Ano ang Illuvium (ILV)?
Talaan ng mga Nilalaman
Panimula
Paano gumagana ang Illuvium?
Paano mo lalaruin ang Illuvium?
Mga class ng Illuvium
Mga affinity ng Illuvium
Iba pang attribute ng Illuvium
Ano ang Illuvium (ILV) token?
Paano bumili ng Illuvium (ILV)
Paano mag-stake ng Illuvium (ILV)
Mga pangwakas na pananaw
Ano ang Illuvium (ILV)?
HomeMga Artikulo
Ano ang Illuvium (ILV)?

Ano ang Illuvium (ILV)?

Baguhan
Published Nov 10, 2021Updated Dec 9, 2021
7m

TL;DR

Ang Illuvium ay isang paparating na blockchain game na magaganap sa isang open-world na setting ng RPG. Ang mga manlalaro ay mangongolekta ng mga creature na tinatawag na mga Illuvial, na bawat isa ay may class at affinity. May limang class at limang affinity na may mga kalakasan at kahinaan. Habang nananalo ka sa mga battle laban sa iba pang manlalaro at nakakakumpleto ka ng mga quest, nagiging mas malakas ang iyong mga Illuvial.

Ang Illuvium ay may dalawang ERC-20 na altcoin ng proyekto sa Ethereum: ang ILV (Illuvium) at sILV. Puwedeng gamitin ng mga may-hawak ng token ang ILV para magmina ng liquidity, lumahok sa pamamahala, at makakuha ng mga reward. May panahon ng pag-lock para sa mga reward sa ILV, pero magagamit agad ang sILV sa laro.

Gumagamit din ang Illuvium ng mga NFT para katawanin ang bawat Illuvial at item sa laro na puwede ring i-trade sa mga panlabas na marketplace ng NFT. Para magsimulang kumita ng ILV at sILV, puwede mong bilhin ang token sa Binance at simulang mag-stake sa platform ng pag-stake ng Illuvium. Puwede ka ring mag-stake ng mga token ng partner sa kanilang Mga Flash Pool para sa ILV.


Panimula

Naging laganap ang pagpapatupad ng teknolohiya ng blockchain sa gaming sa mga kamakailang taon. Gayunpaman, hindi pa tayo nakakakita ng larong may badyet at husay ng isang blockbuster na release. Nangangako ang Illuvium na magdadala ito ng mas mataas na kalidad na karanasan sa blockchain game na tumutuklas sa metaverse at mga play-to-earn na modelo. Pero paano ba nila ito gagawin, at ibibigay ba nito ang malalim na gameplay na ipinagmamayabang nito kapag nailunsad na?


Paano gumagana ang Illuvium?

Ang Illuvium ay isang open-world na RPG blockchain game na binuo sa Ethereum at ire-release sa 2022. Naglalakbay ang mga manlalaro sa isang fantasy na mundo, habang tumatalo at nanghuhuli ng mga creature na kilala bilang mga Illuvial. Pagkatapos idagdag ang mga ito sa iyong koleksyon, puwede mong gamitin ang iyong mga monster sa mga battle laban sa iba pang manlalaro habang nagsasagawa ka ng mga quest, kumukumpleto ka ng mga hamon, o habang nilalaro mo ang kuwento ng Illuvium.
May sarili ring mga token ang Illuvium, ang ILV at sILV, at mga  Non-Fungible Token (NFT) na kumakatawan sa mga creature, cosmetic upgrade, at functional item. Magkakaroon ang laro ng mga play-to-earn na feature, na magbibigay sa mga gamer ng mga reward na ILV token para sa pagkumpleto ng mga hamon, quest, at battle.


Paano mo lalaruin ang Illuvium?

Mula noong isinulat ito, dine-develop pa ang Illuvium na may inaasahang petsa ng pag-release sa 2022. Magiging available na i-download ang game client bilang desktop application pagkatapos gumawa ng account. Parehong magkakaroon ng free-to-play mode at mga premium na subskripsyon.

Ang pangunahing mekanismo ng proyekto ng Illuvium ay pangongolekta at pag-customize ng iyong mga NFT Illuvial. Bawat Illuvial sa laro ay may nauugnay na affinity at class. Puwede pa ngang pagsamahin ang mga class at affinity ng mas malalakas na Illuvial. Sa paggamit ng mga Illuvial na may magkakatulad na affinity at class, makakakuha ng mga bonus kapag nilaro ang mga ito nang magkakasama sa mga battle. Kilala ito bilang paggawa ng mga synergy at nagbibigay ito ng opsyon sa taktika sa mga Illuvial na gagamitin at kokolektahin mo. Puwede ring i-merge ng mga user ang kanilang mga Illuvial para makagawa ng mga bagong Illuvial na mas malakas kapag umabot sila sa isang partikular na level.


Para mahuli ang isang Illuvial, kakailanganin mo itong ilagay sa isang shard. Kung mas malakas ang Illuvial, mas malakas dapat ang shard para matagumpay itong mahuli. Kung napinsala ang iyong Illuvial, sisimulan nitong ibalik ang kalusugan nito sa paglipas ng oras sa shard nito. Gayunpaman, kung gusto mong pabilisin ang proseso, puwede kang magbayad o gumamit ng mga item para pabilisin ang pagpapanumbalik ng kalusugan. Mas rare ang ilang Illuvial kaysa sa iba at ipinapakita ang mga ito bilang Shiny, Gold, o Holographic.


Mga class ng Illuvium

Naglalaman ang Illuvium ng limang iba't ibang class: Fighter, Guardian, Empath, Rogue, at Psion. Hindi pa naire-release ang mga eksaktong detalye ng pagkakaiba-iba ng mga ito. Kapag gumagawa ng team, dapat isaalang-alang ang mga synergy ng class at affinity lalo na kapag gumagawa ng mga hybrid class na "Ascended." Halimbawa, nagmumula ang Slayer sa pagsasama ng Fighter Illuvial at Rogue Illuvial. Puwede mo ring pagsamahin ang dalawa mula sa iisang class para makagawa ng Illuvial na may partikular na malalakas na skill ng class na iyon.


Mga affinity ng Illuvium

May limang affinity ang Illuvium: Air, Nature, Fire, Water, at Earth. Gumagawa at nagtatamo ng pinsala ang bawat Illuvial batay sa uri ng affinity ng mga ito. Halimbawa, ang Water Illuvial ay gagawa ng dagdag na pinsala laban sa isang Fire Illuvial pero magiging mahina ito laban sa Earth. Puwede mong paghalu-haluin ang limang affinity sa mga Ascended Illuvial para makagawa ng kumbinasyon ng affinity, gaya ng Dust (Air at Earth) o Frost (Air at Water).


Iba pang attribute ng Illuvium

Maliban sa class at affinity, bawat Illuvial ay may iba pang attribute na tumutukoy sa lakas, kalusugan, bilis, at pinsala ng mga ito. Kung mas maraming laban ang maipapanalo ng iyong mga Illuvial, magiging mas malakas ang mga ito. Puwede mo ring pahusayin ang ilang partikular na katangian ng Illuvial gamit ang mga item sa laro na puwedeng makita, bilhin, o gawin gamit ang mga bahaging pang-craft.


Ano ang Illuvium (ILV) token?

Ang Illuvium (ILV) ay isang ERC-20 token sa blockchain ng Ethereum na may iba't ibang mapaggagamitan sa laro at ecosystem. Tinutukoy ang presyo ng ILV sa pamamagitan ng kumbinasyon ng ispekulasyon tungkol sa tagumpay ng laro at ng gamit nito sa pag-stake. May dalawang magkaibang anyo ang token, ang ILV at sILV. Makukuha ang mga reward na ILV sa loob ng isang taon, pero puwedeng gamitin agad ang sILV sa laro. Magkakaroon lang ng pinagsamang 3 milyong ILV at sILV sa kabuuan, kaya naman limitado ang kabuuang supply nito. Dahil marami nang user ang nagse-stake ng kanilang mga coin, magiging mas mababa ang supply na nasa sirkulasyon. May tatlong pangunahing gamit ang ILV:

1. Ang mga manlalaro ay binibigyan ng reward na mga ILV coin para sa kanilang mga tagumpay at nakamit habang naglalaro.

2. Puwedeng i-stake ng mga may-hawak ang ILV sa Illuvium Vault. Makakatanggap ng mga reward na ILV o sILV ang mga staker.
3. Puwedeng lumahok ang mga may-hawak sa pamamahala sa laro sa pamamagitan ng Decentralized Autonomous Organization (DAO) ng Illuvium. Nagbibigay-daan ang Illuvinati Council sa pagtutulungan ng komunidad sa paggawa ng mga mungkahi sa pagpapaganda sa laro at iba pang pagbabago sa modelo ng pamamahala.

Bilang ERC-20 token, kakailanganing magbayad ng bayarin sa gas sa Ethereum ng mga user na maglilipat ng ILV at sILV. Dahil puwede itong maging mahal kung minsan, hindi pa natin alam kung paano nila matagumpay na maipapatupad ang mga transaksyon ng ERC-20 sa laro sa paraang abot-kaya pa rin. Makikita mo ang pinakabagong market price at all-time high ng Illuvium sa Binance at Coinmarketcap.


Paano bumili ng Illuvium (ILV)

Madali kang makakabili ng Illuvium sa palitan ng crypto ng Binance. Kakailanganin mo munang magrehistro para sa account sa Binance at kumpletuhin ang mga pamamaraan ng KYC at AML. Kapag nakapagrehistro at nakapag-log in ka na, kakailanganin mong:

1. Mag-mouse over sa tab na [Mag-trade] at piliin ang view ng pag-trade na [Classic] o [Advanced].


2. Mag-hover sa pares sa pag-trade na ipinapakita sa kaliwa at hanapin ang ILV, pagkatapos ay pumili ng angkop na pares sa pag-trade. [ILV/BUSD] ang gagamitin natin para sa halimbawang ito.

 

3. Ilagay ang halagang gusto mong bilhin at pumili ng uri ng order. Ang pinakamabilis at pinakamadaling paraan para bumili ng ILV ay sa pamamagitan ng market order. Suriin ang mga detalye ng iyong order bago mo i-click ang [Bumili ng ILV].


Paano mag-stake ng Illuvium (ILV)

Ang mga user na magse-stake ng ILV ay puwedeng makakuha ng mga reward sa dalawang magkaibang paraan:

1. Sa pamamagitan ng pag-farm ng yield ng ILV o sILV. Nala-lock ang mga reward na ILV nang 12 buwan, pero mapipili ng mga user na kumita ng sILV, na magagamit sa laro 

2. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kita. Ginagamit ang Ethereum na ginagastos ng mga manlalaro sa Illuvium para sa mga pag-buy back ng ILV at pagkatapos ay ipinapamahagi ito sa mga staker. Magiging online ang mekanismong ito kapag inilunsad na ang laro.

Para makapag-stake ng ILV, kakailanganin mong siguraduhin na nailipat mo na ang iyong ILV sa isang panlabas na wallet na nakakakonekta sa mga DApp gaya ng Metamask o Binance Chain Wallet.
1. Ikonekta ang iyong wallet sa DApp para sa Pag-stake ng Illuvium.


2. Susunod, pupunta tayo sa [MGA PANGUNAHING POOL].


3. Dito, puwede kang mag-stake ng mga ILV o ILV/ETH Liquidity Pool (LP) token mula sa SushiSwap. I-click ang [MAG-STAKE] sa pool na gusto mong salihan.

 

4. Pumili sa [FLEXIBLE] o [NAKA-LOCK] na pool. Sa Naka-lock na Pool, puwedeng madoble ang iyong mga reward depende kung gaano katagal mo ila-lock ang iyong stake (hanggang isang taon). Ilagay ang halagang gusto mong i-stake at i-click ang [I-STAKE] para kumpirmahin.


5. Puwede ka ring mag-stake sa Mga Flash Pool gamit ang mga token ng partner para sa mga reward na ILV at sILV.

 

6. Kapag na-claim mo ang iyong mga reward, puwede kang magpasyang kunin ang mga ito sa ILV o sILV. Gaya ng nabanggit kanina, agaran ang mga reward na sILV, pero puwede lang i-claim ang mga reward na ILV pagkalipas ng isang taon.


Mga pangwakas na pananaw

Marami nang usap-usapan at nagkakainteres sa Illuvium, at dumarami na ang nagte-trade nito dahil sa pag-release ng ILV cryptocurrency at platform ng Decentralized Finance(DeFi) staking nito. Maayos din ang naging paglago ng presyo ng Illuvium mula noong ni-release ito. Bagama't ang mga panuntunan ng gameplay ay katulad sa iba pang blockchain game gaya ng Axie Infinity, mukhang mas mataas ang kalidad ng hitsura, dating, at functionality ng Illuvium. Magiging isa ba ito sa mga unang may malaking badyet na AAA na karanasan sa mundo ng NFT gaming? Kakailanganin nating maghintay para malaman sa beta phase nito sa 2022.