TL;DR
Ang Frontier ay isang wallet na compatible sa crypto, DeFi, at NFT na nagbibigay-daan sa mga user na gumamit ng mga produkto at serbisyo ng Web3 sa kanilang mga mobile device. Mula Hunyo 2022, sumusuporta ang Frontier wallet sa mga pag-swap ng token ng humigit-kumulang 4000 cryptocurrency sa mahigit 25 network ng blockchain.
Panimula
Posibleng nakakatakot ang pagtuklas sa Web3 space sa isang mobile device para sa marami, lalo na para sa mga bagong user. Halimbawa, hindi lahat ay nakakaintindi kung paano gumamit ng mga kumplikadong tool para sa DeFi gaya ng pag-stake o pagpapahiram. Ano ang pinagkaiba ng APY at APR? Ano ang pinakamagagandang rate? Dagdag pa rito, karaniwang kailangan ng mga user na sumubaybay sa maraming address sa iba't ibang platform para mapamahalaan ang kanilang mga asset, na posibleng maging napakahirap na gawain.
Layunin ng Frontier na i-streamline ang karanasan sa Web3 para sa lahat. Sa Frontier, puwedeng gumamit ng isang application ang mga user ng crypto para pamahalaan ang kanilang mga digital asset, tumuklas ng iba't ibang protocol ng DeFi, at gumamit ng mga sikat na Web3 application nang hindi masyadong malawak ang kaalaman sa space.
Paano gumagana ang Frontier?
Native na Pag-integrate
Native na nai-integrate ang Frontier sa mga crypto wallet, decentralized application (dApp), at network ng blockchain, na compatible at hindi sa EVM. Nagbibigay-daan ito sa mga user na magamit ang lahat ng iniaalok ng Web3 sa iisang sentral na interface. Halimbawa, madaling maikokonekta ng mga user ang mga gusto nilang mobile wallet, gaya ng Trust Wallet o MetaMask, sa platform ng Frontier.
Karaniwan, kailangang magpalipat-lipat ang mga user sa mga application depende sa kanilang mga crypto asset at kung anong network ang gusto nilang tuklasin, samantalang sa Frontier, available ang lahat sa iisang lugar. Sa panig ng developer, puwedeng gamitin ang Frontier ng mga decentralized application at partner protocol para mag-access ng maraming iba't ibang user nang hindi kinakailangang bumuo ng standalone application.
Blockchain Aggregator
Dagdag pa rito, nagbibigay ang Frontier ng isang hanay ng mga tool na walang pinipiling chain para sa pagsubaybay at pamamahala ng portfolio. Nagbibigay-daan ito sa mga user na mag-stake ng crypto, magbigay ng liquidity, sumubaybay ng mga bukas na posisyon, at pumasok sa mga posisyon ng utang na ginagamitan ng collateral sa maraming network.
Mga Smart DeFi Notification
Suporta sa NFT
Maliban sa mga cryptocurrency, puwede ring i-store ng mga user ang kanilang mga koleksyon ng NFT sa Frontier at puwede silang umasa sa in-app na DeFi browser ng Frontier para tuklasin ang mga sikat na marketplace ng NFT, kasama na ang OpenSea, Aavegotchi, SuperRare, at iba pa.
Mga Pangkaligtasang Hakbang
Ano ang FRONT?
Ang FRONT ay ang utility token ng ecosystem ng Frontier. Mayroon itong kabuuang supply na 100 milyon at pangunahin itong ginagamit para bigyan ng insentibo ang mga user para gamitin nila ang wallet at tuklasin ang DeFi space. Sa paglaon, gagamitin ang FRONT sa eksklusibong portal ng DAO, kung saan matatalakay at mapagbobotohan ng mga may hawak ng token ang mga bagong feature at pangkalahatang pag-usad ng proyekto.
Mga pangwakas na pananaw
Sa madaling salita, layunin ng Frontier na pag-isahin ang mga pangunahing serbisyo ng Web3 para sa lahat — anuman ang platform nila. Kaya naman isa itong kumbinyenteng opsyon para sa mga user na gustong makuha ang lahat ng kailangan nila, gaya ng mga wallet at DeFi tool, sa isang madaling gamiting interface.
Available na i-download ang Frontier sa iOS at Android, at may web application na nakaiskedyul na ilunsad sa Q3 2022. Mula Hunyo 2022, may milyon-milyong aktibong wallet at daan-daang milyong transaksyon ang Frontier sa maraming network.