TL;DR
Ang Loot ay isang koleksyon ng 8,000 NFT, na bawat isa ay binubuo ng isang listahan ng mga item na pang-RPG. Ang mga NFT, na kilala bilang Mga Loot Bag, ay may natatanging kumbinasyon ng mga item, at lumalabas ang bawat item nang iba't ibang dami ng beses. Walang bayad sa pag-mint ang mga Bag at mabibili ang mga ito kung saan ito available bilhin kapalit lang ng bayad sa transaksyon sa gas.
Pagkatapos, puwedeng i-rank ang mga Bag batay sa Rarity Score o Bag Score ng mga ito, na dalawang magkaibang sukatan kung gaano kadalas lumalabas ang mga item sa bawat bag.
Walang laro, panuntunan, o opisyal na sistema na nauugnay sa Mga Loot Bag. Binubuo ang mga NFT bilang mga item na gagamitin sa mga laro o proyekto na ginawa ng komunidad. Humantong ito sa pagbuo ng mga komunidad, tool ng developer, guild, market tracker, at derivative na proyekto na gumagamit ng mga Loot Bag sa kanilang mga mundo.
Marami ang nakapansin sa Loot dahil sa makabago nitong katangian. Bagama't wala itong idinaragdag na bagong feature o gamit, ito ang dahilan kung bakit ito naging napakasikat. Sa kalayaang gamitin ang Loot kung paano mo gusto, napaka-versatile nito.
Panimula
Sa loob ng maikling panahon, ang Loot ay naging isa na namang sikat na proyekto sa espasyo ng NFT. Gayunpaman, nagdala ang mga virtual na bag ng mga item na ito ng mga makabagong paraan ng paggamit ng mga NFT. May lumabas na napakalaking komunidad, na gumawa ng mga bagong gamit para sa mga token batay lang sa sarili nilang mga ideya.
Ano ang Loot?
Sa ngayon, mukhang katulad lang ito ng karaniwang proyekto ng NFT. Gayunpaman, kasalukuyang natatangi ang Loot dahil walang opisyal na gamit ang bawat Loot bag. Karaniwang gumagawa ng mga NFT para sa isang laro o application. Sa halip, hinahayaan ng Loot na magpasya ang komunidad kung ano ang gagawin sa mga NFT at kung paano nila maisasama ang mga iyon sa kanilang mga platform at gawa.
Paano ito gumagana?
Tumingin tayo ng halimbawa. Nasa ibaba ang listahan ng walong item para sa bag #6161. Mayroon itong dalawang common, tatlong uncommon, isang rare, isang epic, at isang mythic item. Ang mythic item ang pinaka-rare, na isang beses lang lalabas sa lahat ng item sa ecosystem ng Loot.
Ang rarity ng mga item na nasa isang bag ang isa sa pinakamahahalagang pantukoy ng halaga ng bag. Gayunpaman, may iba pang salik na puwedeng maisaalang-alang kapag iniisip natin ang halaga.
Paano natin tutukuyin ang halaga ng isang Loot NFT?
Bagama't hindi pa opisyal na natutukoy ng Loot kung paano nagiging mahalaga ang kanilang mga NFT, bumuo ang komunidad ng sarili nitong mga sistema ng pagtukoy ng halaga. Nakasalalay sa rarity ang pangunahing paraan sa ngayon. Ilang partikular na beses lang lumalabas ang bawat item at mayroon itong Rarity Score.
Item at mga paglabas | Rarity Score | Porsyento | Dami ng mga item |
Lumalabas ang mga common item nang 375 o mas maraming beses | 1 | 47.25% | 30,237 |
Lumalabas ang mga uncommon item nang 374 o mas kaunting beses | 2 | 12.61% | 8,073 |
Lumalabas ang mga rare item nang 357 o mas kaunting beses | 3 | 11.78% | 7,537 |
Lumalabas ang mga epic item nang 100 o mas kaunting beses | 4 | 10.29% | 6,587 |
Lumalabas ang mga legendary item nang 9 o mas kaunting beses | 5 | 9.67% | 6,189 |
1 beses lang lumalabas ang mga mythic item | 6 | 8.4% | 5,377 |
Kinakalkula ang iyong Item Score sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng Rarity Score ng lahat ng item sa bag mo. Mayroon ka ring Bag Rank batay sa kabuuan ng dami ng mga paglabas ng bawat item sa ecosystem ng Loot. Pangunahing nakasalalay sa mga Item Score at Bag Rank ang perang halaga na inilalagay ng mga tao sa mga Loot Bag. Naibebenta ang mga Loot Bag nang sampu-sampung libong dolyar, batay sa ispekulasyon tungkol sa halaga ng mga ito sa hinaharap.
Nakasalalay ang pangmatagalang halaga ng Mga Loot Bag sa mga application at ecosystem na mabubuo batay sa mga ito. Posibleng mahalaga sa ilang laro ang mga item na hindi naman pinaka-rare. Dahil puwedeng maging mahalaga ang bawat bag sa iba't ibang ecosystem, puwedeng makaimpluwensya sa mga presyo ang iba't ibang sitwasyon ng paggamit.
Paano naiiba ang Loot sa mga karaniwang proyekto ng NFT?
Isang pangunahing pinagkaiba ng Loot at iba pang proyekto ng NFT ang bottom-up approach nito. Pero ano mismo ang ibig sabihin nito? Halos laging sumusunod ang mga proyekto ng NFT sa direksyon ng mga tagapagtatag at developer ng mga ito. Karamihan ng mga bagong laro o proyekto sa blockchain ng NFT ay may mga mekanismo at panuntunang tutukuyin ng nag-develop na team, nang may kaunti o walang input mula sa komunidad.
Gayunpaman, may bottom-up approach ang Loot. Bagama't ang mga tagapagtatag ang gumawa ng mga NFT, ang komunidad ang bahalang magpasya tungkol sa halaga at kung paano gamitin ang mga iyon. Hindi nagtagal pagkatapos magawa ang Loot, nag-develop na ang mga komunidad at proyekto para magamit ang bawat Loot bag sa mga natatanging paraan.
Gaya ng nakaraang tinalakay, ang bawat item sa isang Loot bag ay mababasa ng smart contract sa NFT. Kaya bagama't isang koleksyon ng mga proyekto ang isang bag, malaki ang ambag ng bawat item sa halaga ng bag. May pagka-rare din ang aspektong ito para sa mga NFT dahil karaniwang mas itinuturing ang mga ito bilang buong package.
Paano bumubuo ang komunidad ng NFT batay sa Loot NFT?
Nakagawa na ang mga developer at fan ng mahabang listahan ng mga proyektong nakabatay sa mga Loot NFT. Walang hangganan ang potensyal at nakasalalay lang ito sa kung paano mo maisasama ang isang NFT sa iyong proyekto. Nahahati sa limang kategorya ang mga pangunahing paraan para mag-ambag: mga komunidad, tool ng developer, guild, market tracker, at derivative na proyekto. Tingnan natin nang mas mabuti ang mga ito.
Mga Komunidad
Nagbibigay-daan ang mga espasyo ng komunidad sa mga may-hawak at fan ng Loot na magsama-sama, bumuo ng mga proyekto, at magtalakayan tungkol sa mga bagong ideya sa Loot. Sa ngayon, ang dalawang pinakamalaking lugar kung saan puwedeng talakayin ang Loot nang real-time ay ang Loot Community Discord at Loot Builders Discord.
Mga tool ng developer
Bumubuo ang Loot Sound ng natatanging tunog para sa bawat Loot NFT, kaya naman magagamit ang mga ito sa iba pang application o laro. Bawat item sa Loot bag ay may indibidwal na tunog na isinasama sa mga sound effect ng iba pang pitong item.
Mga Guild
Mga Market Tracker
Mga derivative na proyekto
Pagpasok sa isang Loot dungeon, ipapadala ang iyong Loot NFT sa isang smart contract. Pagkatapos, magkakaroon ka ng 24 na oras para magpasya kung lalabanan mo ba ang monster o tatakas ka. Kung mamamatay ka, mawawala sa iyo ang Loot NFT mo maliban na lang kung magbabayad ka ng maximum na bayad na 0.05 ETH.
Bakit napakasikat ng Loot?
Mga pangwakas na pananaw
Nagbigay ang Loot ng orihinal at bagong konsepto na pinuri na ng mga tulad ni Vitalik Buterin at ng komunidad ng cryptocurrency. Noon pa man, sinusuportahan na ng Blockchain ang desentralisasyon at paglalagay ng kapangyarihan sa mga kamay ng mga user. Pagkatapos ng matagal nang top-down approach sa mga NFT, magiging interesanteng makita ang mga proyekto at konseptong nabubuo mula sa konsepto ng Loot.