Mga Bentahe at Kahinaan ng Blockchain
Talaan ng Nilalaman
Mga Bentahe at Kahinaan ng Blockchain
Mga Bentahe at Kahinaan ng Blockchain
Home
Mga Artikulo
Mga Bentahe at Kahinaan ng Blockchain

Mga Bentahe at Kahinaan ng Blockchain

Baguhan
Na-publish Dec 12, 2018Na-update Feb 9, 2023
5m

Mga Bentahe at Kahinaan ng Blockchain

Idinisenyo ang karamihan ng mga blockchain bilang isang desentralisadong database na gumagana bilang distributed digital ledger. Itinatala at nire-record ng mga blockchain ledger na ito ang data sa mga block, na nakaayos nang sunod-sunod at naka-link sa pamamagitan ng mga cryptographic na patunay. Sa paggawa ng teknolohiya ng blockchain, lumabas ang maraming bentahe sa iba't ibang industriya, na nagbibigay ng pinaigting na seguridad sa mga environment na hindi nangangailangan ng tiwala. Gayunpaman, may dala ring mga kahinaan ang desentralisadong katangian nito. Halimbawa, kumpara sa mga tradisyonal na sentralisadong database, nagbibigay ng limitadong efficiency at nangangailangan ng dagdag na kapasidad ng storage ang mga blockchain.


Mga benepisyo


Ipinamahagi

Dahil kadalasang naka-store ang data ng blockchain sa libo-libong device sa isang ipinamahaging network ng mga node, napaka-resistant ng system at data sa mga teknikal na pagpalya at mapaminsalang pag-atake. Kaya ng bawat node ng network na gayahin ang database at mag-store ng kopya nito, at dahil dito, walang isang punto ng pagpalya: kapag nag-offline ang isang node, hindi iyon makakaapekto sa availability o seguridad ng network.

Sa kabaliktaran, maraming kumbensyonal na database ang umaasa sa isa o ilang server at mas madaling maapektuhan ng mga teknikal na pagpalya at cyber-attack.

Stability

Napakalabong mabawi ang mga nakumpirmang block, ibig sabihin, kapag nairehistro na sa blockchain ang data, napakahirap na nitong alisin o baguhin. Kaya naman ang blockchain ay isang napakahusay na teknolohiya para sa pag-store ng mga pampinansyal na record o anupamang data kapag nangangailangan ng audit trail dahil ang bawat pagbabago ay sinusubaybayan at permanenteng nire-record sa isang distributed at pampublikong ledger.

Hallimbawa, puwedeng gumamit ng teknolohiya ng blockchain ang isang negosyo para mapigilan ang mapanlokong gawi mula sa mga empleyado nito. Sa ganitong sitwasyon, puwedeng magbigay ang blockchain ng secure at stable na rekord ng lahat ng pampinansyal na transaksyon na nangyayari sa kumpanya. Dahil dito, magiging di-hamak na mas mahirap para sa isang empleyado na magtago ng mga kahina-hinalang transaksyon.

System na hindi nangangailangan ng tiwala

Sa karamihan ng mga tradisyonal na system ng pagbabayad, hindi lang nakasalalay ang mga transaksyon sa dalawang partidong sangkot, pero nakasalalay rin ito sa isang tagapamagitan - gaya ng bangko, kumpanya ng credit card, o provider ng pagbabayad. Kapag gumagamit ng teknolohiya ng blockchain, hindi na ito kinakailangan dahil vine-verify ng ipinamahaging network ng mga node ang mga transaksyon sa pamamagitan ng prosesong kilala bilang pagmimina. Dahil dito, kadalasang tinutukoy ang Blockchain bilang isang system na 'hindi nangangailangan ng tiwala.' 

Samakatuwid, pinapawalang-saysay ng isang system ng blockchain ang panganib ng pagtitiwala sa isang organisasyon at binabawasan din nito ang pangkalahatang gastusin at bayarin sa transaksyon sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga tagapamagitan at third party.


Mga kahinaan


Mga 51% Attack

Napatunayan na ang Proof of Work na algorithm ng consensus na pumoprotekta sa blockchain ng Bitcoin ay napakahusay sa paglipas ng mga taon. Gayunpaman, may ilang potensyal na pag-atake na puwedeng isagawa laban sa mga network ng blockchain at isa ang mga 51% attack sa mga pinakamadalas na tinatalakay. Puwedeng magkaroon ng ganitong pag-atake kung makokontrol ng isang entity ang lampas 50% ng kapangyarihan sa pag-hash ng network, na sa paglaon ay magbibigay-daan sa kanilang guluhin ang network sa pamamagitan ng sadyang pagbubukod o pagbabago sa pagkakasunod-sunod ng mga transaksyon.

Bagama't posible ito ayon sa teorya, hindi pa nagkakaroon ng matagumpay na 51% attack sa blockchain ng Bitcoin. Habang lumalaki ang network, umiigting ang seguridad at medyo malabong mamumuhunan ang mga minero ng malaking halaga ng pera at maraming resource para atakihin ang Bitcoin dahil mas maganda ang makukuha nilang reward kung kikilos sila sa matapat na paraan. Maliban doon, ang mababago lang ng matagumpay na 51% attack ay ang mga pinakakamakailang transaksyon sa loob ng maikling panahon dahil naka-link ang mga block sa pamamagitan ng mga cryptographic na patunay (para mabago ang mga lumang block, mangangailangan ng mga napakatataas na antas ng computing power). Gayundin, napakatibay ng blockchain ng Bitcoin at mabilis itong makakaagapay bilang tugon sa isang pag-atake.

Pagbabago ng data

Isa pang kahinaan ng mga system ng blockchain ay kapag naidagdag na sa blockchain ang data, napakahirap na nitong baguhin. Bagama't isa ang stability sa mga bentahe ng blockchain, hindi ito laging maganda. Karaniwang napaka-demanding ng pagbabago ng data o code ng blockchain at kadalasang nangangailangan ito ng hard fork, kung saan maaabandona ang isang chain, at gagamit ng bago.

Mga pribadong key

Gumagamit ang blockchain ng public-key (o asymmetric) cryptography para bigyan ang mga user ng pagmamay-ari sa kanilang mga unit ng cryptocurrency (o anupamang data ng blockchain). Bawat address ng blockchain ay may katumbas na pribadong key. Bagama't puwedeng ibahagi ang address, dapat panatilihing sikreto ang pribadong key. Kailangan ng mga user ang kanilang pribadong key para ma-access nila ang kanilang mga pondo, ibig sabihin, kumikilos sila bilang sarili nilang bangko. Kung mawawala ng isang user ang kanyang pribadong key, mawawala na ang pera, at wala na siyang magagawa roon.

Hindi efficient

Talagang hindi efficient ang mga blockchain, lalo na ang mga gumagamit ng Proof of Work. Dahil napakatindi ng kumpetisyon sa pagmimina at iisa lang ang nananalo bawat sampung minuto, nasasayang ang pinaghirapan ng lahat ng iba pang minero. Habang tuloy-tuloy na sinusubukang dagdagan ng mga minero ang kanilang computational power, para magkaroon sila ng mas malaking tsansang makahanap ng valid na hash ng block, malaki ang itinaas ng mga resource na ginagamit ng network ng Bitcoin sa loob ng nakaraang ilang taon, at sa kasalukuyan, mas marami itong ginagamit na enerhiya kaysa sa maraming bansa, gaya ng Denmark, Ireland, at Nigeria.

Storage

Puwedeng maging napakalaki ng mga ledger ng blockchain sa paglipas ng panahon. Sa kasalukuyan, nangangailangan ang blockchain ng Bitcoin ng humigit-kumulang 200 GB na storage. Mukhang nauungusan ng kasalukuyang paglaki ng blockchain ang paglaki ng mga hard drive at nanganganib na mawalan ng mga node ang network kung magiging napakalaki ng ledger para ma-download at ma-store ito ng mga indibidwal.


Mga pangwakas na pananaw

Sa kabila ng mga kahinaan, may ilang natatanging bentahe ang teknolohiya ng blockchain, at talagang magpapatuloy ito. Matagal pa bago ito gamitin sa mainstream, pero nagsisimula nang maunawaan ng maraming industriya ang mga bentahe at kahinaan ng mga system ng blockchain. Sa susunod na ilang taon, malamang na pag-eksperimentuhan ng mga negosyo at pamahalaan ang mga bagong application para malaman kung saan may pinakamalaking ambag ang teknolohiya ng blockchain.