TL;DR
Nagbibigay-daan ang Threshold sa user sovereignty sa paghahatid ng isang hanay ng threshold cryptography services para sa web3 applications gamit ang isang desentralisadong network ng nodes.
Panimula
Sa mundo ngayon, kadalasang nagkokompromiso tayo sa privacy at kakayahang magamit. Isinusuko natin ang ating pribadong real-time na data ng lokasyon para makasakay tayo, ang ating social security number at impormasyon sa paggastos para makapag-access tayo ng credit, at ang ating mga larawan at data sa pag-browse para maging mas konektado tayo online. Totoo at nasusukat ang mga kahihinatnan ng mga kompromisong ito. Milyon-milyong kredensyal sa pag-log in ang na-leak, may mga nakompromisong bank account at numero ng telepono, ang mga pananaw natin ay pasimpleng naimpluwensyahan ng mga pinagsama-samang profile ng data, at mas marami nang alam ang mga algorithm tungkol sa atin kaysa sa alam natin tungkol sa ating mga sarili. Pero paano kung hindi natin kailangang magkompromiso nang ganito?
Layunin ng Threshold na lutasin ang kompromisong ito sa pamamagitan ng paggamit ng threshold cryptography para magkaroon ng mas maraming gamit ang mga digital asset nang walang pamamagitan o pagtitiwala sa isang sentralisadong awtoridad.
Paano Gumagana ang Threshold?
Ang Ecosystem ng Threshold
Ginawa ang ecosystem ng Threshold mula sa pagsasama ng mga Network ng NuCypher at Keep sa iisang desentralisadong network. Naghahatid ang Threshold ng isang hanay ng mga serbisyo sa threshold cryptography para sa mga web3 application sa pamamagitan ng isang desentralisadong network ng mga node. Kasama sa mga serbisyo sa Threshold Network ang isang serbisyo sa muling pag-encrypt ng proxy para sa pamamahala sa mga sikreto na kontrolado ng user at dynamic na pagkontrol sa access, at ang tBTC v2, na isang Bitcoin-to-Ethereum asset bridge na desentralisado at hindi nangangailangan ng pahintulot.
Proxy Re-encryption (Muling Pag-encrypt ng Proxy, PRE)
Bagama't nailalabas ng rebolusyon sa blockchain ang kapangyarihan ng mga desentralisadong app, ang mga platform ng Web3 na binuo sa mga pampublikong blockchain ay puwedeng magdala ng malalaking panganib sa privacy ng user. Ang Threshold Network, sa pamamagitan ng paggamit nito ng threshold cryptography, ay nagbibigay ng natatanging solusyon sa mga hamon sa privacy ng user para sa mga platform ng Web3.
Ang serbisyo sa Proxy Re-Encryption ng Threshold, na tinatawag na PRE, ay isang cryptographic middleware para sa mga application na nagpapanatili ng privacy ng user. Ang Proxy Re-encryption ay isang scalable na protocol ng end-to-end na pag-encrypt na nagbibigay-daan sa isang proxy entity na baguhin (o i-encrypt ulit) ang naka-encrypt na data mula sa isang encryption key papunta sa isa pa nang hindi inilalahad ang plaintext data. Ang mga node sa Threshold Network ay nagsisilbi bilang mga proxy entity na ito at gumagamit ng threshold cryptography para ma-encrypt ang data nang secure at nakikipagtulungan para sa mga tatanggap batay sa mga kondisyon sa pag-access na tinukoy ng may-ari ng data.
Direktang naaangkop ang PRE sa mga gamit na naglalayong magpanatili ng pagmamay-ari ng data habang pinapangasiwaan ang mga kakayahan sa pagbabahagi ng data, gaya ng mga may bayad na subskripsyon sa naka-encrypt na content o paglilipat ng pagmamay-ari ng data para sa mga naka-encrypt na NFT. Ang data, saanman ito naka-store, ay mananatiling pribado at naka-encrypt habang napapanatili ng mga may-ari ng data ang kakayahang ibahagi ang data na iyon at magpatupad ng mga kontrol sa pag-access sa cryptographic na paraan.
Para makita kung paano ito gumagana, isipin ang isang user na nagngangalang Alice na gustong secure na makapagbahagi ng data sa isa pang user o application. Para magawa iyon, ayon sa nakasanayan, ipagkakatiwala ni Alice ang hindi naka-encrypt na data o mga pribadong encryption key sa isang sentralisadong serbisyo. Sa pamamagitan ng Serbisyo sa PRE ng Threshold, gamit ang mga Web3 application, maso-store ni Alice ang kanyang naka-encrypt na data kahit saan, makakagawa siya ng mga custom na patakaran sa pag-access sa blockchain na tutukoy kung sino ang makakapag-access ng anong data, at magagawa niya iyon sa secure at desentralisadong paraan.
Ang access sa data na ito ay pinaghihigpitan ng mga desentralisadong node sa Threshold Network na nagpapatupad ng mga patakaran sa pag-access ni Alice at nakahandang mag-encrypt ulit ng data para sa mga nakalaang tatanggap. Hindi naa-access ng mga desentralisadong node na ito ang pinagbabatayang data dahil ang data ay hindi made-decrypt ng proseso ng muling pag-encrypt. Kapag gustong gamitin ng nakalaang tatanggap ang ibinahaging data, kukunin muna niya ito sa storage at pagkatapos ay hihiling siya ng muling pag-encrypt mula sa mga node. Isang fragment lang ng data ang puwedeng i-encrypt ulit ng bawat node, at dapat mangkolekta ang tatanggap ng threshold na dami ng mga fragment para sa muling pag-encrypt para ma-decrypt ang data.
Dahil sa natatanging disenyo ng Threshold Proxy Re-Encryption, matitiyak ng mga web3 application na ang data ng isang user ay sakop ng buong kontrol nila habang tumatakbo sa isang pampublikong blockchain.
tBTC v2
Sa mga kasalukuyang solusyong nagbi-bridge ng Bitcoin sa Ethereum, kailangang ipadala ng mga user ang Bitcoin nila sa isang tagapamagitan, na siya namang mag-iisyu ng Ethereum token na may katumbas na halaga. Sa sentralisadong modelong ito, kailangan mong magtiwala sa isang third party, at malamang itong sumailalim sa censorship, na magsasakripisyo ng ideya ng Bitcoin ng desentralisasyong secure at hindi nangangailangan ng pahintulot.
Ang pangalawang henerasyon ng tBTC ay isang tunay na desentralisadong bridge sa pagitan ng Bitcoin at Ethereum, na nagbibigay sa mga may hawak ng Bitcoin ng access na hindi nangangailangan ng pahintulot sa DeFi at sa lumalawak na web3 universe. Pinapalitan ng tBTC v2 ang mga sentralisadong tapamagitan ng random na napiling grupo ng mga operator na nagpapatakbo ng mga node sa Threshold Network.
Ang Threshold DAO at ang T Token
Dagdag pa rito, may mga guild na pinapamunuan ng komunidad gaya ng Marketing Guild, Integrations Guild, at Treasury Guild. Bawat guild ay pinapamahalaan ng isang inihalal na komite at nagsasagawa ng mga regular at nagsasalitang halalan. Kahit sino ay puwedeng sumali sa isang guild at makipagtulungan sa iba pang miyembro ng Threshold DAO batay sa kanilang mga interes at kahusayan.