TL;DR
Ang Ethereum Name Service (ENS) ay isang serbisyo sa pagpapangalan para sa mga address ng wallet, hash, at iba pang identifier na nababasa ng machine. Ginagawa nitong mga madaling basahing address ang mga mahirap basahing string. Gumagana ito katulad ng Domain Name System (DNS) na ginagamit para sa mga website.
Madali ka na ngayong makakabili ng mga pangalan nang walang auction at makakapagrenta ng mga ito nang taunan. Nakadepende ang mga presyo sa haba ng pangalang gusto mong rentahan. Gayundin, kung nagmay-ari ka ng ENS domain noong Oktubre 31, 2021, kwalipikado ka sa airdrop ng mga $ENS governance token. Puwede mong kolektahin ang mga iyon hanggang Mayo 4, 2021.
Panimula
Isa sa pinakamalalaking hamon ng blockchain ay ang gawin itong mas madaling gamitin at accessible. Kung titingnan natin ang mga pagbabayad gamit ang Ethereum (ETH) o Bitcoin (BTC), hindi praktikal at nakakalito ang mahahabang address ng wallet para sa mga bagong user, at kahit para sa sanay nang user. Simpleng basahin ang mga hexadecimal na string ng mga numero para sa mga computer pero hindi ito masyadong madali para sa mga taong user. Nilulutas ng Ethereum Name Service (ENS) ang problema sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa kahit sino na gumawa ng mga simpleng address na istilong pang-website na mas madaling tandaan at gamitin.
Ano ang Ethereum Name Service?
Paano gumagana ang Ethereum Name Service?
Ano ang magagawa mo sa ENS?
Kung nalito ka na sa maraming address kapag nagpapadala ka ng mga cryptocurrency, maiintindihan mo kung bakit kailangan ang ENS. Gaya ng pag-save mo ng numero ng telepono ng pangalan ng isang kaibigan sa ilalim ng pangalan niya, sa ENS, nagiging mga madaling tandaang salita ang mahahabang numero. Gumagawa ito ng mas diretsahang karanasan na may mas maliit na tsansang magkamali.
Ang may-ari ng isang ENS ay puwede ring gumawa ng mga subdomain kung saan siya puwedeng magtalaga ng iba pang data. Hindi rin kailangang lagi itong isang address ng wallet. Puwede mo itong gamitin para tumuro sa isang smart contract, transaksyon, o metadata.
Paano kumuha ng sarili mong ENS?


Kapag nag-click ka sa pangalan, may makikita kang mga tagubilin kung paano irehistro ang ENS domain. Mapipili mo ang tagal ng pagrerehistro at makakakita ka rin ng pagtatantya kung magkano ang bayarin. Kapag may ether (ETH) ka sa iyong wallet, puwede mong sundin ang tatlong hakbang na ipinapakita at hilinging irehistro ang address.

Noong bago pa lang ang ENS, ino-auction ang mga sikat na pangalang may anim, lima, apat, at tatlong titik sa mga auction na nasa istilong Vickrey. Isinagawa ng isang smart contract ang buong proseso nang mahigit sa limang araw. Puwedeng sumali ang kahit sino sa isang pampublikong auction at puwede niyang subukang bilhin ang parehong domain name. Magpapadala ang bawat interesadong partido ng transaksyong naglalaman ng maximum na bid nila sa unang tatlong araw ng bukas na auction.
Pagkatapos, papasok ang auction sa yugto ng paglalahad. Ihahayag ng lahat ang kanilang bid o mawawala sa kanila ang na-lock nilang ETH, at magbabayad ang nanalong bidder ng halagang katumbas ng pangalawang pinakamataas na bid. Pagkatapos, makakatanggap ng refund ang lahat ng inihayag na bid.
Magkano kumuha ng ENS domain?

Paano i-claim ang airdrop ng Ethereum Name Service?
Sinumang may address na .eth sa isang snapshot noong Oktubre 31, 2021, ay kwalipikadong makatanggap ng mga $ENS token. Puwede mong i-claim ang mga iyon sa ilang simpleng hakbang. Puwede mong i-claim ang iyong mga token hanggang Mayo 4, 2022, bago i-burn ang mga ito.

2. Piliin ang wallet kung saan mo gustong kumonekta, gaya ng MetaMask, WalletConnect, o iba pang provider.

3. I-click ang [Magsimula] para magpatuloy.

4. Makikita mo na ngayon ang opsyong [Simulan ang proseso ng pag-claim mo] kasama ng halagang kwalipikado mong matanggap.
5. Siguraduhing basahin ang impormasyong nagbibigay-kaalaman tungkol sa $ENS, pagkatapos ay ang Konstitusyon, na kakailanganin mong pirmahan gamit ang iyong wallet.
6. Ngayon, mapipili mong italaga sa iyo o sa ibang user ang kapangyarihan sa pagboto ng mga token mo.
7. Bilang pangwakas, suriin ang halagang kine-claim mo at ang itinalaga mo bago mo i-click ang [I-claim] at bago ka magbigay ng bayad sa gas para ma-unlock ang iyong mga token.
Mga pangwakas na pananaw
Sa mundo ng mga desentralisadong network, ang ENS ay isang hakbang tungo sa paggawa ng mga madaling i-access na paraan para makipag-interact sa isang blockchain. Tulad na lang ng paghinto natin sa paggamit ng mga IP address para mag-navigate sa web, puwede tayong makakita ng pagdami ng mga ENS name dahil kapaki-pakinabang ito at patuloy itong sumisikat. Mula noong airdrop nito, dumami rin ang nagkainteres sa ecosystem ng cryptocurrency sa proyekto.