng Bitcoin, ay gumawa ng epektibo at maaasahang paraan para magkaroon ng consensus sa mga desentralisadong network. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin matagumpay na naaatake ang network ng Bitcoin.

Gayunpaman, inayawan na ng ilang developer at user ang PoW. Kadalasan, itinuturing itong:

  1. Maaksaya sa enerhiya. Inaalisan ng insentibo ng PoW ang masasamang loob na gumagawa ng malawakang mga pag-atake dahil pinapamahal nito pagdating sa enerhiya ang paggawa noon. Bagama't isa itong paraan para gawing secure ang network, itinuturing na ngayong mas sustainable na insentibo ang pag-stake.

  2. Hindi mahusay para sa mga smart contract. Sa paggamit ng mga smart contract, posibleng mangailangan ng maraming interaction sa network. Kailangang idagdag ang mga ito sa isang block at kumpirmahin sa network. Madalas na nakakaranas ng mas mahahabang oras ng block at mas matataas na bayarin sa transaksyon ang PoW, kaya kadalasan, mas mabagal at mas mahal ang paggamit ng mga smart contract.

  3. Mahirap magmina nang mag-isa. Posibleng maging mahirap maging minero sa isang sikat na PoW system para sa isang indibidwal dahil kadalasang namamayani ang ilang malalaking pool ng pagmimina sa landscape ng pagmimina. Puwede itong humantong sa sentralisasyon ng mining power, kaya naman mahihirapang makipagkumpitensya ang mga indibidwal na minero o mas maliliit na pool.

  4. Mahirap i-scale. Habang mas sumisikat ang network, dumadami ang mga nakabinbing transaksyon. Ang mga PoW network ay magkakaroon ng limitadong laki ng block kung saan ilang transaksyon lang ang makakasama. Sa mga panahong mataas ang trapiko, posibleng maghintay ang mga user nang ilang oras at kahit nga ilang araw pa para maidagdag sa isang block and maproseso ang transaksyon nila.

Sa Ethereum 2.0, lilipat ang network sa PoS at hindi na kailangang magmina ng mga coin. Ang layunin ay dagdagan ang scalability ng Ethereum, at pati na rin gumawa ng mga karagdagang benepisyo para sa mga user.

Bakit Proof of Stake?

Napatunayan na ang Proof of Stake ang pinakasikat na opsyon para sa mga bagong network ng blockchain. Mayroon itong ilang kapansin-pansing bentahe at nangunguna ito sa accessibility at scalability. Ang mga kahinaan nito, bagama't may ilan, ay minimal para sa karamihan kumpara sa mga nakukuhang benepisyo.

Mga Benepisyo

Mga Kahinaan

Puwedeng sumali ang isang average na user ng PoS network sa proseso ng pag-validate gamit lang ang native token ng network.

Puwede pa ring maging sentralisado ang kapangyarihan sa malalaking may hawak ng token. 

Hindi masyadong matakaw sa enerhiya. 

Nakakapinsala sa kumikitang industriya ng pagmimina.

Mas mabibilis na transaksyon at pagsasapinal.

Sa ilang kritiko, hindi masyadong secure ang PoS kaysa sa paggamit ng mga cryptographic puzzle para magkaroon ng consensus.

Ang daan tungkol sa PoS Ethereum 

Hindi magagawa nang isang bagsakan ang paglipat sa PoS. Sa loob ng ilang taon, matagumpay na nakapagsimulang lumipat ang Ethereum sa bago nitong shina-shard na istruktura. Puwedeng hati-hatiin ang proseso sa isang serye ng mga phase. Tandaan na ang istruktura ng Phase ay hindi na opisyal na ginagamit ng Ethereum, pero madalas itong tinutukoy sa ganitong paraan ng ibang media outlet.

Ang paglulunsad ng Beacon Chain (Phase 0)

Sa Phase 0, ilulunsad ang Beacon Chain ng Ethereum, na isang PoS blockchain na mamamahala sa lahat ng shard ng Ethereum. Sa mas partikular, aayusin nito ang mga taga-validate at ang proseso ng pag-stake, gagawa ito ng mga komite ng mga validator, papamahalaan nito ang pagbuo ng consensus, at magsasagawa ito ng iba pang mahahalagang pagpapatakbo.

Introduksyon ng pag-shard (Phase 1)

Sa Phase 1, hahatiin ang iisang blockchain ng Ethereum sa 64 na shina-shard na blockchain. Pagkatapos, ang mga blockchain na ito ay papamahalaan ng Beacon Chain na inilunsad noong Phase 0. Gayunpaman, sa paglipas ng panahon, ang Merge ang pinagtuunan ng Ethereum, na mangyayari na ngayon bago ipatupad ang pag-shard.

Ang Merge (Phase 1.5)

Sa Phase 1.5, na kilala rin bilang Merge, pagdurugtungin ang katayuan ng mainnet ng Ethereum sa bagong Proof of Stake system. Ang mga smart contract mula sa lumang mainnet ng Ethereum ay magiging available sa bagong network ng Ethereum, at ang Beacon Chain ang magiging opisyal na organizer ng produksyon ng block.

Phase 2

Sa Phase 2, makakagawa ang mga shard ng mga bagong transaksyon at smart contract, ibig sabihin, ganap nang gumagana ang mga ito. Phase 2 ang huling phase na may natukoy nang plano, dahil gagamitin ang Phase 3 para ayusin ang anumang isyung mangyayari mula sa paglulunsad ng Ethereum 2.0

Ano ang mangyayari sa ETH ko?

Sa madaling salita, magiging ligtas ang mga pondo mo, at wala kang kailangang gawin. Ililipat ang kumpletong katayuan ng Ethereum sa Ethereum 2.0. Kung may hawak kang BETH dahil nag-lock ka ng ETH sa produkto sa pag-stake ng Ethereum 2.0 ng Binance, mare-redeem mo na ito kapalit ng ETH pagkatapos ng Merge. Binanggit ni Vitalik na ang pag-unlock ay aabutin nang humigit-kumulang anim na buwan pagkatapos ng Merge. Ang BETH ay isang wrapped token na naka-peg nang 1:1 sa ETH, na ipinapamahagi sa mga user na nag-lock ng kanilang ETH sa Binance. Nagbigay ito sa mga user ng liquid na asset na parang ETH na magagamit habang naka-lock ang kanilang mga pondo. Para sa mga user na may gusto, masa-swap nila ang kanilang BETH pabalik sa ETH.

Mga inaasahan mula sa mga user at sa komunidad

Para sa marami, inaabangan ang paglipat ng Ethereum. Dahil halos lahat ng bagong blockchain ay gumagamit na ngayon ng PoS, napakatindi ng pressure sa Ethereum na makahabol. Wala na rin ang mga dating limitasyon ng network dahil sa mga benepisyo ng bago nitong mekanismo ng consensus. Dahil mas hindi nakakasama sa kapaligiran ang PoS, maaalis din ng Ethereum ang stigma na nauugnay sa dating paggamit nito ng enerhiya. Sa pangkalahatan, posibileng mapaganda nito ang imahe ng mundo ng blockchain.

Mga pangwakas na pananaw

Ang pangunahing mensaheng dapat tandaan ng mga nagho-HODL mula sa Merge ay wala kang kailangang gawin sa mga hawak mong ETH. Kaya naman, mag-ingat sa kahit sinong magsasabi sa iyo na kailangan mong “ilipat” o “i-bridge” ang iyong ETH sa bagong network. Maliban sa mahalagang impormasyong ito, mukhang may iba't ibang benepisyo para sa mga user ang paglipat ng Ethereum sa Proof of Stake.