TL;DR
Ang Binance Earn ay ang iyong crypto savings account. Dito, makakahanap ka ng maraming iba't ibang pagpipilian para magkaroon ng passive na kita sa iyong mga hawak na crypto.
Panimula
Posibleng nakita mo na ang sikat na quote na ito ng mamumuhunan na si Warren Buffett:
Kung hindi ka makakahanap ng paraan para kumita ng pera habang natutulog ka, magtatrabaho ka hanggang sa mamatay ka.
Ang Binance Earn ay isang kahanga-hangang paraan para madagdagan ang iyong savings habang mahimbing kang natutulog, dahil alam mong ginagawa ng iyong mga pondo ang lahat ng kailangang gawin para sa iyo. May ilang iba't ibang opsyon, na bawat isa ay may sarili nitong mga pagpapalagay tungkol sa iyong profile sa panganib, time horizon, at mga gustong kita.
Gusto mo bang kumita ng crypto habang natutulog?
Ano ang Binance Earn?
Talakayin natin ang pangunahing mga kategorya ng Binance Earn para malaman mo kung alin ang pinakanababagay sa iyong istilo sa pamumuhunan.
Flexible Savings
Kaya naman, kung mayroon kang kaunting pera sa iyong Spot Wallet, bakit hindi mo iyon ideposito sa isang Flexible Savings account? Dahil puwede mo itong i-access anumang oras, madaling gamitin ang mga pondong iyon para kumita ka habang hindi ginagamit ang mga iyon sa ibang lugar.
Tandaan na hindi makakalkula ang interes sa araw na mag-subscribe ka sa isang produkto ng Flexible Savings. Sa halip, ang unang bayad sa interes ay kakalkulahin mula sa susunod na araw pagkatapos ng iyong subskripsyon.
Locked Savings
Puwedeng 7 hanggang 90 araw ang mga produkto ng Locked Savings. Kaya naman, kung alam mong hindi ka mangangailangan ng ilang pondo sa ibang lugar sa loob ng isang partikular na tagal ng panahon, puwede mong i-lock ang mga iyon para makakuha ka ng mas mataas na APY.
Mga Aktibidad
Locked Staking
Kung ilalaan mo ang iyong mga PoS coin para ma-lock sa loob ng mga panahong mula 7 hanggang 90 araw, puwede kang makakuha ng mas mataas na reward. Kapareho ito ng Flexible vs. Locked Savings, pero dito, mayroong pag-stake.
Bilang karagdagan, papayagan ka rin ng ilang coin na gamitin ang Flexible Lock, kung saan ilalaan mo ang iyong mga pondo para sa pag-stake, pero mayroon ka pa ring kakayahang mag-withdraw kung gusto mo.
Launchpool
Kaya ano ang makukuha mo kapag pinagsama mo ang IEO at pag-farm ng yield? Launchpool. Puwede mong i-lock ang iyong BNB, BUSD, at iba pang mga cryptocurrency para makakuha ng isang bahagi ng isang bagong token na ilulunsad sa Binance. Minsan, ang mga token ay ilulunsad din nang sabay sa Launchpad at Launchpool.
Handa ka na bang magkaroon ng passive na kita?
Pamamahala ng Asset
Nagbibigay sa iyo ang tab na Pamamahala ng Asset ng access sa ilan pang mas advanced na produkto sa savings. Pero huwag kang mag-alala. Madali pa ring gamitin ang mga ito. Tingnan natin kung paano gumagana ang mga ito.
Binance Liquid Swap
Mainam iyon, pero ano ang kaugnayan nito sa savings? Gaya sa Uniswap at iba pang mga AMM, puwede ka ring maging market maker. Magdeposito lang ng isa (o marami) sa mga sinusuportahang stablecoin, at magsimulang kumita ng interes. Walang tiyak na nakakaalam, pero baka maging mas mataas pa ang mga kitang makukuha mo rito kaysa sa kung gumamit ka ng iba pang mga produkto ng Binance Earn.
Dual na Pamumuhunan
Ang Dual na Pamumuhunan ng Binance ay isang mainam na paraan para magkaroon ng dagdag na kita saanmang direksyon pumunta ang presyo. Nagbibigay-daan ito sa iyong mapataas ang yield sa savings mo habang pinapababa ang panganib sa presyo. Paano ito gumagana? Talakayin natin nang mabilis.
Nagdeposito ka ng isang cryptocurrency at kumita batay sa dalawang asset. Inilaan mo ang iyong mga hawak, ini-lock sa isang yield, pero kumita nang higit sa kung tumaas ang halaga ng iyong mga hawak sa panahong naka-lock ang mga ito.
BNB Vault
Ang BNB Vault ay isang BNB yield aggregator kung saan pinagsasama-sama ang Savings, BNB DeFi Staking, at Launchpool para maibigay sa iyo ang pinakamatataas na APY na kita. Napakadaling magsimulang kumita sa BNB Vault.
Pagkatapos i-stake ang iyong BNB, makakatanggap ka ng mga asset sa BNB Vault. Magsisimulang makalkula ang interes sa pangalawang araw at magbibigay ng mga reward sa iyong account araw-araw.
Puwede mong i-redeem ang iyong mga pondo anumang oras sa dalawang paraan: mabilis na pag-redeem at karaniwang pag-redeem. Sa mabilis na pag-redeem, mare-redeem mo ang iyong BNB sa araw kung kailan mo ginawa ang kahilingan, pero mawawala sa iyo ang interes na naipon sa araw na iyon. Sa karaniwang pag-redeem, ibabalik ang iyong mga pondo kinabukasan, pero magiging kwalipikado ka pa rin sa interes na naipon sa araw na iyon.
Magkaroon ng dagdag na kita mula crypto na nasa iyong account sa Binance