Paano Maging Isang NFT Artist: Pagsisimula sa Marketplace ng Binance NFT
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang NFT art?
Bakit nagiging mga NFT artist ang mga tao?
Paano maging isang NFT artist
Mga pangwakas na pananaw
Paano Maging Isang NFT Artist: Pagsisimula sa Marketplace ng Binance NFT
Home
Mga Artikulo
Paano Maging Isang NFT Artist: Pagsisimula sa Marketplace ng Binance NFT

Paano Maging Isang NFT Artist: Pagsisimula sa Marketplace ng Binance NFT

Baguhan
Na-publish Sep 9, 2022Na-update Dec 23, 2022
6m

TL;DR

Puwedeng gamitin ang mga non-fungible token (NFT) para digital na katawanin ang halos kahit na ano, kabilang ang mga video, ticket ng event, at virtual na real estate. Pero malamang, digital art ang pinakasikat na pinaggagamitan ng NFT. Maraming marketplace ang nagbibigay-daan sa mga aspiring na digital artist na ibenta ang kanilang gawa, kaya naman mas maraming tao ang nagiging interesado na maging mga NFT artist. Nasa ibaba ang ilang tip sa kung paano mo madi-digitize at mamo-monetize ang artwork mo para maging isang NFT artist sa mga platform gaya ng Marketplace ng Binance NFT.

Panimula

Ang mga NFT ay natatanging uri ng mga digital asset na puwedeng kumatawan sa mga digital o tunay na item. Ang bawat NFT ay may natatanging token ID para mabilis matukoy ang mga ito. Hindi gaya ng Bitcoin at iba pang fungible asset, non-fungible ang mga NFT, ibig sabihin, hindi maipagpapalit ang mga ito sa bawat isa.

Dahil sa mga natatanging feature ng mga NFT, puwedeng makinabang ang mga artist kapag gumawa at nagbenta sila ng kanilang sining sa anyo ng mga NFT. Bukod pa sa mabilis mapatunayan ang pruweba ng pag-aari at authenticity, nagbibigay-daan ang mga NFT na kumita ng mga royalty ang mga artist sa mas madaling paraan, nang hindi na kailangan ng agency o manager.

Ano ang NFT art?

Kung paiikliin, ang NFT art ay anumang piraso ng artwork na ginawa bilang isang digital token sa isang blockchain network. Tinatawag na mga non-fungible token o NFT ang mga token na ito. Karaniwang ginagawa ang mga NFT gamit ang mga smart contract na sumusunod sa mga partikular na pamantayan. Ang isa sa mga pinakasikat na pamantayan ay ang ERC-721 ng Ethereum, kung saan kinakailangan ng lahat ng token na magkaroon ng mga natatanging token ID para matiyak ang pagiging non-fungible.

Dahil sa pagiging non-fungible ng mga ito, puwedeng kumatawan ng pag-aari at gumawa ng pinansyal na halaga ang mga NFT para sa mga digital artwork. Sa isang mundo kung saan ginugulat tayo ng mga eskandalong may kinalaman sa mga pekeng sining, makakatulong ang NFT art na mapalakas ang loob ng mga artist na nangangamba sa art forgery. Sa pamamagitan ng teknolohiya ng blockchain, madaling mapapatunayan ng mga artist na sila ang gumawa ng isang partikular na sining.

Sa iba't ibang uri ng mga NFT sa merkado ng crypto sa kasalukuyan, malamang na NFT art ang pinakasikat. Malamang na narinig mo na ang tungkol sa isang sikat na NFT artist, si Beeple, na sumikat dahil sa pagbebenta ng kanyang NFT art sa halagang $69 milyon. Si Grimes, isang multi-hyphenate artist, ay napabalitang nakabenta ng digital art na nagkakahalaga ng $6 milyon bilang mga NFT. Walang duda, puwedeng maibenta sa milyon-milyong halaga ang bawat piraso ng NFT artwork sa mga NFT art auction na kagaya ng mga tradisyonal na auction.

Bakit nagiging mga NFT artist ang mga tao?

Dahil digital ang NFT art, hindi na limitado ang mga exhibition sa mga pisikal na espasyo at art gallery, na nagbibigay-daan sa mga artist na maipakita ang kanilang mga likha saanman sa mundo. Dahil dito, hindi limitado sa mga heograpikal na limitasyon ang gawa ng mga artist at nakikilala ito sa buong mundo.

Bukod sa pakikipagsapalaran sa paggamit ng isang moderno at bagong format ng sining, ang isa pang mahalagang dahilan ng paggawa ng sining sa pamamagitan ng mga NFT ay mabilis mong mave-verify ang pagiging authentic ng mga ito. Dahil sa natatanging ID ng bawat NFT artwork at immutability ng blockchain, mapepreserba ang pag-aari at pagiging authentic ng bawat NFT artwork.

Ikagagalak ng mga NFT artist na malamang puwedeng i-exhibit at ibenta ang kanilang sining nang hindi na kailangang dumaan sa anumang third party, para maiwasan nila ang bayarin sa middleman na madalas kumakain sa kita nila.

May ilang platform, gaya ng Marketplace ng Binance NFT, na nagbibigay-daan sa mga artist na kumita ng passive income sa pamamagitan ng bayarin sa royalty. Ibig sabihin, puwedeng kumita ang mga NFT creator ng porsyento ng bawat benta ng NFT, kahit na mangyari ang bentahan sa pagitan ng mga user sa pangalawang merkado.

Higit sa lahat, ang kagandahan sa NFT art scene ay may kakayahang gumawa at magbenta ng kanilang artwork ang sinuman. Hindi gaya ng mga tradisyonal na art gallery, inklusibo ang karamihan sa mga marketplace ng NFT. Dahil sa ganitong environment, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga nagsisimulang artist na maging independent at pagkakitaan ang kanilang hilig.

Mga disbentahe ng pagiging NFT artist

Bagama't lalong sumisikat ang mga NFT, hindi pa rin ito itinuturing na mainstream na anyo ng sining. Dahil bago pa lang ito, posibleng mahirapan ang mga kilala nang NFT artist na makahanap agad ng mahuhusay na mamimili, hindi gaya ng mga tradisyonal na mamimili sa mga art gallery. 

Bilang karagdagan, dahil puwedeng maging NFT creator ang sinuman, posibleng saturated na ang marketplace kung saan mo balak ibenta ang iyong artwork kumpara sa mga eksklusibong art gallery na may mga piling sining. Baka kailangan mong bumuo ng fanbase mo at patunayan ang halaga sa likod ng artwork mo para mapataas ang tsansa mong magtagumpay bilang isang NFT artist. Basahin ang aming blog tungkol sa Paano Maging Isang Creator sa Web3 Space para sa higit pang tip sa pagma-market ng mga gawa mong NFT.

Paano maging isang NFT artist

Madali lang magsimula sa paglalakbay mo bilang NFT artist:

Hakbang 1: Simulang gumawa ng mga likhang-sining. Makakahanap ka ng inspirasyon sa iba pang koleksyon ng NFT art na nariyan.

Hakbang 2: Pumunta sa isang platform gaya ng Marketplace ng Binance NFT at i-upload ang iyong digital art sa blockchain.

Hakbang 3: Puwede mo nang ibenta ang NFT art mo.

Pag-mint at pagbebenta ng NFT art sa Marketplace ng Binance NFT

Puwedeng gumawa ng NFT o koleksyon ng mga NFT ang mga na-verify na user sa Marketplace ng Binance sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na pag-mint. Tandaan na kailangan mong magkaroon ng kahit dalawang follower sa iyong user profile sa Binance NFT bago ka makapag-mint. 

Hakbang 1: Mag-log in sa iyong account sa Marketplace ng Binance NFT at i-click ang [Gumawa].

Hakbang 2: Ilagay ang mga detalye ng bago mong koleksyon. Kasama rito ang pangalan ng koleksyon, isang maikling paglalarawan, isang logo at banner na larawan, at isang simbolo. Puwede ka ring mag-bind ng wallet sa artwork mo para mapatunayan mo ang pag-aari sa mga marketplace ng NFT.

Hakbang 3: Basahin at sang-ayunan ang Mga Patakaran sa Pag-mint ng Binance NFT at Mga Tuntunin ng Serbisyo at i-click ang [Gawin].

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Patakaran ng Binance NFT sa Pagpapaliban sa Settlement ng Sales para sa Mga Karaniwang Koleksyon ng NFT.

Hakbang 4: Makakatanggap ka ng notification sa email kapag handa na ang koleksyon mo.

Hakbang 5: Para tingnan ang iyong koleksyon ng NFT art, pumunta sa [User Center] - [Ginawa]. Puwede mo ring i-edit doon ang ilang partikular na detalye ng iyong koleksyon.

Para sa isang mas detalyadong gabay o video tutorial, bisitahin ang FAQ Kung Paano Gumawa ng Iyong NFT sa Marketplace ng Binance NFT..

Mga pangwakas na pananaw

Kung pinaplano mong pagkakitaan ang iyong sining, pag-isipang i-convert sa mga NFT ang likha mo. Bukod sa madali itong gawin sa Marketplace ng Binance NFT, nagbibigay rin ito sa iyo ng oportunidad na pumasok sa NFT art scene – kahit hindi ka pa sikat na artist.

Babala sa Panganib: Napapailalim sa mataas na panganib sa merkado at volatility ng presyo ang mga presyo ng digital asset. Puwedeng bumaba o tumaas ang halaga ng iyong pamumuhunan, at puwedeng hindi mo mabawi ang halagang ipinuhunan. Ikaw lang ang responsable sa iyong mga desisyon sa pamumuhunan at walang pananagutan ang Binance sa anumang pagkaluging puwede mong matamo. Ang nakaraang performance ay hindi maaasahang tagahula ng performance sa hinaharap. Dapat ka lang mamuhunan sa mga produktong pamilyar sa iyo at kung saan nauunawaan mo ang mga panganib. Dapat mong isaalang-alang nang mabuti ang iyong karanasan sa pamumuhunan, pinansyal na sitwasyon, mga layunin sa pamumuhunan, at tolerance sa panganib at kumonsulta sa isang independent na tagapayo sa pananalapi bago gumawa ng anumang pamumuhunan. Ang materyal na ito ay hindi dapat ituring na pinansyal na payo. Para sa higit pang impormasyon, basahin ang aming Mga Tuntunin ng Paggamit at Babala sa Panganib.