TL;DR
Ang Polkastarter ay isang platform ng desentralisadong fundraising kung saan mapopondohan at mailulunsad ng mga team at kumpanya ng blockchain ang kanilang mga proyekto. Nagbibigay-daan ito sa mga proyekto na gumawa ng mga multi-chain na pool ng token habang lumilikom ng pondo at pinapalaki ang kanilang mga komunidad.
POLS ang utility at governance token ng platform. Para makalahok sa isang IDO sa Polkastarter, kailangang humawak o mag-stake ng POLS ang mga user para ma-boost ang POLS Power nila.
Panimula
Ang IDO (Initial DEX Offering) ay isang sikat na paraan ng crowdfunding sa mundo ng blockchain. Sa iba't ibang platform ng IDO, sumisikat ang Polkastarter dahil sa scalability at interoperability nito. Sa pamamagitan ng pagpili sa Polkastarter, magagawa ng mga proyekto ng blockchain na dagdagan ang kanilang exposure, palakihin ang kanilang komunidad, at gumamit ng pool ng mga tagapayo at partner.
Ano ang Polkastarter?
Ang Polkastarter ay isang IDO launchpad para sa mga desentralisado at multi-chain na pool ng token. Nagbibigay-daan ito sa mga startup na crypto na makalikom ng kapital sa isang fixed-swap pool at maipamahagi ang mga bago nilang token sa mga maagang namumuhunan. Itinatag ang Polkastarter noong 2020 nina Daniel Stockhaus, Tiago Martins, at Miguel Leite.
Mga pangunahing feature ng Polkastarter
Ang Polkastarter ay isang multi-chain na platform ng desentralisadong fundraising na nag-aalok ng mabababang bayarin sa transaksyon. Sa Polkastarter, puwedeng maglunsad ng mga bagong proyekto sa iba't ibang blockchain, kasama na ang Ethereum, BNB Chain, Polygon, Celo, at Avalanche. Puwede ring tumanggap ang mga ito ng anumang token na compatible sa mga network na ito sa mga bentahan ng IDO. Tingnan natin nang mas mabuti ang mga pangunahing feature na iniaalok ng Polkastarter.
Mga Fixed Swap Pool
Puwede ring mag-set up ang mga proyekto ng mga pool na may mga karagdagang parameter para magkaroon ng dagdag na kontrol sa kanilang mga fundraising. Halimbawa, makokontrol nila ang maximum na pamumuhunan sa bawat user o ang bilang ng mga mamumuhunan na pinapayagan sa pool. Ang buong proseso ay kontrolado ng mga smart contract, na tumitiyak na magkakaroon ng patas at transparent na pamamahagi ng token.
Pag-farm sa IDO
Idinisenyo ang pag-farm sa IDO para mabawasan ang pressure na magbenta, at gumagana ito katulad ng iba pang farm sa pag-stake. Kung mas matagal silang magse-stake, mas mataas ang mga reward na makukuha nila. At sa bawat user na magwi-withdraw ng kanilang stake, tataas ang APY ng pool, na magbibigay sa mga natitirang staker ng mas mataas pang yield.
KYC
Gaming sa Polkastarter
Ano ang POLS?
Ang POLS ay ang utility token ng ecosystem ng Polkastarter. Isa itong ERC-20 token na may maximum na supply na 100 milyon. Pangunahing tumatakbo ang POLS sa blockchain ng Ethereum, pero mayroon ding bersyong BEP-20 na available sa BNB Smart Chain.
Ano ang POLS Power?
Tinutukoy ng POLS Power ang tsansa mong makalahok sa isang IDO at bentahan ng NFT. Isa itong aggregator na nagkakalkula sa kwalipikadong balanse sa POLS na mayroon ang mga user sa buong platform, kasama na ang POLS sa kanilang wallet at ang POLS na sine-stake nila. Para magkaroon ng access sa isang IDO, kailangang mailagay ng mga user ang mga address ng wallet nila sa “allowlist.” Isa itong sistema ng lottery na nagbibigay sa mga user ng reward na 1 ticket para sa bawat 250 POLS. Sa isang IDO, pinipili ang mga address sa random na paraan.
Kapag mas maraming ticket, tataas ang tsansa nilang mapili. Kapag mas maraming POLS, tataas din ang halaga ng mga ticket. May 5 tier ng POLS Power, na puwedeng magpataas ng halaga ng bawat ticket nang hanggang 25%. Ibibigay rin ng nangungunang tier (30,000+ POLS) sa mga user ang status na “Walang Cooldown,” ibig sabihin, puwede silang lumahok sa maraming IDO hangga't gusto nila, hangga't papasa sila sa KYC.
Paano magkaroon ng POLS Power
Paano lumahok sa isang IDO o bentahan ng NFT sa Polkastarter?
2. I-click ang [Mag-apply Na] at maglagay ng ilang pangunahing impormasyon para makasali sa allowlist.
3. Ipoproseso ng team ng proyekto ang lahat ng aplikasyon, at bubuuin ang lottery ng allowlist batay sa POLS Power ng lahat ng aplikante. Ang mga proyekto ang bahalang tumukoy kung ilang user ang ilalagay nila sa allowlist, kaya mag-iiba-iba ang tsansa mong matagumpay na makasali sa bentahan.
4. Kung masuwerte ka at mailalagay ka sa allowlist, kakailanganin mong kumpletuhin ang pag-verify ng KYC. Siguraduhin ding mayroon kang sapat na pondo sa iyong kaugnay na chain wallet bago ang bentahan.
5. Sa araw ng paglulunsad, pumunta sa page ng proyekto at i-click ang [Sumali], ilagay ang halagang gusto mong iambag at i-click ang [Sumali sa Pool]. Kapag nakumpirma na ang transaksyon, may makikita kang kumpirmasyon sa page na [Mga Alokasyon]. Pagkatapos, puwede mong i-claim ang iyong mga token kapag natapos na ang IDO, ayon sa iskedyul ng pag-vest.
Paano bumili ng POLS sa Binance?
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at pumunta sa [Mag-trade]. Piliin ang classic o advanced na trading mode.
Mga pangwakas na pananaw
Ang Polkastarter ay isang napakagandang platform para sa mga bagong negosyo at startup, para makalikom sila ng kapital at masimulan nila ang kanilang mga proyekto ng crypto. Makakapagbigay rin ito sa mga namumuhunan ng madaling access sa mga pinakabagong proyekto ng blockchain. Dagdag pa sa mga Fixed Swap Pool, pag-stake ng POLS, mga bentahan ng NFT, multi-chain na suporta, at lahat ng kasalukuyang feature, plano ring i-upgrade ng Polkastarter ang modelo ng pamamahala nito, para maging mas sangkot ang mga user sa proseso ng pagpapasya at pangkalahatang pag-unlad.