TL;DR
Panimula
Sa paglulunsad ng Beacon Chain noong Disyembre 2020, nasa tamang iskedyul ang hanay ng mga pag-upgrade (ETH 2.0) na may layuning pahusayin ang scalability ng Ethereum. Bilang bahagi ng phase 0 ng plano sa pag-deploy, puwede nang i-stake ang ETH sa bagong chain na ito. Sa BETH, binibigyang-daan kang makasali agad sa pag-stake ng ETH nang hindi nawawalan ng flexibility na i-withdraw ang iyong ETH anumang oras.
Ano ang BETH?
Dahil sa pagiging kumplikado ng mga pag-upgrade, iro-roll out ito sa iba't ibang phase. Ang unang hakbang ay ang paglulunsad sa tinatawag na Beacon Chain, na magiging sentro ng Eth2 kapag ganap nang naipatupad ang sharding. Gumagana na ang Beacon Chain, at noong Marso 2021, mayroon na itong lampas 3.5 milyong ETH na nagse-secure dito.
One-way lang ang paglapat ng kontrata ng deposito para sa Beacon Chain. Ibig sabihin, puwedeng magdeposito ang mga user, pero hindi sila makakapag-withdraw hangga't hindi pa ganap na nailulunsad ang ETH 2.0 – na puwedeng abutin nang taon. Bukod pa rito, makakapagdeposito lang sila sa mga increment ng 32 ETH.
Nakakatanggap na ng mga reward sa pag-stake ang lahat ng ETH na iyon na nasa Beacon Chain. Ano ang gagawin mo kung wala kang 32 ETH, o gusto mong panatilihin ang flexibility na mag-withdraw? Puwede kang sumali sa isa sa napakaraming pool ng pag-stake ng ETH 2.0. Ang isa sa mga ito ay iniaalok ng Binance.
Puwede mong i-convert ang iyong ETH sa BETH sa 1:1 na ratio at puwede ka nang magsimulang tumanggap ng mga reward sa pag-stake sa BETH. Magaling, pero paano kung gusto mo pa ring gamitin ang iyong ETH sa iba? May spot market din ang Binance para sa BETH/ETH, kung saan puwede mong i-convert ang iyong BETH pabalik sa ETH.
Paano gamitin ang BETH
BETH sa Launchpool ng Binance at Liquid Swap
BETH sa Liquid Swap ng Binance

BETH sa mga protocol ng paghiram-pagpapahiram
BETH sa PancakeSwap
Sa madaling salita, hindi ganoong kalantad ang pool na ito sa pansamantalang pagkalugi dahil ang relatibong volatility sa pagitan ng BETH at ETH ay hindi hamak na mas mababa kumpara sa iba gaya ng ETH at BUSD. Ibig sabihin, ang presyo ng ETH at BETH ay mananatili sa isang limitadong hanay ng presyo sa pangkalahatan, kaya naman banayad lang ang mga epekto ng pansamantalang pagkalugi.
BETH sa mga aggregator ng yield
Mas mataas ba ang halaga ng BETH kaysa sa ETH?
Dahil dito, iba ang mga implikasyon ng BETH kumpara sa ETH. Dahil nagte-trade ito sa ibang presyo, nangangahulugan ito na pinepresyuhan ng merkado ang mga kalidad na iyon sa paraang iba sa pagpepresyo sa ETH. Kasalukuyang hindi mare-redeem ang BETH para sa ETH, ibig sabihin, hindi ito ganoong ka-flexible kumpara sa ETH. Bukod pa rito, binibigyan din nito ang may hawak ng pagkakataong makakuha ng mga reward sa pag-stake.
Mga pangwakas na pananaw
Ang BETH ay isang tokenized na bersyon ng naka-stake na ETH sa Binance. Puwede kang kumita ng mga reward sa pag-stake ng ETH 2.0 nang walang inaalalang mga teknikal na pangangailangan sa pag-set up at pagpapanatili ng staking node ng ETH 2.0. Bukod pa rito, may iba't ibang paraan para kumita ng dagdag na yield gamit ang mga DeFi app sa Binance Smart Chain.