TL;DR
Tumutukoy ang layer 1 sa isang batayang network, gaya ng Bitcoin, BNB Chain, o Ethereum, at sa pinagbabatayang imprastraktura nito. Puwedeng mag-validate at mag-finalize ng mga transaksyon ang mga layer-1 blockchain nang hindi nangangailangan ng isa pang network. Mahirap gumawa ng mga pagpapahusay sa scalability ng mga layer-1 network, gaya ng nakita natin sa Bitcoin. Bilang solusyon, gumagawa ang mga developer ng mga layer-2 protocol na umaasa sa layer-1 network para sa seguridad at consensus. Isang halimbawa ng layer-2 protocol ang Lightning Network ng Bitcoin. Nagbibigay-daan ito sa mga user na malayang magsagawa ng mga transaksyon bago itala ang mga ito sa pangunahing chain.
Panimula
Ang layer 1 at layer 2 ay mga terminong nakakatulong sa ating maunawaan ang arkitektura ng iba't ibang blockchain, proyekto, at tool sa pag-develop. Kung naisip mo ang ugnayan ng Polygon at Ethereum o Polkadot at mga parachain nito, makakatulong ang pag-alam tungkol sa iba't ibang layer ng blockchain.
Ano ang layer 1?
Ang layer-1 network ay isa pang pangalan para sa batayang blockchain. Layer-1 protocol lahat ang BNB Smart Chain (BNB), Ethereum (ETH), Bitcoin (BTC), at Solana. Tinutukoy natin ang mga ito bilang layer-1 dahil ito ang mga pangunahing network sa ecosystem ng mga ito. Salungat sa layer-1, mayroon tayong mga off-chain at iba pang layer-2 na solusyon na binuo mula sa mga pangunahing chain.
Sa madaling salita, layer 1 ang isang protocol kapag nagpoproseso at nagfa-finalize ito ng mga transaksyon sa sarili nitong blockchain. Mayroon ding sariling native token ang mga ito, na ginagamit para magbayad ng bayarin sa transaksyon.
Pag-scale ng layer 1
Isang karaniwang problema sa mga layer-1 network ang kawalan ng kakayahan ng mga ito na mag-scale. Nahihirapan ang Bitcoin at iba pang malalaking blockchain na magproseso ng mga transaksyon sa mga panahong mas mataas ang demand. Ginagamit ng Bitcoin ang Proof of Work (PoW) na mekanismo ng consensus, na nangangailangan ng maraming computational resource.
Bagama't tinitiyak ng PoW ang desentralisasyon at seguridad, malamang ding bumagal ang mga PoW network kapag masyadong maraming transaksyon. Dahil dito, tumatagal ang pagkumpirma ng transaksyon at nagmamahal ang bayarin.
Maraming taon nang gumagawa ng mga solusyon sa scalability ang mga developer ng blockchain, pero madalas pa ring pinag-uusapan ang tungkol sa pinakamagagandang alternatibo. Para sa pag-scale sa layer-1, kasama sa ilang opsyon ang:
1. Pagpapalaki ng block, na magbibigay-daan para maproseso ang mas maraming transaksyon sa bawat block.
2. Pagbago sa ginagamit na mekanismo ng consensus, gaya ng sa paparating na update sa Ethereum 2.0.
3. Pagpapatupad ng pag-shard. Isang anyo ng pag-partition ng database.
Mabigat-bigat na trabaho ang kailangan para makapagpatupad ng mga pagpapahusay sa layer 1. Sa maraming sitwasyon, hindi lahat ng user ng network ay sasang-ayon sa pagbabago. Puwede itong humantong sa mga pagkakahati ng komunidad o kahit nga sa hard fork, gaya ng nangyari sa Bitcoin at Bitcoin Cash noong 2017.
SegWit
Isang halimbawa ng layer-1 na solusyon para sa pag-scale ang SegWit (segregated witness) ng Bitcoin. Dinagdagan nito ang throughput ng Bitcoin sa pamamagitan ng pagbago sa paraan ng pagkakaayos ng data ng block (hindi na bahagi ng input ng transaksyon ang mga digital na pirma). Dahil sa pagbabago, mas maraming space ang naging bakante para sa mga transaksyon sa bawat block nang hindi nakakaapekto sa seguridad ng network. Ipinatupad ang SegWit sa pamamagitan ng backward-compatible na soft fork. Ibig sabihin nito, nakakapagproseso pa rin ng mga transaksyon kahit ang mga node ng Bitcoin na hindi pa naa-update para maisama ang SegWit.
Ano ang pag-shard sa layer-1?
Ang pag-shard ay isang sikat na solusyon sa pag-scale ng layer-1 para mapataas ang throughput ng transaksyon. Ang technique ay isang anyo ng pag-partition ng database na puwedeng ilapat sa mga distributed ledger ng blockchain. Hinahati ang isang network at ang mga node nito sa iba't ibang shard para mapaghati-hatian ang trabaho at mapabilis ang transaksyon. Bawat shard ay namamahagi ng isang subset ng aktibidad ng buong network, ibig sabihin, mayroon itong mga sariling transaksyon, node, at magkakahiwalay na block.
Sa pag-shard, hindi kailangan ng bawat node na magpanatili ng kumpletong kopya ng buong blockchain. Sa halip, iniuulat ng bawat node sa pangunahing chain ang trabahong nagawa para ibahagi ang katayuan ng lokal na data ng mga ito, kasama na ang balanse ng mga address at iba pang mahahalagang sukatan.
Layer 1 vs. Layer 2
Pagdating sa mga pagpapahusay, hindi lahat ay malulutas sa layer 1. Dahil sa mga paghihigpit dahil sa teknolohiya, mahirap o halos imposibleng gawin ang ilang pagbabago sa pangunahing network ng blockchain. Halimbawa, mag-a-upgrade ang Ethereum sa Proof of Stake (PoS), pero ilang taon na ang inabot ng pag-develop ng prosesong ito.
Hindi gagana sa layer 1 ang ilang pinaggagamitan dahil sa mga isyu sa scalability. Hindi praktikal na magagamit ng isang laro sa blockchain ang network ng Bitcoin dahil sa mga matagal na transaksyon. Gayunpaman, posibleng gusto pa ring gamitin ng laro ang seguridad at desentralisasyon ng layer 1. Ang pinakamainam na solusyon ay dagdagan ng layer-2 na solusyon ang network.
Lightning Network
Dinaragdagan ng mga layer-2 na solusyon ang layer 1 at umaasa ang mga ito rito para i-finalize ang mga transaksyon nito. Isang sikat na halimbawa ang Lightning Network. Kapag mabigat ang trapiko sa network ng Bitcoin, puwedeng abutin nang ilang oras bago maproseso ang mga transaksyon. Sa Lightning Network, mabilis na nakakapagbayad ang mga user gamit ang kanilang Bitcoin mula sa pangunahing chain, at iuulat ang pinal na balanse pabalik sa pangunahing chain sa ibang pagkakataon. Sa pangkalahatan, pinagsasama-sama nito ang mga transaksyon ng lahat sa iisang pinal na rekord, na nakakatipid ng oras at mga resource.
Mga halimbawa ng layer 1 blockchain
Ngayong alam na natin kung ano ang layer 1, tingnan natin ang ilang halimbawa. Maraming iba't ibang layer-1 blockchain, at marami ang sumusuporta sa mga natatanging pinaggagamitan. Hindi ito puro Bitcoin at Ethereum, at bawat network ay may solusyon sa trilemma ng desentralisasyon, seguridad, at scalability ng teknolohiya ng blockchain.
Elrond
Ang Elrond ay isang layer-1 network na itinatag noong 2018 na gumagamit ng pag-shard para mapahusay ang performance at scalability nito. Kayang magproseso ng blockchain ng Elrond ng lampas 100,000 transaksyon kada segundo (transactions per second o TPS). Ang dalawang natatanging pangunahing feature nito ay ang Secure Proof of Stake (SPoS) na consensus protocol nito at ang Adaptive State Sharding.
Nangyayari ang Adaptive State Sharding sa pamamagitan ng mga shard split at pinagsasama ang mga ito habang nawawalan o nagkakaroon ng mga user ang network. Shina-shard ang buong arkitektura ng network, kasama na ang katayuan at mga transaksyon nito. Kumikilos din ang mga validator sa pagitan ng mga shard, na nagpapalit ng tsansang magkaroon ng nakakapinsalang pag-takeover sa isang shard.
Ginagamit ang native token na EGLD ng Elrond para sa bayarin sa transaksyon, pag-deploy ng mga DApp, at pagbibigay ng reward sa mga user na lumalahok sa mekanismo ng pag-validate ng network. Napatunayan ding Carbon Negative ang network ng Elrond, dahil nag-o-offset ito ng mas maraming CO2 kaysa sa ginagamit ng PoS na mekanismo nito.
Harmony
Ang Harmony ay isang Effective Proof of Stake (EPoS) na layer-1 network na may suporta sa pag-shard. May apat na shard ang mainnet ng blockchain, na bawat isa ay gumagawa at nagve-verify ng mga bagong block nang sabay-sabay. Magagawa ito ng isang shard sa sarili nitong bilis, ibig sabihin, lahat ng ito ay puwedeng magkaroon ng iba't ibang taas ng block.
Sa kasalukuyan, gumagamit ang Harmony ng diskarteng "Cross-Chain Finance" para mahikayat ang mga developer at user. May mahalagang tungkulin ang mga bridge na hindi nangangailangan ng tiwala sa Ethereum (ETH) at Bitcoin, na nagbibigay-daan sa mga user na ipapalit ang kanilang mga token nang wala ang mga karaniwang custodial na panganib na nakikita sa mga bridge. Umaasa ang pangunahing mithiin ng Harmony para sa pag-scale ng Web3 sa mga Decentralized Autonomous Organization (DAO) at patunay na hindi nangangailangan ng impormasyon.
Mukhang nakatakda ang hinaharap ng DeFi (Decentralized Finance) sa mga multi-chain at cross-chain na pagkakataon, kaya naman nakakahikayat para sa mga user ang mga serbisyo sa pag-bridge ng Harmony. Ang mga pangunahing bahaging pinagtutuunan ay ang imprastraktura ng NFT, pag-tool ng DAO, at mga inter-protocol bridge.
Ginagamit ang native token nitong ONE para bayaran ang bayarin sa transaksyon sa network. Puwede rin itong i-stake para makalahok sa mekanismo ng consensus at pamamahala ng Harmony. Nagbibigay ito sa mga matagumpay na taga-validate ng mga reward ng block at bayarin sa transaksyon.
Celo
Ang Celo ay isang layer 1 network na na-fork mula sa Go Ethereum (Geth) noong 2017. Gayunpaman, nakagawa ito ng ilang kapansin-pansing pagbabago, kasama na ang pagpapatupad ng PoS at isang natatanging sistema ng address. Kasama sa Web3 na ecosystem ng Celo ang DeFi, mga NFT, at mga solusyon sa pagbabayad, na may mahigit 100 milyong transaksyong nakumpirma. Sa Celo, kahit sino ay puwedeng gumamit ng numero ng telepono o email address bilang pampublikong key. Madaling napapatakbo ang blockchain gamit ang mga karaniwang computer at hindi ito nangangailangan ng espesyal na hardware.
CELO ang pangunahing token ng Celo, na isang karaniwang utility token para sa mga transaksyon, seguridad, at mga reward. Nasa network din ng Celo ang cUSD, cEUR, at cREAL bilang mga stablecoin. Binubuo ang mga ito ng mga user, at pinapanatili ang mga peg ng mga ito ng isang mekanismong katulad ng DAI ng MakerDAO. Gayundin, puwedeng bayaran ang mga transaksyong ginawa gamit ang mga stablecoin ng Celo gamit ang anupamang asset ng Celo.
Layunin ng sistema ng address at stablecoin ng CELO na gawing mas accessible ng crypto at pahusayin ang paggamit. Posibleng nakakapanghina ng loob para sa marami ang volatility ng merkado ng crypto at hirap para sa mga baguhan.
THORChain
Ang THORChain ay isang cross-chain na decentralized exchange (DEX) na hindi nangangailangan ng pahintulot. Isa itong layer-1 network na binuo gamit ang Cosmos SDK. Ginagamit din nito ang mekanismo ng consensus ng Tendermint para sa pag-validate ng mga transaksyon. Ang pangunahing layunin ng THORChain ay magbigay-daan para sa desentralisadong cross-chain liquidity nang hindi kinakailangang mag-peg o mag-wrap ng mga asset. Para sa mga namumuhunan sa maraming chain, nagkakaroon ng karagdagang panganib sa proseso dahil sa pag-peg at pag-wrap.
Bilang epekto nito, nagsisilbi ang THORChain bilang vault manager na sumusubaybay sa mga pagdeposito at pag-withdraw. Nakakatulong itong gumawa ng desentralisadong liquidity at inaalis nito ang mga sentralisadong tagapamagitan. RUNE ang native token ng THORChain, na ginagamit sa pagbabayad ng bayarin sa transaksyon at pati na rin sa pamamahala, seguridad, at pag-validate.
Ginagamit ng modelo ng Automated Market Maker (AMM) ng THORChain ang RUNE na nagsisilbi bilang batayang pares, ibig sabihin, puwede mong ipapalit ang RUNE para sa anupamang sinusuportahang asset. Kahit papaano, gumagana ang proyekto na parang cross-chain na Uniswap, kung saan ang RUNE ay isang settlement at security asset para sa mga liquidity pool.
Kava
Ang Kava ay isang layer-1 blockchain kung saan pinagsasama ang bilis at interoperability ng Cosmos at ang suporta ng developer ng Ethereum. Gamit ang arkitektura ng “co-chain,” nagtatampok ang Kava Network ng natatanging blockchain para sa environment ng pag-develop ng EVM at Cosmos SDK. Kasama ng suporta ng IBC sa co-chain ng Cosmos, nagbibigay-daan ito sa mga developer na mag-deploy ng mga desentralisadong application na tuloy-tuloy na nag-i-interoperate sa pagitan ng mga ecosystem ng Cosmos at Ethereum.
Ginagamit ng Kava ang PoS na mekanismo ng consensus ng Tendermint, na nagbibigay ng napakahusay na scalability sa mga application sa co-chain ng EVM. Nagtatampok din ang Kava Network, na pinopondohan ng KavaDAO, ng mga bukas na insentibo sa developer sa chain na idinisenyo para bigyan ng reward ang nangungunang 100 proyekto sa bawat co-chain batay sa paggamit.
May native utility at governance token ang Kava, ang KAVA, at mayroon itong stablecoin na naka-peg sa US dollar, ang USDX. Ginagamit ang KAVA para magbayad ng bayarin sa transaksyon at sine-stake ito ng mga validator para magkaroon ng consensus sa network. Puwedeng italaga ng mga user ang kanilang naka-stake na KAVA sa mga validator para makakuha sila ng bahagi ng mga emission ng KAVA. Puwede ring bumuo ang mga nagse-stake at validator sa mga panukala sa pamamahala na nagsasaad ng mga parameter ng network.
IoTeX
Ang IoTeX ay isang layer 1 network na itinatag noong 2017 na may pagtuon sa pagsasama ng blockchain at Internet of Things. Nagbibigay ito sa mga user ng kontrol sa data na nabubuo ng kanilang mga device, na nagbibigay-daan sa “mga DApp, asset, at serbisyong sinusuportahan ng machine.” May halaga ang iyong personal na impormasyon at ginagarantiyahan ng pamamahala rito sa pamamagitan ng blockchain ang secure na pamamahala.
Ang kumbinasyon ng hardware at software ng IoTeX ay nagbibigay ng bagong solusyon para makontrol ng mga tao ang kanilang privacy at data nang hindi isinasakripisyo ang karanasan ng user. Tinatawag na MachineFi ang system na nagbibigay-daan sa mga user na makakuha ng mga digital asset mula sa kanilang data sa totoong buhay.
Nag-release ang IoTeX ng dalawang mahalagang produktong hardware na kilala bilang Ucam at Pebble Tracker. Ang Ucam ay isang advanced na pambahay na security camera na nagbibigay-daan sa mga user na subaybayan ang kanilang mga bahay mula kahit saan at nang may ganap na privacy. Ang Pebble Tracker ay isang smart GPS na may suporta sa 4G at mga kakayahan sa track-and-trace. Hindi lang nito sinusubaybayan ang data ng GPS, sinusubaybayan din nito ang data ng kapaligiran nang real time, kasama na ang temperatura, humidity, at kalidad ng hangin.
Pagdating sa arkitektura ng blockchain, may ilang layer 2 protocol na idinagdag sa IoTeX. Nagbibigay ang blockchain ng mga tool para makagawa ng mga naka-customize na network na gumagamit sa IoTeX para sa pag-finalize. Puwede ring mag-interact sa isa't isa at magbahagi ng impormasyon ang mga chain na ito sa pamamagitan ng IoTeX. Pagkatapos, madaling makakagawa ang mga developer ng bagong sub-chain para matugunan ang mga partikular na pangangailangan ng kanilang IoT device. Ginagamit ang coin ng IoTeX, ang IOTX, para sa bayarin sa transaksyon, pag-stake, pamamahala, at pag-validate sa network.
Mga pangwakas na pananaw
May ilang layer-1 network at layer-2 protocol ang ecosystem ng blockchain sa kasalukuyan. Madaling malito, pero kapag naintindihan mo na ang mga pangunahing konsepto, nagiging mas madaling maunawaan ang pangkalahatang istruktura at arkitektura. Puwedeng maging kapaki-pakinabang ang kaalamang ito kapag nag-aaral ng mga bagong proyekto sa blockchain, lalo na kapag nakatuon ang mga ito sa interoperability ng network at mga cross-chain na solusyon.