Ano ang Wrapped Ether (WETH) at Paano Ito I-wrap?
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang wrapped Ether (WETH)?
Bakit natin kailangang mag-wrap ng ETH?
Paano mag-wrap ng Ether (ETH)?
Paano mag-unwrap ng Ether (WETH)?
Puwede ka bang mag-wrap ng ETH sa iba pang blockchain?
Paano nananatiling kapresyo ng ETH ang wrapped ETH?
Saang mga DeFi app ko magagamit ang WETH?
Konklusyon
Ano ang Wrapped Ether (WETH) at Paano Ito I-wrap?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Wrapped Ether (WETH) at Paano Ito I-wrap?

Ano ang Wrapped Ether (WETH) at Paano Ito I-wrap?

Intermediya
Na-publish Feb 18, 2022Na-update Nov 11, 2022
7m

TL;DR

Ang wrapped Ether (WETH) ay isang token na naka-peg sa Ether (ETH). Ginagamit ang WETH sa ilang platform at DApp na sumusuporta sa mga ERC-20 token. Bagama't ginagamit ang ETH para magbayad ng bayarin sa transaksyon sa network, hindi ito kapareho ng functionality ng mga ERC-20 token. 

Madali kang makakapag-convert ng ETH sa WETH sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na pag-wrap. Puwede ka ring mag-convert ng WETH pabalik sa ETH anumang oras. Parehong sumusunod sa 1:1 na ratio ang pag-wrap at pag-unwrap, ibig sabihin, walang dagdag na gastusin maliban sa bayarin sa transaksyon. 

Puwede mong i-wrap ang iyong ETH nang manu-mano sa pamamagitan ng pakikipag-interact sa smart contract ng WETH, na magso-store ng ETH mo at magbabalik sa iyo ng kaparehong-kaparehong halaga ng WETH.

Malaki ang ecosystem ng DeFi ng Ethereum, at ang paggamit ng WETH ay nagbibigay ng mas maraming pagkakataon para sa pag-stake at pamumuhunan. Maraming bersyon ng WETH, pero mas sikat ang ilan kaysa sa iba pa. Makakakita ka pa nga ng naka-wrap na ETH sa iba pang blockchain na magagamit sa mga ecosystem ng mga ito. Kasama sa mga sikat na gamit ng WETH ang pag-trade ng mga NFT, pagbibigay ng liquidity sa mga liquidity pool, at pagpapahiram ng crypto.


Panimula

Kung gumagamit ka ng Ethereum, malamang na gumagamit ng ERC-20 token standard ang karamihan ng mga token na tine-trade at pinupuhunanan mo. Ang paggamit sa teknikal na pamantayang ito ay naging sikat na opsyon para sa mga Desentralisadong Application, wallet, at proyekto dahil praktikal ito para sa karamihan ng mga user. Gayunpaman, lumikha ng problema ang katotohanang ito para sa native coin ng Ethereum, ang Ether. 

Hindi sumusunod ang Ether sa mga panuntunang sinusunod ng mga ERC-20 token, pero may demand na gamitin din ito sa mga ERC-20 DApp. Wrapped Ether ang solusyon sa problemang ito, at baka nakita mo na ito. Tingnan natin kung bakit ito naging kapaki-pakinabang na tool para sa mga namumuhunan at may-hawak sa napakaraming proyekto at DApp.


Ano ang wrapped Ether (WETH)?

Ang WETH ay isang ERC-20 token sa Ethereum na naka-peg sa presyo ng Ether (ETH). Bagama't puwedeng gamitin ang native token ng Ethereum, ang ETH, para magbayad ng bayarin sa gas, hindi naman puwede ang WETH. Gayunpaman, mas maraming pinaggagamitan ang WETH kaysa sa ETH at napakasikat nito sa ecosystem ng Decentralized Finance (DeFi). Susuportahan ang WETH ng MetaMask, TrustWallet, at halos kahit anong wallet sa network ng Ethereum. Tuklasin natin ang ilan sa mga pinaggagamitan nito.


Bakit natin kailangang mag-wrap ng ETH?

Sa umpisa, posibleng nakakalito kung bakit may token tayo na tulad ng WETH. Hindi ba't mayroon naman na tayong ETH sa blockchain ng Ethereum? Ang unang bagay na dapat maunawaan ay, sa teknikal na usapan, hindi magkakapareho ang bawat token sa Ethereum. Nagbibigay-daan ang network sa mga developer na gumawa ng mga bagong panuntunan at pamantayan para sa mga cryptocurrency. 
Isang halimbawa ang format na ERC-721 na nagbibigay sa atin ng mga Non-Fungible Token (NFT). Ibang-iba ang pagkilos ng mga ito kaysa sa Ether o mga ERC-20 token. Puwedeng-puwedeng mag-customize ang mga developer kapag gumagawa sila ng mga ganitong digital asset. Kaya bagama't magagamit ang ETH para magbayad ng bayarin sa gas sa Ethereum, hindi magagamit ang ETH sa bawat DApp.

Sa kasalukuyan, tumatanggap ng mga ERC-20 token ang karamihan ng mga DeFi DApp para sa mga pagkakataon sa pamumuhunan at pag-stake. Kung gusto nating magdagdag ng ETH sa isang liquidity pool o kung gusto natin itong gamitin bilang collateral, mas madali kung nasa bersyong ERC-20 ito. Ito ang pinaka-compatible sa buong blockchain at nakakatipid ito ng oras sa pag-develop ng mga bagong smart contract.


Paano mag-wrap ng Ether (ETH)?

Simple ang proseso ng pagbuo ng WETH - ipapadala mo ang iyong ETH sa isang smart contract na siyang magbibigay ng WETH bilang kapalit. Ibig sabihin nito, sinusuportahan nang lubusan ng mga reserba ng ETH ang lahat ng nagawang WETH. Naka-lock ang iyong ETH sa smart contract at puwede itong ipapalit ulit sa WETH anumang oras. Kapag isinauli ang iyong ETH, ibu-burn ng kontrata ang ibinigay na WETH.

Para makapag-wrap ng Ether, puwede kang direktang makipag-ugnayan sa smart contract ng WETH, para kunin nito ang iyong ETH at mag-credit ito ng WETH sa wallet mo sa 1:1 na ratio (kailangan mo pa ring magbayad ng bayarin sa transaksyon). Kapag nag-convert ka pabalik, kailangan mong makipag-interact ulit sa smart contract, pero halos pareho lang ang proseso. 

Gayunpaman, mas madaling mag-swap ng isa pang token kapalit ng WETH gamit ang isang palitan ng crypto. Tingnan natin kung paano mo masa-swap ang iyong ETH kapalit ng WETH gamit ang Uniswap DEX o nang direkta sa pamamagitan ng wallet mo sa Metamask.


Pag-wrap ng ETH sa Uniswap

1. Buksan ang Uniswap at ikonekta ang iyong wallet. Siguraduhing napili rin ang Ethereum bilang iyong network.


2. Piliin ang ETH sa field sa itaas at ang WETH sa ibaba. Kung iki-click mo ang [Pumili ng token], dapat mong makita ang WETH sa itaas ng listahan.


3. Ilagay ang halaga ng ETH na gusto mong i-convert sa WETH at i-click ang button na [I-swap]. 


4. Kakailanganin mo na ngayong kumpirmahin ang transaksyon sa iyong crypto wallet. Huwag kalimutan na kakailanganin mo ring magbayad ng bayarin sa gas, kaya siguraduhing may magagamit kang sobrang ETH. Tingnan ang mga detalye ng transaksyon at i-click ang [Kumpirmahin].


5. Ngayon, kailangan mo na lang hintaying makumpirma ang transaksyon sa blockchain. Nakadepende ang tagal ng paghihintay sa kasalukuyang trapiko sa network. Kung nagmamadali ka, puwede mong pabilisin ang transaksyon (ibig sabihin, magbayad ng mas matataas na bayarin) para mas mabilis itong makumpirma.


Pag-wrap ng ETH sa MetaMask

1. Buksan ang iyong wallet sa MetaMask at siguraduhin na [Ethereum Mainnet] ang network mo. Susunod, i-click ang [Mag-swap].


2. Sa field na [Mag-swap sa], hanapin ang WETH.


3. Ilagay ang halaga ng ETH na gusto mong i-swap at i-click ang [Suriin ang Pag-swap].


4. Ngayon, may makikita kang quote na nagpapakita ng rate ng pag-convert (na dapat ay 1:1). I-click ang [I-swap] para i-finalize ang iyong transaction.


Paano mag-unwrap ng Ether (WETH)?

Gaya ng nabanggit kanina, puwede kang mag-unwrap ng Ether nang manu-mano sa pamamagitan ng pakikipag-interact sa isang smart contract. Gayunpaman, mas simple at mas ligtas na mag-swap ng WETH kapalit ng ETH. Para magawa ito, sundin ang aming mga nakaraang tagubilin sa Uniswap o MetaMask, pero siguraduhin na gagawin mong ETH ang WETH. Puwede ka ring gumamit ng Binance para i-convert ang iyong WETH.

1. Pumunta sa Portal ng Convert at OTC ng Binance. Piliin ang WETH sa field na [Mula sa] at ang ETH sa field na [Papunta sa], at pagkatapos ay i-click ang [I-preview ang Pag-convert].


2. Makikita mo na ang mga detalye ng trade. Siguraduhing kukumpirmahin mo ang mga iyon bago mo tanggapin ang pag-swap. Tandaan na hindi ka pinapayagan ng Binance na mag-swap ng ETH kapalit ng WETH gamit ang paraang ito.


Puwede ka bang mag-wrap ng ETH sa iba pang blockchain?

May iba pang wrapped na bersyon ng ETH sa malalaking blockchain, na nakakadagdag sa interoperability ng ETH. Gamit ang wrapped ETH sa BNB Smart Chain (BSC), bilang halimbawa, makakapag-trade o makakagamit ka ng WETH sa ecosystem ng DeFi ng BSC. Para magawa ito, kakailanganin mong mag-withdraw ng ETH mula sa Binance o iba pang palitan papunta sa iyong wallet sa BSC. Siguraduhing sinusuportahan ng iyong palitan ang pag-convert mula ETH papuntang WETH bago ka mag-withdraw.

Puwede ka ring gumamit ng serbisyo sa pag-bridge. Ito ay mga DApp ng third party na kumukuha ng crypto at nagso-store nito sa pinagmulang blockchain, at pagkatapos ay nagmi-mint ng mga wrapped token sa 1:1 na ratio sa patutunguhang blockchain.

Kadalasang gumagana nang maayos ang pag-bridge ng mga token, pero tandaan na posibleng mapanganib ang paglilipat ng mga token sa iba't ibang blockchain. May mga sitwasyon kung saan nakompromiso ang mga smart contract ng ilang bridge. Kung gusto mong mag-bridge ng wrapped Bitcoin, wrapped Ethereum, o iba pang token, magsaliksik nang mabuti tungkol sa platform na ginagamit mo bago mo gamitin ang mga serbisyo sa pag-bridge ng mga ito.


Paano nananatiling kapresyo ng ETH ang wrapped ETH?

Ang susi sa pagpapanatili ng peg ng WETH sa ETH ay ang kakayahan nitong ma-convert nang 1:1. Kung mas mura ang WETH, bibilhin ito ng mga tao at iko-convert nila ito sa mas mahal na ETH para kumita. Sa pagkakataong ito, tataas ang demand ng WETH, at samakatuwid, tataas ang presyo nito. Kung mas mahal ang WETH, bibili ng ETH ang mga tao at iko-convert nila ito sa WETH para maibenta, kaya tataas ang supply ng WETH at bababa ang presyo nito. Tinitiyak ng mga prinsipyong ito ng supply at demand na mananatiling may pagka-stable ang peg.


Saang mga DeFi app ko magagamit ang WETH?

Ang Ethereum ay maraming DeFi DApp na puwedeng i-explore na tumatanggap ng mga ERC-20 token. Isang opsyon ang magdagdag ng WETH sa isang liquidity pool na available sa isang Decentralized Exchange (DEX) gaya ng Uniswap. Pagkatapos magbigay ng liquidity, magsisimula kang kumita ng bayarin mula sa mga user na nagsa-swap ng mga token nila gamit ang pool. Gayunpaman, laging nandiyan ang posibleng panganib ng pansamantalang pagkalugi na puwedeng humantong sa pagbaba ng bilang ng mga idineposito mong token. Mababawasan ang panganib na ito kung gagamit ka ng pool na mas maraming liquidity.
Puwede mo ring simulang ipahiram ang iyong WETH sa isang platform gaya ng Aave. Mahihiram ng iba pang user ang iyong mga token pero dapat muna silang magbigay ng collateral na sasagot sa kanilang pautang. Bilang kapalit, makakatanggap ka ng interes hanggang sa magpasya kang alisin ang iyong deposito.


Konklusyon

Nasa Ethereum ang isa sa mga pinakaluma at pinaka-developed na ecosystem ng DApp na mayroon. Dahil dito, kinakailangan ang WETH, dahil maraming may-hawak ng ETH ang gustong gumamit ng kanilang ETH sa mga proyekto ng DeFi. Kung magpapasya kang magsimulang mag-eksperimento sa WETH, inirerekomenda naming bumili ka nito gamit ang ETH o iba pang token, dahil mas simple at mas maginhawa itong gamitin kaysa sa pakikipag-interact sa mga smart contract para sa pag-wrap.