TL;DR
Layunin ng STP na i-optimize ang kasalukuyang estado ng mga Decentralized Autonomous Organization (DAO). Nag-aalok ito ng mga solusyon para i-streamline ang kasalukuyang magkakahiwalay na DAO tooling, makagawa ng mga DAO nang hindi nangangailangan ng kaalaman sa coding, at pamahalaan ang mga DAO nang mas mahusay. Higit sa lahat, sa pamamagitan ng isang holistic na DAO ecosystem, mapapababa nito ang bayarin at mapapabilis ang mga transaksyon para maisulong ang pagtanggap at paggamit.
Panimula
Ang mga decentralized autonomous organization (DAO) ay mga entity na pinapangasiwaan ng komunidad, transparent, at ganap na nagsasarili na gumagana sa blockchain. Kadalasang binubuo ang mga DAO sa mga layer-1 network, at dahil sa mga limitasyon sa scalability na nakuha ng mga ito sa mga blockchain na ito, kadalasan ay mabagal at mahal ang aktibidad sa mga DAO.
Bukod pa rito, bagama't maraming DAO tooling sa merkado, nananatiling magkakahiwalay ang crypto space sa iba't ibang chain at tool. Habang unti-unting sumisikat ang mga DAO, mahalagang tiyakin ang isang tuloy-tuloy at maayos na proseso ng onboarding para sa mga proyekto at user.
Noong 2021, inilunsad ng STP ang Verse Network, isang kumpletong suite ng mga native na tool at imprastraktura na nangangasiwa sa mahusay na desentralisadong pagdedesisyon para sa mga user, komunidad, at organisasyon para i-streamline ang paggawa at pamamahala ng mga DAO. Sa pamamagitan ng Verse Network, maa-access ng mga user ang isang hanay ng mga DAO tool na hindi nangangailangan ng code para ilunsad at pamahalaan ang kanilang mga DAO sa blockchain.
Paano gumagana ang STP?
Nag-aalok ang STP ng mga solusyon para sa paggawa, pamamahala, at governance ng DAO gamit ang kanilang all-in-one na DAO tool, ang Clique.
Nakakatulong ang Clique na maibsan ang paghihiwa-hiwalay ng DAO tooling sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang komprehensibong dashboard para sa mga user para pamahalaan ang lahat ng kanilang aktibidad sa iba't ibang DAO. Nakakatulong din ito na mag-sync ng mga impormasyon at update mula sa iba't ibang DAO. Habang dumarami ang mga DAO, magagawa ng mga miyembro na i-streamline ang kanilang workflow gamit ang Clique, na magma-maximize ng kanilang efficiency sa pamamagitan ng isang mas magandang karanasan ng user.
Narito ang ilan pang paraan para gamitin ang Clique:
Paggawa ng DAO
Nagbibigay ang Clique ng kumpletong suite ng mga tool at imprastraktura na hindi kailangan ng code para makagawa ang mga proyekto ng mga DAO sa Verse ecosystem. Direktang maisasagawa sa Clique ang lahat ng aspekto ng paggawa ng DAO, kabilang ang:
Pagpili ng template para sa paggawa ng DAO, kabilang ang DAO ng Membership, DAO ng Proyekto, at DAO ng Investment
Pag-isyu ng mga bagong token at pag-bridge ng mga kasalukuyang token para sa mga cross-chain na kakayahan
Pagpapatupad ng custom na iskedyul ng pamamahagi ng token nang may nakareserbang alokasyon ng token
Pag-customize at pagpapatupad para sa whitelist at pagbebenta sa publiko
Pag-isyu ng DAO token para sa pamamahala
Nag-aalok ang Clique ng mga template na nalalapat para sa mga DAO sa iba't ibang paggagamitan at industriya, habang nagbibigay pa rin sa mga user ng mga opsyon para sa dagdag na pag-customize. Sa pamamagitan ng Clique, makakapagpanatili ang mga proyekto ng mataas na flexibility sa paggawa ng kanilang on-chain na DAO nang hindi kailangang gumawa ng mga smart contract. May tinig ang mga proyekto sa paggawa ng token, pamamahagi ng token, at pagbebenta sa publiko, pati na sa pag-configure sa istruktura ng pamamahala ng DAO. Kabilang dito ang mga panuntunan para sa mga minimum na hawak para sa iba't ibang aktibidad sa governance at pamamahala ng DAO gaya ng paggawa at pagboto ng panukala.
Pamamahala at governance ng DAO
Kapag nakagawa at nakapaglunsad na ng DAO sa Clique, binibigyang-daan din ng decentralized app (DApp) ang mga miyembro ng komunidad na mag-browse, mamahala, at social na makilahok sa kanilang mga proyekto sa pamamagitan ng isang aggregated na dashboard. Mapapamahalaan at masusubaybayan din ng mga itinalagang manager ang aktibidad sa governance at social na aktibidad ng kanilang DAO. Masusuri ng mga manager ang mga sukatan ng aktibidad kumpara sa iba pang DAO. Matitingnan naman ng mga miyembro ng DAO ang mga kontribusyon ng DAO at masusubaybayan ang aktibidad sa mga DAO na pipiliin nilang salihan.
Nasa ibaba ang mga feature sa pamamahala ng DAO sa Clique na naa-access ng mga manager at miyembro ng DAO:
Pag-access sa isang aggregated na dashboard para pamahalaan ang lahat ng sinusubaybayang DAO, nagawang DAO, at hinahawakang asset ng user.
Pag-browse sa lahat ng fini-feature o sinusubaybayang panukala at social na post.
Pag-browse sa mga kasalukuyang event sa buong universe ng mga DAO sa Verse, kabilang ang mga naka-pin at dinaluhang event.
Pagtingin sa pagsali sa DAO, kabilang ang pagboto sa mga panukala, social na interaksyon sa pamamagitan ng mga forum ng talakayan, pagsubaybay sa pampublikong profile, atbp.
Para sa mga manager, pamamahala at pagsubaybay sa mga aktibidad ng governance at social na aktibidad ng DAO sa lahat ng miyembro, at pagsusuri sa mga aktibidad kumpara sa iba pang DAO.
Pagsubaybay sa aktibong partisipasyon sa mga miyembro
Maliban sa mga hawak na token, binibigyang-daan din ng Clique ang mga miyembro na obserbahan kung gaano kaaktibo ang iba pang miyembro sa pamamagitan ng pagsubaybay sa iba't ibang pangunahing sukatan ng pagsali. Kabilang dito ang dalas ng pagboto, dami ng isinagawang panukala, social posting, analytical na gawain, pamamahala ng token, at marami pa. Sa pamamagitan ng Clique, masusubaybayan ng lahat ng miyembro ng DAO ang lahat ng aktibidad na ito, pati na ang mga panukala at event ng DAO sa hinaharap sa naka-streamline na dashboard.
Cross-chain governance gamit ang Data Bridge
Sa pamamagitan ng Data Bridge ng Verse Network, nae-enable ang cross-chain governance para sa mga DAO. Nagsisilbing cross-chain synchronizer ang Data Bridge para makapagpalitan ng mga data at resulta ng botohan sa pagitan ng orihinal na chain (Ethereum) ng DAO at Polygon, kung nasaan ang Clique.
Sa Polygon chain, nagbibigay-daan ang governance contract para makagawa at makaboto sa mga panukala ang mga user. Ang voting power ng isang user ay nakadepende sa snapshot ng mga hawak nilang token sa oras na ginawa ang panukala.
Nagso-store ang mga validator node ng mga dating data at snapshot mula sa Ethereum bilang certificate para makapaghatid ng mga user signature sa Polygon. Kasama sa certificate ang mga katumbas na hinahawakang token ng bawat user. Makakagawa at makakaboto ang mga user sa mga panukala gamit ang kanilang signature, kung saan iva-validate ng contract ang bawat natatanging signature.
Ano ang STPT?
Ang native token ng STP ay tinatawag na STPT. Para sa mga may hawak ng token, magagamit nila ang STPT para bumoto sa mga panukala sa governance na nauugnay sa ecosystem nito at sa development nito sa hinaharap. Ginagamit din ang STPT para i-access ang buong hanay ng mga tool sa Verse, kabilang ang Clique at Data Bridge.
Mga pangwakas na pananaw
Nagsisikap ang STP na magkaroon ng isang inklusibong DAO ecosystem na magagamit ng sinuman. Sa pamamagitan ng hanay ng mga tool na available sa Verse Network, nagiging madali ang paggawa at pamamahala ng DAO habang sinusubukan nitong pagbuklurin ang DAO space at mapataas ang pagtanggap at paggamit.