Bakit Dapat Kang Gumamait ng Hardware Wallet
Home
Mga Artikulo
Bakit Dapat Kang Gumamait ng Hardware Wallet

Bakit Dapat Kang Gumamait ng Hardware Wallet

Baguhan
Na-publish Mar 4, 2020Na-update Dec 28, 2022
6m

Panimula

Pagdating sa cryptocurrency, napakahalaga ang pagkakaroon ng magagandang imbakan. Mapanganib ang mundo ng crypto – maraming mapangahas na mga tao kahit saan at marami silang mga taktika para magnakaw ng pondo ng mga user. 
Mayroong malawak na pagpipilian ng mga taguan na para sa iyo, ang bawat isa ay may sariling balanse ng seguridad at pagiging madaling gamitin. Malamang na ang mga bagong dating ay mananatili sa mga exchange. Ang mga platapormang ito ay nagbibigay sa marami ng kanilang unang paglantad sa cryptocurrency at nagbibigay ng pahintulot sa mga user na itago ang kanilang mga pondo sa online na wallet. Sa teknikal na pananaw, hindi ang mga user ang talagang may kontrol sa kanilang mga coin. Kung nahack o ginawang ofline ang exchange, maaaring hindi na nila mabawi ang kanilang mga pondo.

Maaaring hindi makita ng mga user ang pangangailangan na tanggalin ang kanilang cryptocurrency mula sa exchange. Maaaring may kakulangan sila sa kakayahan para gawin ito, o naniniwalang mas ligtas ang mga tagapag-alaga bilang solusyon. Kung sabagay, ang sariling pag-aalaga ay maaaring magresulta sa pagkawala ng pondo kapag nagkamali ang user.

Ang ideya ng pagkakaroon ng kontrol sa sarili mong cryptocurrency ay maaaring nakatatakot. Ngunit kung seguridad ang pag-uusapan, hindi mapapantayan ang mga hardware wallet. Sa artikulong ito, ipapaliwanag natin kung ano ang mga ito, paano sila gumagana, at bakit dapat mong gamitin ang alinman.


Ano ang private key?

Ang iyong private key ang iyong pasaporte sa mundo ng cryptocurrency. Sa maraming paraan, ito ay tulad ng isang susi sa tunay na buhay – gamit ang impormasyong ito, mabubuksan mo ang iyong mga pondo at magagastos. Kung napasakamay ito ng iba, maaari nilang nakawin ang iyong cryptocurrency. Kapag nawala mo ang susi, mawawalan ka ng access sa iyong mga coin – walang  nakalimutan ang password  na opsyon sa isang decentralized na lugar. Wala ring bangko na maaari mong tawagan para ibalik ang madayang mga transaksyon.

Sa pagbubuod, ang mga private key ay dapat pinapanatiling sikreto at ligtas. Masyadong malaki ang halaga ng mga ito para sa mga gumagamit ng cryptocurrency. Hindi nakagugulat na patuloy ang mga hacker at scammer sa pagtatangkang nakawin ang mga ito – gamit ang mga phishing technique o malware para tanggalin sa mga user ang kanilang mga coin.

Madali lamang ang pagtatago ng iyong mga key –isa lamang itong serye ng mga numero at letra. Maaari silang isulat sa papel o itago sa kaha de yero. Ganunpaman, para magamit ang mga key sa paglipat ng mga pondo, kailangang nasa loob sila ng isang device na lumilikha ng patunay na maaari mong gastusin ang iyong mga coin.


Ano ang hardware wallet?

Ang mga hardware wallet ay mga device na espesyal na dinisenyo para ligtas na itago ang mga private key. Itinuturing silang mas ligtas kaysa sa mga wallet sa desktop at smartphone dahil hindi sila nakakonekta sa Internet anumang oras. Napapababa nang malaki ng mga katangiang ito ang mga dahilan sa pag-atake na maaaring samantalahin ng mga partidong naghahangad ng masama, dahil nangangahulugan ito na hindi nila mapapakialaman ang device mula sa malayo.

Ang magandang hardware ay tumitiyak na hindi umaalis sa device ang mga private key. Karaniwan silang inilalagay sa isang espesyal na lugar sa device kung saan hindi sila natatanggal.

Dahil laging offline ang mga hardware wallet, dapat silang gamitin kasama ng ibang makina. Dahil sa kung paano sila ginawa, maaari silang maisaksak sa isang nahawang PC or smartphone nang hindi nailalagay sa panganib ng paglantad ng private key. Mula doon, magkakaroon sila ng interaksyon sa software na nagbibigay ng pahintulot sa user na makita ang kanyang balanse o magsagawa ng transaksyon.

Oras na makagawa ng transaksyon ang user, ipadadala nila ito sa hardware wallet (ang 1 sa paglalarawan sa ibaba). Tandaan na hindi pa kumpleto ang transaksyon: kinakailangan pa itong i-sign ng private key sa device. Kukumpirmahin ng mga user na tama ang halaga at address kapag tinanong ng hardware device. Sa puntong ito, ito ay isa-sign at ibabalik sa software (2), na siyang mag-aanunsyo sa network ng cryptocurrency (3).


Bakit ka dapat gumamit ng hardware wallet?

Ang mga wallet na nagtatago ng private key sa mga kompyuter o smartphone na konektado sa internet ay naglalantad sa mga pondo ng mga user para maging mahina sa maraming uri ng mga atake. Maaaring makita ng malware ang mga aktibidad na may kaugnayan sa cryptocurrency sa mga device na ito at ubusin ang pondo ng mga user.

Ang hardware wallet ay tulad ng isang hindi nasisirang kaha de yero na may maliit na butas. Kapag nais ng user na gumawa ng transaksyon na tatanggapin ng network, isusuksok nila ito sa butas na iyon. Ipagpalagay na sa likod ng butas na iyon, may dwendeng magsasagawa ng cryptographic na mahika na nagsa-sign ng transaksyon. Ang hindi aalis sa vault – walang pinto, at hindi rin siya kasya sa butas. Ang tangi lamang niyang magagawa ay tumanggap ng transaksyon at ibalik ito palabas sa butas.

Kahit pa napasakamay ng iba ang iyong hardware wallet, magkakaroon ka ng dagdag na proteksyon sa pamamagitan ng isang PIN code. Madalas na nagre-reset ang device kapag mali ang kombinasyon na inilagay nang paulit-ulit.

Ang mga pondong hindi aktibong nagagamit – ang mga hindi nagagastos, isinusugal, ipinapautang o naka-trade – ay dapat nakatago sa isang cold storage. Ang hardware wallet ay nagbibigay ng madaling paraan para makamit ito ng mga user, maging ang mga may limitadong tekninal na kaalaman. 
Dapat na may backup ang mga hardware wallet sakaling ang mga ito ay mawala, manakaw, o masira. Sa initialization, ang mga user ay madalas na sinasabihan na i-rekord ang kanilang seed phrase – isang listahan ng mga salita na maaaring gamitin para marekober ang mga pondo sa bagong device. Binibigyan nito ang sinuman ng kakayahan na gastusin ang mga coin, kaya dapat itong ituring na mahalaga. Inirerekomenda sa mga user na isulat ang mga ito sa isang papel (o iukit sa isang metal) at itago ang mga ito sa isang pribado at ligtas na lokasyon.


Mga limitasyon ng mga hardware wallet

Ang mga hardware wallet, tulad ng ibang uri ng mga taguan ay may kaakibat na kompromiso. Bagamat isa sila sa mga pinakaligtas na paraan sa pagtatago ng mga coin, mayroon pa rin itong mga limitasyon. Gumagawa sila ng balanse sa pagitan ng seguridad at madaling paggamit. Ang mga smartphone/software na wallet ay madaling gamitin habang ang mga hardware wallet ay pwedeng maabalang patakbuhin (dahil dalawa ang device na ginagamit para magpadala ng pondo).

Ganunpaman, hindi ganap na malaya sa pagpalya ang mga hardware wallet. Ang isang pisikal na banta laban sa isang user ay maaaring mag-udyok sa kanila na buksan ang wallet para sa umaatake, ngunit may mga iba pang dahilan. Pwedeng pagsamantalahan ang device ng mga may masamang hangarin para magkaroon ng pisikal na access dito. 

Sa ngayon, wala pa namanag matagumpay na hack na nakakuha ng private keys mula sa isang hardware device sa tunay na buhay. Kapag may iniulat na kahinaan, madalas ay madali naman itong nasosolusyonan n mga manufacturer. Hindi sa sinasabing imposibleng mangyari ito – may mga mananaliksik na nagpapakita ng mga posibleng pag-atake maging sa popular na wallet.

Ang mga pag-atake sa supply chain ay maaari ring maging epektibo sa pagpapahina ng seguridad ng isang hardware wallet device. Nangyayari ito kapag may isang masamang tao na nakakuha ng wallet bago pa ito maipadala sa user. Mula doon, maaari nila itong pakialaman para pahinain ang seguridad at nakawin ang pondo pagkatapos maideposito ng user ang coins.

Isa pang limitasyon ay ang mga hardware wallet ay pagsasarili ng mga ito ng kustodiya. Marami ang itinuturing ito bilang kalakasan dahil walang partido ang responsable sa pangangasiwa ng iyong mga pondo. Ngunit nangangahulugan din ito na kapag may nangyaring mali, walang matatakbuhan.


2020 na pagsusuri sa mga hardware wallet

Sa Binance Academy, nagsasagawa kami ng serye ng mga pagsusuri tungkol sa mga pinakapopular na hardware wallet sa mundo.


Ledger Nano S

Hindi maipagkakaila na isa sa mga pinakakilalang hardware wallet sa ngayon, ang Ledger Nano S ay inirerekomenda ng mga long-term holder at high-frequency trader. Basahin ang aming 2020 na Pagsusuri sa Ledger Nano S.


Ledger Nano X

Sumunod sa Ledger Nano S, ipinagmamalaki ng Nano X ang kamangha-manghang mga pag-unlad kabilang ang pagtakbo nito nang wireless at suporta sa mas maraming cryptocurrencies. Basahin ang aming buong 2020 na Pagsusuri sa Ledger Nano X.


Trezor One

Nananatiling matatag ang produkto na nagpasimula sa industriya ng hardware wallet. Mura ngunit may kakayahan, ang Trezer One ang nananatiling pangunahing batayan para sa maraming nagmamay-ari ng cryptocurrency. Basahin ang aming buong 2020 na Pagsusuri sa Trezor One.


Trezor Model T

Trezor One na naka-steroids. Bagamat kaakibat nito ang mataas na presyo, matatamasa mo ang touchscreen, suporta sa mas maraming coins, at pagiging compatible sa SD card para sa mga pag-unlad sa hinaharap. Basahin ang maing buong 2020 na Pagsusuri sa Trezor Model T.


Cobo Vault

Ang wallet para sa mga naghahanda sa katapusan ng mundo. Isa itong touchscreen na device na hindi maikokonekta sa Internet at nakatago sa isang matibay na kahang metal – para sa mga seryoso sa seguridad. Basahin ang aming buong 2020 na Pagsusuri sa Cobo Vault.


CoolWallet S

Singlaki lamang ng isang credit card, ang CoolWallet S ay tunay na hindi makakalimutang device. Bagamat may kaunting sakripisyo pagdating sa UI/UX na disenyo, kanais-nais ito para sa mga naghahanap ng kakaiba. Basahin ang aming buong 2020 na Pagsusuri sa CoolWallet S.


SafePal S1

Para sa presyo nito, nagpapatupad ang SafePal ng mga nakakawiling katangian sa seguridad, habang pinapanatilin limitado ang interaksyon sa ibang mga device. Basahin ang aming buong 2020 na Pagsusuri sa SafePal S1.


KeepKey

Isang manipis na device na may kasamang native ShapeShift. Ganunpaman, kinakailangan ng pagpaparehistro para magamit ang buong potensyal nito. Basahin ang aming buong 2020 na Pagsusuri sa KeepKey.


May hindi ba kami naisaling paborito mong device? Ipaalam ito sa amin sa pamamagitan ng pag-tweet sa @BinanceAcademy!


Pangwakas na ideya

Ang mga limitasyon ng mga hardware wallet ay hindi nakalalamang sa mga benepisyo ng mga ito. Sa pagsulpot ng mga solusyon sa storage, mahirap pantayan ng ibang mga paraan ang seguridad ng mga hardware wallet.

Sa paghahanap ng isang hardware wallet, dapat maging maalam muna ang mga user sa lawak ng maaari nilang pagpilian. Maraming mga device sa merkado, ang bawat isa ay may sariling mga katangian, sinusuportahang cryptocurrencies, at tagal bago mapag-aralan.