Ano ang Qtum (QTUM)?
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang Qtum?
Paano gumagana ang Qtum?
Ano ang UTXO?
Ano ang Account Abstraction Layer?
Ano ang Proof of Stake?
Ano ang offline na pag-stake?
Ano ang QTUM?
Saan ako puwedeng bumili ng QTUM?
Konklusyon
Ano ang Qtum (QTUM)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Qtum (QTUM)?

Ano ang Qtum (QTUM)?

Intermediya
Na-publish Mar 29, 2022Na-update Dec 28, 2022
7m

TL;DR

Ang Qtum ay isang blockchain network na naitatag noong 2016 na pinagsasama ang mga kakayahan ng Ethereum sa smart contract at ang UTXO accounting system ng Bitcoin. Nagagawa ito nito gamit ang isang teknolohiyang tinatawag na Account Abstraction Layer, na nagbibigay sa Qtum ng kakayahang magpatupad ng mga update mula sa Bitcoin at Ethereum.

Desentralisado ang Qtum, ibig sabihin, hindi kailangan ng pahintulot para mag-validate ng mga transaksyon. Puwedeng magpagana ng node ang sinuman, kailangan lang nila ng device at koneksyon sa internet. Gumagamit ang Qtum ng Mutualized na Proof of Stake na mekanismo ng consensus para alisan ng insentibo ang mga junk contract na pag-atake. Hinahati-hati ang mga reward sa iba't ibang matatagumpay na validator, at bahagya itong inaantala para sa 500 block. 

May native na suporta ang Qtum para sa mga pamantayan sa token gaya ng QRC-20, QRC-1155, at QRC-721. Ang QTUM cryptocurrency ang native token ng network na ginagamit para sa bayarin sa transaksyon, pag-stake (na puwedeng gawin offline), at pamamahala. Makakabili ka ng QTUM sa Binance gamit ang credit o debit card o puwede mo itong i-trade gamit ang ibang cryptocurrency.

Nakabase sa Singapore ang Qtum, at may mga opisina ito sa Miami at Stockholm.

Panimula

Malayo na ang narating natin mula sa Bitcoin pagdating sa teknolohiya ng blockchain. Karamihan sa mga bagong Layer 1 na platform ay gumagamit ng mga inobasyong malayo na sa orihinal na modelo ng Bitcoin. Gayunpaman, kinuha ng Qtum ang magagandang katangian ng Ethereum at Bitcoin. Dahil sa kumbinasyong ito, partikular na interesante ang proyektong ito dahil sa natatangi nitong architecture. Kaya kung nagtataka ka kung bakit espesyal ang Qtum, narito ang Academy para ibahagi sa iyo ang mga natatangi nitong aspekto.



Ano ang Qtum?

Ang Qtum (binibigkas bilang Quantum) ay naitatag noong 2016 nina Ashley Houston, Neil Mahl, at Patrick Dai. Nagpatakbo ang proyekto ng ICO (Initial Coin Offering) noong 2017, kung saan nakalikom sila ng $15.6 milyon bago ilunsad ang mainnet nito noong Setyembre sa parehong taon. Ang pangunahing aspekto ng Qtum network ay ang kumbinasyon ng mga aspekto ng Ethereum (ETH) at Bitcoin (BTC) network. Ginamit ng team ang unspent transaction output (UTXO) model ng Bitcoin  at isinama ito sa mga kakayahan ng Ethereum sa smart contract habang ginagamit ang mga upstream na benepisyo ng dalawang chain.


Paano gumagana ang Qtum?

May apat na mahahalagang aspekto sa Qtum network:

1. Isang UTXO model para sa accounting.

2. Isang Solidity smart contract platform.

3. Isang Account Abstraction Layer.

4. Isang Proof of Stake na mekanismo ng consensus.
Para isagawa ang kumbinasyong ito, gumamit ang Qtum ng binagong Bitcoin Core client software para kumpletuhin ang base ng transaksyon ng network nito. Compatible din ang network sa Ethereum Virtual Machine (EVM) at gumagamit ito ng Solidity bilang coding language nito.
Ibig sabihin, mabilis kang makakapag-port ng code at mga DeFi (Decentralized Finance) na proyekto mula Ethereum papuntang Qtum. Isa pa, ginawa ang custom nitong Proof of Stake (PoS) na mekanismo ng consensus para mag-target ng mga kritikal na isyu sa seguridad.


Ano ang UTXO?

Ang mga UTXO ay mga Unspent Transaction Output at isang karaniwang konsepto sa mundo ng cryptocurrency. Sa ilang network, binubuo ng mga output at input ang mga transaksyon sa cryptocurrency. Halimbawa, kung magpapadala ka ng 1 BTC, kailangan mong gumamit ng mga UTXO bilang mga input na "ipapadala" bilang output. Pagkatapos, mamarkahan ang mga UTXO na ito bilang nagastos na, at ang output ay magiging isang bagong UTXO.

Ipagpalagay natin na magpapadala ka ng 0.6 BTC. Sa aktwal, naglalaman ito ng 0.4 BTC at 0.2 BTC na mga output mula sa mga nakaraang transaksyon. Gayunpaman, kung 0.3 BTC lang ang gusto mong ipadala, kakailanganin mong hatiin ang 0.4 BTC UTXO sa 0.3 para sa kaibigan mo at 0.1 para sa iyo. Ibig sabihin, ganap na magagastos ang 0.4 BTC at ang dalawang bagong UTXO na 0.3 at 0.1.

Mukhang kakaiba ang ganitong sistema ng accounting, pero may mga benepisyo ito:

1. Madaling labanan ang double-spending dahil makikita mo kung nagastos na ang isang output.

2. Puwedeng magproseso ang isang network ng mga transaksyon nang sabay-sabay dahil naglalaman ng mga independent na output ang bawat transaksyon.

Sa kabilang banda, gumagamit ang Ethereum ng modelo ng transaksyon ng account na katulad ng makikita mo sa isang bank account. Nagpapanatili ang partikular na modelong ito ng pandaigdigang status ng lahat ng balanse sa network.


Ano ang Account Abstraction Layer?

Ang mga blockchain na may kakayahan sa smart contract ay hindi karaniwang gumagamit ng UTXO accounting system sa mga teknikal na dahilan. Ang naging tugon ng Qtum ay ang paggamit ng Account Abstraction Layer (AAL). Gaya ng nakasaad sa pangalan nito, ginagawang abstract ang system ng mga account ng Ethereum mula sa teknikal nitong implementasyon.

Gamit ang isang accounts model, gumagana ang mga smart contract nang may address o pangwakas na balanse ng smart contract. Pero sa UTXO, isang smart contract ang dapat magpasya kung aling mga UTXO ang gagamitin, na kadalasan ay mula sa iba't ibang pampubliko at pribadong address. Nagbibigay rin ng parehong problema ang mga internal na transaksyon sa pagitan ng mga contract. Dapat itala ng UTXO blockchain ang lahat ng transaksyon, na nagpapahirap sa proseso.

Gumagana ang AAL sa pamamagitan ng paggamit ng output ng UTXO para gumawa ng smart contract. Pagkatapos, ipapadala nito ang transaksyon sa contract account para i-trigger ang pagpapatupad sa contract. Ipoproseso ng AAL ang mga resulta at gagamitin ang mga ito sa UTXO.

Nagbibigay-daan ang teknolohiya ng AAL na masulit ng Qtum ang parehong mga update ng Ethereum at Bitcoin. Halimbawa, kapag nagdagdag ng suporta sa non-fungible token sa Ethereum, may kakayahan ang Qtum na makaangkop agad. Ang mga sikat na update sa Bitcoin ay ang Segregated Witness (SegWit) at Taproot. Sa pamamagitan ng pagiging UTXO-based, napapakinabangan din ng Qtum ang Lightning Network at iba pang teknolohiya.


Ano ang Proof of Stake?

Ang Mutualized na Proof of Stake ang custom na mekanismo ng consensusng Qtum. Idinisenyo ito ng Qtum team para labanan ang mga spam attack sa junk contract sa pamamagitan ng pagpapataas ng gastos sa mga ito. Nagbabahagi ang mekanismo ng mga block reward sa pagitan ng mga node na gumagawa ng mga block at inaantala rin nito ang pagbabayad. Pantay-pantay na hahatiin ang bawat reward sa pagitan ng matagumpay na validator at sa siyam na naunang matagumpay na validator. Iaantala rin sa 500 block ang isang bahagi ng mga reward. Sa pamamagitan ng system na ito, mahihirapan ang mga attacker na kalkulahin ang mga eksaktong reward mula sa isang potensyal na pag-atake.


Ano ang offline na pag-stake?

Noong Agosto 2020, ipinakilala ng Qtum ang isang bagong mekanismo sa offline na  pag-stake para sa mga may hawak ng QTUM. Sa halip na ibigay ang kustodiya ng iyong mga QTUM token, kailangan mo lang ibigay ang wallet address mo. Mananatili sa wallet mo ang iyong mga coin at puwedeng gastusin o i-undelegate ang mga ito anumang oras. May dalawang actor ang mekanismo ng consensus: Mga Super Staker (mga validator) at mga delegator.

Ipinapadala ng mga delegator ang kanilang wallet address sa pamamagitan ng isang smart contract sa isang Super Staker. Pagkakasunduan kung magkano ang ibabayad ng delegator, at puwedeng magpasya ang Super Staker na tanggapin ang pag-delegate. Pagkatapos, puwede nang i-stake ng Super Staker ang mga UTXO ng delegator. Kapag matagumpay na na-validate ng isang Super Staker ang isang block, paghahatian niya at ng kanyang mga delegator ang isang reward at maniningil siya ng bayad.

Kapag nakapag-delegate ka sa ilalim ng isang Super Staker, kikita ka ng QTUM sa passive na paraan. Hindi mo kailangang ma-lock sa isang smart contract, at puwede kang gumamit ng offline na solusyon gaya ng hardware wallet.

Pagkatapos, puwedeng manalo ang Mga Super Staker ng mga reward sa block para sa mga delegate at maniningil sila ng bayad para sa pag-stake. Pero pagkatapos ng pag-delegate, hindi kailangang panatilihing nakakonekta sa network ang wallet ng delegator. Sa madaling salita, makakatanggap ng mga reward ang mga delegate sa passive na paraan.


Ano ang QTUM?

Ang QTUM ay ang native cryptocurrency ng Qtum, na ipinamamahagi sa mga user sa pamamagitan ng mekanismo ng consensus ng network. Puwede mong gamitin ang QTUM coin para:

1. Magbayad ng bayarin sa transaksyon sa network. Gumagamit ang QTUM ng mala-Ethereum na modelo sa pagkalkula ng bayarin sa gas.
2. Sumali sa on-chain na protocol ng pamamahala ng Qtum sa pamamagitan ng pagboto sa mga proposal. Puwedeng kasama rito ang pagbabago sa laki ng block o bayarin sa network. Sa mga panahon ng malakas na paggamit, puwedeng mapababa ang gastos sa gas, at mapalaki ang block para makahawak ng mga layer 1 na transaksyon na hanggang 1,100 TPS. Kung kailangan, puwedeng gumamit ng layer 2 na solusyon gaya ng Lightning Network para mapataas ang throughput na ito.
3. Mag-stake bilang delegator o Super Staker para mag-validate ng mga block. Nagbibigay ng mga reward ang bawat bagong block sa mga delegator at Super Staker. Pana-panahong hinahati ng Qtum ang mga reward gamit ang isang prosesong katulad ng halving ng Bitcoin. Sa huli, gagawa ang mekanismong ito ng may hangganang supply ng QTUM, na aabutin nang ilang dekada bago maabot. Sa puntong ito, bayarin sa transaksyon lang ang magiging reward ng mga staker.


Saan ako puwedeng bumili ng QTUM?

Nag-aalok ang Binance ng dalawang paraan para bumili ng QTUM. Una sa lahat, puwede kang bumili ng QTUM gamit ang credit o debit card sa mga piling fiat currency. Bisitahin ang page ng [Bumili ng Crypto Gamit ang Debit/Credit Card] ng Binance, piliin ang currency na gusto mong ipambayad, at piliin ang QTUM sa field sa ibaba. I-click ang [Magpatuloy] para kumpirmahin ang detalye ng iyong pagbili at sundin ang mga karagdagang tagubilin.


Puwede kang mag-trade ng ilang partikular na cryptocurrency para sa QTUM, kabilang ang BUSD, BTC, at ETH. Mag-navigate papuntang View ng palitan ng Binance at i-type ang QTUM sa field ng paghahanap ng pares sa pag-trade. Ipapakita nito ang lahat ng available na pares sa pag-trade. Para sa higit pang impormasyon sa paggamit ng View ng palitan, bisitahin ang aming gabay na Paano Gamitin ang TradingView sa Website ng Binance.


Konklusyon

Bilang solusyon, medyo natatangi ang Qtum blockchain. Inaalis nito ang mga problemang nasa Proof of Work (PoW) sa pamamagitan ng pagpapatupad ng PoS system na may mga upgrade. Nagbibigay-daan ito sa mga smart contract at Decentralized Application (DApp) habang ginagamit din ang UTXO accounting. Bagama't maraming blockchain platform sa ecosystem ang nakakapag-develop ng mga bagong paraan, nakakuha ang Qtum ng matagumpay na functionality sa mga dati nang platform. Kaya kung ikinokonsidera mo ang Qtum bilang altcoin, makakapagdesisyon ka na nang mas mabuti batay sa mga pinaggagamitan nito.