TL;DR
Ang Reef ay isang layer 1 na blockchain na binuo gamit ang Substrate na teknolohiya ng Parity. Inilunsad noong 2019 ni Denko Mancheski, sumailalim ito sa malaking pagbabago at naging ganap na gumaganang blockchain mula sa pagiging DeFi platform.
Gumagamit ang network ng Nominated Proof of Stake (NPoS) para iproseso ang mga valid na block ng mga transaksyon. Nagse-stake ang mga nominator ng REEF sa likod ng mga validator na umaasang mapipili sa aktibong hanay ng validator. Kapag matagumpay na nakapagproseso ng block ang isang validator, may reward na paghahatian niya at ng 64 na nominator.
Para sa mga pag-upgrade ng network, nagmumungkahi ng mga pagbabago ang isang Teknikal na Konseho na na-nominate sa pamamagitan ng mekanismo ng consensus na Proof of Commitment (PoC).
Ang native cryptocurrency ng blockchain, ang REEF, ay ginagamit para makabahagi sa pamamahala at makapagbayad ng bayarin sa transaksyon sa network. Makakabili ka ng REEF sa Binance gamit ang credit/debit card o sa pamamagitan ng pag-trade nito sa ibang cryptocurrency.
Panimula
Ang Reef ay isang layer 1 na blockchain na batay sa Substrate na itinatag noong 2019 ni Denko Mancheski. Noong Nobyembre 2021, nag-rebrand ang proyekto mula sa Reef Finance para ipakita ang pag-develop nito sa ganap na gumaganang blockchain mula sa pagiging Decentralized Finance (DeFi) platform.
Tulad ng iba pang network, nag-aalok ang Reef ng mga paggagamitan para sa mga NFT, DeFi, pag-develop ng smart contract, at GameFi. Nagbibigay din ang Reef ng mga bridge ng liquidity para magpalipat-lipat ng mga ERC-20 token sa Reef at Ethereum, at BEP-20 token sa Reef at BNB Chain.
Ang Reef blockchain
Paano gumagana ang pamamahala sa Reef
Gayunpaman, sa Reef, puwedeng magtulungan ang dalawang grupo sa pagpapatupad ng mga pagbabago sa network: isang Teknikal na Konseho at Mga Validator.
Ang Teknikal na Konseho
Inaaprubahan at sinusuri ng Teknikal na Konseho ang mga update sa network. Inihahalal ang mga miyembrong ito sa pamamagitan ng mekanismo ng consensus na PoC. May mga pagkakatulad ang PoC sa Delegator Proof of Stake, pero mayroon itong mahabang panahon ng pag-bond na hindi bababa sa isang taon. Samakatuwid, ang sinumang nagse-stake ng Reef para mag-nominate ng isang miyembro ng Teknikal na Konseho ay binibigyan ng insentibong bumoto para sa mga may kakayahang miyembro na mananatili nang mahabang panahon.
Pinagpapasyahan ng mga miyembro ng Teknikal na Konseho ang laki ng block, oras ng block, throughput, at iba pang teknikal na parameter. Posible ang paggawa sa mga pagbabagong ito sa chain sa pamamagitan ng pag-apruba nang karamihan mula sa Teknikal na Konseho.
Mga Validator
Pinoproseso ng mga validator ang mga block ng mga legal na transaksyon at nagpapagana sila ng node. Inihahalal sila gamit ang mekanismo ng consensus na NPoS. Tulad ng nabanggit na, bine-burn sa Reef ang lahat ng bayarin sa transaksyon. Ibig sabihin, binabayaran ang mga validator ng mga reward mula sa taunang pool ng inflation (itinatakda sa humigit-kumulang 8%).
Ang mga validator ay pinipili ng mga nominator, na tatalakayin natin sa ilang sandali. Kung kumilos nang nakakapinsala o mali ang isang validator, maaalis ang stake niya.
Pag-stake sa Reef
Dapat mag-stake ng REEF ang mga validator at nominator para makabahagi. Sa pamamagitan ng pag-stake ng REEF, puwedeng makakuha ang mga nominator ng higit pang REEF sa pamamagitan ng pagpili ng mahuhusay na kandidato sa pagiging validator. Kung mahalal ang validator sa aktibong hanay at matagumpay siyang nakapagproseso ng mga block, puwedeng makihati ang nominator sa mga reward niya. Kung gumawi nang mali ang validator, mawawalan ng ilang stake ang nominator, at maaalis ang validator.
Nila-lock ang na-stake na REEF hanggang sa ipasya ng nominator na alisin ang kanyang nomination sa validator, na magkakabisa sa susunod na yugto (humigit-kumulang 24 na oras). Ibig sabihin, kailangang maghintay nang 28 araw ang nominator bago maibalik ang stake niya.
Aktibong hanay ng validator at mga reward
Hindi lahat ng na-nominate na validator ay makakasali sa aktibong hanay ng mga validator. Sa karamihan ng mga sitwasyon, papayagan ka lang ng algorithm na aktibong sumuporta ng isang matagumpay na validator sa bawat yugto. Ganito ang sitwasyon kung nag-stake ka sa likod ng maraming validator para sa aktibong hanay.
Ang bawat validator ay puwede lang sumuporta ng mga payout sa 64 na nominator. Kung mas marami ang nominator ng isang validator kaysa rito, oversubscribed siya. Ang nangungunang 64 na nominator lang ayon sa halaga ng na-stake ang makakatanggap ng mga reward.
Kahit na hindi sila makatanggap ng reward, mabibilang pa rin ang mga stake ng ibang nominator sa kabuuang na-stake sa likod ng validator. Kinakalkula sa labas ng chain ang hanay ng mga validator, kung saan inaalis ang ilang nominator ayon sa laki ng kanilang stake.
Ang ecosystem ng Reef
Ang Reef ay hindi lang binubuo ng blockchain nito. Mayroon itong ecosystem ng mga tool at serbisyo na sumusuporta sa layer 1 na network nito.
Reef Web Wallet

ReefScan

ReefSwap
Ang ReefSwap ay isang DEX na nag-aalok ng serbisyo sa pag-swap para sa mga Reef token. Ginagamit nito ang pamilyar na modelo ng Uniswap V2 at kinakailangan itong i-access ng mga user sa pamamagitan ng Reef browser extension. Ito ay dahil nakabatay sa Substrate ang Reef. Puwede ring mag-claim ang mga user ng EVM wallet address at italaga ito sa kanilang Account sa Reef.

Ano ang REEF?
Ang REEF token ay ang native cryptocurrency ng Reef. Puwede itong gamitin para magbayad ng bayarin sa transaksyon sa network gamit ang system ng gas nito at pamamahala sa chain. Kasama rito ang mga mekanismo ng consensus na NPoS at PoC.
Saan ako makakabili ng REEF?
I-click ang [Magpatuloy] para kumpirmahin ang iyong pagbili at sundin ang mga ibinigay na tagubilin.


Konklusyon
Para sa marami, kilala ang Reef para sa orihinal nitong DeFi na modelo ng negosyo. Gayunpaman, nagsagawa ng malalaking pagbabago para sa pag-develop ang Reef at naging mas na-develop na ecosystem ito at ganap na gumaganang blockchain. Bago pa lang ang mga development ng blockchain, kaya mayroon itong malaking posibilidad ng paglago sa ilang smart contract at Decentralized Application (DApp) na puwedeng i-deploy sa network.