Ano ang Layer 0 sa Blockchain?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Layer 0 sa Blockchain?

Ano ang Layer 0 sa Blockchain?

Intermediya
Na-publish Jan 10, 2023Na-update Feb 9, 2023
5m

TL;DR

Sa pangkalahatan, ang mga Layer 0 protocol ay ang imprastruktura kung saan puwedeng bumuo ng mga Layer 1 na blockchain. Bilang pundasyong layer sa mga blockchain network at application, kasama ang mga Layer 0 protocol sa maraming solusyon na naglalayong ayusin ang mga hamong kinakaharap ng industriya, gaya ng scalability at interoperability. 

Panimula

Ano ang bumubuo sa blockchain ecosystem? Isang paraan para ikategorya ang iba't ibang bahagi ng nasabing ecosystem ay uriin ang mga ito ayon sa mga layer, na para bang mga Internet protocol ang mga ito.

Puwedeng uriin ang isang blockchain ecosystem ayon sa mga sumusunod na layer: 

Layer 0: Ang pinagbabatayang imprastruktura na kung saan puwedeng bumuo ng maraming Layer 1 na blockchain.

Layer 1: Mga batayang blockchain na ginagamit ng mga developer para bumuo ng mga application, gaya ng mga decentralized application (DApp).

Layer 2: Mga solusyon sa pag-scale na kayang mangasiwa ng mga aktibidad mula sa mga Layer 1 na blockchain para mapagaang ang mga load ng transaksyon ng mga ito.

Layer 3: Layer ng blockchain-based na application, kasama na ang mga laro, wallet, at iba pang DApp.

Gayunpaman, hindi lahat ng blockchain ecosystem ay puwedeng uriin sa mga kategoryang ito. Puwedeng wala sa ilang ecosystem ang ilang partikular na layer, at puwede namang ikategorya ang iba bilang iba't ibang layer, depende sa konteksto. 

Nakakatulong ang mga Layer 0 protocol na solusyunan ang mga hamong kinakaharap ng mga Layer 1 na network na binuo nang may monolithic na arkitektura, gaya ng Ethereum network. Sa pamamagitan ng paggawa ng mas flexible na batayang imprastruktura at pagbibigay-daan sa mga developer na maglunsad ng sarili nilang mga blockchain na partikular sa layunin, umaasa ang Layer 0 na mas mahusay nitong matutugunan ang mga problemang tulad ng scalability at interoperability. 

Anong Mga Problema ang Malulutas ng Layer 0?

Interoperability

Tumutukoy ang interoperability sa kakayahan ng mga blockchain network na makipag-ugnayan sa isa't isa. Nagbibigay-daan ang property na ito sa mas malapit na magkakaugnay na network ng mga produkto at serbisyong magagamit sa blockchain, na nagbibigay naman ng mas magandang karanasan ng user. 

Puwedeng makipag-interact sa isa't isa ang mga blockchain network na binuo sa parehong Layer 0 protocol bilang default, nang hindi nangangailangan ng mga nakalaang bridge. Gamit ang iba't ibang bersyon ng mga protocol ng cross-chain na paglilipat, nagbibigay-daan ang Layer 0 sa mga blockchain ng isang ecosystem na bumuo batay sa mga feature at paggagamitan ng isa't isa. Ilang karaniwang resulta nito ay mas mabibilis na transaksyon at pagiging mas efficient.

Scalability 

Madalas na congested ang monolithic na blockchain gaya ng Ethereum dahil iisang Layer 1 protocol ang nagbibigay ng lahat ng napakahahalagang function, gaya ng pagpapatupad ng transaksyon, consensus, at availability ng data. Gumagawa ito ng bottleneck para sa pag-scale na maiibsan ng Layer 0 sa pamamagitan ng pagtatalaga ng napakahahalagang function na ito sa iba't ibang blockchain. 

Tinitiyak ng disenyong ito na bawat isa sa mga blockchain network na binuo batay sa parehong Layer 0 na imprastruktura ay makakapag-optimize ng mga partikular na gawain, na magpapahusay sa scalability. Halimbawa, puwedeng i-optimize ang mga chain ng pagpapatupad para makapangasiwa ito ng malalaking bilang ng mga transaksyon kada segundo. 

Flexibility ng developer

Para mahikayat ang mga developer na bumuo batay sa mga ito, kadalasang nagbibigay ang mga Layer 0 protocol ng mga madaling gamiting software development kit (SDK) at walang aberyang interface para matiyak na madaling makakapaglunsad ang mga developer ng sarili nilang mga blockchain na partikular sa layunin. 

Nagbibigay ang mga Layer 0 protocol sa mga developer ng matinding flexibility para i-customize ang sarili nilang mga blockchain, na nagbibigay-daan sa kanila na tumukoy ng sarili nilang mga modelo ng pag-isyu ng token at kontrolin ang uri ng mga DApp na gusto nilang buuin sa kanilang mga blockchain.

Paano Gumagana ang Layer 0 Protocol?

May iba't ibang paraan kung paano tumatakbo ang mga Layer 0 protocol. Nagkakaiba ang bawat isa batay sa disenyo, mga feature, at mga pinagtutuunan ng mga ito.

Pero sa pangkalahatan, nagsisilbi ang mga Layer 0 protocol bilang pangunahing blockchain na nagba-back up ng data ng transaksyon mula sa iba't ibang Layer 1 na chain. Bagama't may mga cluster ng Layer 1 na chain na binuo sa mga Layer 0 protocol, mayroon ding mga protocol ng cross-chain na paglilipat na nagbibigay-daan para mailipat ang mga token at data sa iba't ibang blockchain. 

Puwedeng magkaroon ng malaking pagkakaiba ang mga istruktura at kaugnayan ng tatlong component na ito mula sa isang Layer 0 protocol kumpara sa isa pa. Titingnan natin dito ang ilang halimbawa: 

Polkadot

Idinisenyo ng co-founder ng Ethereum na si Gavin Wood ang Polkadot para bigyang-daan ang mga developer na bumuo ng sarili nilang mga blockchain. Gumagamit ang protocol ng pangunahing chain — na tinatawag na Polkadot Relay Chain — at bawat independent na blockchain na binuo sa Polkadot ay kilala bilang parallel chain, o parachain.

Gumagana ang Relay Chain bilang bridge sa pagitan ng mga parachain para mabigyang-daan ang mahusay na komunikasyon ng data. Gumagamit ito ng pag-shard, na isang paraan ng paghahati ng mga blockchain o iba pang uri ng mga database, para gawing mas efficient ang pagproseso ng transaksyon.

Gumagamit ang Polkadot ng proof-of-stake (PoS) na pag-validate para matiyak ang seguridad at consensus sa network. Lumalahok sa mga auction ang mga proyektong gustong bumuo sa Polkadot para mag-bid para sa mga slot. Inaprubahan ang unang proyektong parachain ng Polkadot sa isang auction noong Disyembre 2021.

Avalanche

Ang Avalanche, na inilunsad noong 2020 ng Ava Labs nang may pagtuon sa mga protocol ng DeFi, ay gumagamit ng tri-blockchain na imprastruktura na binubuo ng tatlong pangunahing chain: ang Contract Chain (C-chain), ang Exchange Chain (X-chain), at ang Platform Chain (P-chain).

Partikular na naka-configure ang tatlong chain na ito para mangasiwa ng malalaking function sa ecosystem, para mapaigting ang seguridad habang naglalayong magkaroon ng mababang latency at mataas na throughput. Ginagamit ang X-Chain para gumawa at mag-trade ng mga asset, ang C-Chain para gumawa ng mga smart contract, at ang P-Chain para mag-coordinate ng mga validator at subnet. Dahil sa flexible na istruktura ng Avalanche, nagiging posible rin ang mabilis at murang cross-chain na pag-swap.  

Cosmos

Ang network ng Cosmos, na itinatag noong 2014 nina Ethan Buchman at Jae Kwon, ay binubuo ng mainnet na PoS na blockchain na tinatawag na Cosmos Hub at mga naka-customize na blockchain na kilala bilang mga Zone. Naglilipat ang Cosmos Hub ng mga asset at data sa pagitan ng mga nakakonektang Zone at nagbibigay ito ng nakabahaging layer ng seguridad. 

Lubos na nako-customize ang bawat Zone, na nagbibigay-daan sa mga developer na magdisenyo ng sarili nilang cryptocurrency, na may mga custom na setting ng pag-validate ng block at iba pang feature. Nag-i-interact ang lahat ng app at serbisyo ng Cosmos na naka-host sa mga Zone na ito sa pamamagitan ng protocol na Inter-Blockchain Communication (IBC). Nagbibigay-daan ito sa malayang pagpapalitan ng mga asset at data sa iba't ibang independent na blockchain.

Mga pangwakas na pananaw

Depende kung paano idinisenyo ang mga ito, posibleng matugunan ng mga Layer 0 na blockchain ang ilan sa mga hamon ng industriya, gaya ng interoperability at scalability. Gayunpaman, hindi pa natin alam kung gaano magiging matagumpay ang paggamit sa Layer 0 na blockchain. Maraming nagkukumpitensyang solusyon na naglalayong makamit ang mga parehong layunin.

Ang laki ng tungkuling gagampanan ng mga Layer 0 na blockchain sa paglutas sa mga hamon ng industriya ay nakadepende sa kakayahan ng mga ito na mahikayat ang mga developer na bumuo sa mga protocol na ito, at kung may totoong halagang naibibigay sa mga user ang mga application na naka-host sa mga ito. 

Iba pang Babasahin