TL;DR
Sa pamamagitan ng nested na palitan ng cryptocurrency, nabibigyan ang mga customer nito ng mga serbisyo sa pag-trade ng crypto gamit ang isang account sa iba pang palitan. Hindi ito nangangasiwa ng direktang pag-trade mismo. Sa halip, nagsisilbi itong tulay sa pagitan ng mga user at iba pang provider ng serbisyo. Kadalasang ginagamit ang nesting sa tradisyonal na pagbabangko para magbigay ng mga serbisyong hindi kayang ibigay ng isang partikular na bangko, gaya ng mga paglilipat sa ibang bansa.
Sa larangan ng crypto, ang mga nested na palitan ay kadalasang may maluluwag na proseso ng KYC at AML, o kaya ay wala talaga. Dahil sa ganitong kakulangan sa pagsunod, madalas itong inaabuso ng mga cybercriminal. Nakakatulong ang mga nested na palitan sa pagsuporta sa money laundering, mga scammer, at mga pagbabayad sa ransomware.
Kapag nag-trade ka sa isang nested na palitan, binibigyan mo ito ng custody sa iyong mga asset. Nagbibigay ang mga ito ng mas mababang seguridad at mas kaunting garantiya kumpara sa nakakasunod na sentralisado o desentralisadong palitan. Puwede ka ring maharap sa mga legal na isyu sa pakikipag-interaksyon sa mga nested na palitang pinatawan ng parusa.
Kung gagamit ka ng palitan, tiyaking may mga tama itong pagsusuri ng KYC at AML. Kadalasan, umaabot nang ilang araw ang pagproseso sa mga ito. Kung papayagan ka ng palitan na makapag-trade nang halos agad-agad nang walang limitasyon, dapat kang magsiyasat pa. Hindi itatago ng isang lehitimong palitan kung paano isinasagawa ang mga trade, at madali mong matitingnan ang pinagmumulan ng mga pondo mo sa isang blockchain explorer.
Panimula
Kapag bumibili o nagbebenta ka ng crypto, mahalagang mag-trade gamit ang isang pinagkakatiwalaang website. Gayunpaman, kailangan mong maging mapagpasensya kapag kumukumpleto ng mga pagsusuri ng KYC at AML para mapanatiling ligtas ang iyong sarili. Dahil dito, may ilang user na pinipiling gumamit ng mga palitan na kaunti lang o wala talagang pagsusuri sa pag-sign up at puwede agad makapag-trade.
Bagama't posibleng lehitimong desentralisadong palitan ang ilan, ang iba ay posibleng mga nested na palitan na humahawak ng mga nakaw o na-launder na pondo. Hindi kailanman magagarantiyahan ang kaligtasan ng iyong mga pondo sa isang nested na palitan. Para matiyak na mapapanatili mong secure ang iyong crypto, mahalagang malaman kung ano ang mga nested na palitan, ano ang ginagawa ng mga ito, at paano mo matutukoy ang mga ito.
Ano ang nesting?
Nagkakaroon ng nesting kapag ang isang tagapagbigay ng pinansyal na serbisyo ay gumawa ng account sa ibang pinansyal na institusyon para gamitin ang kanilang mga serbisyo. Ang may-ari ng account ang tatayong tulay na mag-aalok ng mga serbisyo sa kanilang mga customer gamit ang nested na account. Nangyayari ito sa iba't ibang dahilan. Halimbawa, may bangko sa ibang bansa na magbibigay ng kanilang mga serbisyo at ecosystem sa pagbabangko sa isang bangkong nagnenegosyo sa ibang bansa, na tinatawag na correspondent na pagbabangko.
Isipin mo ang isang customer na gustong maglipat ng pera papunta sa isang bangko sa Australia. Posibleng hindi ito magawa ng kanyang bangko, pero puwede siyang gumamit ng correspondent na bangko para mailipat sa kanila ang mga pondo. Ipoproseso ng bangko ng customer ang kahilingan sa paglilipat sa pamamagitan ng nested nitong account sa correspondent na bangko. Dapat magsagawa ng due diligence ang correspondent na bangko sa bangkong katransaksyon nila. Sa pangkalahatan, pinagsisilbihan ng correspondent na bangko ang mga customer na hindi nila kilala, kaya kailangan nilang pagkatiwalaan ang may-ari ng nested na account.
Ano ang nested na palitan ng cryptocurrency?
Ano ang panganib ng nesting?
Pagdating sa tradisyonal na pinansya, ang isa sa pinakamalalaking problema ay ang panganib ng money laundering. Dahil ang direktang katransaksyon lang ng correspondent na bangko ay ang pinagbabatayang respondent na bangko, hindi nila matitiyak kung sino ang mga katransaksyon nila. Kaya naman nangangailangan ang nesting ng mga pinaigting na pagsusuri para sa due diligence sa pinagbabatayang bangko. Puwedeng blacklisted ang mga indibidwal o ang buong mga bansa at posibleng may mga ipinataw na kaparusahan sa kanila. Kung hindi susunod ang isang pinagbabatayang bangko sa mga ito, posibleng makasuporta ang respondent na bangko sa mga ilegal na aktibidad, gaya ng money laundering o pag-iwas sa mga kaparusahan.
Habang gumagawa pa lang ng mga epektibong regulasyon ang industriya ng cryptocurrency, mas madali para sa mga nested na palitan na magnegosyo nang hindi natutukoy. Puwedeng magbukas ng account ang isang nested na palitan sa isang malaking palitan ng crypto nang hindi nila agad nalalaman.
Ano ang mga panganib ng nested na palitan ng cryptocurrency?
Kapag gumamit ka ng nested na palitan ng cryptocurrency, hindi lang mga sentralisadong palitan ang naaapektuhan. Nanganganib ka rin at ang mga pondo mo sa iba't ibang dahilan:
1. Mas kaunti ang garantiya sa kaligtasan ng iyong mga deposito kumpara sa isang kontroladong palitan.
2. Posibleng nakakasuporta ka sa mga ilegal na aktibidad na nagpopondo ng mga krimen at terorismo.
3. Puwedeng ipasara ng mga panregulatoryong awtoridad ang palitan, na magreresulta sa pagkawala ng iyong crypto o iba pang pondo.
4. Puwede kang maharap sa mga legal na kaparusahan mula sa mga tagapagpatupad ng batas kung sinadya mong gumamit ng palitang may ilegal na aktibidad.
Ang pinakamagandang paraan para maiwasan ang mga ito ay ang hindi paggamit sa mga nested na palitan ng crypto. Posibleng mahirap matukoy ang mga ito, dahil hindi ito palaging halata. Sundin ang aming mga tip mamaya para sa pinakamataas na tsansa na maprotektahan ang iyong sarili.
Ano ang pagkakaiba ng nested na palitan at desentralisadong palitan?
Ang insidente tungkol sa nested na palitan ng Suex
Tumingin tayo ng isang halimbawa mula sa totoong buhay. Noong Setyembre 21, 2021, pinarusahan ng Office of Foreign Assets Control (OFAC) ang palitan ng cryptocurrency na Suex na na-incorporate sa Czech Republic at nagnenegosyo sa labas ng Russia. Nagbibigay ang Suex OTC ng serbisyo ng nested na palitan ng cryptocurrency gamit ang Binance at iba pang malalaking palitan para pagsilbihan ang mga customer nito. Kaunti lang o halos walang KYC ang Suex, at nangasiwa pa nga ito ng mga personal na palitan ng crypto sa pamamagitan ng cash.
Paano tumukoy ng nested na palitan?
Sa karaniwan, hindi ipapahalata ng mga nested na palitan ang katotohanang nested na palitan sila. Magandang magsimula sa mga sumusunod na puntos para tumukoy ng nested na palitan at panatilihin kang ligtas at ang mga pondo mo:
2. Hindi malinaw sa UI kung saan nagaganap ang palitan.
3. Walang malinaw na pahayag na nangangasiwa ng mga trade ang palitan. Sasabihin ng isang lehitimong palitan kung saan nagaganap ang pag-trade nang direkta sa pamamagitan ng platform nito at hindi sa isang nested na account.
4. Pinagsasama-sama ng palitan ang iba't ibang rate na puwede mong pagpilian. Ibig sabihin, gumagamit ang palitan ng mga nested na account sa iba't ibang palitan.