Ano ang Hashflow (HFT)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Hashflow (HFT)?

Ano ang Hashflow (HFT)?

Intermediya
Na-publish Jan 17, 2023Na-update Feb 9, 2023
4m



TL;DR

Puwedeng maging kumplikado, mahal, at maaksaya ang pag-trade ng cryptocurrency sa mga decentralized exchange (DEX). Sa napakaraming chain at token, puwede rin itong maging napakabigat. Para gawin pang mas kumplikado ang mga bagay-bagay, hindi magagarantiyahan ng karamihan ng mga DEX ang anumang presyo, dahil kadalasan, nagbabago ang mga ito bago maisagawa ang isang trade.

Gayunpaman, ang Hashflow ay isang DEX kung saan makakapag-trade ka ng anumang asset sa anumang chain sa loob ng ilang segundo sa pamamagitan lang ng pagkonekta ng iyong wallet. Isinasagawa ang lahat ng quote sa ipinapakitang presyo ng mga ito, nang walang komisyon. Ibig sabihin nito, ang nakikita mo ang siyang makukuha mo.

Parehong-pareho ang pag-trade sa iba't ibang chain – isahang cross-chain na pag-trade sa garantisadong presyo. Pumili ka lang ng asset at chain mo, at magsimula ka nang mag-trade — lahat nang walang panganib ng mga bridge. 

Mula nang mag-live ito noong Agosto 2021, nakakita ang Hashflow ng mahigit $11 bilyong kabuuang dami ng pag-trade, na may 170,000 natatanging user.

Panimula

Umaasa ang karamihan ng mga DEX sa mga automated market maker (AMM) para mabigyang-daan ang pagbili at pagbebenta ng mga asset, at bagama't mahalaga ang mga ito, malayo ang mga ito sa pagiging perpekto. Ang mga AMM ay maaksaya sa kapital, laging malamang na maapektuhan ng mga panganib gaya ng mga sandwich attack at pansamantalang pagkalugi, at hindi epektibong nakakapagpresyo ng mga hindi spot na asset.

Sa halip, gumagamit ang Hashflow ng request-for-quote (RFQ) na modelo na nagbibigay-daan sa mga user na direktang kumuha ng mga quote mula sa mga market maker at mag-trade nang may zero slippage at ganap na proteksyon ng maximal extractable value (MEV). Sa halip na pagpepresyo ng mga asset sa chain, pinapangasiwaan ng RFQ na modelo ng Hashflow ang settlement at pag-swap ng mga asset sa chain, pero nagbibigay-daan ito sa mga market maker na magpresyo ng mga asset sa labas ng chain.

Ano ang Hashflow?

Ang Hashflow ay isang DEX na idinisenyo para sa interoperability, zero slippage, at mga trade na protektado ang MEV. Walang komisyon ang lahat ng trade at ipinapatupad ang lahat ng quote ng presyo sa ipinapakitang presyo ng mga ito. Nag-aalok din ang Hashflow ng ganap na native na functionality ng cross-chain na pag-swap nang hindi gumagamit ng mga bridge o synthetic asset, na nagbibigay-daan sa walang aberyang pag-trade sa isa o higit pang chain nang may garantisadong pagpapatupad ng presyo.

Mula noong binuo ito noong Agosto 2021, nakaranas ang Hashflow ng:

  • Mahigit $11 bilyong kabuuang dami ng pag-trade

  • Mahigit 170,000 natatanging user na nagte-trade sa platform

  • Average na pinagsama-samang pang-araw-araw na volume na $25 milyon hanggang $30 milyon

  • Average na 1,800 na pang-araw-araw na aktibong user (daily active user o DAU)

  • Mahigit $1 bilyong kabuuang dami ng pag-trade sa Polygon at Avalanche sa loob ng anim na buwan

Nakalikom din ang Hashflow ng $28.2 na milyon mula sa tatlong round ng pagpopondo, kasama sa mga backer nito ang Dragonfly Capital, Electric Capital, Galaxy Digital, Jump Crypto, Wintermute, at GSR. 

Paano Gumagana ang Hashflow?

Nagbibigay-daan ang Hashflow sa mga user na ito na tuloy-tuloy na mag-swap ng mga asset sa iba't ibang chain sa loob ng ilang minuto nang hindi nangangailangan ng mga external na token bridge:

  • Lahat ng trade ng Hashflow ay ganap na protektado laban sa slippage at pananamantala ng MEV, nangyayari man ang trade nang lokal sa isang chain o sa maraming chain.

  • Gumagamit ang Hashflow ng hybrid na RFQ engine sa loob ng chain / sa labas ng chain para kumuha ng mga quote sa labas ng chain mula sa mga market maker na namamahala sa liquidity sa mga pool sa chain. Para sa mga smart contract, kinakailangang mag-sign ang mga market maker sa cryptographic na paraan sa mga quote na hindi magbabago sa buong tagal ng anumang trade. Tinitiyak nito na garantisado ang mga presyong iniaalok sa mga user at hindi ito puwedeng i-front run o i-arbitrage ng mga MEV bot.

  • Pinoprotektahan din ng Hashflow ang mga trader laban sa slippage dahil sa cross-chain na MEV, na puwedeng mangyari, kung may malaking paggalaw ng presyo sa pagitan ng oras na kailangan para i-validate ang transaksyon sa pinagmulang chain at ipasa ang payload sa destinasyong chain.

Ano ang HFT Token?

Ang HFT ay ang native token para sa Hashflow protocol pati na rin sa Hashverse, ang gamified na platform ng pamamahala ng Hashflow. Puwedeng mag-stake ng HFT ang mga user para mag-unlock ng mga feature sa Hashflow ecosystem, gaya ng:

  • Pamamahala: Sumusunod ang pamamahala sa Hashflow sa isang vote-escrow (VE) na modelo ng token kung saan tinutukoy ang mga karapatang bumoto batay sa dami ng HFT na naka-stake at sa tagal na naka-lock ang HFT. Ang pag-stake ng mga token ay nagbibigay sa mga user ng karapatang pagbotohan at pamahalaan ang hinaharap ng protocol.

  • Mga reward at kalusugan sa DAO: Ang Hashverse ay ang pinakaunang gamified DAO at platform ng pamamahala na pinapatakbo ng storyverse. Gagamitin ang mga naka-stake na token para tukuyin ang mga sukatan ng kalusugan ng mga user sa Hashverse. Puwedeng i-adjust ng mga user ang dami at tagal ng kanilang mga naka-stake na token anumang oras para mapanatili ang kanilang kalusugan sa Hashverse. Bibigyan ng reward ng protocol ang mga pinakaaktibong miyembro ng komunidad, at magkakaroon ang kanilang presensya sa Hashverse ng malaking gampanin sa pag-redeem sa mga reward na ito.

Bakit natatangi ang Hashflow? 

Mga cross-chain na pag-swap na walang bridge

Nagbibigay-daan ang Hashflow sa mga user na tuloy-tuloy na mag-swap ng mga asset sa iba't ibang chain sa loob ng ilang minuto nang hindi nangangailangan ng mga external na bridge. Lahat ng trade ng Hashflow ay ganap na protektado mula sa slippage at mga pananamantala ng MEV nangyayari man ang trade nang lokal sa isang chain o sa maraming chain.

Zero slippage

Isinasagawa ang lahat ng quote ng Hashflow sa ipinapakitang presyo.

Mga trade na protektado ng MEV

Nagiging imposible ang pag-front run dahil sa mga cryptographic signature. Naitatabi ng mga trader kung ano ang kinikita nila.

Ang Hashverse

Ang Hashverse ay ang pinakaunang gamified DAO at platform ng pamamahala na pinapatakbo ng storyverse. Gamit ang immersive na storyverse na na-develop ng nangungunang creative agency sa Hollywood, ang Superconductor, kumakatawan ang Hashverse sa isang kolektibo ng mga may hawak ng token na magpapasya tungkol sa hinaharap ng Hashflow protocol.

Ano ang Susunod para sa Hashflow? 

Ilulunsad ng Hashflow ang Hashverse DAO, mga hindi EVM chain na pag-deploy (Solana, Aptos, Sui), smart order routing, mga limit order, at higit pa. 

Mga pangwakas na pananaw 

Ang RFQ na modelo ng Hashflow para sa pagtuklas ng presyo at cross-chain na teknolohiya na walang bridge ay mga natatanging tagasaad ng pagkakaiba sa mundo ng DEX, at nagbibigay-daan ito sa walang aberyang karanasan sa pag-trade. Sa lumalawak na produkto, lumalagong ecosystem, at malakas na suporta, nasa magandang posisyon at nakatuon ang Hashflow para ituloy ang pag-aalok ng pinakamagandang karanasan sa pag-trade sa DeFi.









Share Posts
Magrehistro ng isang account
Gamitin ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng pagbubukas ng account sa Binance ngayon.