Ano ang Terra (LUNA)?
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang ginagawa ng Terra?
Ano ang mga stablecoin ng Terra?
Paano gumagana ang TerraUSD (UST)?
Ano ang LUNA?
Mga reward sa pag-stake mula sa LUNA
Paano gumagana ang mekanismo ng consensus ng Delegated Proof of Stake ng Terra?
Ano ang Terra Station?
Ano ang Anchor Protocol (ANC)?
Mga pangwakas na pananaw
Ano ang Terra (LUNA)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Terra (LUNA)?

Ano ang Terra (LUNA)?

Intermediya
Na-publish Oct 13, 2021Na-update May 24, 2022
8m

TL;DR

Ang Terra ay isang network ng blockchain na binuo gamit ang Cosmos SDK na bihasa sa paggawa ng stablecoin. Sa halip na gumamit ng fiat o over-collateralized na crypto bilang mga reserba, puwedeng i-convert ang bawat stablecoin ng Terra sa native token ng network, ang LUNA.

Sa pamamagitan ng LUNA, ang mga may hawak ay puwedeng magbayad ng bayarin sa network, lumahok sa pamamahala, mag-stake sa mekanismo ng consensus ng Delegated Proof of Stake ng Tendermint, at mag-peg ng mga stablecoin.

Para makapag-peg ng stablecoin gaya ng TerraUSD (UST), nako-convert ang halaga sa USD ng LUNA sa 1:1 na ratio sa mga UST token. Kung halimbawa, nasa $0.98 ang presyo ng UST, magsa-swap ang mga taga-arbitrage ng 1 UST para sa $1 na halaga ng USD at kikita sila ng 2 sentimo. Sa mekanismong ito, tumataas ang demand ng UST at nababawasan din ang supply nito dahil binu-burn ang UST. Pagkatapos, babalik ang stablecoin sa peg nito.

Kapag mas mataas ang UST kaysa sa $1, halimbawa, nasa $1.02 ito, magko-convert ang mga taga-arbitrage ng $1 na halaga ng LUNA sa 1 UST at kikita sila ng 2 sentimo. Tataas ang supply ng UST, at bababa rin ang demand para sa UST, kaya babalik sa peg ang presyo.

Maliban sa pagbabawas ng volatility ng stablecoin, nagse-stake ng LUNA ang mga validator at delegator para sa mga reward. Mahalaga ang gampanin ng dalawang actor na ito sa pagpapanatiling secure ng network at pagkumpirma ng mga transaksyon.

Puwede kang bumili ng LUNA sa pamamagitan ng Binance at pagkatapos ay puwede mo itong i-store, i-stake, at puwede kang lumahok sa pamamahala sa Terra Station, ang opisyal na wallet at dashboard para sa network ng blockchain ng Terra.


Panimula

Para sa mga mahilig sa stablecoin, marami na ngayong mapagpipilian kapag nagpapasya kung saan dapat mamuhunan. Hindi rin ito puro stablecoin na sinusuportahan ng fiat. Maraming iba't ibang paraan at network na nag-e-eksperimento sa mga paraan kung paano pananatilihing naka-peg ang mga stablecoin. Ang Terra ay isa sa mga ganoong proyekto na bumubuo ng natatanging diskarte sa mga stablecoin at magagamit ng mga developer ng mga tool para gumawa ng sarili nilang mga naka-peg na token.


Ano ang ginagawa ng Terra?

Ang Terra ay isang blockchain na nagbibigay-daan sa mga user na gumawa ng mga stablecoin na naka-peg sa mga fiat currency. Pangunahing ginagamit ng mga coin na ito ang mekanismo ng seigniorage ng network. Ang network ay itinatag nina Do Kwon at Daniel Shim mula sa Terraform Labs noong 2018 at ginagamit nito ang Tendermint Delegated-Proof-of-Stake (DPoS) bilang mekanismo ng consensus nito. Nagbibigay ang Terra ng kakayahan sa smart contract para sa paggawa ng maraming iba't ibang uri ng stablecoin.

Napatunayang sikat ang proyekto sa mga merkado sa Asia para sa e-commerce at malaki ang userbase nito sa South Korea. Halimbawa, puwedeng bayaran ng mga nagta-taxi sa Mongolia ang ilang driver gamit ang stablecoin na Terra MNT na naka-peg sa Mongolian tugrik. Ang mga token na mini-mint sa platform ay kilala bilang mga currency ng Terra at may mga ganito kasama ng native na LUNA token ng network para sa governance at utility. Magkaayon ang ugnayan ng Terra at LUNA.

Ang Terra ay mayroon nang mga stablecoin na naka-peg sa US Dollar, South Korean Won, at Euro, bukod sa iba pa. Sa loob ng maikling panahon, sumikat ang proyekto dahil sa mga stablecoin na mini-mint sa platform. Mula noong isinulat ang artikulong ito, umabot na ang TerraUSD sa ikaapat na pinakamalaking stablecoin ayon sa market cap.


Ano ang mga stablecoin ng Terra?

Gumagamit ang mga stablecoin sa network ng Terra ng ibang paraan para panatilihin ang parity ng presyo kaysa sa mga na-collateralize na stablecoin na sinusuportahan ng fiat at mga stablecoin na sinusuportahan ng crypto. Karaniwang nagbibigay-daan ang mga na-collateralize na stablecoin sa may hawak na ipapalit ang kanyang stablecoin para sa katumbas na halaga ng fiat o ilang halaga ng crypto. Ganito ang sitwasyon sa BUSD, na nagpapanatili ng mga ino-audit na reserba ng US dollar. Totoo rin ito para sa DAI, na sinusuportahan gamit ang mga over-collateralized na cryptocurrency.

Gayunpaman, gumagamit ang mga stablecoin ng Terra ng mga algorithmic na paraan para makontrol ang supply ng mga ito at mapanatili ang peg. Dahil dito, ang bawat stablecoin ay sinusuportahan at puwedeng ipapalit para sa governance at utility token na LUNA. Kumikilos ang Terra bilang kabilang partido para sa sinumang may gustong i-swap ang mga stablecoin nila para sa LUNA at kabaliktaran, na makakaapekto sa mga supply ng dalawang token.


Paano gumagana ang TerraUSD (UST)?

Isipin na gusto mong mag-mint ng $100 na halaga ng TerraUSD (UST), na katumbas ng 100 UST sa peg. Para ma-mint ang UST, kakailanganin mong mag-convert ng katumbas na halaga ng pera ng mga LUNA token. Pagkatapos, ibu-burn ng Terra ang mga ibibigay mong LUNA token. Kaya kung $50 kada coin ang presyo ng LUNA, ayon sa algorithm, kailangan mong mag-burn ng 2 LUNA para makapag-mint ng 100 UST. Dati, ilan lang sa mga ibinigay na token ang binu-burn ng Terra, pero dahil sa paglabas ng update sa Columbus-5, 100% na ang binu-burn.

Puwede ka ring mag-mint ng LUNA gamit ang mga stablecoin ng Terra. Kailangang mag-burn ng 100 UST para makapag-mint ng $100 na halaga ng LUNA (2 LUNA). Kahit na hindi $1 kada token ang market price ng UST, itinuturing ng rate ng pag-convert para sa pag-mint na katumbas ng $1 ang 1 UST. Ang mekanismo ng palitan na ito ang dahilan kaya stable ang presyo ng UST.

Tumingin tayo ng halimbawa para malaman natin kung paano eksaktong gumagana ang algorithm para subukang panatilihing stable ang presyo:

1. Bumaba ang presyo ng 1 UST sa $0.98, na mas mababa nang 2 sentimo kaysa sa nilalayong naka-peg na halaga nito. Gayunpaman, para sa lahat ng conversion sa pagitan ng mga stablecoin ng Terra at LUNA, itinuturing na $1 ang halaga ng 1 UST.

2. Makikita ng taga-arbitrage ang pagkakaibang ito sa presyo at makakapansin siya ng pagkakataong kumita nang kaunti. Bibili siya ng 100 UST sa halagang $98 at pagkatapos ay iko-convert niya ito sa $100 na halaga ng LUNA sa Terra Station Market Module.

3. Puwedeng itabi ng taga-arbitrage ang kanyang $100 na halaga ng LUNA o puwede niya itong i-convert sa fiat at i-cash out ang kinita niya. Bagama't hindi kalakihan ang $2, puwedeng mas malaki ang kitain sa mas malawakan. Tinatawag na seigniorage ang pagkakaibang ito sa presyo ng pag-mint ng mga token at sa halaga ng mga ito.

Pero paano nito magagawang stable ang presyo sa $1? Una, dahil mas maraming binibiling UST ang mga taga-arbitrage, tumataas ang presyo ng UST. Dagdag pa rito, binu-burn ng Terra ang UST habang nagpapapalit sa LUNA, kaya nababawasan ang supply nito at tumataas ang presyo ng UST. Kapag umabot sa $1 ang 1 UST, sasara na ang pagkakataon sa arbitrage.

Kabaliktaran ang paggana ng prosesong ito kapag mas mataas kaysa sa $1 ang presyo ng UST. Tumingin tayo ng isa pang halimbawa.

1. Tataas sa $1.02 ang presyo ng 1 UST, na magbibigay rin sa mga taga-arbitrage ng paraan para kumita.

2. Bibili ang mga taga-arbitrage ng $100 na halaga ng LUNA at iko-convert nila ito sa $102 na halaga ng UST sa Terra Station Market Module. Ibu-burn ng Terra ang LUNA at magmi-mint ito ng UST kasabay nito, na nakakadagdag sa supply.

3. Pagkatapos, puwedeng ibenta ng mga taga-arbitrage ang UST sa bukas na merkado para makuha ang tubo. Dahil sa pressure na ito na magbenta ng UST, bumabalik ang presyo sa peg.

Mahalaga ang LUNA token sa mga algorithmic stablecoin ng Terra dahil tinatanggap nito ang volatility ng demand ng stablecoin. Sa pamamagitan ng elastic na patakaran sa pera, maingat na nakokontrol ng LUNA ang supply ng mga currency ng Terra. Kapag inihambing sa mga over-collateralized na proyekto gaya ng MakerDAO, puwedeng-puwedeng i-scale at abot-kaya ang modelo ng Terra.


Ano ang LUNA?

Ang LUNA ay ang cryptocurrency ng Terra na may apat na iba't ibang tungkulin sa protocol ng Terra:

1. Isang paraan para magbayad ng bayarin sa transaksyon sa system ng gas nito (utility token).

2. Isang paraan para makilahok sa system ng pamamahala ng platform. Sa pamamagitan ng pag-stake ng iyong mga LUNA token, puwede kang gumawa at bumoto sa mga panukala tungkol sa mga pagbabago sa protocol ng Terra.

3. Isang mekanismo para tanggapin ang mga pagbabago-bago sa demand para sa mga stablecoin na mini-mint sa Terra para mapanatili ang mga peg ng presyo.

4. Isang token na ise-stake sa DPoS na mekanismo ng consensus sa likod ng mga validator na nagpoproseso ng mga transaksyon sa network.

Ang LUNA ay may maximum na target na supply na isang bilyong token. Kung lalampas ang network sa isang bilyong LUNA, magbu-burn ang Terra ng LUNA hanggang sa bumalik ang supply nito sa antas ng equilibrium.


Mga reward sa pag-stake mula sa LUNA

Puwedeng i-stake ng mga may hawak ng LUNA token ang kanilang mga token sa mekanismo ng consensus ng ecosystem ng Terra. Sa pamamagitan ng pag-stake ng LUNA, makakatanggap ang mga user ng mga reward na direktang kukunin sa bayarin sa pag-swap sa protocol ng Terra. Babayaran ng mga user ang bayaring ito anumang oras na lilipat sila sa pagitan ng LUNA at isang stablecoin ng Terra.
Bago ang update sa Columbus-5, kinuha rin ang mga reward mula sa isang bahagi ng seigniorage ng bawat pag-swap. Ayon sa teorya, dapat magbigay ang bagong system ng mga yield sa pag-stake na humigit-kumulang 7-9%. Nagbibigay ang mga reward na ito sa mga user at validator ng insentibo para makilahok sa DPoS system ng Tendermint. Kung pamilyar ka sa pagmimina sa network ng Bitcoin, kapareho nito ang prinsipyo.


Paano gumagana ang mekanismo ng consensus ng Delegated Proof of Stake ng Terra?

Binuo ang blockchain ng Terra gamit ang Cosmos SDK, kaya natural na opsyon ang DPoS ng Tendermint. Bahagi ang mekanismo ng consensus ng hanay ng teknolohiya ng Cosmos at isa itong alternatibo sa Proof of Work na hindi nakakasama sa kalikasan.

Mula Oktubre 2021, gumagamit ang Terra ng isang grupong binubuo ng hanggang 130 validator para magproseso ng mga transaksyon. Sine-stake ng mga user (o delegator) ang kanilang mga token sa likod ng isang validator. Bilang kapalit, sine-secure ng validator ang network sa pamamagitan ng pagproseso ng mga transaksyon na katulad ng trabaho ng isang minero sa Bitcoin. Ise-stake ng isang delegator ang kanyang mga LUNA token sa likod ng isang validator na sa tingin niya ay epektibo at matapat na makakapagproseso ng mga transaksyon sa network. Puwede ring magtakda ang bawat validator ng isang custom na porsyento ng mga reward na ipapamahagi nila sa kanilang mga delegator.

Dapat ding mag-lock ang mga validator ng isang nakatakdang dami ng LUNA nang hindi bababa sa 21 araw. Kilala ang prosesong ito bilang pag-bond. Nakakaranas din ang mga delegator ng 21 araw na panahon ng pag-lock at may panganib na mawala ang kanilang stake kung masamang-loob ang validator.

Halimbawa, puwedeng magproseso ang validator ng mga transaksyong doble ang paggastos o puwede siyang magsama ng mga pekeng transaksyon. Sa ganitong sitwasyon, puwedeng maalis ang mga reward ng validator o puwede ring mawala sa kanya ang inisyal na stake (bond) niya. Ibinibigay ng “mga buwis ng Terra” sa mga transaksyon at airdrop ang mga reward na ibinibigay sa mga delegator at validator. Nakadepende ang bahagi ng bawat delegator sa daming ise-stake nila at sa rate ng komisyon ng validator.


Ano ang Terra Station?

Ang Terra Station ay ang opisyal na crypto wallet at dashboard ng Terra na nagbibigay-daan sa mga may hawak ng LUNA na i-access ang kanilang mga pondo, mag-stake, at lumahok sa pamamahala. Available ito bilang app para sa mga mobile device at bilang browser extension.

1. Nagpapakita ang dashboard ng Terra Station ng iba't ibang data sa chain, kasama na ang dami ng transaksyon, mga kita sa pag-stake, at dami ng mga aktibong account.

2. Non-custodial ang wallet ng Terra Station, na nangangahulugang ikaw lang ang may access sa iyong mga pribadong key. Kung magbubukas ka ng wallet sa Terra Station, siguraduhing papanatilihin mo ang iyong seed phrase sa isang ligtas at secure na lugar. Kung mawawala mo ito, walang paraan para mabawi ang iyong mga pondo.

3. Sa portal ng pamamahala, puwede kang gumawa ng mga bagong panukala at puwede mong ilaan ang mga ito para mapagbotohan sa pamamagitan ng pagdeposito ng 512 LUNA. Puwedeng ibang user ang magdeposito ng 512 LUNA para sa iyo kung wala kang pondo. Kapag nakagawa ng bagong panukala, puwedeng i-stake ng ibang may hawak ng LUNA ang kanilang mga token para makaboto.

4. Sa seksyon para sa pag-stake ng mga token, puwede kang magtalaga, tumingin ng iyong mga reward, mag-bond ng LUNA bilang validator, at lumahok sa bawat yugto ng mekanismo ng consensus ng DPoS.


Ano ang Anchor Protocol (ANC)?

Bukod sa pamamahala sa Terra, dine-develop at pinapanatili rin ng Terraform Labs ang Anchor Protocol, ang nangungunang application ng blockchain ayon sa TVL. Ang proyekto ay pinapamahalaan ng komunidad at nag-aalok ng platform ng pagpapahiram at paghiram para sa mga user ng Terra. Sa Anchor Protocol, puwede kang kumita ng interes, manghiram, at magpahiram ng crypto sa pamamagitan ng labis na paglalagay ng collateral. Puwede mong makuha ang token ng Anchor Protocol, ang ANC, sa ilang paraan:
  1. Puwede kang mag-stake ng mga ANC-UST Terraswap LP token para makatanggap ng mga reward na ANC. 
  2. Puwedeng ANC lang ang i-stake mo.
  3. Puwede kang manghiram ng mga stablecoin sa pamamagitan ng Anchor Protocol.


Puwede mo ring gamitin ang ANC bilang bahagi ng mekanismo ng pamamahala ng Anchor Protocol para sa paggawa ng mga panukala at pagboto sa mga ito. Puwede kang bumili ng ANC sa Binance gamit ang parehong paraan na nakabalangkas para sa LUNA sa itaas.


Mga pangwakas na pananaw

Sa hinaharap, magkakaroon ng maraming pagkakataon para masamantala ng Terra ang cross-chain compatibility nito sa iba pang blockchain ng Cosmos SDK. Dahil mahalaga ang paksa ng stablecoin sa buong mundo tungkol sa regulasyon at paggamit ng nakararami sa mga system ng pagbabayad, may pagkakataon ang Terra na palaguin at pahusayin ang user base nito sa labas ng Asya.