TL;DR
Ang Livepeer ay isang desentralisadong protocol ng video na binuo sa blockchain ng Ethereum. Idinisenyo ito para kahit sino ay walang kaproble-problemang makapag-integrate ng content na video sa mga application sa desentralisadong paraan at sa bahagi lang ng gastusin sa mga tradisyonal na solusyon. Naisasakatuparan ang desentralisasyon ng pagproseso ng video sa pamamagitan ng pamamahagi ng proseso ng pag-transcode sa isang network ng mga node operator. Ang pag-transcode ay isang napakahalagang hakbang para matiyak na tuloy-tuloy ang paghahatid ng content na video sa mga end user. Kasama rito ang pagkuha ng mga raw na video file at pag-convert nito sa optimal na katayuan para sa bawat end user, batay sa mga salik na tulad ng laki ng screen ng device o koneksyon sa internet.
Nagpoproseso ng content na video ang Livepeer sa maaasahan at hindi mahal na paraan gamit ang teknolohiya ng blockchain na gumagamit ng game theory, mga cryptoeconomic na insentibo, at mga smart contract para magkaroon ng mga positibong interaction ng stakeholder. Ginagamit ang native asset nito, ang Livepeer token (LPT), para ayusin at ipamahagi ang mga gawain sa pagpoproseso ng video sa mga kalahok sa network sa secure at maaasahang paraan.
Panimula
Dahil dumarami ang umaasa sa social media, lalo na sa kasagsagan ng kamakailang pandemya, at dahil na rin sa napakalaking paglago ng ekonomiya ng creator, mahigit 82% ng bandwidth ng mundo ang ginamit ng content na may kinalaman sa video noong 2021.
Ang network ng Livepeer, na pinapagana ng libo-libong ipinapamahaging node, ay nagbibigay sa mga developer at creator ng video app ng access sa isang secure, de-kalidad, at abot-kayang arkitektura ng pag-encode nang hindi mahal ang gastos. Mula nang binuo ito noong 2017, nakapagproseso na ang network ng Livepeer ng lampas 150 milyong minuto ng video.
Paano gumagana ang Livepeer?
Sa pangkalahatan, ang Livepeer, na binuo sa Ethereum, ay isang network na nagkokonekta ng kahit sinong gustong magproseso ng video sa mga supplier na nagbibigay ng ganitong serbisyo. Ginagamit nito ang native token nito na LPT para bigyan ng insentibo ang mga kalahok sa network na panatilihing maaasahan, secure, at abot-kaya ang prosesong ito ng pag-transcode ng video kumpara sa mga kasalukuyang sentralisadong solusyon.
May dalawang pangunahing stakeholder sa network ng Livepeer: ang mga orchestrator at delegator.
Mga Orchestrator
Kahit sinong nagmamay-ari ng equipment para sa pagmimina ng video ay puwedeng mag-stake ng kanilang LPT at gumawa ng trabaho sa pagproseso ng video sa network ng Livepeer. Kapalit ng pagbibigay ng serbisyong ito, makakatanggap sila ng bahagi ng bayad sa pagpoproseso ng video sa anyo ng LPT at ETH. Ang mga kalahok sa network na ito ay tinatawag na mga orchestrator.
Mga Delegator
Ang mga walang access sa mga tool sa pagmimina ng video o karanasan sa pagpoproseso ng video ay puwede pa ring lumahok sa network sa pamamagitan ng paglalaan o pagtatalaga ng kanilang LPT sa isang node operator na may mga tamang tool at kahusayan para magproseso ng video sa pamamagitan ng Livepeer Explorer. Ang mga kalahok sa network na ito ay tinatawag na mga delegator.
Ano ang LPT?
Ang native asset ng network, ang Livepeer token (LPT), ay isang ERC-20 token na ginagamit para magbigay ng seguridad, mamahagi ng mga gawain sa pagpoproseso ng video sa mga kalahok sa network, at bigyan ng insentibo ang kanilang aktibong paglahok sa iba't ibang tungkulin sa network ng Livepeer. Kung mas maraming LPT token ang naka-commit sa paggana ng network, nagiging mas stable, secure, at malakas ito.
Pinaglalaanan ng trabaho ang mga orchestrator ayon sa dami ng LPT na na-stake ng mga ito — na sarili nila o sa mga delegator — pati na rin sa kanilang heograpikong lokasyon at pagkamaaasahan. Dahil nagkakaroon ng mas maraming trabaho kapag mas maraming nakatalagang token, at mas maraming reward kapag mas maraming trabaho, nakikipagkumpitensya ang mga orchestrator para mahikayat ang maraming delegator hangga't maaari.
Sa katapusan ng bawat round, ibig sabihin, sa katapusan ng bawat araw, nagmi-mint ang protocol ng Livepeer ng mga bagong Livepeer token ayon sa isang itinalagang rate ng inflation. Ang Livepeer ay isang protocol na “nakabatay sa stake,” ibig sabihin, naglalaan ng mga reward sa bawat kalahok na user nang proporsyonal sa kanilang kontribusyon. Ang mga kalahok na naging aktibo sa isang partikular na round — sa pamamagitan man ng pagpapatakbo ng mga node o pag-stake ng mga token — ay makakatanggal ng proporsyonal na halaga ng inisyung reward. Ang mga hindi aktibong lumahok sa isang partikular na round ay hindi makakatanggap ng mga ganitong reward.
Nagkakaroon din ng dagdag na benepisyo ang mga orchestrator: nakakatanggap sila ng bahagi ng mga reward ng kanilang mga delegator bilang komisyon sa pagpapatakbo sa desentralisadong imprastraktura.
Sa sistemang ito, mapapalago ng mga aktibong kalahok ang stake nila sa network. Samantala, nababawasan ang mga karapatan sa pag-transcode ng mga hindi aktibong user sa bawat round kung saan hindi sila lalahok. Sa madaling salita, hahantong ang mas malaking stake ng LPT sa mas maraming nakalaang trabaho, na sa huli ay hahantong sa mas maraming reward.
Ang rate ng inflation na ginagamit para tukuyin ang laki ng mga iniisyung reward ay nagsisilbi ring motibasyon para maging aktibo ang mga user. Ang porsyento ng bagong LPT sa bawat round ng kabayaran ay tinutukoy ng kabuuang dami ng LPT na naka-commit sa matagumpay na paggana ng network. Kung mas mataas ang proporsyong ito, mas mababa ang rate ng inflation, at mas malaking value ang mananatili sa mga kasalukuyang token. Kaya naman, natural lang na magkakaroon ng motibasyon ang mga may hawak ng token na mag-stake pa para kumita pa.
Paano bumili ng LPT sa Binance?
Makakabili ka ng LPT sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance.
1. Mag-log sa iyong account sa Binance at pumunta sa [Mag-trade] -> [Spot].
2. I-type ang “LPT” sa search bar para makita ang mga available na pares sa pag-trade. Gagamitin natin ang LPT/BUSD bilang halimbawa.
3. Pumunta sa kahong [Spot] at ilagay ang halaga ng LPT na gusto mong bilhin. Sa halimbawang ito, gagamit tayo ng Market order. I-click ang [Bumili ng LPT] para kumpirmahin ang iyong order, at ike-credit sa iyong Spot Wallet ang nabiling LPT.
Mga pangwakas na pananaw
Nagdisenyo ng solusyon ang Livepeer para maitalaga sa mga maaasahang partido ang mga gawain sa pagpoproseso ng video. Gamit ang desentralisadong protocol ng video, makakaiwas ang mga proyekto at kumpanya ng Web3 sa matataas at arbitrary na bayarin sa pagpoproseso ng video at censorship para makapagbigay ng mas magandang content na video sa kanilang mga audience.