Ano ang Axie Infinity (AXS)?
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang Axie Infinity?
Ano ang Axie Infinity Shard (AXS)?
Mga gamit ng AXS
Paano mag-store ng AXS
Ano ang Ronin wallet?
Ano ang Ronin Bridge?
Ano ang Smooth Love Potion (SLP)?
Mga gamit ng SLP
Paano magsimula sa Axie Infinity gamit ang Ronin bridge
Paano i-download ang Axie Infinity
Pangkalahatang-ideya ng isang Axie    
Ano ang mga base class ng Axie?
Ano ang mga Ability/Card ng Axie?
Ano ang stats ng Axie?
Ano ang mga parte ng katawan ng Axie?
Magkano magsimulang maglaro ng Axie Infinity?
Paano makakuha ng mga libreng Axie sa pamamagitan ng mga scholarship
Ano ang nakakaapekto sa mga presyo ng Axie?
Paano magsimulang mag-farm ng SLP sa Axie Infinity
Paano i-claim ang iyong SLP sa Axie Infinity
Ano ang mga Axie Land?
Paano bumili at maglipat ng AXS sa Ronin wallet
Mga pangwakas na pananaw
Ano ang Axie Infinity (AXS)?
HomeMga Artikulo
Ano ang Axie Infinity (AXS)?

Ano ang Axie Infinity (AXS)?

Baguhan
Na-publish Feb 3, 2021Na-update Jun 14, 2022
15m

TL;DR

2021 na, at ang ibig sabihin noon, puwede kang kumita ng pera sa paglalaro at pag-breed ng mga virtual pet. Para mas madaling maintindihan kung ano ang Axie Infinity, isipin ang isang blockchain game kung saan pinagsasama-sama ang Pokémon, CryptoKitties, at mga elemento ng card game.

Sa mas partikular, ang Axie Infinity ay isang NFT game at ecosystem na binuo sa blockchain ng Ethereum. Ang mga native cryptocurrency nito ay ang mga ERC-20 token na Axie Infinity Shard (AXS) at Smooth Love Potion (SLP). Isa ring governance token ang AXS, at ginagamit ang SLP sa pag-breed ng mga bagong Axie. Available din ang AXS bilang mga BEP-20 token sa Binance Smart Chain (BSC). 

Bawat Axie creature ay may ibang class at binubuo ng iba't ibang parte ng katawan, stats, at iba pang attribute. Para makapaglaro, mangangailangan ka ng isang team ng mga Axie na puwedeng bilhin o ibigay ng isa pang manlalaro. Puwede mong i-store ang iyong mga token at NFT sa isang Ethereum wallet o Ronin wallet. Nagbibigay-daan ang sidechain ng Ronin para sa mga halos agarang transaksyon at pinapayagan nito ang mga manlalaro na makipagtransaksyon gamit ang mga token at Axie nang hindi ginagamit ang blockchain ng Ethereum, na nakakabawas sa gastusin sa transaksyon.

Sa hinaharap, makakabili ka rin ng mga Land NFT. Parehong mabibili sa Binance at maililipat sa iyong Ronin wallet ang AXS at SLP. Puwede mo ring gamitin ang Ronin Bridge para magpadala ng mga token mula sa isang Ethereum wallet papunta sa isang Ronin Wallet.


Panimula

Sunod sa konseptong pinangunahan ng CryptoKitties, ang Axie Infinity ay isang collectible game na nakabatay sa Ethereum na lumalago mula pa noong 2018. Ang laro ay mula sa Sky Mavis, isang startup na nasa Vietnam, at nagsimula ito bilang passion project bago naging sikat na laro sa Ethereum.
Axie Infinity Shard (AXS) ang token ng ecosystem ng Axie Infinity. Ang AXS ay isang ERC-20 governance token na inilunsad noong Nobyembre 2020. Puwedeng bilhin, i-trade, o kitain ang mga AXS token sa pamamagitan ng paglalaro. Nagbibigay ng mga reward na AXS sa mga manlalarong may pinakamatataas na rank pagkatapos ng bawat season.
Kasama sa iba pang token ng Axie Infinity ang mga asset sa laro (ang iyong mga Axie) sa anyo ng mga ERC-721 token at Smooth Love Potion (SLP), na isang ERC-20 token. Kilala ang SLP dahil sa pagiging bahagi ng play-to-earn na pagkilos, na nagbibigay-daan sa mga manlalaro na magkaroon ng medyo tuloy-tuloy na kita sa pamamagitan lang ng paglalaro ng Axie Infinity.


Ano ang Axie Infinity?

Sa ecosystem ng Axie Infinity, tinatawag na mga Axie ang mga character sa laro. Ito ay mga non-fungible token (NFT) na pagmamay-ari at kinokontrol mo. Puwede mong i-store ang mga ito sa iyong crypto wallet, ilipat ang mga ito sa iba pang address ng Ethereum, o i-trade ang mga ito sa iba pang manlalaro gamit ang isang marketplace na nakabatay sa blockchain. Maliban sa mga Axie, nagtatampok ang laro ng virtual na lupa at mga item, na mga ERC-721 token din.

Sa ecosystem, puwedeng gumamit ng mga Axie team ang mga manlalaro sa Adventure mode (PvE – Player vs. Environment) para lumaban sa mga monster sa Lunacia – ang kaharian ng Axie Infinity. Puwede rin nilang piliin ang Arena mode (PvP – Player vs. Player) para makipaglaban sa iba pang Axie trainer sa totoong buhay. Kapag nanalo ka, makakakuha ka ng asset na tinatawag na Smooth Love Potion (SLP), na ginagamit sa pag-breed ng mga Axie. Ang SLP ay isa ring ERC-20 token at puwedeng i-trade sa mga palitan gaya ng Binance.

Puwedeng magkaroon ng hadlang sa pagpasok para sa mga bagong manlalaro dahil sa presyo ng Axie na may kamahalan at mga presyo ng gas ng Ethereum na mataas paminsan-minsan. Nakakatulong ang Ronin Ethereum sidechain na bawasan ang problemang ito.


Ano ang Axie Infinity Shard (AXS)?

ANg AXS coin (Axie Infinity Shard) ay hindi lang isang governance token, nagbibigay-daan din ito sa mga may-hawak na mag-stake at makatanggap ng mga reward na AXS. Nanggagaling ang mga reward sa Treasury ng Komunidad, na napupunan ng bayarin sa marketplace at mga pagbili sa laro. 270,000,000 ang magiging kabuuang supply ng AXS. Inilaan ang ilang token sa pagbebenta sa publiko, ang ilan naman ay para sa mga play-to-earn na feature, at ang ilan ay sa Sky Mavis at mga tagapayo ng proyekto. Mas mababa lang nang kaunti sa 60,000,000 ang inisyal na supply sa unang pagbebenta sa publiko. Inaasahang dumami ang mga token na nire-release taon-taon hanggang 2026.


Mga gamit ng AXS

Gusto ng Axie Infinity na maging isang mature na laro kung saan mahuhumaling ang mga manlalaro sa isang matibay na komunidad at namamayagpag na ecosystem. Para sa mga fan ng Pokémon o Final Fantasy, nag-aalok ang Axie Infinity ng masayang karanasan sa paglalaro na puwedeng kahumalingan.

Noong Agosto 2021, umabot ang Axie Infinity sa isang milyong aktibong manlalaro araw-araw. Pagkalipas ng dalawang buwan, lumapit sa marka ng dalawang milyon ang numerong ito. Kung magkakaroon ang laro ng mas malaki pang player base, siguradong tataas pa ang halaga ng ecosystem. Gaya ng nabanggit namin kanina, naipatupad na ang sidechain ng Ronin para mahikayat ang higit pang paglago. Ganito rin dapat ang mangyari kapag nagkaroon ng free-to-play na bersyon sa hinaharap.

Sa paglalaro ng Axie Infinity, puwedeng kumita ng mga AXS at SLP token ang mga manlalaro. Pagkatapos, puwedeng ipapalit ang mga token na ito sa iba pang cryptocurrency. Marami nang gamer ang kumikita ng pera mula sa paglalaro ng Axie Infinity.


Paano mag-store ng AXS

Dahil ERC-20 token ang AXS, puwede itong i-store sa anumang software wallet na compatible sa ERC-20 gaya ng Trust Wallet, Binance Chain Wallet, Exodus, pati na rin sa mga hardware wallet gaya ng Trezor One o Ledger Nano X. Puwede ka ring mag-store ng AXS sa iyong Ronin wallet, na isang espesyal na wallet na ginawa para sa Axie Infinity.


Ano ang Ronin wallet?

Ang Ronin wallet ay isang crypto wallet na gumagana sa Ronin Ethereum sidechain. Isa itong browser extension na nagbibigay-daan sa iyong makipag-interact sa Decentralized Application (DApp) ng Axie Infinity. Dahil puwedeng makaranas ang Ethereum ng mataas na trapiko at bayarin, sa pamamagitan ng Ronin chain, nagiging di-hamak na mas murang maglaro ng Axie Infinity at gumamit ng mga smart contract nito. Compatible din ang Ronin wallet sa iba pang larong gumagamit sa Ronin blockchain.


Ano ang Ronin Bridge?

Sa Ronin Bridge, makakapaglipat ka ng mga token mula sa blockchain ng Ethereum papunta sa side chain ng Ronin. Ang ETH na ipinapadala sa blockchain ay nagiging wrapped ETH at magagamit para bumili ng mga Axie creature, SLP, at iba pang item. Puwede ka ring maglipat ng mga token mula sa blockchain ng Ronin papunta sa Ethereum para ibenta ang mga ito sa mga merkado gaya ng Binance.


Ano ang Smooth Love Potion (SLP)?

Ang Smooth Love Potion (SLP) ay isang ERC-20 token sa network ng Ethereum. Ang mga SLP token ay ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga manlalaro. Puwedeng ibenta ang mga ito o gamitin para sa pag-breed ng mga bagong Axie. May walang limitasyong supply ang token at puwede itong makuha sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga pang-araw-araw na quest at pakikipaglaban sa iba pang manlalaro. Binu-burn ang mga SLP token kapag nagamit na ang mga ito sa pag-breed, at limitado ang dami ng puwede mong i-farm araw-araw.


Mga gamit ng SLP

May tatlong pangunahing gamit ang SLP na humihimok ng demand nito:

1. Nagbibigay ito sa mga user ng kakayahang mag-breed ng mga bagong Axie mula sa dalawang dati nang Axie. Kailangan ng partikular na dami ng Smooth Love Potion, na nakadepende sa mga breed count ng dalawang magulang na Axie.
2. Puwedeng matanggap ng mga user ang token bilang reward kapag sila ay umabot sa mga bagong level gamit ang kanilang mga Axie, nakakumpleto ng mga quest, at nanalo sa mga labanan.
3. Ang mga may-hawak ng SLP ay puwedeng gumawa ng mga ispekulasyon tungkol sa presyo at mag-trade nito sa mga palitan ng crypto gaya ng Binance.

Ang mga gamit na ito ang mismong nakatulong sa paggawa ng play-to-earn na modelo na nakikita natin sa Axie Infinity. Handang magbayad ang mga user para sa token, at handa ang mga farmer na kitain ito. Sa paggawa ng mga simpleng paraan ng pag-farm ng SLP, puwedeng magsimulang kumita ang sinumang may Axie starter team.


Paano magsimula sa Axie Infinity gamit ang Ronin bridge

Kung gusto mong bumili ng iyong unang team ng mga Axie, kakailanganin mong magkaroon ng kaunting ETH sa iyong Ronin wallet. Dahil sidechain ang Ronin, kakailanganin mo ring i-wrap ang iyong ETH (WETH) gamit ang Ronin bridge. Nangangailangan ang proseso ng tatlong pangunahing hakbang:
1. Pagbili ng ETH mula sa isang palitan gaya ng Binance.
2. Pag-bridge ng iyong ETH gamit ang Ronin bridge.
3. Pag-access sa Axie Marketplace gamit ang iyong WETH.
Para sa unang hakbang, siguraduhing nakapagrehistro ka na ng account sa Binance at pareho mo nang nakumpleto ang KYC at AML.

Paano bumili at maglipat ng ETH sa Ronin Wallet

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance, mag-mouse over sa tab na [Mag-trade], at piliin ang view ng pag-trade na [Classic] o [Advanced].


2. Mag-hover sa pares sa pag-trade na ipinapakita sa kaliwa at i-type ang ETH sa search bar. Pumili ng angkop na pares ng ETH, sa sitwasyon natin, ang [ETH/BUSD].

 

3. Bumili ng iyong ETH gamit ang isang uri ng order na gusto mo. Ang pinakamadaling paraan gamit ang market order ang pinili natin. I-click ang [Bumili ng ETH] para isumite ang iyong order. 


Paano iugnay ang ETH gamit ang Ronin Bridge

1. Una, kakailanganin mong gumawa ng crypto wallet kung wala ka pa nito. Sa partikular, mangangailangan ka ng wallet na nakakakonekta sa mga DApp. Parehong magandang opsyon ang MetaMask o Binance Chain Wallet.
2. Para simulang i-bridge ang iyong ETH, mag-hover sa tab sa menu na [Wallet] at piliin ang [Fiat at Spot].

 

3. Hanapin ang ETH at i-click ang [Mag-withdraw].

 

4. Ilagay ang Ethereum ERC-20 address kung saan mo gustong magdeposito. Ito ang magiging address ng pagdeposito mula sa iyong panlabas na wallet.


5. I-click ang field na [Network] at piliin ang [Ethereum (ERC20)].


6. Tingnan ang mga detalye ng transaksyon at i-click ang [I-withdraw] para ipadala ang iyong ETH.


7. Susunod, gumawa ng Ronin wallet. Tandaan na available lang ito bilang browser extension at hindi desktop client. Mag-ingat sa mga scam. Hindi pa available ang Ronin para sa mga user sa mobile.
8. Pumunta sa website ng Ronin Bridge at i-click ang button na [Magdeposito]. Ikonekta ang iyong MetaMask wallet gamit ang lalabas na pop-up.


9. I-click ang [Susunod] at tapusin ang pagkonekta ng iyong wallet.


10. Kopyahin ang address ng iyong Ronin wallet sa field na [Address ng Ronin].


11. Piliin ang asset na gusto mong ideposito sa pamamagitan ng pag-click sa field na [Asset]. Sa ating halimbawa, ETH ang idedeposito natin.


12. Bilang pangwakas, i-click ang [Susunod] sa ibaba ng page para kumpirmahin ang iyong mga detalye at i-bridge ang mga token mo sa iyong Ronin wallet.
13. Bago ka makapaglaro, kakailanganin mong gumawa ng iyong Axie team. Mag-log in sa Axie Marketplace at piliin ang opsyong Ronin wallet. Kakailanganin mo itong gawin kung hindi ka pa nakakagawa ng account sa Axie dati. Kung ito ang unang beses mong mag-log in, makakakita ka ng mga tagubilin kung paano magbukas nito.


Paano bumili ng Axie sa Axie Marketplace

1. Sa Marketplace, pumili ng Axie na gusto mong bilhin. Mag-click sa avatar nito para malaman ang stats at iba pang impormasyon nito. Puwede mo ring gamitin ang mga filter sa kaliwa para makatulong sa iyong paghahanap. Kung hindi ka pamilyar sa mechanics ng laro, inirerekomenda naming magsaliksik ka muna bago ka bumili ng iyong mga unang Axie.


2. Sa indibidwal na page ng Axie, i-click ang button na [Bumili na] para tapusin ang pagbili. Kakailanganin mong kumpirmahin ang transaksyon gamit ang iyong extension ng Ronin wallet.

Huwag kalimutan na nangangailangan ng tatlong Axie ang isang buong team. May mga diskarte at gabay sa pagbuo ng team na available sa komunidad ng Axie Infinity, kaya siguraduhing magsaliksik bago ka gumastos ng iyong pera. 


Paano i-download ang Axie Infinity

Available ang Axie Infinity para sa Windows, macOS, Android, at iOS. Ang pinakamagandang paraan para i-install ang laro ay pumunta sa homepage ng Axie Infinity at i-click ang button na [MAGLARO NA] sa kanang sulok sa itaas.


Awtomatiko itong magda-download ng client para sa iyong desktop o laptop computer. Tandaan na kung pipiliin mong i-install ang pang-iOS na bersyon para sa iyong iPhone, kakailanganin mong i-enable ang TestFlight sa iyong device. Magbibigay-daan ito sa iyong mag-install ng mga application na dine-develop pa. Para sa Android, kakailanganin mong i-install ang .apk file na na-download mula sa splash screen.


Pangkalahatang-ideya ng isang Axie    

Ang bawat Axie ay isang maliit na fantasy creature na binubuo ng kumbinasyon ng iba't ibang attribute at katangian. Ito ang class, stats, at mga parte ng katawan ng mga ito. Mula Oktubre 2021, may 9 na iba't ibang class ng Axie.


Ano ang mga base class ng Axie?

Ang Axie Infinity ay may siyam na class, kung saan ang tatlo ay mga espesyal na class (ipinapakita nang naka-bold sa ibaba) na walang natatanging Parte ng Katawan o Card ng Class.

Aquatic

Grupo 1

Bird

Grupo 1

Dawn

Grupo 1

Bug

Grupo 2

Beast

Grupo 2

Mech

Grupo 2

Plant

Grupo 3

Reptile

Grupo 3

Dusk

Grupo 3

Ang class ng isang Axie ay mahalagang bahagi ng kung paano ito nakikipaglaban. Ang bawat class ay may kahinaan sa pakikipaglaban sa ibang uri ng class pero mas malakas ito laban sa iba. Nauugnay rin ang mga card sa mga partikular na class, na nagbibigay sa mga ito ng 10% attack bonus kapag ginamit ng mga ito ang card laban sa mahihinang uri. 

Halimbawa, ang mga Aquatic, Bird, o Dawn Axie ay may extra damage laban sa mga Bug, Beast, o Mech Axie, pero nagtatamo ang mga ito ng extra damage mula sa mga Plant, Reptile, at Dusk class. Sa madaling salita, ang mga class sa Grupo 1 ay malakas laban sa Grupo 2, pero mahina laban sa Grupo 3. Ang mga Axie sa Grupo 2 ay malakas laban sa Grupo 3 pero mahina laban sa Grupo 1. Bilang pangwakas, ang mga Axie sa Grupo 3 ay malakas laban sa Grupo 1 pero mahina laban sa Grupo 2, na kumukumpleto sa cycle.


Ano ang mga Ability/Card ng Axie?

May 132 card sa Axie Infinity na nauugnay sa anim sa siyam na available na class. Puwede mo ring hati-hatiin ang mga card sa mga kaugnay na parte ng katawan, sa hanay ng mga ito, at halaga. Bagama't puwedeng gumamit ng card ang anumang class ng Axie, may bonus damage kung nauugnay ito sa partikular na class nito.


Ano ang stats ng Axie?

Ang mga Axie ay may koleksyon ng stats na tumutukoy sa mga partikular na katangian:

HP

Nagbibigay ng kabuuang health o hit points ng bawat Axie. Kayang magtamo ng mas maraming damage ng mga Axie na may mas malaking HP.

Skill

Nagdaragdag ng bonus damage sa mga combo attack.

Morale 

Nakasalalay ang tsansang maka-critical strike ng bawat Axie sa Morale nito, pati na rin sa dami ng Last Stand na mayroon ang mga ito.

Bilis

Ang mga Axie na may mas mataas na speed ang unang umaatake sa battle. Pinapababa rin ng speed ang tsansang maka-critical hit kapag dumedepensa.


Ano ang mga parte ng katawan ng Axie?

Bawat Axie ay may kumbinasyon ng anim na parte ng katawan: ang mga tainga, mata, sungay, likod, bibig, at buntot. Ang huling apat ang tumutukoy sa mga eksaktong card na magagamit ng iyong Axie sa battle, at nakakaapekto rin ang bawat isa sa stats ng creature.


Magkano magsimulang maglaro ng Axie Infinity?

Mula noong Oktubre 2021, nagkakahalaga ng $130 US dollars (sa WETH) ang mga pinakamurang Axie. Magkakaroon ng tatlong creature ang iyong Axie team, ibig sabihin, makakapagsimula ka sa halagang humigit-kumulang $390. Ang pinakamagandang paraan para malaman kung magkano magsimulang maglaro ay pumunta sa Axie Marketplace at pagsunud-sunurin ito ayon sa presyo.


Paano makakuha ng mga libreng Axie sa pamamagitan ng mga scholarship

May dalawang posibleng paraan para makakuha ng mga libreng Axie. Una, puwede kang makakuha ng mga Scholarship mula sa iba pang manlalarong nagbibigay ng mga libreng team. Pagkatapos, bawat scholar ay magbibigay sa donor ng isang parte ng mga Smooth Love Potion na nakuha nila. Isa itong sikat na paraan dahil pinapayagan lang ang mga user na magkaroon ng isang account sa Axie. Samakatuwid, may katuturan naman na gamitin ng mga tao ang Axie nila. 

Ang mga scholarship ay ibinibigay at pinapamahalaan ng ibang manlalaro, hindi ng team ng Axie Infinity. Kaya dapat kang mag-ingat kapag pumasok ka sa ganito. Ang CoinGecko ay isang lugar kung saan puwedeng subaybayan ang mga available na scholarship. Kapag may team ka na, puwede mo itong gamitin para makipaglaban sa Arena o Adventure mode. Tandaan na ang may-ari lang ng mga Axie (ang scholarship manager) ang makakapag-claim ng mga mafa-farm mong SLP token, at sila ang bahalang magpadala sa iyo ng parte mo sa usapan. Kadalasan, tig-50% ang mga scholar at manager sa mga kinita.

Isang alternatibong paraan ang hintaying ma-release ang Battles Version 2.0. Sa update na ito, may maa-unlock na mga bagong mode ng laro na magbibigay sa mga user ng libreng Axie na magagamit sa pakikipaglaban. Gayunpaman, hindi kikita ng mga maibebentang token ang mga creature na ito. Kung balak mong gamitin ang Axie Infinity bilang play-to-earn na laro, kakailanganin mo pa ring bumili ng team o kumuha ng scholarship.


Ano ang nakakaapekto sa mga presyo ng Axie?

Puwedeng mag-iba-iba ang mga presyo ng Axie mula humigit-kumulang $130 hanggang mahigit sa $100,000. Bagama't pangunahing nakasalalay ang halaga ng mga ito sa lakas at gamit ng mga ito sa laro, marami ring kasamang ispekulasyon. Karaniwang mas malaki ang halaga ng mga Origin Axie mula noong nag-uumpisa pa lang ang laro. Mayroon ding mga Mythical Axie na mas makulay at partikular na rare. Kadalasan, ang mga mas rare na attribute ay nagbibigay ng pinakamaraming gamit sa laro at nagkakaroon ng mas matataas na presyo. Dahil napakasikat ng Axie Infinity, ang merkado para sa mga creature ay apektado na ngayon hindi lang ng mga manlalaro, pero pati na rin ng mga kolektor ng NFT.


Paano magsimulang mag-farm ng SLP sa Axie Infinity

Puwedeng mag-farm ng SLP ang mga user mula sa mga laban sa Arena (PvP) o sa Adventure mode (PvE). Gagamit ka ng energy sa pakikipaglaban sa dalawang aktibidad na ito. Kapag naubos na ang iyong energy, makakakumpleto ka lang ng mga adventure para mag-farm ng SLP mo.

Nakadepende ang dami ng energy mo sa dami ng mga Axie na mayroon ka. Makikita mo kung gaano karaming energy ang mayroon ka sa pamamagitan ng pangunahing menu ng laro sa itaas ng screen.


1. Sa mga pang-araw-araw na quest, makakakuha ka ng 25 SLP. Kasama sa mga gawaing ito ang pag-check in araw-araw, pagkumpleto ng 10 level sa Adventure mode, at pagkapanalo sa 5 match sa Arena.
2. Sa Adventure Mode (PvE), puwede kang makakuha ng hanggang 50 SLP araw-araw. Nagbabago ang partikular na halaga batay sa level na lalaruin mo. Sa unang beses na laruin mo ang isang level, makakatanggap ka ng SLP. Gayunpaman, sa paglalaro sa isang partikular na level sa hinaharap, hindi garantisadong makakakuha ng reward na SLP. Puwede ka ring makakuha ng reward na SLP kapag nakatalo ka ng mga boss.
3. Sa Arena (PvP), itinutugma ka sa iba pang manlalaro batay sa ranking mo. Binabago rin ng ranking mo ang dami ng SLP na makukuha mo sa bawat pagkapanalo. Gagamit ng energy ang bawat laban, kaya ang dami ng SLP na makukuha mo sa isang araw ay nakadepende sa dami ng mga match na lalaruin mo gamit ang energy.

Tandaan na puwede ka pa ring maglaro kahit na maubusan ka ng energy. Gayunpaman, hindi ka makakakuha ng mga reward na SLP sa mga PvP match, at hindi ka makakakuha ng anumang experience sa mga PvE match. Pero puwede pa ring tumaas ang rank mo o puwede ka pa ring gumawa ng mga pang-araw-araw na quest.


Paano i-claim ang iyong SLP sa Axie Infinity

Kapag nakakuha ka ng SLP, kakailanganin mo itong i-claim nang manu-mano. Isang beses mo lang puwedeng i-claim ang iyong SLP bawat 14 na araw. 

1. Mula sa homepage ng Axie Infinity, ikonekta ang iyong Ronin wallet at piliin ang [Mag-claim ng Mga Token] mula sa menu. Pagkatapos ay i-click ang [Mag-claim ng SLP] para ilipat ang mga token sa iyong Ronin wallet. 
2. Pumunta sa iyong account at siguraduhing nakakonekta ang Ronin wallet mo. I-click ang [Mag-claim ng Mga Token] sa menu at pagkatapos, ang [Mag-claim ng SLP].


3. Sa puntong ito, puwede mo nang ilipat ang iyong SLP sa Ethereum wallet mo kung gusto mo itong ibenta. Puwede mo rin itong ipadala nang direkta sa iyong Binance Ronin wallet para maiwasang magbayad ng bayarin sa gas sa Ethereum.


Ano ang mga Axie Land?

Ang Axie Land ay mga parcel ng lupa sa Lunacia, ang mundo kung saan nakatira ang mga Axie creature. Ang universe ay binubuo ng 301x301 grid na ipagbibili sa ilang bentahan. Available ang 25% sa unang bentahan, at tataas nang 10% ang lahat ng presyo sa mga bentahan sa hinaharap.


Magho-host ang mga pink na parisukat ng mga pandaigdigang event, dungeon, lokasyon ng pag-spawn ng chimera, at pampublikong resource node. Naglalaman din ang mapa ng isang lugar na kilala bilang Luna’s Landing para sa mga content creator at mga kalsada para sa paglalakbay. Mabibili ang mga chest na naglalaman ng mga uri ng lupa, at maglalaman ng mga lupang nasa magkakatabing espasyo ang maraming chest na sama-samang binili.


Paano bumili at maglipat ng AXS sa Ronin wallet

Magagamit ang AXS sa pamamahala, pag-stake, o pag-breed. Kung isa kang breeder o gusto mong magsimulang mag-breed ng mga Axie, puwede kang magpadala ng AXS nang direkta mula sa Binance papunta sa iyong Ronin wallet nang wala ang Ronin bridge. Kapag ginawa mo ito, makakatipid ka sa bayarin sa gas sa Ethereum dahil puwede mong laktawan ang hakbang ng paglilipat sa panlabas na wallet. Tulad ng ETH, mabibili ang AXS sa Binance.

1. Una, mag-log in sa iyong account sa Binance, mag-hover sa [Mag-trade] at piliin ang alinman sa [Classic] o [Advanced] view.


2. Susunod, mag-hover sa ipinapakitang pares sa pag-trade at i-type ang AXS sa dropdown na menu. Pumili ng isa sa mga pares. Sa ating halimbawa, [AXS/BUSD] ang gagamitin natin.

 

3. Piliin ang uri ng iyong order at ang halagang gusto mong bilhin. Simpleng market order ang pinili natin. I-click ang [Bumili ng AXS] kapag nakumpirma mo na ang mga detalye ng iyong order. 

 

4. Para simulang mag-withdraw sa iyong Ronin wallet, kakailanganin mong mag-hover sa button na [Wallet] at piliin ang [Fiat at Spot].


5. Hanapin ang AXS at i-click ang [Mag-withdraw].

 

6. Piliin ang field na [Network].


7. Piliin ang network ng Ronin sa mga opsyon.

 

8. Siguraduhing babasahin at mauunawaan mo ang ipapakitang babala. Kakailanganin mong palitan ang prefix na ronin: ng 0x bago ka magpatuloy.

 

9. Bilang pangwakas, ilagay ang halagang gusto mong ipadala at i-click ang [I-withdraw].

 

10. Kapag nakumpleto na ang pag-withdraw, dapat mo nang makita ang iyong AXS o WETH sa Ronin wallet mo. Pagkatapos, puwede mo nang gamitin ang mga token para sa pag-breed o pagbili ng mga Axie sa marketplace ng mga ito.


Mga pangwakas na pananaw

Nakasalalay ang hinaharap ng mga AXS at SLP token sa tuloy-tuloy na playability at kasikatan ng Axie Infinity. Ang gameplay ay masaya, kumpleto, at malaki pa ang igaganda sa reputasyon nito bilang isang play-to-earn na laro. Wala ring dudang napatunayan nito ang sarili nito sa mga nakalipas na taon, at palaging gumagawa ng mga update at bagong feature ang team para mahikayat na sumali ang mas marami pang manlalaro. Panahon lang ang makakapagsabi kung patuloy na mapapalaki ng Axie Infinity ang user base nito nang matagumpay, pero siguradong isa ito sa mga kawili-wiling NFT game sa larangan ng blockchain.