TL;DR
Ang Polymesh ay isang public permissioned layer 1 blockchain na naka-focus sa pagpapahusay sa industriya ng security token. Gamit ang utility token nito na POLYX, nagbibigay ito ng mga reward at nagpapataw ng mga multa sa mga actor sa ecosystem ng blockchain ayon sa nararapat para mapahigpit ang seguridad ng blockchain. Ginagamit din ang POLYX para sa pamamahala at pag-stake sa ecosystem nito.
Panimula
Ang mga security ay mga nate-trade na pinansyal na instrumentong may halaga sa tunay na mundo. Sa pamamagitan ng pag-tokenize sa mga security, may potensyal ang securities market — na nagkakahalaga ng daan-daang trilyon — na mas lumago pa. Mapapaganda nito ang efficiency at transparency ng market, kasama ang iba pang benepisyo.
Ang mga naka-tokenize na security, o mga security token, ay iniisyu sa mga blockchain gaya ng Polymesh, na isang institutional-grade na blockchain na partikular na binuo para sa mga nire-regulate na asset gaya ng mga security token.
Ano ang Polymesh?
Ang Polymesh ay isang layer 1 public permissioned blockchain na binuo para sa mga security token, na mga digital contract para sa mga fraction ng mga asset na may halaga sa tunay na mundo.
Bilang isang public permissioned blockchain, puwedeng makita ng sinuman ang network. Gayunpaman, dapat kang kumumpleto ng proseso ng pag-verify sa pagkakakilanlan para makasali rito. Inilalapat ang prosesong ito sa pag-verify sa lahat ng actor na nasa chain, mula sa mga issuer at namumuhunan hanggang sa mga staker at node operator.
Sa partikular, pinapahintulutan at lisensyado dapat ng mga pinansyal na entity ang mga node operator. Mas pinapaigting nito ang seguridad ng network, dahil humaharap ang mga entity na ito sa mas malaking panganib sa reputasyon kumpara sa mga walang pagkakakilanlang actor.
Binibigyang-daan ng Polymesh ang mga kasali sa market na ma-enjoy ang mga natatanging benepisyo ng mga pribado at hindi nangangailangan ng pahintulot na network, na nagbibigay ng tiwala sa network nang hindi nakokompromiso ang transparency.
Paano gumagana ang Polymesh?
Nagtutulungan ang mga node operator at staker para i-secure ang layer 1 blockchain at mag-validate ng mga block.
Ang mga node operator na matagumpay na makakapag-validate ng mga block ay bibigyan ng reward sa POLYX, ang utility token ng Polymesh. Ise-stake ng mga staker ang sarili nilang POLYX sa mga node operator para mapataas ang tsansa ng mga node operator na mapili para sa pool ng validator kada 24 na oras. Kapag nakapangolekta na ang mga node operator ng komisyon na hanggang 10%, makakatanggap ng POLYX ang mga staker.
Pag-secure sa Polymesh
Gumagamit ang Polymesh ng Nominated Proof-of-Stake (NPoS) consensus model, na na-develop ng Polkadot, para tukuyin ang mga tungkulin, panuntunan, at insentibo ng network. Idinisenyo ang system na ito para makatulong na mas mapaigting ang seguridad ng blockchain, dahil ginagawa nitong magastos at mahirap isagawa ang mapanganib na gawi. Gamit ang mekanismong ito, bibigyan ng reward o papatawan ng multa ang mga node operator at staker sa POLYX, ayon sa kanilang performance.
Istruktura ng bayad sa Polymesh
Marami sa mga pampublikong blockchain na hindi nangangailangan ng pahintulot ay may fee market, kung saan puwedeng lubos na mag-iba-iba ang bayarin sa loob lang ng ilang segundo. Halimbawa, kung magkukumpitensya ang mga user para sa espasyo sa blockchain para magpagana ng code o mag-store ng data (hal., ang blockspace), malamang na magdudulot ito ng mas matataas na bayarin.
Pinapanatili ng Polymesh na mababa at consistent ang gastusin sa transaksyon sa pamamagitan ng pagbabatay ng bayarin sa on-chain weight (sa mga byte) at pagiging kumplikado ng transaksyon, kung saan ang Polymesh Governance ang may awtoridad na i-adjust ang rate. Ang Polymesh Governance ay isang demokratikong sistemang binubuo ng konseho ng mga pangunahing stakeholder, ang Polymesh Governing Council, at mga may hawak ng POLYX.
Ang Polymesh Governing Council ang nagtatakda at naniningil ng bayarin sa protocol para sa ilang partikular na native na function, gaya ng pagpapareserba ng token ticker. Hahatiin ang bayad sa bayarin sa 4:1 na ratio sa pagitan ng Network Treasury — na mine-maintain ng Polymesh Governance — at mga node operator. Kadalasang ginagamit ang mga pondo ng Network Treasury para sa pagpapahusay o pag-secure sa network.
Bakit natatangi ang Polymesh?
Ang Polymesh ang isa sa iilang layer 1 blockchain na ginawa para sa mga security token. Sa ngayon, karamihan sa mga proyektong naka-focus sa securities ay mga layer 2 initiative na ginawa batay sa mga dati nang blockchain gaya ng Ethereum o Solana. Gayunpaman, ang Polymesh ay isang standalone na layer 1 blockchain.
Sa imprastruktura nito, umaasa ang Polymesh na mapapaganda ang industriya ng security token sa pamamagitan ng paglutas sa mga hamon sa pamamahala, pagkakakilanlan, pagsunod, pagiging kumpidensyal, at settlement.
Pamamahala
Ginawa batay sa Substrate framework, sinusulit ng Polymesh ang mga walang kaproble-problemang upgrade para makapagbigay ng forkless na arkitektura, para isa lang palagi ang magiging bersyon ng chain. Sa pamamagitan ng on-chain na modelo sa pamamahala na nagtatampok ng isang konseho ng mga pangunahing stakeholder, mabilis na mareresolba ang anumang isyu.
Pagkakakilanlan
Hindi gaya ng karamihan sa mga pampublikong blockchain na nagbibigay-daan sa lahat na sumali, ang mandatoryong proseso sa pag-verify sa pagkakakilanlan ng Polymesh ay gumagawa ng on-chain na pagkakakilanlan para sa bawat indibidwal o entity na sumasali sa network. Kayang tuntunin ang mga on-chain na interaksyon sa mga tukoy na entity sa tunay na mundo.
Pagsunod
Ang kakayahang gumawa at mamahala ng mga security token ay nakabatay sa base layer ng blockchain. Opsyonal ang mga karagdagang katangian gaya ng pagsunod at mga patakaran, at puwedeng i-automate at ipatupad ang mga ito sa antas ng token gamit ang mga smart contract.
Pagiging Kumpidensyal
Sa pamamagitan ng protocol ng Polymesh na MERCAT (Mediated, Encrypted, Reversible, SeCure Asset Transfers), nabibigyang-daan ang mga kumpidensyal na pag-isyu at paglilipat ng asset. Mapapanatili ng mga user ang privacy ng trade, nang hindi kinakailangan ng Polymesh na isakripisyo ang pagsunod o transparency.
Settlement
Posible ang agarang settlement para sa mga on-chain at off-chain na asset sa pamamagitan ng on-chain settlement engine, two-way transaction affirmation, at near-instant deterministic finality ng Polymesh.
Ano ang POLYX?
Ang POLYX ang native na token ng Polymesh. Kinikilala ito bilang isang utility token sa ilalim ng batas ng Switzerland, batay sa gabay mula sa pinansyal na regulator sa Switzerland, ang FINMA. Ginagamit ang POLYX para sa pamamahala, pag-secure sa chain sa pamamagitan ng pag-stake, at paggawa at pamamahala ng mga security token.
Pamamahala
Isinasagawa ang pamamahala sa pamamagitan ng Polymesh Governance. Ang sinumang na-verify na may hawak ng POLYX ay posibleng makaimpluwensya sa direksyon ng Polymesh sa dalawang paraan: pagsusumite ng Polymesh Improvement Proposal (PIP) o pagboto gamit ang POLYX. Para magsumite ng PIP, kailangang mag-bond ang user ng POLYX dito gamit ang Polymesh Governance. Kapag naaprubahan na, pagbobotohan ang mga PIP ng Governing Council para sa pagpapatupad.
Pag-stake
Puwedeng sumali sa pag-stake ang sinumang na-verify na may hawak ng POLYX sa pamamagitan ng pag-bond ng POLYX sa isang node operator na gusto nila para mapataas ang tsansa ng naturang operator na makatanggap ng mga reward.
Ang ecosystem ng Polymesh
Kabilang sa mga kasalukuyang kasali sa ecosystem ng Polymesh ang mga palitan ng cryptocurrency, mga may karanasang player sa larangan ng pag-tokenize (Polymath), at mga kumpanyang may malalaking portfolio ng security token (RedSwan). Layunin ng Polymesh Association na humimok ng higit pang development sa pamamagitan ng dalawang programa:
Ang Grants Program para sa mga indibidwal at negosyong gumagawa ng open-source na functionality sa Polymesh.
Ang Ecosystem Development Fund para sa mga negosyong may closed-source na teknolohiyang naka-integrate sa Polymesh.
Maraming impormasyong available para sa mga developer na gustong mag-integrate sa Polymesh, kabilang ang Polymesh SDK library at mga nakalaang channel ng suporta para sa komunidad.
Paano bumili ng POLYX sa Binance?
Makakabili ka ng POLYX sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance.
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at pumunta sa [Mag-trade] -> [Spot].
2. I-type ang “POLYX” sa search bar para makita ang mga available na pares sa pag-trade. Gagamitin natin ang POLYX/BUSD bilang halimbawa.
3. Pumunta sa kahong [Spot] at ilagay ang halaga ng POLYX na gusto mong bilhin. Sa halimbawang ito, gagamit tayo ng market order. I-click ang [Bumili ng POLYX] para kumpirmahin ang iyong order, at ike-credit sa iyong Spot Wallet ang nabiling POLYX.
Mga pangwakas na pananaw
Para makagawa ng isang pinahusay na industriya ng security token, may mga ginagawa rin ang team ng Polymesh sa ibang larangan, kabilang ang imprastruktura ng stablecoin, pagpapatupad ng non-fungible token (NFT), pagiging kumpidensyal sa pamamagitan ng MERCAT protocol, at onboarding ng user.