Home
Mga Artikulo
Kasaysayan ng Blockchain

Kasaysayan ng Blockchain

Baguhan
Na-publish Dec 6, 2018Na-update Jan 31, 2023
3m

Ang pinagbabatayang teknolohiya sa likod ng mga cryptocurrency ay ang blockchain. Nagbibigay-daan ito sa bawat client sa network na magkaroon ng consensus nang hindi kinakailangang magtiwala sa isa't isa.


Ang umpisa

Ang ideya sa likod ng teknolohiya ng blockchain ay inilarawan noong 1991 pa lang nang nagpakilala ang mga research scientist na sina Stuart Haber at W. Scott Stornetta ng solusyong praktikal sa komputasyon para sa paglalagay ng time stamp sa mga digital na dokumento para hindi ma-backdate o mapakialamanan ang mga ito. 

Gumamit ang system ng chain ng mga block na sine-secure gamit ang cryptography para i-store ang mga dokumentong may time stamp at noong 1992, isinama ang mga Merkle tree sa disenyo, kaya naman naging mas mahusay ito sa pamamagitan ng pagbibigay-daan na makolekta ang ilang dokumento sa iisang block. Gayunpaman, hindi nagamit ang teknolohiyang ito at napaso ang patent noong 2004, apat na taon bago nabuo ang Bitcoin.


Reusable Proof Of Work

Noong 2004, ipinakilala ng computer scientist at cryptographic activist na si Hal Finney (Harold Thomas Finney II) ang isang system na tinatawag na RPoW, ang Reusable Proof Of Work. Gumana ang system sa pamamagitan ng pagtanggap ng hindi maipapapalit o non-fungible na Hashcash-based na proof of work token at kapalit nito, gumawa ito ng token na pirmado ng RSA na puwede namang ilipat sa pagitan ng iba't ibang tao. 

Nilutas ng RPoW ang problema ng dobleng paggastos sa pamamagitan ng pagpapanatiling nakarehistro ng pagmamay-ari ng mga token sa isang pinagkakatiwalaang server na idinisenyo para payagan ang mga user kahit saan sa mundo na i-verify ang pagiging tama at ang integridad nito nang real time. 

Ang RPoW ay puwedeng ituring na maagang prototype at mahalagang maagang hakbang sa kasaysayan ng mga cryptocurrency.


Network ng Bitcoin

Noong huling bahagi ng 2008, isang white paper na nagpapakilala ng desentralisadong peer-to-peer na electronic cash system - na tinatawag na Bitcoin - ang na-post sa isang cryptography mailing list ng isang tao o grupo na gumagamit ng pseudonym na Satoshi Nakamoto.

Batay sa Hashcash proof of work algorithm, pero sa halip na gumamit ng function ng pag-compute na pinagkakatiwalaan ng hardware gaya ng RPoW, ang proteksyon sa dobleng paggastos sa Bitcoin ay ibinigay ng isang desentralisadong peer-to-peer na protocol para sa pagsubaybay at pag-verify sa mga transaksyon. Sa madaling salita, “minimina” ang mga Bitcoin para sa reward gamit ang mekanismong proof-of-work ng mga indibidwal na minero at pagkatapos ay vine-verify ito ng mga desentralisadong node sa network.

Noong ika-3 ng Enero, 2009, nagkaroon na ng Bitcoin noong namina ang unang block ng Bitcoin ni Satoshi Nakamoto, na nakatanggap ng reward na 50 Bitcoin. Ang unang nakatanggap ng Bitcoin ay si Hal Finney, nakatanggap siya ng 10 Bitcoin mula kay Satoshi Nakamoto sa unang transaksyon sa Bitcoin sa mundo noong Enero 12, 2009.


Ethereum

Noong 2013, isinaad ni Vitalik Buterin, isang programmer at co-founder ng Bitcoin Magazine, na kailangan ng Bitcoin ng scripting language para sa pagbuo ng mga decentralised application. Dahil walang sumang-ayon sa kanya sa komunidad, sinimulan niya ang pag-develop ng bagong blockchain-based na ipinamahaging platform ng pag-compute na tinatawag na Ethereum na nagtampok ng functionality ng pag-script, na tinatawag na mga smart contract.

Ang mga smart contract ay mga program o script na dine-deploy at ipinapatupad sa Ethereum blockchain. Magagamit ang mga ito para magsagawa ng transaksyon kung matutugunan ang mga partikular na kondisyon. Nakasulat ang mga smart contract sa mga partikular na programming language at pinagsasama-sama ang mga ito sa bytecode, na noon ay kayang basahin at ipatupad ng isang desentralisadong Turing-complete na virtual machine, na tinatawag na Ethereum virtual machine (EVM).

Ang mga developer ay nakakagawa at nakakapag-publish din ng mga application na gumagana sa loob ng Ethereum blockchain. Karaniwang tinutukoy ang mga application na ito bilang mga DApp (decentralized application) at mayroon nang daan-daang DApp na tumatakbo sa Ethereum blockchain, kasama na ang mga social media platform, application ng pagsusugal, at pinansyal na palitan.

Ang cryptocurrency ng Ethereum ay tinatawag na Ether, puwede itong ilipat sa pagitan ng mga account at ginagamit ito para bayaran ang bayarin para sa computational power na ginagamit kapag nagpapatupad ng mga smart contract.

Sa kasalukuyan, maraming nakakapansin sa mainstream sa teknolohiya ng blockchain at ginagamit na ito sa iba't ibang application, na hindi limitado sa mga cryptocurrency. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa blockchain at iba pang interesanteng paksa, huwag kalimutang panoorin ang iba pa naming mga video sa Binance Academy.

Share Posts
Magrehistro ng isang account
Gamitin ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng pagbubukas ng account sa Binance ngayon.