Ano ang SolScan at Paano Ito Gamitin?
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang SolScan?
Bakit ako kailangang gumamit ng SolScan?
Paano maghanap ng mga transaksyon at address sa SolScan?
Paano maghanap ng mga token sa SolScan?
Paano ako maghahanap ng mga aktibong account ng Solana?
Paano i-access ang mga dashboard ng DeFi sa SolScan
Paano i-access ang dashboard ng NFT sa SolScan
Mga pangwakas na pananaw
Ano ang SolScan at Paano Ito Gamitin?
Home
Mga Artikulo
Ano ang SolScan at Paano Ito Gamitin?

Ano ang SolScan at Paano Ito Gamitin?

Baguhan
Na-publish Feb 21, 2022Na-update Jul 29, 2022
7m

TL;DR

Ang SolScan ay isang alternatibong Solana blockchain explorer. Binibigyan ka nito ng access sa blockchain data tungkol sa mga transaksyon, contract, account, at marami pa. Kung regular kang gumagamit ng Solana o kung gagawa ka ng anumang pag-troubleshoot, talagang kapaki-pakinabang ang pag-unawa sa kung paano gumamit ng blockchain explorer.

Ang SolScan ay mayroon ding mga DeFi at NFT dashboard at isang analytics platform sa pagba-browse. Puwede mo ring gamitin ang kanilang API para gumawa ng mga naka-customize na feed para sa sarili mo. Makikita ang lahat ng ito sa header ng website.


Panimula

Ang Solana ay isang Proof of Stake (PoS) blockchain kung saan puwedeng bumuo ng mga DApp, token, at smart contract ang mga developer ng proyekto. Gaya ng anumang iba pang aktibong chain, nangangailangan ang mga user ng isang mahusay na paraan para i-access ang blockchain data. Tulad ng BscScan at EtherScan, may nakalaan ding block explorer ang Solana na tinatawag na SolScan. Tingnan natin ang pinakamahahalaga nitong feature at ilang basic na tutorial.



Ano ang SolScan?

Ang SolScan ay isang blockchain explorer na ginagamit para maghanap ng impormasyon sa Solana blockchain. Isa itong sikat na alternatibo sa opisyal na Solana explorer. Sa SolScan, ginagawang mas madaling maintindihan ang mga kumplikadong data ng transaksyon. Nagbibigay ang block explorer ng access sa anumang naka-record sa chain, kabilang ang mga transaksyon sa crypto, address, smart contract, block, token, at marami pa. Libre itong gamitin at hindi kailangan ng account, pero puwede kang gumawa ng account at mag-log in para sa pinahusay na functionality.


Bakit ako kailangang gumamit ng SolScan?

Mahalaga ang paggamit ng blockchain explorer para sa sinumang nakikipagtransaksyon sa isang network. Kung hindi mo tiyak kung saan napunta ang mga na-stake mong pondo, o kung may nakabinbin kang transaksyon, puwede mong gamitin ang SolScan para malaman kung ano ang nangyari. Direktang nagmumula sa Solana blockchain ang lahat ng impormasyon, kaya matitiyak mong tumpak ito. Sa paggamit ng SolScan o anumang blockchain explorer, makakatulong ito sa iyo na maunawaan ang mechanics ng mga DApp kung saan ka nag-iinteraksyon at mga transaksyong isinasagawa mo.

Ang SolScan ay gumagamit ng format na kapareho ng sa EtherScan, kaya mas madali itong maunawaan. Mas gusto ng maraming user ang layout nito kumpara sa opisyal na explorer ng SolScan. Ganap itong libre at naglalaman ng iba't ibang kapaki-pakinabang na tool, listahan, at analytical graph. Naglalaman din ang explorer ng isang hanay ng mga pampublikong API na puwedeng gumamit ng real-time na data mula sa SolScan sa mga custom at third-party na application, at mga tool.


Paano maghanap ng mga transaksyon at address sa SolScan?

Ang isa sa mga pinakamadalas gamiting feature ng SolScan ay ang function sa paghahanap ng mga transaksyon at address. Gamit ang tamang hash, mabilis kang makaka-access ng maraming impormasyon. Kabilang dito ang bayarin sa transaksyon, mga kumpirmasyon, mga timestamp, mga nauugnay na address, at marami pa.

Mga Transaksyon

1. Ang bawat transaksyon sa Solana ay naka-record sa Solana mainnet nang may signature. Isa itong mahabang string ng mga numero at letra na parang ganito: 

5JLcGJQfZjEEuh1bSDqyw2iEfLuFRoYRJY1paoSwrZC8c8zZFW3VqvxsJgjW3bsUjTrpEUDEtvs83PxsuR6hUWqz

2. Kopyahin at i-paste ang signature sa search bar ng SolScan at pindutin ang enter.


3. Makikita mo na ang lahat ng available na impormasyon tungkol sa hinanap mong transaksyon. Hinati ito sa tatlong kategorya: [Pangkalahatang-ideya], [Pagbabago ng Balanse sa SOL], at [Pagbabago ng Balanse sa Token].


4. Nasa kategorya ng [Pangkalahatang-ideya] ang karamihan sa mga detalyeng kailangan mo. Tingnan natin ito isa-isa:

Signature

Isang alphanumeric string na natatanging itinalaga sa bawat transaksyon. Isa itong identifier na katulad ng Transaction Hash o TxID ng Ethereum.

Block

Ang numero ng block kung saan prinoseso ang iyong transaksyon. Magkakasunod ang mga numerong ito at isinasaad nito ang pagkakalagay ng iyong transaksyon sa kasaysayan ng blockchain.

Timestamp

Ang timestamp na nauugnay sa block kung saan prinoseso ang iyong transaksyon.

Resulta

Ang status ng kumpirmasyon ng transaksyon.

Signer

Ang wallet address na nagpasimula sa transaksyon.

Bayad

Ang ibinayad para sa transaksyon.

Mga Pangunahing Aksyon

Isang pangkalahatang-ideya ng mga aktibidad na nauugnay sa transaksyon.

Dating Block Hash

Ang alphanumeric hash para tukuyin ang dating block.

Mga Detalye ng Tagubilin

Isang detalyadong log ng mga aksyon sa transaksyon.

Log ng Program

Isang detalyadong log ng mga resulta ng mga tagubilin/aksyon.


5. Para sa higit pang impormasyon, nagbibigay ang mga tab na [Pagbabago ng Balanse sa SOL] at [Pagbabago ng Balanse sa Token] ng data ng mga pagbabago sa balanse ng token ng mga transaksyon para sa lahat ng nauugnay na party.

Mga Address

Puwedeng gamitin ang parehong paraan para malaman ang higit pa tungkol sa isang indibidwal na address. Pagkatapos, matitingnan mo na ang isang detalyadong kasaysayan ng mga aktibidad ng address. Mabibigyan ka nito ng pangkalahatang-ideya ng mga transaksyon at mga interaksyon sa smart contract ng isang partikular na wallet.

1. Hanapin ang Solana address na gusto mong tingnan. Mas maikli ito kaysa sa signature at ganito ang hitsura nito: 

138KHwTqKNWGLoo8fK5i8UxYtwoC5tC8o7M9rY1CDEjT

2. Kopyahin at i-paste ang address sa search bar ng SolScan at pindutin ang Enter.


3. Makikita mo na ang lahat ng available na impormasyon tungkol sa hinanap mong account. Ipapakita sa iyo ng seksyon ng [Pangkalahatang-ideya] ang mga kasalukuyang balanse ng account, habang kasaysayan ng transaksyon naman ang ipapakita ng mga tab sa ibaba.


Paano maghanap ng mga token sa SolScan?

Mabilis ma-verify ang mga token sa SolScan at makikita mo ang kumpletong detalye ng mga ito. Kailangan mo lang:

1. Kopyahin at i-paste ang token address sa search bar ng SolScan at pindutin ang enter. Sa halimbawang ito, gumamit tayo ng naka-wrap na bersyon ng Bitcoin (BTC), pero puwede ka ring gumamit ng naka-wrap na bersyon ng Ethereum (ETH) o anumang iba pang SPL-token sa Solana network.

Ganito ang hitsura ng token address: 

9n4nbM75f5Ui33ZbPYXn59EwSgE8CGsHtAeTH5YFeJ9E

2. Kung tama ang pagkakalagay mo sa address, makikita mo ang mga sumusunod na impormasyon.


Mga token

Ganap na Diluted na Market Cap

Ito ang max na kabuuang supply na na-multiply sa kasalukuyang presyo ng token. Diluted ang tawag dito dahil kasama rin dito ang mga naka-lock na token.

Max na Kabuuang Supply

Ang kabuuang dami ng token na iiral para sa isang partikular na cryptocurrency, dati mang namina ang mga ito o ilalabas pa lang sa hinaharap.

Mga May-Hawak

Ang dami ng address na may hawak sa token.

Mga Social Channel

Mga Link sa mga opisyal na social media channel ng token.

Pangalan ng token

Ang pangalan at ticker ng token sa format na: [token name (TICKER)].

Token address

Natatanging alphanumeric address na itinalaga bilang identifier para sa bawat token.

May-aring Program

Isang class type at natatanging ID na nagsasaad sa partikular na may-aring program na responsable sa pagbabasa at pagsusulat ng data sa blockchain.

Awtoridad

Ang account (kadalasan ay maraming signature) na may awtoridad na mag-validate ng mga transaksyon sa loob ng network.

Mga Decimal

Kung gaano ka-divisible ang isang token (dami ng pinapayagang decimal).

Mga Tag

Mga mapaglarawang tag na ginagamit para isaad ang katangian ng token. Puwede itong gamitin para humanap ng mga token na may parehong kategorya.

Mga Transaksyon

Isang kumpletong listahan ng lahat ng transaksyon ng token na pinagsunod-sunod ayon sa sequence.

Mga May-Hawak

Isang kumpletong listahan ng lahat ng account na may hawak sa token na pinagsunod-sunod ayon sa hinahawakang dami at porsyentong bahagi.

Pagsusuri

Mga graph sa pamamahagi at mga may-hawak ng token.

Mga Merkado

Isang listahan ng mga kilalang merkado at pares na nakakasuporta sa token.


Paano ako maghahanap ng mga aktibong account ng Solana?

1. Puwede mong malaman ang dami ng aktibong account at iba pang pangunahing sukatan sa blockchain sa pamamagitan ng pag-click sa [Analytics].


2. May iba't ibang impormasyon ang page ng analytics ng SolScan tungkol sa mga node ng network, mga transaksyon kada segundo (transactions per second o TPS), mga bagong token, mga bagong NFT, at higit pa. Sa ilalim ng header na [Mga Account], makikita mo ang dami ng pang-araw-araw na aktibong wallet.


3. Tandaan na puwede kang pumili ng iba't ibang yugto ng panahon sa kanang sulok sa itaas.


Paano i-access ang mga dashboard ng DeFi sa SolScan

1. Ang ilan sa pinakamalalaking DEX sa Solana ecosystem ay may mga dashboard na bahagi ng Solana block explorer. Mabilis mong mahahanap ang mga ito sa ilalim ng tab na [Defi].


2. Tingnan natin ang Orca. Ipinapakita ng dashboard na ito ang mga basic na impormasyon na Total Value Locked (TVL), dami, at mga pares sa pag-trade na available sa mga liquidity pool nito.


Paano i-access ang dashboard ng NFT sa SolScan

1. Pinapadali ng SolScan ang pagtingin sa mga bagong NFT, trade, at koleksyon gamit ang dashboard ng NFT. Makikita mo ang seksyon sa header ng website.


2. Sa dashboard ng NFT, makakapaghanap ka ng anumang NFT na available sa Solana. Sa tab na [Mga Koleksyon], makakakita ka ng listahan ng mga NFT na proyekto ayon sa dami. Ipapakita sa iyo ng tab na [Mga Trade] ang mga pinakabagong bentahan, habang ipapakita naman ng [Mga Bagong NFT] ang mga pinakabagong mint.



Mga pangwakas na pananaw

Gusto mo mang tingnan ang mga pinakabago mong Metaverse NFT, mag-imbestiga ng node, o tingnan ang mga wallet ng isang bagong startup, kailangan mo ng Solana block. Ang tool na ito ay isang mahalagang bahagi ng ecosystem ng anumang blockchain network. Isa ang SolScan sa mga pinakamadalas gamitin sa komunidad ng Solana, kaya naman talagang kapaki-pakinabang kung mauunawaan ang layout at UI nito.