Use Case ng Blockchain: Gaming
Home
Mga Artikulo
Use Case ng Blockchain: Gaming

Use Case ng Blockchain: Gaming

Baguhan
Na-publish Dec 9, 2019Na-update Oct 28, 2021
5m

Mabilis ang pag-usbong ng blockchain ecosystem. Bawat araw, parami na nang parami ang bilang ng mga tao naapektuhan nito. Bagamat ang teknolohiyang ito ay kadalasang ginagamit sa mga cryptocurrency network, binibigyang daan din nito ang mas makabagong solusyon sa maraming uri ng industriya.

Matatagpuan sa Binance Academy ang maraming akda na tumatalakay sa mga use cases ng blockchain. Ilan sa mga halimbawa ang kalusugan, pamamahala,  supply chain, IoT, at kawanggawa.

Pero alam mo bang binabago na rin ng teknolohiyang blockchain ang industriya ng paglalaro?


Ang industriya ng gaming ngayon

Sa ngayon, sumusunod sa sentralisadong modelo ang maraming uri ng online na laro. Ibig sabihin nito, lahat ng kaugnay na datos ay itinatagao sa isang server na ganap na kontroladao ng mga tagapangasiwa ng laro.

Sa karaniwan, kabilang sa mga datos ang impormasyon tungkol sa account at tala ng kasaysayan ng server na siyang nagtatala at nagtatago sa mga kaganapan at mga pagmamay-ari sa laro na nakolekta ng mga manlalaro (tulad na lamang ng mga nakolekta, ibang mga gamit, at pera sa online).

Dahil ang talaan ng mga datos ay pagmamay-ari ng isang kumpanya, hindi masasabing pagmamay-ari ng mga manlalaro ang kanilang account at mga gamit. Gayun din, nagtatakda ng limitasyon at kahinaan ang mga sentralisadong server. Kabilang sa mga ito ang mga sumusunod:

  • Hindi paggana ng server dahil sa teknikal na problema
  • Pagpasok ng mga hacker sa sistema
  • Pagshutdown ng laro
  • Hindi karapat-dapat na pagbawal sa mga account
  • Hindi pagtatapat sa mga regulasyon at singil sa laro
  • Manipulasyon ng mga developer at mga nangangasiwa sa ekonomiya ng laro

Sa madaling sabi, ang kapangyarihan ay nasa mga kamay ng mga kumpanyang may-ari ng mga laro. Sa kabutihang-palad, kayang tanggalin o maagapan ng teknolohiyang blockchain ang karamihan sa mga problemang ito.


Paano ito gumagana?

Bilang naikalat na talaan ng mga datos, maaaring magamit ang sistemang naka-base sa blockchain para beripikahin at protektahan ang iba’t ibang uri ng digital na datos, kabilang ang tala ng kasaysayan sa mismong laro, mga digital na gamit, at mga pagmamay-aring ginawang token. Ang pangunahing ideya ay ang paglipat ng kapangyarihan mula sa mga kumpanyang nagmamay-ari ng laro at pagbalik nito sa mga manlalaro.

Sa ganitong paraan, nagkakaroon ang bawat manlalaro ng ganap na kontrol sa kanilang mga account at digital na pagmamay-ari. May kalayaan din sila na makipagpalitan ng mga pagmamay-ari anumang oras. May iba’t ibang paraan sa pagbuo at pagpapanatili ng larong blockchain.


Paano maaaring maapektuhan ng blockchain ang mundo ng paglalaro?

Sa bahaging ito ipakikilala ang ilan sa mga pinaka-karaniwang paraan kung saan maaaring maapektuhan ng teknolohiyang blockchain ang industriya ng paglalaro.


Tunay na pagmamay-ari

Tulad ng nabanggit, pinahihintulutan ng mga larong naka-base sa blockchain ang permanenteng pagmamay-ari at hanap na kontrol ng mga manlalaro sa kanilang mga gamit sa laro. Ang bawat gamit ay kinakatawan ng hindi nagagaya, at non-fungible token (NFT), tulad ng ERC-721 na mga token.

Ang mga asset na ito ay maaaring in-game cards, skins, equipment, at characters. Anuman ang uri ng gamit, ang lahat ng ito ay maaaring i-link sa blockchain tokens na pinapanatili ng mga naipakalat na network.


Decentralized na pamilihan

May kapangyarihan ang mga kumpanyang nagmamay-ari ng laro na manipulahin ang drop rate ng mga ekonomiya ng kanilang mga laro. Pwede rin nilang i-lock o i-bind ang mga item sa laro para hindi ito maipalit.

Kasalungat nito, binibigyang daan ng mga larong binuo gamit ang blockchain networks ang pagbuo ng desentralisadong pamilihihan. Tinatanggal nito ang pangangailangan ng tiwala sa pagitan ng mga manlalaro habang nagbibigay ng censorship resistance. Malaya ang lahat ng manlalaro na bumili, magbenta, at makipagpalitan ng kanilang mga pagmamay-ari sa laro sa paraang peer-to-peer.


Pagsasaayos ng bayad

May kapangyarihan ang blockchain at smart contracts na mapababa ang bayad at mapabilis ang mga pinansyal na transaksyon. Kaya din nitong mapadali ang iba’t ibang uri ng bayad, hindi lang para sa palitan sa pagitan ng mga manlalaro (peer-to-peer) kundi ganun din sa pagitan ng mga manlalaro at developer.

 

Multi-universe na gaming

Sa pamamagitan ng pag-link ng mga datos ng laro sa blockchain tokens, makakapagpalitan ng gamit ang mga manlalaro kahit pa sa pagitan ng magkakaibang laro. Binibigyang daan nito ang mga manlalaro na muling gamitin ang kanilang mga digital na pagmamay-ari habang nag-eeksperimento sa ibang mga laro.

Dahil ang mga gamit sa laro ay kinakatawan ng mga digital na token, maaari ipalit ng mga manlalaro ang mga token na ito sa ibang pamilihan ng mga laro na nasa parehong blockchain.


Patas na paglalaro

Depende sa implementasyon, pinahihintulutan ng blockchain ang paggawa ng open-source, distributed, at transparent na mga server ng laro. Sa ganitong pagkakaaon, maaari lamang baguhin ang mga regulasyon ng laro kung payag ang karamihan sa network sa pamamagitan ng pagboto .

Higit pa, pagkakaroon ng distributed na klase ng mga blockchain ay pinipigilan ang mga hacker at mga manloloko mula sa paggulo ng laro dahil walang nag-iisang punto kung saan pwedeng mabigo.


Walang limitasyong paglalaro

Kapag ang isang laro ay nasa sentralisadong server, maaaring abandunahin o i-shut down ng mga developer ang laro anuman oras. Sa blockchain, maaaring magpatuloy ang manlalaro kahit pa umalis ang mga developer.

Hanggat tumatakbo ang network ng blockchain, nananatiling buhay ang laro. Sa ibang mga pagkakataon, mga mga bagong developer na pumapalit para ipagpatuloy ang pagpapaganda ng laro.


Mga limitasyon

Bagamat binuksan ng teknolohiyang blockchain ang isang bagong mundo ng paglalaro, may mga mahahalagang pagsubok pa rin itong dapat malagpasan. Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Scalability. May mga pagkakataong mas mabagal ang mga blockchain kung ikukumpara sa mga sentralisadong network. Dahil dito, hindi naipapakilala ang mga laro sa pandaigdigang merkado.
  • Mababang pagtangkilik. Bagamat daan-daang larong blockchain na ang nagawa, masyado pa ring mababa ang pagtangkilik dito. Karamihan sa mga laro ay may mababang bilang ng mga manlalaro.
  • Centralization. Hindi lahat ng mga larong naka-base sa blockchain ay ganap na sentralisado. Ang ilan sa mga ito ay gumagamit ng ERC-721 or ibang blockchain tokens ngunit pinapatakbo pa rin ng sentralisadong server.
  • Pagiging simple. Maliban sa ilan, karamihan sa mga larong blockchain ay masyadong simple para maging kanais-nais sa mga manlalaro na binibigyang halaga ang mataas na kalidad ng graphics at mas magandang karanasan sa paglalaro.
  • Mga hadlang sa pagsisimula. Hindi madali ang paglikom ng pondo para sa pagsisimula at pagpapanatili ng larong blockchain. Ang kakulangan sa pagtangkilik, kabilang na ang problema sa scalability, ay maaaring maglimita sa trabaho ng mga developer.
  • Kumpetisyon. Kadalasang gawa ng mga maliliit at malayang grupo ang mga larong blockchain (indie games). Hirap ang mga grupong ito na makipagsabayan sa ibang malalaking kumpanya ng laro mula sa isang sentralisadong mundo.
Sa kabutihang-palad, maraming solusyon na ang binubuo. Ilan sa mga grupo tinutuklas ang  Ethereum Plasma, Lightning Network, at iba pang Layer 2 na solusyon na maaaring lumutas sa problema nito sa scalability.


Halimbawa ng mga blockchain games

Kung ikukumpara sa mga tradisyunal na industriya ng paglalaro, masasabing bago at maliit pa ang komunidad ng larong blockchain. Ganunpaman, daan-daang DApps at mga laro ang nabuo sa mga blockchain network.

Kabilang sa mga desentralisadong applications at mga laro ay pinatatakbo ng Ethereum blockchain (tulad ng Enjin and Loom). Ganunpaman, humahaba ang listahan ng mga proyektong binubuo sa ibang network tulad ng EOS, TRON, ONT, NEO, VeChain, at IOST. Ilan sa mga halimbawa ng mga larong naka-base sa blockchain ang mga sumusunod:

  • Decentraland (virtual reality na plataporma)
  • Cryptokitties
  • Gods Unchained
  • My Crypto Heroes
  • Cheeze Wizards
  • Crypto Space Commander
  • Mythereum
  • Axie Infinity
  • HyperSnakes
  • EOS Dynasty
  • EOS Knights
  • Beyond the Void
  • CryptoZombies
  • Relentless
  • HyperDragons Go
  • CryptoWars

Pangwakas na ideya

Malinaw na malaki ang potensyal ng teknolohiyang blockchain sa industriya ng paglalaro. Malaking pagbabago ang ibinibigay nito sa mga manlalaro at developer lalong lalo na sa desentralisasyon, pagiging malinaw ng regulasyon, at maayos na palitan sa pagitan ng mga laro. 

Kung makayanan ng mga developer na malutas ang maraming limitasyon, malaki ang posibilidad na mas mapaganda ng blockchain ang mundo ng paglalaro. Malaki rin ang pag-asang maipakilala ang bagong mundo ng libangan na mas magbibigay ng kalayaan sa mga manlalaro.