Ano ang WOO Network (WOO)?
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang WOO Network?
Paano gumagana ang WOO Network?
Bakit natatangi ang WOO Network?
Ano ang WOO X?
Ano ang WOOFi?
Ang WOO token
Saan ako makakabili ng WOO?
Paano ako magse-stake ng WOO sa WOOFi?
Mga pangwakas na pananaw
Ano ang WOO Network (WOO)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang WOO Network (WOO)?

Ano ang WOO Network (WOO)?

Intermediya
Na-publish Mar 16, 2022Na-update Dec 28, 2022
9m

TL;DR

Ang WOO Network ay isang deep liquidity network na ini-incubate ng Kronos Research. Ikinokonekta nito ang mga trader, palitan, institusyon, at platform ng DeFi na may ginawang demokratikong access sa pinakamahuhusay na diskarte sa liquidity, pagpapatupad ng pag-trade, at pagbuo ng yield sa mas mababang gastos o kahit nga wala. 

Nag-aalok ang WOO Network ng mga sentralisado at desentralisadong palitan bilang bahagi ng isang liquidity network. Nagbibigay ang WOO X (ang CEX) ng murang pag-trade, mga nako-customize na workspace, at deep liquidity. Nag-aalok ang WOOFi (ang DEX) ng bagong modelo ng Synthetic Proactive Market Making na gumagaya sa order book ng isang tradisyonal na palitan. Ang mga user ng platform ng pag-trade ay puwedeng mag-swap, kumita, at mag-stake ng WOO, ang native token ng proyekto. Makakabili ka ng WOO sa Binance gamit ang credit o debit card o puwede mo itong i-trade kapalit ng iba pang cryptocurrency. Puwede ring i-stake ang WOO para sa mga reward sa WOOFi.


Panimula

Mula noong ginawa ang Bitcoin, nagpatuloy ang mabilis na paglago ng mundo ng blockchain, at madaling makita kung gaano kahalaga ang mga palitan ng cryptocurrency sa kasalukuyan. Pero, kung babalik tayo sa 2016, kaunti lang ang mga opsyon. Noong Hulyo 2017 lang inilunsad ang Binance, at walang Uniswap o iba pang Automated Market Maker (AMM). Maraming tao ang bumili ng Bitcoin (BTC) at iba pang digital asset mula mismo sa iba pang indibidwal sa mga peer-to-peer (P2P) na merkado o sa pamamagitan ng mga over-the-counter (OTC) na trade.

Ngayon, may daan-daan (kung hindi libo-libong) palitan ng crypto na mapagpipilian. Bahagi ng ecosystem na ito ang WOO Network, pero nag-aalok ito ng mga natatanging feature na higit pa sa tradisyonal na modelo ng palitan ng crypto. Kung gusto mong malaman ang higit pa tungkol sa isa sa mga pamumuhunan ng Binance Lab, tama ang pinuntahan mo.


Ano ang WOO Network?

Ang WOO Network ay isang deep liquidity network na nagkokonekta ng mga trader, palitan, institusyon, at platform ng DeFi. Nagbibigay ito ng ginawang demokratikong access sa mga diskarte sa liquidity ng merkado, pagpapatupad ng pag-trade, at pagbuo ng yield sa mas mababang gastos o kahit nga wala.

Na-incubate ng Kronos Research ang WOO Network noong 2019, isang kumpanya ng quantitative trading na matagal nang nangunguna bilang market maker sa lahat ng pangunahing palitan, na nakakabuo ng $5-10 bilyon sa pang-araw-araw na dami. Sa mga taong ito ng karanasan sa crypto, nakapansin ang Kronos team ng mahalagang kakulangan - ang hindi sapat at hindi abot-kayang liquidity sa maraming palitan ng crypto, parehong sa mga sentralisado at desentralisado.

Pagkatapos nito, tumulong ang Kronos na ilunsad ang WOO Network, na nag-aalok na ngayon ng isang hanay ng mga produktong nagdadala sa mga user ng mas mahusay na liquidity na may mababang bayarin o kahit nga wala. Nanguna ang Binance Labs sa Series A+ na round ng pagpopondo ng WOO Network sa $12M pamumuhunan noong Enero 2022.

Hinahati ng WOO Network ang karamihan ng mga serbisyo nito sa WOO X, isang centralized exchange (CEX), at WOOFi, isang decentralized exchange (DEX) at platform ng pag-stake. Iniaalok ng WOO Network ang WOO Trade para sa mga institusyonal na kliyente, na nagbibigay-daan sa mga partner na palitan na i-integrate ang liquidity ng WOO Network sa kanilang mga serbisyo sa pamamagitan ng API.


Paano gumagana ang WOO Network?

Nakikipagtulungan ang WOO Network sa Kronos Research para pagsama-samahin at i-integrate ang liquidity gamit ang mga diskarte sa quantitative trading at pag-hedge. Pinagsasama-sama ang liquidity mula sa ilang nangungunang sentralisado at institusyonal na platform ng pag-trade, at, mas kamakailan pa, sa pamamagitan ng mga network ng DeFi gaya ng Ethereum, BNB Chain, Polygon, at Avalanche. Direktang kumokonekta ang mga kliyente sa network sa pamamagitan ng API o sa pamamagitan ng GUI sa WOO X at WOOFi. Ang iba naman ay hindi direktang kumokonekta sa pamamagitan ng mga platform ng DeFi gaya ng 1inch, 0x, o Paraswap.

Puwede ring gamitin ng mga market maker mula sa iba pang platform, tulad sa dYdX, ang WOO Network bilang lugar kung saan maghe-hedge ng exposure. Mainam ang modelong walang bayad at mga paborableng tuntunin para sa mga taker order para sa murang pag-hedge. Tuloy-tuloy na nadaragdagan ang mga dami, at noong kalagitnaan ng Setyembre 2021, umabot ang 24hr na dami ng pag-trade sa $2.5B, dahil sa napakalaking paglago ng mga sikat na platform, gaya ng dYdX.


Bakit natatangi ang WOO Network?

Ang team sa WOO Network ay nagkaroon ng mahalagang pampinansyal at teknikal na karanasan sa maraming kumpanya gaya ng Citadel, Virtu, Allston, Deutsche Bank, at BNP Paribas. Gayundin, kasama sa mga iniaalok na produkto ng WOO Network ang:

  • WOO Network - isang gateway para ma-upgrade ng mga institusyonal na kliyente ang kanilang mga order book sa lalim na makakasabay sa mga nangungunang palitan at mapaliit ang kanilang bid-ask spread.

  • Ang WOO X ay isang platform ng pag-trade na walang bayad o negatibo pa nga ang bayad na nagbibigay sa mga propesyonal at institusyonal na trader ng pinakamahusay na liquidity at pagpapatupad. Nagtatampok ito ng mga ganap na nako-customize na module para sa pag-customize ng workspace.

  • Ang WOOFi ay isang hanay ng mga produktong naglalayong palawakin ang liquidity network ng WOO Network sa DeFi at tulungan ang mga user ng DeFi na makuha ang pinakamagandang presyo, pinakamababang bayarin, pinakamaliliit na bid-ask spread, at mga kapaki-pakinabang pero ligtas na pagkakataong bumuo ng yield.

  • Ang WOO Ventures ay ang sangay ng pamumuhunan ng WOO Network, na naglalayong bumuo ng mga madiskarteng pakikipagtulungan sa mga proyekto at ecosystem. 50% ng mga return mula sa lahat ng pamumuhunan ay ipapamahagi pabalik sa mga may hawak ng WOO token.


Ano ang WOO X?

Ang WOO X ay ang pangunahing produkto ng WOO Network na nag-aalok ng mga serbisyo sa pag-trade sa Centralized Finance (CeFi). Ang palitan ay may pag-trade na may mababang bayad, deep liquidity, at mga nako-customize na workspace.

Pag-trade na may mababang bayad

Ang bayarin ay mahalagang bahagi ng desisyon ng sinumang trader kapag pumipili ng platform. Mapapababa ng mga user na manu-manong nagte-trade sa WOO X (nang hindi gumagamit ng API) ang kanilang bayarin ng maker at taker sa pamamagitan ng pagkakaroon ng Tier 2 na status. Available ang Tier 2 sa mga magse-stake ng 1800 WOO sa WOO X, at paminsan-minsan, naglalapat ang CEX ng mga karagdagang benepisyo sa mga Tier 2 na user.

Deep liquidity

Mahalaga sa tagumpay ng anumang palitan ang kakayahan ng mga mamimili at nagbebenta na kumpletuhin ang kanilang mga order sa epektibong paraan. Mainam kung kaunti lang o halos walang slippage para sa malalaking order at maliit ang bid-ask spread, at posible lang ito sa pamamagitan ng deep liquidity. Ang ibig sabihin lang nito, maraming tao ang nagsu-supply ng crypto para bumili at magbenta sa order book, at madaling matutugunan ng palitan ang demand. 

Kinukuha ng WOO Network ang liquidity nito mula sa mga trader na gumagamit sa platform at mga propesyonal na liquidity provider, palitan, market maker, at institusyon. Ang pinakamalaking provider ng WOO X ay ang Kronos Research, isang kumpanya ng pag-trade na nagsasagawa ng market making. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng deep liquidity base sa pamamagitan ng Kronos Research, makakahimok ang WOO X ng dagdag pang liquidity sa network.

Mga nako-customize na workspace

Nagbibigay-daan ang WOO X sa mga user na i-customize ang kanilang view ng pag-trade gamit ang mga widget, chart, at iba pang elementong puwedeng i-personalize. Para sa mga mas bihasang trader, nagbibigay ito sa kanila ng access sa impormasyon at mga tool na kailangan nila. Nagbibigay rin ang TradingView ng mga advanced na tool sa pag-chart para sa paggawa ng mga indicator para sa technical analysis.


Ano ang WOOFi?

Ang WOOFi ay isang BSC-based na Automated Market Maker na gumagamit sa modelong Synthetic Proactive Market Making (sPMM) para sa pagtukoy ng mga presyo. Ginagamit ng karamihan ng mga karaniwang AMM ang mas diretsahan at classic na Constant Product Market Maker (CPMM). Nag-aalok ang WOOFi ng tatlong pangunahing feature:

1. Pag-swap - Puwedeng mag-swap ang mga user sa pagitan ng mga pares ng token sa mga liquidity pool ng WOOFi. Mas maraming pagkakatulad ang modelo ng sPMM sa order book ng tradisyonal na palitan kaysa sa mga AMM gaya ng Uniswap sa Ethereum (ETH). Umaasa ang sPMM sa mga oracle ng data ng merkado ng WOO Network para mag-scan ng mga presyo sa order book mula sa mga sentralisadong palitan gaya ng Binance at magkalkula ng naaangkop na presyo ng pag-trade.

Nagmumula ang liquidity sa mga isahang pool sa halip na sa tradisyonal na system ng dual asset na liquidity pool (LP). Pinapamahalaan at nire-rebalance ng WOOFi ang mga asset na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga insentibo sa mga namumuhunang nagbibigay ng mga asset nang may mababang liquidity.

2. Pagkita - Puwedeng magdeposito ang mga user ng mga LP token mula sa iba pang DEX at mga indibidwal na asset para makapagsimulang mag-farm ng yield sa mga ito. Awtomatiko at epektibong ipinupuhunan ulit ng mga vault na ito ang mga kita, na nagbibigay-daan sa iyong i-compound ang interes mo.

3. Pag-stake - Puwedeng i-stake ng mga may hawak ng WOO ang kanilang mga token para makihati sa kinikita sa pamamagitan ng pag-swap at pagkita sa WOOFi.


Ang WOO token

Ang WOO ay ang native token ng WOO Network, na nagsisilbing tagapagbuklod ng lahat ng ibinibigay na produkto at serbisyo ng DeFi at CeFi. Mayroon itong max supply na 3 bilyong token, na unti-unting nababawasan dahil sa buwanang pag-burn ng mga token hanggang sa ma-burn ang 50% ng max supply.

Ang WOO ay isang utility token na nasa maraming blockchain sa pamamagitan ng mga bridge gaya ng BNB Chain, Ethereum, Avalanche, Polygon, Solana, Arbitrum, Fantom, at NEAR. Naka-embed ito sa mga kilalang DEX sa iba't ibang chain: ang Bancor, SushiSwap, Uniswap, PancakeSwap, QuickSwap, at SpookySwap.

Nagbibigay ang WOO token ng access sa walang bayad na pag-trade sa WOO X, mga rebate sa pag-trade (Trade-to-Earn), pag-stake, mga diskwento, mga airdrop sa WOO Ventures, at mga governance utility. Tingnan natin nang mas malapitan ang mga kasalukuyan at paparating na paggagamitan nito.

1. Pamamahala - Ang mga nagse-stake ng WOO sa WOOFi at WOO X, pati na rin ang sinumang may hawak na hindi bababa sa 1,800 WOO sa isang on-chain wallet, ay puwedeng lumahok sa desentralisadong pamamahala sa pamamagitan ng paggawa ng mga panukala o pagboto sa WOO DAO (Decentralized Autonomous Organization).

2. Pag-stake - Sa pamamagitan ng pag-stake ng mga WOO token, mapapababa mo ang iyong bayarin sa pag-trade at puwede ka pang makapag-trade nang walang bayad sa WOO X. Puwede ring mag-stake ng WOO ang mga trader na may malalaking dami sa WOO X para mapataas ang kanilang mga limitasyon sa pag-trade at mapababa ang bayarin.

3. Pamamahagi ng yield - Ipapamahagi sa mga nagse-stake ng WOO token sa WOOX ang isang bahagi ng mga token na natanggap mula sa mga pamumuhunan sa maagang yugto ng proyekto sa WOO Ventures. Puwede mo ring i-stake ang iyong WOO sa WOOFi at puwede kang makakuha ng mga yield mula sa bayarin sa mga produkto ng Swap at Earn.

4. Pagbibigay ng liquidity at pag-farm ng yield - Puwede mong gamitin ang iyong WOO para sumali sa mga liquidity pool at farm sa mga palitan gaya ng SushiSwap, Uniswap, PancakeSwap, at higit pa. Nagbibigay ang mga ito ng mga pagkakataon sa maraming blockchain.

5. Pagpapahiram at paghiram - Puwede mong gamitin ang iyong WOO bilang collateral para sa mga pautang sa crypto at ipahiram ito sa iba pang user.

6. Social trading - Sa hinaharap, magagawa ng mga nagse-stake ng WOO na manggaya ng mga napakapropesyonal na diskarte sa pag-trade mula sa mga trader na nangunguna sa performance.

7. Pag-burn ng WOO token - Ginagamit ng WOO Network ang 50% ng kita ng platform para bumili ulit at mag-burn ng WOO bawat buwan.


Saan ako makakabili ng WOO?

Makakabili ka ng WOO sa Binance sa dalawang paraan. Una, puwede kang gumamit ng credit o debit card gamit ang mga piling fiat currency. Pumunta sa page na [Bumili ng Crypto gamit ang Debit/Credit Card] ng Binance, piliin ang currency na gusto mong gamitin at piliin ang WOO sa ibabang field. I-click ang [Magpatuloy] para kumpirmahin ang iyong pagbili at mga karagdagang tagubilin.


Puwede ka ring mag-trade ng mga cryptocurrency gaya ng BUSD at BNB para sa WOO. Pumunta sa view ng Palitan at i-type ang WOO sa field para sa paghahanap ng pares sa pag-trade para makakita ng listahan ng mga available na pares sa pag-trade. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa paggamit sa view ng Palitan, pumunta sa Paano Gamitin ang TradingView sa Website ng Binance.


Paano ako magse-stake ng WOO sa WOOFi?

Puwede kang mag-stake ng WOO sa platform ng WOOFi ng BNB Smart Chain para magsimulang makakuha ng yield. Pagkatapos mag-stake, makakatanggap ka ng xWOO bilang resibo ng bahagi mo sa pool. Ang bayarin sa pag-swap sa WOOFi ay bumibili ng WOO araw-araw at pagkatapos ay ibinabahagi sa pool. Pagkatapos alisin ang iyong stake, ibu-burn ang xWOO mo, at matatanggap mo ang iyong inisyal na deposito kasama ang kinitang interes. Huwag kalimutan na kakailanganin mo ng BEP-20 BNB para mabayaran ang iyong bayarin sa transaksyon.

1. Para magsimula, ikonekta ang iyong wallet na naglalaman ng WOO sa platform ng WOOFi gamit ang button na [Magkonekta ng Wallet].


2. Ilagay ang halagang gusto mong i-stake at i-click ang [APRUBAHAN].


Tandaan na may 7 araw na panahon ng pag-lock na may 5% multa para sa pag-withdraw bago ang katapusan ng panahong ito.


Mga pangwakas na pananaw

Ang WOO Network ay isang maginhawang opsyon kung gusto mo ng seguridad at access ng isang CEX sa mga hindi nakalistang token sa mga platform ng DeFi. Mahalaga ang pagtuon ng mga ito sa liquidity sa mga user ng blockchain na gustong makaiwas nang tuluyan sa slippage. Sa pangkalahatan, isa ang proyekto sa mga bihirang opsyon kung saan pinagsasama ang mga serbisyo ng CEX at DEX.

Habang patuloy na nadaragdagan ang liquidity ng WOO Network sa mundo ng DeFi at CeFi, nadaragdagan din ang gamit ng WOO token. Ang kumbinasyon nito ng beteranong team, suporta mula sa mga nangunguna sa industriya gaya ng Binance, at isang hanay ng mahahalagang produkto ay nakatulong sa paggawa ng posisyon nito sa industriya sa kasalukuyan. Para maipagpatuloy ang paglagong ito, plano rin ng WOO Network na dagdagan pa ang mahabang listahan nito ng mga produkto, feature, at partnership.