Panimula
Ang pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad ng iyong private keys ay mahalaga para matiyak ang pinansyal na kalayaan. Sa kasamaang palad, maraming mga cryptocurrency investor ang nagtitiwalang iwan lamang ang kanilang pera sa mga exchange. Ngunit ang ganitong gawi ay malayo sa pagiging ligtas dahil may ganap na kontrol ang mga exchange sa cryptocurrency deposits.
Simula sa mga unang araw ng Bitcoin, bilyon-bilyon ang nawala dahil sa mga hack at scam sa exchange. Ang hack sa Mt. Gox exchange noong 2014 ay isa sa mga pinakakilala at pinaka-kontrobersyal na kaso, at hanggang ngayon ay patuloy na iniimbestigahan.
Ngunit ano nga ba ang kinalaman ng lahat ng ito sa Proof of Keys Day?
Ano ang Proof of Keys?
Tulad sa unang natalakay, marami ang nag-iiwan ng kanilang mga cryptocurrency na nakatago sa mga exchange. Likas itong mapanganib dahil ang mga exchange na ito ay may ganap na kontrol sa private keys ng kanilang mga deposit address.
Sa kontekstong ito, layunin ng Proof of Keys Day na mapigilan ang mga investor na laging umasa sa exchange sa madaling pagtago ng kanilang mga cryptocurrency. Ang konsepto ay madalas ipinepresenta sa isang maikli, ngunit epektibong pangungusap: hindi ang inyong keys; hindi ang inyong Bitcoin.
Sa ibang paliwanag, ang Proof of Keys Day ay selebrasyon ng kalayaang pinansyal. Ang layunin nito ay hikayatin ang mga cryptocurrency investor na ilipat ang kanilang mga pondo mula sa mga exchange papunta sa kanilang mga personal wallet. Sa pamamagitan ng pagkuha ng ganap na konrtol sa kanilang sariling private keys, tinitiyak nilang walang sinuman maliban sa kanila ang makaka-access ng kanilang mga pondo.
Apat na mahalagang epekto ng Proof of Keys Day
Ang pilosopiya sa likod ng Proof of Keys Day ay saktong nakalinya sa pilosopiya ng Bitcoin. Sa pamamagitan ng pagpalit sa third-party na mga tagapamagitan ng isang trustless value-transfer na sistema, ang mga indibidwal ay maaaring ligtas at may kompyansang makipag-ugnayan sa isa’t isa nang hindi isinusuko ang kanilang kalayaan sa pamamahala sa kanilang pera.
Kaya, ano ang ilan sa mga mahahalagang epekto ng Proof of Keys Day?
Turuan ang mga bagong investor kung paano pagalawin ang mga coin
Dapat maging komportable ang mga cryptocurrency investor sa paglipat ng kanilang cryptocurrency mula sa isang lugar papunta sa iba. Bagamat simple itong pakinggan para sa iba, ang mga bagong dating ay madalas nahihirapang intindihin ang marami klase ng mga wallet at kung paano sila ginagamit.
Paalalahanan ang mga investor kung sino ang tunay na may-ari ng kanilang private keys
Gaya ng nabanggit, ang pangunahing misyon na inilatag ni Trace Mayer noong sinimulan ang Proof of Keys Day ay ang hikayatin ang bawat cryptocurrency investor na magmay-ari ng private keys. Ang pag-iwan ng kanilang cryptocurrencies sa isang exchange ay nangangahulugan na walang kontrol ang mga investor sa kanilang mga pondo.
Bagamat nangyayari lamang ito minsan sa isang taon, ang Proof of Keys Day ay isang pagkakataon para sa bawat investor na bawiin ang kontrol sa kanilang mga pondo. Bagamat ang araw na ito ay isang magandang paalala kung sino ang may-ari nito, nangangahulugan ito na may maliit na bilang ng mga investor ang hindi sumusubaybay sa pag-angkin ng kung ano ang sa kanila.
Ilantad ang mga kahina-hinala at hindi matapat na exchange
Sa mundo ng cryptocurrency, ang Proof of Keys Day ay maaaring makahikayat sa libu-libong mga investor na mag-withdraw ng kanilang mga pondo mula sa mga exchange. Kung malaking bilang ng mga investor ang nagpasyang gawin ito sa parehong araw, kalaunan ay maaari nitong ilantad ang mga exchange na nagsasagawa ng fractional reserve na mga paraan o kaya ay nagsisinungaling tungkol sa kanilang mga totoong reserve.
Ganunpaman, sa kabutihang palad, ang transparency ng Bitcoin at ng ibang blockchain networks ay ginagawang madali para sa mga exchange na gawing pampubliko ang pagberipika ng kanilang mga holding.
Ipagdiwang ang Bitcoin genesis block
Paano maging bahagi ng Proof of Keys na kilusan
Hindi mahalaga kung bago o beterano ka na sa cryptocurrencies. Madali lamang ang paglahok sa Proof of Keys Day. Tulad sa nabanggit, ang ideya ay ang pagdeklara ng pinansyal na kalayaan sa pamamahala sa pamamagitan ng pag-withdraw ng lahat ng mga pondo sa mga exchange (o ibang third party services).
Sunod dito, pumili ng cryptocurrency wallet na komportable kang gamitin. Kabilang sa madaling paggamit nito, mahalaga ring isaalang-alang ang lebel ng seguridad ng bawat uri ng wallet bago pumili. Ang huling hakbang ay may kinalaman sa pagpapadala ng iyong mga pondo papunta sa iyong personal na wallet para maangkin at makontrol mo ang iyong private keys.
May mga taong nakikilahok sa Proof of Keys na kilusan minsan sa isang taon. Inilalayo nila sa mga exhchange ang kanilang mga pondo sa loob ng isang araw (sa January 3) para ipagdiwang at kumpirmahin ang kanilang pinansyal na kalayaan.
Pangwakas na ideya
Ang Proof of Keys Day ay isang simple ngunit mahalagang pagkilos na nagpapaalala sa mga cryptocurrency investor kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng kanilang private keys. Milyon-milyong mga nawiwili sa crypto ang nakikibahagi sa selebrasyon, at naglalayo ng kanilang mga pondo mula sa mga exchange papunta sa kanilang mga wallet.