Ano ang Algorand (ALGO)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Algorand (ALGO)?

Ano ang Algorand (ALGO)?

Intermediya
Na-publish Jan 25, 2022Na-update Dec 9, 2022
8m

TL;DR

Itinatag ang Algorand noong 2017 bago inilunsad ang mainnet nito at ang ALGO token noong Hunyo 2019. Pinapangasiwaan ng blockchain ang mga isyu sa scalability at mekanismo ng consensus na karaniwan sa mga una at pangalawang henerasyon ng mga blockchain. Ang pangunahing feature ng Algorand ay ang Pure Proof of Stake na consensus protocol nito na random na pumipili ng mga validator na tinitimbang gamit ang naka-stake nilang ALGO coin.

Ang mga user na nagse-stake ng kanilang ALGO ay may tsansang mapili para magmungkahi at mag-validate ng bagong block, na ive-verify naman ng random na napiling komite. Kapag idinagdag ang block sa blockchain, ituturing nang nakumpirma ang lahat ng transaksyon. Kung itinuturing na hindi maganda ang block, may bagong user na pipiliin bilang validator, at magsisimula ulit ang proseso.

Ang pangunahing bentahe ng system ay ang desentralisasyon ng kapangyarihan nito, dahil may tsansang maging validator ang bawat isang nagse-stake. Maliban sa consensus, ginagamit din ang ALGO para sa bayarin sa transaksyon sa network at para makakuha ng mga reward ng block. Kung gusto mong bumili o magbenta ng ALGO, madali mo iyong magagawa sa pamamagitan ng feature na pag-convert o view ng palitan ng Binance.


Panimula

Ang Algorand ay isang bago-bagong blockchain na nakatuon sa pagpapahusay sa scalability nang hindi isinasakripisyo ang desentralisasyon. Karaniwan ang problemang ito sa marami sa mga una at pangalawang henerasyon ng mga blockchain, gaya ng Bitcoin at Ethereum. Para makamit ito, binuo ng Algorand ang posibleng pinakamahalagang feature nito, ang Pure Proof of Stake (PPoS) na mekanismo ng consensus. Kasama ng passive na pag-stake nito, ang dalawang feature na ito ang dahilan kaya ang Algorand ay naging proyektong may malaking market cap na sikat sa mga user na naghahanap ng mga reward.


Ano ang Algorand?

Ang Algorand ay isang network at proyekto ng blockchain na itinatag noong 2017 ni Professor Silvio Micali, isang computer scientist mula sa MIT. Inilunsad ang network ng mainnet noong Hunyo 2019 kasama ang native cryptocurrency nito, ang ALGO. Gaya ng nabanggit, nakatuon ang blockchain sa pinahusay na scalability at sumusuporta rin ito sa mga smart contract. Ang network ng Algorand ay isang pampubliko at desentralisadong Pure Proof-of-Stake na blockchain na may suporta para sa mga naka-customize na layer-1 blockchain. Magagamit ang mga ito para gumawa ng mga blockchain na iniakma para sa mga partikular na gamit. Sinasabi ng proyekto na partikular na mahalaga ang teknolohiya nito para sa mga serbisyong pampinansyal, Decentralized Finance (DeFi), fintech, at mga institusyon.


Ano ang Algorand Foundation?

Ang Algorand Foundation ay isang non-profit na organisasyon na inilunsad noong 2019 na nagpopondo at nagde-develop sa network ng Algorand. Nagsasagawa rin ito ng mahahalagang gawain sa komunidad, pananaliksik, at pamamahala ng blockchain. 

Halimbawa, tinuruan ng Foundation ang mga developer sa mga unibersidad at sinuportahan nito ang mga proyekto ng Algorand sa ecosystem nito sa pamamagitan ng mga accelerator program. Gayunpaman, ang pribadong kumpanyang Algorand Inc. ang nagsasagawa ng teknikal na gawain sa pag-develop. Ang Algorand Foundation ay isa ring may-hawak ng maraming ALGO, na ginagamit nito para pondohan ang mga aktibidad nito.


Paano gumagana ang Algorand?

Nagmumula ang susi sa scalability ng Algorand sa Pure Proof of Stake na mekanismo ng consensus nito. Nagbibigay-daan dito ang protocol na ito na mabilis na makapagproseso ng maraming transaksyon nang hindi isinasakripisyo ang desentralisasyon. Puwedeng i-scale ang mga Proof of Stake (PoS) na blockchain pero kadalasan, kapalit nito ang ilang validator na may malalaking stake na namamayani sa mga pag-apruba ng block. Pareho ang isyu ng Proof of Work (PoW) dahil halos laging nananalo ang malalaking pool ng pagmimina sa paggawa ng mga bagong block.

Sa kabaliktaran, ang PPoS na mekanismo ng consensus ay random na pumipili ng mga validator at tagapagmungkahi ng block mula sa sinumang nakapag-stake at nakabuo na ng participation key. Ang tsansang mapili ay direktang nauugnay sa proporsyon ng stake ng kalahok sa kabuuang halagang na-stake. 

Natural naman na ang maliit na may-hawak ay magkakaroon ng mas maliit na tsansang mapili kaysa sa malaking may-hawak. Pero hindi tulad ng mga PoS na blockchain, hindi nangangailangan ng minimum na stake ang Algorand, na isang malaking hadlang para makapasok ang pangkaraniwang user. Dahil posibleng maging validator ang bawat nagse-stake na nagpapatakbo ng node, mas desentralisado ang seguridad ng network kaysa sa isang napiling hanay ng mga taga-validate, tulad sa Delegated Proof of Stake (DPoS).

Hakbang ng pagmumungkahi

Kapag na-stake at nabuo na ng mga user ang kanilang participation key, magiging mga participation node ang mga ito. Nangyayari ang komunikasyon sa pagitan ng mga node na ito sa pamamagitan ng mga relay node ng Algorand. Pagkatapos, ang yugto ng pagmumungkahi ng block ay pipili ng maraming tagapagmungkahi ng block gamit ang isang Verifiable Random Function (VRF), nang isinasaalang-alang ang proporsyon ng stake ng bawat taga-validate. Kapag nakapili na ng mga tagapagmungkahi ng block, papanatilihing sikreto ang kanilang pagkakakilanlan hanggang sa maimungkahi ang bagong block. Pinapaigting nito ang seguridad ng network dahil hindi mata-target ng masasamang-loob ang napiling validator nang may mapaminsalang hangarin. Gayunpaman, puwedeng ipakita ng isang tagapagmungkahi ang kanyang output sa VRF kasama ang kanyang iminumungkahing block para mapatunayan ang pagiging lehitimo niya.

Yugto ng soft vote

Kapag may naisumite nang block, random na pipili ng mga participation node na sasali sa komite ng soft vote. Fini-filter ng yugtong ito ang mga panukala, kaya isang kandidato lang ang makakapagdagdag sa blockchain. Ang kapangyarihan sa pagboto sa komite ng soft vote ay proporsyonal sa halagang na-stake ng bawat node, at ginagamit ang mga boto para pumili ng iminumungkahing block na may pinakamababang VRF hash. Ibig sabihin nito, magiging imposibleng pangunahan ng pag-atake ang tagapagmungkahi ng isang block, dahil ang pinakamababang VRF hash ay isang value na imposibleng hulaan.

Yugto ng certify vote

Susunod, gagawa ng bagong komite para tingnan kung may dobleng paggastos at tingnan ang integridad ng mga transaksyon sa block mula sa yugto ng soft vote. Kung sa tingin ng komite ay valid ang gawain, idaragdag ang block. Kung hindi, tatanggihan ang block, papasok ang blockchain sa mode ng pag-recover, at pipili ng bagong block. Walang parusa ng slashing para sa pinunong magmumungkahi ng hindi magandang block, kaya naman isa itong kontrobersyal na bahagi ng PPoS na mekanismo ng consensus. Napakabihira ng tsansang magkaroon ng fork sa Algorand, dahil paisa-isang panukala sa block lang ang umaabot sa yugto ng pagpapatunay. Kapag idinagdag ang block, ituturing nang pinal ang lahat ng transaksyon.


Ano ang ALGO?

Ang ALGO ay ang native coin ng Algorand at mayroon itong maximum na kabuuang supply na 10 bilyong coin na ipapamahagi hanggang 2030. Nagpapadala ng bagong ALGO sa mga partikular na wallet na may hawak na ALGO sa bawat bagong forge na block. Kailangang may hawak kang kahit 1 ALGO sa isang non-custodial wallet para makatanggap ka ng mga ganitong reward na ALGO. Makakabuo ang reward na ito ng APY na nasa 5-8% para sa mga may hawak ng ALGO at ipinapamahagi ito humigit-kumulang bawat 10 minuto. Dahil sa mekanismong ito, isa ang ALGO coin sa mga pinakasimpleng cryptocurrency na magagamit para magkaroon ng passive na kita, dahil puwede mong "i-stake sa passive na paraan" ang token.


Ano ang mga pinaggagamitan ng ALGO?

Gaya ng marami pang ibang native coin, may tatlong pangunahing pinaggagamitan ang ALGO:

1. Magagamit ang ALGO para magbayad ng bayarin sa transaksyon sa Algorand Network. Kumpara sa mga network tulad ng Ethereum (ETH) at Bitcoin (BTC), maliit lang ang bayarin ng Algorand. Mula Enero 2022, $0.0014 kada transaksyon lang ang presyo nito.

2. Puwedeng i-stake ang ALGO para magkaroon ng tsansang mapili bilang tagapagmungkahi ng block o validator.

3. Puwedeng hawakan ang ALGO sa isang non-custodial wallet para makakuha ng mga reward sa bawat block na matagumpay na maidaragdag sa chain.
Ang pangatlong pinaggagamitan ay nagbibigay ng malaking insentibo para sa pangkaraniwang user na namumuhunan sa ALGO. Hindi kailangang gumamit ng Decentralized Application (DApp) para i-stake ang iyong mga coin o panahon ng pag-lock para magsimulang kumita. Lahat ito ay awtomatikong pinapangasiwaan ng mga smart contract. Nagpa-publish din ang Algorand ng listahan ng mga proyektong gumagamit sa teknolohiya ng blockchain, at sa marami sa mga ito, ALGO ang kinakailangang gamitin.


Paano Bumili ng ALGO sa Binance

Makakabili ka ng ALGO sa Binance sa dalawang hakbang lang gamit ang credit o debit card. Kung may crypto ka na sa iyong account, baka makapag-swap ka nang direkta kapalit ng ALGO kung kapares ito ng hawak mong coin. Para makapagsimula, tingnan natin ang paggamit ng credit o debit card.

Dahil hindi direktang mabibili ang ALGO gamit ang fiat, kakailanganin mong bumili ng ibang token na nasa isang pares sa pag-trade ng ALGO. Magandang opsyon ang BUSD, dahil stable ang presyo nito. Makakakita ka ng kumpletong listahan ng mga available na pares sa ibaba pa ng gabay na ito.

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at mag-hover sa header na [Bumili ng Crypto] sa kaliwang bahagi sa itaas ng homepage. Sa drop-down na menu, piliin ang [Credit/Debit Card].


2. Susunod, piliin ang fiat currency na babayaran mo gamit ang iyong card sa itaas na field. Sa ibabang field, piliin ang gusto mong cryptocurrency. Siguraduhing kapares ito ng ALGO para makapag-trade nito nang direkta.

3. I-click ang [Magpatuloy] at tanggapin ang anumang tuntunin at kondisyon kung ngayon ka pa lang bibili gamit ang fiat.


4. I-click ang [Magdagdag ng bagong card] o pumili ng card na naidagdag na sa iyong account, at pagkatapos ay sundin ang mga tagubilin sa pagkumpleto ng pagbabayad mo.



5. Ngayon, kakailanganin mong i-swap ang iyong BUSD sa ALGO. Madali mo itong magagawa gamit ang feature na [Mag-convert] na maa-access sa ilalim ng header na [Mag-trade].


6. Piliin ang crypto na gusto mong i-convert sa itaas na field at ang ALGO sa ibaba. Kung hindi mo makita ang ALGO sa ibabang field, hindi ito kapares sa pag-trade ng napili mong crypto. I-click ang [I-preview ang Pag-convert] pagkatapos ilagay ang halagang gusto mong i-swap.


7. Makakakita ka na ngayon ng preview ng halaga ng ALGO na matatanggap mo kasama ng malilinaw na tagubilin kung paano magpapatuloy. Kapag nakapag-swap ka na, mapupunta ang ALGO sa Spot Wallet mo.


8. Makakapag-trade ka rin gamit ang Classic o Advanced na view ng palitan. Sa pamamagitan ng pag-hover sa pares na kasalukuyang ipinapakita, puwede mong hanapin ang lahat ng available na pares ng ALGO.


Paano Magbenta ng ALGO sa Binance

1. Para makapagbenta ng ALGO, puwede mong gamitin ulit ang feature na Mag-convert. Ngayon, piliin ang ALGO sa itaas na field at ang cryptocurrency kung saan mo gustong mag-convert sa ibaba. I-click ang [I-preview ang Pag-convert] para tingnan ang rate ng palitan.


2. Kapag nakumpirma mo na ang matatanggap mong halaga, sundin ang mga tagubiling ibinigay para i-finalize ang iyong trade.


3. Pagkatapos, puwede kang mag-convert sa fiat gamit ang parehong proseso hangga't kapares ng fiat ang coin na na-trade mo kapalit ng ALGO mo.


Konklusyon

Gaya ng iba pang alternatibong blockchain sa Bitcoin at Ethereum, matindi ang naging pagtuon ng Algorand sa scalability at desentralisasyon. Ang Pure Proof of Stake na mekanismo ng consensus nito ay nagbibigay ng natatanging solusyon gamit ang mga VRF, at marami ang nahihimok sa terknolohiya ng blockchain na ito dahil sa tagumpay nito sa paggawang desentralisado ng kapangyarihan.