Ano ang London Hard Fork ng Ethereum?
Home
Mga Artikulo
Ano ang London Hard Fork ng Ethereum?

Ano ang London Hard Fork ng Ethereum?

Intermediya
Na-publish Jun 1, 2021Na-update Feb 21, 2023
6m

TL;DR

Ang London hard fork ng Ethereum ay isang pag-update na magdudulot ng pagbabago sa modelo ng bayad sa transaksyon at difficulty time bomb ng blockchain. Magtatakda ang network ng Ethereum ng bayarin sa transaksyon na may batayang bayad para sa bawat block sa halip na mag-bid sa mga gas price.

Para sumabay sa planong pag-release ng Ethereum 2.0, ipinagpapaliban din ng mga developer ang isang pang-internasyonal na built-in na event na kilala bilang difficulty time bomb. Hihimukin nito ang mga minero na lumipat sa Proof of Stake (PoS) mula sa Proof of Work (PoW).


Panimula

Ang London hard fork ng Ethereum ay isang pag-update sa blockchain ng Ethereum, na kasunod ng Berlin hard fork noong Abril 2021. Nagsasagawa ang London update ng malalaking pagbabago sa system ng bayarin sa transaksyon ng Ethereum, na matagal nang pinagtatalunan. Gumagawa rin ang update ng mga paghahanda para sa planong pag-release ng Ethereum 2.0 sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pagsasaayos sa consensus na modelo nito.

Gayunpaman, itinuturing ng ilan na kontrobersyal ang London update dahil sa malalaking pagbabagong idudulot nito sa bayarin sa transaksyon at pagmimina ng crypto. Hindi pa lubusang nalalaman ang talagang magiging epekto ng mga pagbabagong ito para sa mga user at minero, pero pansamantala lang ang mga iyon dahil paparating na ang Ethereum 2.0.


Ano ang bago sa London Update ng Ethereum?

Ang London update ng Ethereum ay isang hard fork na nagpapakilala ng dalawang bagong Panukala sa Pagpapahusay ng Ethereum (Ethereum Improvement Proposal o EIP). Dahil planong i-release ang Ethereum 2.0 (Serenity) sa 2022, nagsasagawa ang London update ng ilang paghahanda para lumipat sa Proof of Stake. Makakakita ang mga minero ng pagbagal sa papahirap nang papahirap na pagmimina para sumabay sa Serenity. Dahil hard fork ang London, dapat gamitin ng lahat ng node ang mga bagong panuntunan at ang pinakabagong bersyon para patuloy na makapagmina at makapag-validate.
Ang bayarin sa transaksyon  ang magkakaroon ng pinakamalaking pagbabago, kasama ang isang bagong mekanismo sa pag-deflate. Dati, naglalagay ng bid ang mga user para bayaran ang kanilang bayarin sa gas. Bibigyang-priyoridad ng mga minero ang mga transaksyon batay sa idinagdag na bayad at gagamitin nila ang bayad bilang reward para sa pagdaragdag nito sa isang block. Ngayon, magkakaroon na lang ang bawat block ng fixed at kaugnay na bayad. Ang pagbabagong ito ay resulta ng EIP-1559 na kabilang sa London update kasama ng EIP-3238.


Ano ang EIP?

Ang Panukala sa Pagpapahusay ng Ethereum (Ethereum Improvement Proposal o EIP) ay mga teknikal na detalye na bumabalangkas sa mga bagong feature para sa blockchain ng Ethereum. Ginagawa ng mga developer ang kanilang mga panukala nang isinasaalang-alang ang mga mungkahi mula sa komunidad ng Ethereum. Puwedeng gumawa ng EIP ang sinuman at isumite ito para sa talakayan bago tanggapin ng komunidad ang panukala.

Sinusunod ng bawat EIP ang mga alintuntuning inilatag sa EIP1:

Dapat magbigay ang EIP ng malinaw na teknikal na detalye ng feature at isang katwiran para sa feature. Responsibilidad ng may-akda ng EIP na bumuo ng mapagkakasunduan ng komunidad at idokumento ang mga naiibang opinyon.

Kailangang sundin ng may-akda ng EIP ang isang itinakdang proseso bago maaprubahan ang EIP, kasama na ang peer review at mga draft. Kapag ayos na sa komunidad ang panukala, puwede na nila itong idagdag sa isang release.


Ano ang EIP-1559?

Ang EIP-1559 ay isang iminumungkahing pagbabago sa paraan ng pagbabayad ng mga user sa bayarin sa gas sa network ng Ethereum. Ang EIP na ito ay ginawa ng founder ng Ethereum na si Vitalik Buterin at ng isang team ng iba pang developer.


Sa paglipas ng panahon, masyado nang tumaas ang average na bayad na binabayaran ng mga user ng Ethereum para sa maliliit na transaksyon. Halimbawa, kung ang bayad sa network ay nasa humigit-kumulang $20 (USD), hindi sulit ang pagpapadala ng Ether (ETH) o isa pang digital na asset na nagkakahalaga ng $20. Dahil sa mataas na bayaring ito, hindi na gaanong nakakaengganyo ang network lalo na sa mga nagsisimula pa lang.

Nagmumungkahi ang EIP-1559 ng bagong mekanismo sa pagpepresyo ng transaksyon, para gumawa na lang ng batayang bayad para sa bawat block. Ibu-burn ng blockchain ang bayarin, kaya mababawasan ang kabuuang supply ng Ether (ETH). Dahil sa epektong ito, magkakaroon ng pressure sa pag-deflate sa cryptocurrency.
Nagbabago ang batayang bayad para sa bawat block depende sa demand ng network. Kapag lumampas na sa 50% ang mga transaksyon sa isang block, tataas ang batayang bayad at vice versa. Sinusubukan ng mekanismong ito na panatilihing puno hanggang sa kalahati ang karamihan ng mga block.
Puwede ka ring magdagdag ng tip para sa mga minero bilang insentibo para hindi ka na pumila para sa iyong transaksyon. Gayunpaman, sinusubukan ng Ethereum na panatilihing 50% puno ang mga block kahit na walang tip. Dahil maraming available na space sa bawat block, pinakamalamang, maliit lang ang kailangang tip para mauna ka sa pila.


Ano ang EIP-3238?

May difficulty time bomb na naka-built in sa Ethereum, kaya humihirap nang humihirap ang pagmimina sa Ethereum. Kapag naabot na namin ang difficulty time bomb, masyadong tatagal ang pagmimina ng bagong block kaya babagsak ang kakayahang kumita ng mga minero, at magiging masyadong mabagal ang mga transaksyon. Gustong tiyakin ng mga developer na mapipilitan ang mga minero na ihinto ang pagmimina sa Ethereum 1.0 at lumipat sa Ethereum 2.0 pagka-release nito.
Gayunpaman, maaabot kaagad ng blockchain ang puntong ito. Para matiyak na nabibigyan ng network ng insentibo ang mga validator sa consensus na modelo ng Proof of Stake ng Ethereum 2.0 sa tamang panahon, ipagpapaliban ng EIP-3238 ang time bomb.
Kung wala ito, may posibilidad na patuloy na gamitin ng mga minero ang Ethereum 1.0, katulad ng nakitang hati sa paggamit ng Ethereum at Ethereum Classic. Kapag ipinagpaliban ang time bomb, magkakaroon ng 30 segundong ice age sa oras ng block sa Q2 ng 2022. Kapag nangyari ito, dapat kumpleto na ang pagsasama ng Ethereum 1.0 sa Ethereum 2.0.


Ano ang iniisip ng komunidad?

Magkakaiba ang saloobin pagdating sa London na pag-upgrade ng network, lalo na tungkol sa bayarin sa transaksyon. Bagama't naghahanda na ang mga minero sa pagtatapos ng Proof of Work sa Ethereum 2.0, malaki ang babaguhin ng update na ito sa bayad na matatanggap ng mga minero. Dahil sa pagbabawas na ito, puwedeng bumaba ang kinikita ng mga minero. Ikinababahala rin na baka maging mas sentralisado ang pagmimina sa Ethereum. Ikinakatwiran ng ilan na ang pinakamalalaki lang na minero na may pinakamabababang gastos sa enerhiya ang makakapagpatuloy nang may kita.
Bagama't hindi natin ito matiyak, inaasahang tataas ang presyo ng ETH dahil sa mga mekanismo sa pag-deflate. Posibleng nauugnay ang gayong mga inaasahan sa pag-burn ng Ethereum sa batayang bayad ng ETH ng lahat ng transaksyon sa blockchain pagkatapos ng update.


Ano ang ibig sabihin ng London update para sa mga user?

Katulad ng Bitcoin, gumagana ang kasalukuyang mekanismo katulad ng isang bid. Kapag mas malaki ang ibinabayad mo para sa bayarin sa transaksyon (o mga gastos sa gas), mas malamang na mapili agad at ma-validate ng mga minero ang iyong transaksyon. Pero pagkatapos ng London update, hindi mo na kakailanganing piliin ang gas price na babayaran mo kapag gumagawa ng mga transaksyon sa Ethereum.

Sa halip, makikita mo lang ang batayang bayad, kasama ang opsyong magbigay ng tip sa minero. Gayunpaman, puwedeng magbago ang batayang bayad mula sa panahon ng pagsusumite mo ng transaksyon hanggang sa maidagdag ito sa isang block. Para maiwasan ito, puwede kang magtakda ng cap ng bayad bilang maximum na halagang gusto mong bayaran. Kung isasama ng minero ang iyong transaksyon sa isang block kung saan mas maliit ang batayang bayad kaysa sa iyong cap ng bayad, ire-refund ng network ang sobra.


Mga pangwakas na pananaw

Ang London ang isa sa pinakamahahalagang update na nakita namin pagdating sa kung paano nakikipag-interact ang mga user sa Ethereum. Maraming nakaraang update ang bumago sa maraming system na hindi natin kadalasang nakikita kapag gumagamit ng Ethereum. Ngayon, malaki ang posibilidad na bababa ang mga presyo at bilang ng mga transaksyon, pero wala pa itong garantiya.

Gayunpaman, nakaplano na sa 2022 ang paglipat ng Ethereum sa PoS, kaya limitado pa rin ang panahon at pansamantala lang ang pagpapatupad ng London hard fork.