TL;DR
Ang Tezos ay isang proyekto sa blockchain na namumukod-tangi dahil sa mga naka-built in nitong mekanismo sa pamamahala para sa pag-upgrade sa network. Ang mga pagbabago sa blockchain ng Tezos ay mga mungkahi sa code na ginagawa ng mga taong nagmamay-ari ng isang partikular na halaga ng Tez (XTZ), na pinagbobotohan naman ng mga peer. Dahil self-amending ang Tezos, tuloy-tuloy ang mga pag-upgrade ng network, at hindi na kailangan ang mga hard-fork.
Panimula
Ang mga platform ng smart contract ay bumubuo sa isa sa pinakasiksikan at kumpetitibong sektor sa industriya ng crypto. Bagama't mahalaga ang paglutas sa mga kasalukuyang problema sa teknolohiya para mas bumuti ang industriya, maraming iba't ibang diskarte para matugunan ang matinding pangangailangan para sa base-layer na imprastraktura ng smart contract.
Naging prominenteng kalahok ang Tezos sa blockchain dahil naging pundasyon ito ng isang organiko at masiglang pandaigdigang komunidad. Ginagamit ang token ng Tezos na Tez (XTZ) sa papalaking ecosystem ng mga user na gumagamit ng desentralisadong pinansya, sining, gaming, at marami pa.
Ano ang Tezos (XTZ)?
Suportado ng iba't ibang entity sa buong mundo ang ecosystem ng Tezos, kabilang ang Tezos Foundation, isang non-profit na Swiss entity na responsable sa mga programang nakakatulong sa pagtataguyod ng kaalaman at paggamit sa blockchain ng Tezos.
Nagsagawa ang Tezos ng fundraiser noong Hulyo 2017, at nakalikom ito ng $232 milyon. Kaya naman isa ito sa naging pinakamalalaking fundraiser ng proyekto ng blockchain. Noong 2018, matagumpay na nailunsad at lumago habang nasa bear market ang mainnet ng Tezos.
Paano gumagana ang Tezos (XTZ)
Ang mga smart contract sa Tezos ay gumagamit ng Michelson programming language na natatangi sa Tezos at karaniwan itong nira-write gamit ang isang mas mataas na antas ng language gaya ng SmartPy, Ligo, o Archetype na nagko-compile sa Michelson. Para magsagawa ng mga transaksyon sa network, gagamit ka ng gas, na iko-convert sa bayarin sa cryptocurrency ng Tezos, ang Tez (XTZ).
Ang mga kalahok na may hawak na mahigit 6,000 Tez ay puwedeng maging mga delegado, na kilala sa tawag na mga “baker,” na siyang gumagawa, lumalagda, at nagpa-publish ng mga bagong block sa blockchain ng Tezos, at nag-eendorso sa mga block na ginawa ng ibang baker. Gayundin, kung walang 6,000 Tez ang isang may hawak ng token o ayaw niyang i-set up ang kinakailangang hardware nang mag-isa, puwede niyang italaga ang mga coin sa isang baker.
Bakit mahalaga ang Tezos (XTZ)
May ilang pangunahing pagkakaiba ang Tezos sa iba pang mga platform ng smart contract sa mundo ng blockchain.
Pamamahala ng Tezos (XTZ)
Isinasagawa ang mga pag-upgrade sa Tezos sa isang on-chain na modelo ng pamamahala. Isinusumite ng mga delegado ang mga pagbabago sa blockchain sa pamamagitan ng mga pag-update sa code, pagkatapos ay puwede nang bumoto ang mga stakeholder kung aaprubahan nila o tatanggihan ang mga pagbabago.
Dahil sa on-chain na modelo ng pamamahala na ito, puwedeng magkaroon ng malalaking pag-upgrade anumang oras – kung aaprubahan ng mga delegado ang ipinanukalang mga pagbabago sa blockchain. Puwedeng kasama rito ang mga pagbabago sa system gaya ng mga pag-amyenda sa bayarin o sa proseso ng pag-bake, o maging mga pundamental na bagay gaya ng consensus algorithm! Nagreresulta rin ito sa isang masiglang komunidad na tumatalakay sa mga pagbabago at mga bagong patakaran para mas mapahusay ang system.
Mga sitwasyon ng paggamit ng Tezos (XTZ)
Tulad ng ibang mga network ng blockchain, ang Tezos ay isang mabilis na paraan para ma-verify ang mga pampinansyal na transaksyon nang may minimized trust.
Noong Setyembre 2019, ang cybercrime division (C3N) ng Gendarmerie ay naging isa sa mga unang ahensya ng gobyerno na gumamit ng Tezos para sa pag-validate ng kanilang gastos sa hukuman.
Puwede ring magamit ang Tezos para maglipat ng pagmamay-ari ng mga hindi liquid na asset, tulad ng real estate, art, at alahas. Halimbawa, ang isang kumpanya na tinatawag na MountX ay gumagamit ng Tezos para sa tokenization ng real estate sa Mexico.
Talagang naging popular ang ecosystem ng Tezos NFT – nakapaghikayat ito ng malalaking brand gaya ng Manchester United, Ubisoft, Redbull Racing, McLaren, at marami pa.
Paano mag-store ng Tezos (XTZ)
Puwede ka ring mag-store ng Tez sa Ledger o sa mga Trezor hardware wallet sa pamamagitan ng software mula sa third party.
Mga pangwakas na pananaw
Bagama't wala pang kasindaming aktibidad ng network at mabilis na pagbuo ng DApp gaya ng Ethereum ang Tezos, hindi ito dahil sa walang ibubuga ang blockchain na ito.
Dahil sa natatanging diskarte nito sa mga dynamic na pag-upgrade at on-chain na pagboto, isa itong platform na mas mabilis kaysa sa karamihan sa mga kakumpitensya nito, na puwedeng maging isang malaking bentahe sa pangmatagalan.
Nakapaghikayat ang Tezos ng isang organic na komunidad ng mga creative na nagpapahalaga sa desentralisadong katangian ng network, sa katipiran nito sa enerhiya, at sa pagbibigay nito ng halaga sa kontrol ng user.
Napatunayan na ng Tezos ang pakinabang at katatagan nito na posibleng maging kaakit-akit sa mga customer sa gobyerno at industriya.