Paano Idagdag ang Arbitrum sa MetaMask?
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Pag-install at pag-set up ng MetaMask
Pag-configure ng wallet
Pagdaragdag ng mga token ng Arbitrum sa MetaMask
Mga pangwakas na pananaw
Paano Idagdag ang Arbitrum sa MetaMask?
Home
Mga Artikulo
Paano Idagdag ang Arbitrum sa MetaMask?

Paano Idagdag ang Arbitrum sa MetaMask?

Baguhan
Na-publish May 6, 2022Na-update Dec 28, 2022
5m

TL;DR

Ang MetaMask ay isang crypto wallet na kumokonekta sa mainnet ng Ethereum bilang default. Makikita mo ang extension at mobile app sa opisyal na website ng MetaMask.

Para kumonekta sa mga network tulad ng Arbitrum, kakailanganin mong magdagdag ng ilang impormasyon ng blockchain sa MetaMask. Kasama rito ang chain ID, custom na RPC URL, at pangalan ng network. Para magdagdag ng token ng Arbitrum, kakailanganin mo ring i-import ang tamang address ng token.

Ang pagdaragdag ng mga bagong blockchain sa MetaMask ay isang kapaki-pakinabang na kaalaman, at puwede mong ilapat ang kaalamang ito para magdagdag ng iba pang EVM network gaya ng BNB Smart Chain (dating Binance Smart Chain) at Polygon.


Panimula

Para gamitin ang blockchain ng Arbitrum, mangangailangan ka ng isang compatible na crypto wallet gaya ng MetaMask. Gayunpaman, hindi awtomatikong nakalagay sa MetaMask ang Arbitrum bilang default na blockchain. Ang pag-set up ng iyong wallet para kumonekta sa Arbitrum ay isang simpleng proseso at mabilis itong gawin.


Pag-install at pag-set up ng MetaMask

1. Available ang MetaMask para sa Chrome, iOS, o Android sa website ng MetaMask. Siguraduhing opisyal na website ang ginagamit mo at lehitimong extension ang dina-download mo.


2. Pagkatapos i-install ang extension, makikita mo na ang welcome page ng MetaMask. I-click ang [Magsimula] para magsimula.


3. Kung gusto mo ng bagong wallet, i-click ang button na [Gumawa ng Wallet]. Puwede ka ring mag-import ng kasalukuyang wallet gamit ang seed phrase nito gamit ang opsyong [Mag-import ng wallet].


4. Kung gusto mong magbahagi ng anonymous na data ng paggamit sa Metamask, magagawa mo iyon sa puntong ito. Ang pagtanggap o pagtanggi rito ay hindi makakaapekto sa paggamit mo ng wallet.


5. Gumawa ng secure na password para sa wallet mo. Tandaang hindi ito ang seed phrase mo. Ginagamit ang password para pigilang ma-access ng mga tao ang iyong wallet gamit ang iyong device. Kung makalimutan mo ang iyong password, puwede mong mabawi ang iyong crypto gamit ang seed phrase mo anumang oras.


6. Pagkatapos piliin ang password mo, magbibigay sa iyo ang MetaMask ng ilang kapaki-pakinabang na impormasyon tungkol sa seed phrase ng wallet mo. Basahin ito nang mabuti kung hindi ka pamilyar sa kung paano gumagana ang mga crypto wallet.


7. Makikita mo na ang seed phrase mo. I-click ang lock para tingnan ang phrase at isulat ang mga salita sa tamang pagkakasunod-sunod. Ilagay ang phrase sa isang secure na lugar (mas maganda kung offline) at huwag na huwag itong ibahagi sa iba. Ang string na ito ng mga salita ay ang pinal na backup ng mga content ng wallet mo. I-tap ang [Susunod] para magpatuloy.


8. Kakailanganin mong ulitin ang iyong seed phrase sa pamamagitan ng pagpili sa mga salita sa tamang pagkakasunod-sunod. I-click ang [Kumpirmahin] kapag tapos na.


9. Handa na ngayong magamit ang MetaMask wallet mo. I-click ang [Tapos na Lahat] para tingnan ang bago mong wallet.


10. Puwede mong i-pin ang Metamask sa iyong Chrome browser sa pamamagitan ng pag-click sa puzzle na icon at pagpili rito. Sa Ethereum lang muna unang nakakonekta ang MetaMask. Ngayon, titingnan natin kung paano ikonekta ang Metamask sa Arbitrum.


Pag-configure ng wallet

1. Sa pagdaragdag ng functionality ng Arbitrum sa iyong wallet, kailangan mong magbigay ng ilang simpleng detalye ng network sa Metamask. Una, buksan ang MetaMask at i-click ang dropdown na menu ng network.


2. Ngayon, i-click ang [Magdagdag ng Network] sa pop-up.


3. Kakailanganin mong idagdag ang mga sumusunod na detalye sa bubukas na page na [Magdagdag ng network]. I-click ang [I-save] kapag tapos ka na.

Pangalan ng Network

Arbitrum One

Bagong RPC URL

Chain ID

42161

Simbolo ng Currency

ETH

URL ng Block Explorer



4. Matagumpay ka nang maikokonekta sa Arbitrum network.


Pagdaragdag ng mga token ng Arbitrum sa MetaMask

Para lumabas sa UI ng wallet ang mga token ng Arbitrum, kailangan mong manu-manong idagdag ang mga ito. Tandaan na makakatanggap pa rin ang iyong wallet ng mga token na hindi na-import, pero hindi lang lalabas ang mga ito sa katutubong paraan.

1. Una, pumunta sa Arbiscan at hanapin ang kontrata at mga detalye ng token na gusto mong idagdag. Kung wala sa Arbiscan ang token, kunin ang address ng kontrata sa opisyal na website ng proyekto. Dapat kang maging maingat palagi sa mga pekeng kontratang ginawa ng mga scammer.


2. Bumalik sa MetaMask at i-click ang [Mag-import ng mga token].


3. I-paste ang address ng kontrata ng token at awtomatikong pupunan ng MetaMask ang iba pang detalye. Kung hindi, manu-manong ilagay ang mga ito. Para tapusin, i-click ang [Magdagdag ng Custom na Token].


4. I-click ang [Mag-import ng Mga Token].


5. Ipapakita na ng iyong wallet ang balanse ng token na idinagdag mo.



Mga pangwakas na pananaw

Pagkatapos i-set up ang mainnet ng Arbitrum sa MetaMask, puwede ka nang magpadala ng crypto, mangolekta ng mga NFT, at gumamit ng mga DeFi DApp smart contract. Puwede ka pa ngang mag-swap ng mga token sa mismong extension. Basta tiyakin lang na may ETH ka sa iyong wallet para bayaran ang mga gastusin mo sa transaksyon. Makukuha mo ito sa pamamagitan ng paggamit ng Arbitrum bridge para sa ETH mo sa mainnet ng Ethereum. 

Hindi lang para sa Ethereum at Arbitrum ang MetaMask. Suportado ng wallet ang buong Ethereum Virtual Machine (EVM) ecosystem, kabilang ang BNB Smart Chain. Gamit ang mga natutuhan sa tutorial na ito, makakapagdagdag ka na ng mas maraming chain at masisimulan mo nang magamit ang mga ito nang may mga tamang detalye.