Ano ang Mga Soulbound Token (SBT)?
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang mga SBT?
Paano magagamit ang mga SBT?
Paano gumagana ang mga SBT sa Web3?
Ano ang mga halimbawa ng mga SBT na ginagamit?
Mga pangwakas na pananaw
Ano ang Mga Soulbound Token (SBT)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Mga Soulbound Token (SBT)?

Ano ang Mga Soulbound Token (SBT)?

Intermediya
Na-publish Aug 17, 2022Na-update Nov 11, 2022
5m

TL;DR

Ang Mga Soulbound Token (SBT) ay mga token ng digital na pagkakakilanlan na kumakatawan sa mga katangian, feature, at tagumpay na bumubuo sa isang tao o entity. Iniisyu ang mga SBT ng mga “Soul,” na kumakatawan sa mga account o wallet sa blockchain, at hindi maililipat ang mga ito. 

Panimula

Ang Mga Soulbound Token (SBT) ay isang konseptong iminungkahi noong Mayo May 2022 ng cofounder ng Ethereum na si Vitalik Buterin, abogadong si Puja Ohlhaver, at ni E. Glen Weyl, na isang ekonomista at social technologist.

Inilatag sa whitepaper na may pamagat na “Decentralized Society: Finding Web3’s Soul” ang pundasyon ng isang ganap na desentralisadong lipunan (decentralized society o DeSoc) na pinapamahalaan ng mga user nito at kung paano gagana ang mga Soulbound token (SBT) gaya ng mga kredensyal na ginagamit natin sa pang-araw-araw na pamumuhay. 

Ano ang mga SBT?

Ang mga Soulbound token (SBT) ay mga hindi naililipat na token na kumakatawan sa pagkakakilanlan ng isang tao gamit ang teknolohiya ng blockchain. Puwedeng kasama rito ang mga medikal na rekord, kasaysayan sa trabaho, at anumang uri ng impormasyon na bumubuo sa isang tao o entity. Ang mga wallet na humahawak o nag-iisyu ng mga rekord na ito ay tinatawag na mga “Soul.”

Puwedeng magkaroon ang mga tao ng maraming wallet (o Soul) na kumakatawan sa iba't ibang bahagi ng kanilang mga buhay. Halimbawa, puwedeng magkaroon ang isang tao ng “Soul ng Mga Kredensyal” para sa kanyang kasaysayan sa trabaho, at ng “Medikal na Soul” para sa kanyang mga pangkalusugang rekord. Gamit ang mga Soul at SBT, makakabuo ang mga tao ng nave-verify at digital na reputasyon sa Web3 batay sa mga dati nilang pagkilos at karanasan.

Sa kabilang banda, puwedeng kumatawan ang mga Soul sa isang entity na naglalaan ng mga SBT. Halimbawa, puwedeng maging mga Soul ang mga kumpanya, na nag-iisyu ng mga SBT sa bawat empleyado. Puwedeng mag-isyu ng mga SBT ang isang digital country club para ma-verify ang status ng membership.

Nagmula ang lohika ng soulbound sa sikat na online na laro, ang World of Warcraft. 

Hindi puwedeng magbenta o maglipat ng mga soulbound item ang mga player. Kapag nakuha na ito, habambuhay nang “naka-bind” ang mga soulbound item sa “soul” ng player.

Ngayon, isipin mo ang ideyang ito pero nang nakalapat sa mga non-fungible token (NFT). Sa ngayon, karamihan ng mga NFT ay mga certificate ng pagmamay-ari para sa mga digital art o collectible, gaya ng Bored Ape Yacht Club. Bibili, magte-trade, o magpapakita ng mga NFT ang mga tao bilang simbolo ng katayuan at kayamanan.

Layunin ng mga SBT na gawing hindi lang basta para sa pera at pagyayabang ang konsepto ng NFT, na isang token na walang katulad at hindi maililipat. Bagama't kumakatawan ang mga NFT sa mga asset at ari-arian, kumakatawan ang SBT sa isang tao o sa reputasyon ng isang tao. At hindi tulad ng NFT, walang perang halaga ang mga SBT at hindi mate-trade ang mga ito kapag naisyu na ito sa wallet ng isang tao. 

Paano magagamit ang mga SBT?

Maraming iba't ibang potensyal na mapaggagamitan ang mga SBT. Narito ang ilang halimbawa na posibleng magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

1. Kasaysayan ng edukasyon – Kapag nagtapos sa unibersidad ang mga tao, nakakatanggap sila ng certificate na nagpapatunay na natapos ang mga kinakailangang kurso. Ang unibersidad ay puwedeng isang Soul na nag-iisyu ng mga SBT, at ang mga estudyante ay ang mga Soul na tumatanggap. Iso-store ng SBT ang mga kredensyal ng mga estudyante, na nagpapatunay na nasa kanila ang mga kinakailangang kwalipikasyon at miyembro sila ng unibersidad. Sa madaling sabi, magsisilbi ang SBT bilang patunay ng pagdalo sa unibersidad.

2. Mga aplikasyon sa trabaho – Ayon sa teorya, puwedeng isumite ng mga aplikante sa trabaho ang dati nilang kasaysayan sa trabaho at mga propesyonal na certificate gamit ang mga opisyal na SBT na inisyu ng mga dating kumpanya at institusyon. Magsisilbi ang mga SBT bilang mga certificate ng patunay ng kasanayan.

3. Mga pangkalusugang rekord– Puwedeng mapabilis ang pagpapalit ng doktor o provider ng pangangalaga sa kalusugan gamit ang SBT na naglalaman ng mga medikal na rekord ng isang tao. Kung tutuusin, papalitan ng SBT ang madalas na mabagal na proseso ng pag-aasikaso ng mga papeles, pag-verify sa iyong medikal na kasaysayan, at pagpapabalik-balik sa isang tao sa telepono.

Paano gumagana ang mga SBT sa Web3?

Tiwala ang isa sa mga pangunahing hamon na nakakaapekto sa industriya ng Web3. Paano ka magtitiwala sa reputasyon ng isang tao sa isang sistemang idinisenyo para hindi mangailangan ng tiwala? Gamitin natin ang pagpapahiram ng pera bilang halimbawa. Katulad ng mga tradisyonal na credit score sa bangko, puwedeng subaybayan ng mga SBT ang kasaysayan ng paghiram sa DeFi ng isang user pati na rin iba pang sukatang tumutukoy sa kanyang profile ng panganib.

Iminumungkahi rin ang mga SBT bilang alternatibo para sa pagboto sa decentralized autonomous organization (DAO). Sa halip na ang kasalukuyang modelo ng pamamahala, na nakabatay sa kung ilang token ang hawak ng isang miyembro, puwedeng mag-isyu ang mga DAO ng mga SBT na nagtatalaga ng kapangyarihan sa pagboto batay sa mga interaction ng mga user sa komunidad. Bibigyang-priyoridad ng modelong ito ang kapangyarihan sa pagboto para sa mga pinakanakatuong user na may magandang reputasyon.

Bukod sa paggawa ng sistema ng pagboto na nakatuon sa reputasyon, posibleng mapahusay ng mga SBT ang integridad ng pagboto sa DAO — sa partikular, ang paglaban sa mga Sybil attack — na isa sa pinakamalalaking banta sa kasalukuyang modelo ng pamamahala ng DAO.

Sa isang Sybil attack, pinapatalsik ng isang indibidwal o grupo ng masasamang-loob ang isang DAO sa pamamagitan ng pagbili ng karamihan ng mga governance token. Magagawa ng mga may hawak ng karamihan ng kapangyarihan sa pagboto na manipulahin ang mga mungkahi sa pagboto at ilihis ang direksyon ng proyekto para pumabor ito sa kanila. Makakatulong ang pagiging pampubliko at nave-verify ng mga SBT para matukoy at mapigilan ang masasamang-loob na makapasok sa DAO, at dahil ito, mapipigilan ang pagkakaroon ng korapsyon at mga Sybil attack. 

Ano ang mga halimbawa ng mga SBT na ginagamit?

Mula Agosto 2022, nasa kasulatan lang ang mga SBT. Naniniwala si Glen Weyl, isa sa mga kasamang may-akda na nag-ambag sa orihinal na whitepaper ng SBT, na magkakaroon na ng mga maagang mapaggagamitan ng SBT hanggang sa katapusan ng 2022.

Nag-anunsyo rin kamakailan ang Binance ng sarili nitong SBT na tinatawag na Binance Account Bound (BAB). Ang BAB token ay hindi maililipat, walang perang halaga, at ang unang-unang SBT na inisyu sa BNB Chain. Layunin din ng BAB na tugunan ang mga isyu sa pag-verify ng pagkakakilanlan sa Web3, sa pagsisilbi nito bilang digital na tool sa pag-verify para sa mga user ng Binance na nakakumpleto ng KYC.

Dagdag pa sa ecosystem ng Binance, makakagamit ang mga third-party na protocol ng mga BAB token para mag-airdrop ng mga NFT, pigilan ang aktibidad ng bot, at pangasiwaan ang pagboto sa pamamahala sa DAO, bukod sa iba pang mapaggagamitan.

Mga pangwakas na pananaw

Naging mainit na usap-usapan ang mga SBT sa Web3. Ayon sa teorya, magagamit ng mga tao ang mga SBT para magtakda ng sarili nilang digital na reputasyon at i-assess ang reputasyon ng iba sa blockchain. Hindi pa natin alam kung puwedeng magsilbi ang isang SBT bilang bersyon ng “identity card” ng Web3.