Ano ang Bored Ape Yacht Club (BAYC)?
Talaan ng mga Nilalaman
Panimula
Ano ang Bored Ape Yacht Club (BAYC)?
Paano gumagana ang mga NFT ng Bored Ape Yacht Club?
Ano ang mga benepisyo ng Bored Ape Yacht Club?
Ano ang Mutant Ape Yacht Club?
Ano ang Bored Ape Kennel Club?
Ano ang Mutant Arcade?
Ano ang Bored Ape Yacht Club Bathroom?
Saan ako makakabili ng Bored Ape Yacht Club NFT?
Konklusyon
Ano ang Bored Ape Yacht Club (BAYC)?
HomeMga Artikulo
Ano ang Bored Ape Yacht Club (BAYC)?

Ano ang Bored Ape Yacht Club (BAYC)?

Baguhan
Published Nov 16, 2021Updated Dec 16, 2021
5m

TL;DR

Ang Bored Ape Yacht Club (BAYC) ay isang koleksyon ng 10,000 NFT Ape, na bawat isa ay may mga katangiang talagang natatangi. Mas rare ang ilang katangian kaysa sa iba, ibig sabihin, mas malaki ang halaga ng mga ito para sa mga kolektor. Sa pamamagitan ng pagbili ng Ape, magkakaroon ka rin ng eksklusibong access sa mga koleksyon sa hinaharap at iba pang perk bilang miyembro ng BAYC.

Nagawang mga Mutant Ape ng mga may-hawak ng BAYC ang mga Ape nila gamit ang serum na ipinamahagi sa pamamagitan ng airdrop. Na-mint din ang mga mutant sa pampublikong bentahan na available sa halagang 3 ETH bawat isa. Nagkaroon din ang mga may-hawak ng mga orihinal na BAYC Ape ng pagkakataong mag-mint ng Club Dog NFT nang libre. Nag-donate ang club ng bayad sa royalty sa mga sekondaryang bentahan sa mga charity para sa hayop.

Bahagi ng tagumpay ng BAYC ang pagtuon nito sa paggawa ng universe at eksklusibong club sa likod ng mga NFT. Sa mga laro tulad ng Mutant Arcade, mga pagkakawanggawa, at mga benepisyo ng club, napanatili ng BAYC ang hype at ang may kataasang floor price.


Panimula

Naging totoong hamon ang pagpapanatiling up to date sa mga pinakabagong release ng NFT. Para sa bawat matagumpay na proyekto, marami pang hindi nagtatagumpay. Ang mga dating matagumpay na formula ay pangkaraniwan na ngayon, pero napupukaw pa rin ng ilan ang imahinasyon ng mga mamumuhunan. Naging napakasikat ng Bored Ape Yacht Club sa ecosystem ng NFT. Pero ano ba mismo ang nagawa nito para makamit ang tagumpay nito? Bagama't pamilyar ang format, marami pa rin silang nagawa sa mundo ng NFT.


Ano ang Bored Ape Yacht Club (BAYC)?

Ang Bored Ape Yacht Club ay isang koleksyon ng 10,000 Non-Fungible Token (NFT) na may istilong Ape na ginawa sa blockchain ng Ethereum. Hango ito sa mga proyektong NFT gaya ng CryptoPunks, kung saan mukha talagang natatangi at indibidwal ang bawat NFT. May iba't ibang rarity ang bawat Ape depende sa suot, ginagawa, at background ng Ape.

Ang proyekto ay itinatag ng apat na pseudonymous na tagapagtatag ng Yuga Labs: sina Gargamel, Gordon Goner, Emperor Tomato Ketchup, at No Sass. Mula noong unang pag-mint ng mga ito, nakagawa na ang BAYC ng mga bagong hanay ng mga NFT, upgrade ng NFT, at isang eksklusibong club para sa mga may-hawak ng BAYC. Dahil sa mga pagpapahusay na ito, nagpatuloy ang interes sa proyekto, kaya naman nagkaroon ng napakatataas na presyo ng bentahan gaya ng $3.4 na milyon (USD) para sa NFT sa ibaba sa Sotheby's.

 


Paano gumagana ang mga NFT ng Bored Ape Yacht Club?

Ang bawat Ape avatar ay isang  ERC-721 NFT sa blockchain ng Ethereum. Non-fungible ang bawat token, ibig sabihin, natatangi ito at hindi ito napagpapalit nang may katumbas na halaga sa anupamang cryptocurrency o token. Ang isang Ape ay binubuo ng pitong posibleng katangian:

1. Background

2. Damit

3. Hikaw

4. Mata

5. Balahibo

6. Sumbrero

7. Bibig

Bawat katangian ay may iba't ibang hitsura at istilo. Halimbawa, makikita mo sa ibaba na ang isang Ape ay puwedeng magkaroon ng solid gold, trippy, at noise fur, at iba pa. Limitado ang bawat hitsura sa isang partikular na bilang, kaya mas rare ang ilan ayon sa istatistika.


Karaniwang nate-trade ang mga pinaka-rare na katangian sa mas mataas na presyo. Kapag tiningnan mo ang mga katangian ng isang Ape sa pangkalahatan, masisimulan mo itong i-rank ayon sa rarity. Sa madaling salita, ang isang Ape na may koleksyon ng mga rare na katangian ay kadalasang maibebenta sa mas mataas na halaga kaysa sa isang Ape na may mga karaniwang katangian.


Ano ang mga benepisyo ng Bored Ape Yacht Club?

Puwedeng lumahok ang mga may-ari ng Bored Ape sa mga ekslusibong club at bahagi ng BAYC. Kasama rito ang unang acess sa mga bagong NFT, upgrade ng NFT, at iba pang perk. Pinayagang lumahok ng Mutant Ape Yacht Club (MAYC) at Bored Ape Kennel Club ang mga miyembro ng BAYC nang libre. Dahil parehong naibebenta ang mga koleksyong ito nang may matataas na presyo, madaling makita ang mga benepisyo ng pagsali sa BAYC.


Ano ang Mutant Ape Yacht Club?

Ang MAYC ay isang koleksyon ng mga Ape na katulad ng orihinal na BAYC pero may temang parang zombie at mutant. Nakatanggap ang mga may-hawak ng orihinal na 10,000 BAYC NFT ng airdrop ng mutant serum vial na may random na tier: M1, M2, at M3.

Random na ibinigay ang mga ito sa mga wallet na may hawak sa mga NFT. Kung binigyan ng M1 o M2 mutant serum ang isang ape, puwede silang gumawa ng bagong mutant Ape na may ilang katangiang pareho sa orihinal na anyo nito. Sa kabilang banda, ang mga M3 serum vial ay puwedeng gumawa ng bagong-bagong mutant Ape na walang kaugnayan sa orihinal, na nagbibigay rito ng tsansang maging mas rare pa.


Sinasabi ng Yuga Labs na ang MAYC ay ang "huling tier ng membership" para sa mga may-hawak ng Ape. Mula ngayon, pagtutuunan ng team ang pagdaragdag pa ng mga gamit at benepisyo sa mga miyembro ng BAYC.


Ano ang Bored Ape Kennel Club?

Ang Bored Ape Kennel Club ay isa pang koleksyon ng NFT mula sa Yuga Labs na eksklusibong ipinapamahagi sa mga may-hawak ng Ape. Nakapag-mint ang mga wallet na may lamang Ape ng Club Dog NFT na may iba't ibang katangian at rarity. Libreng i-claim ang mga asong ito maliban sa bayad sa gas. May 2.5% bayad sa royalty ang anumang sekondaryang bentahan sa loob ng limitadong panahon na ibinigay sa mga charity para sa hayop bilang donasyon.


Ano ang Mutant Arcade?

Bahagi ng kung bakit nakakahimok ang BAYC ay ang kuwento at kapaligirang kasama sa mga NFT. Bagama't mayroon lang mga NFT ang CryptoPunks, gumawa ang BAYC ng thematic universe. Isang halimbawa nito ang maliit na Mutant Ape Arcade na ni-release kasama ng koleksyon ng MAYC.


Ano ang Bored Ape Yacht Club Bathroom?

Ang Bathroom ay isa pang benepisyo ng miyembro kung saan puwedeng magpinta ang mga may-hawak ng Ape ng isang pixel kada labinlimang minuto sa isang virtual bathroom wallet. Walang ibang iniaalok ang Bathroom maliban sa drawing board para sa komunidad. Gayunpaman, tulad na lang ng iba pang benepisyo ng club, nakakatulong ito para mapanatiling interesado ang mga kolektor sa proyekto at sa universe nito.


Saan ako makakabili ng Bored Ape Yacht Club NFT?

Naging may kamahalan na ang BAYC at ang iba pa nitong koleksyon dahil sa kasikatan ng mga ito. Available lang ang mga ito sa pangalawang merkado dahil wala nang available na slot para sa pag-mint. Kung may pondo ka, makakabili ka nito sa OpenSea at Rarible. 

Para makabili ng Ape, kakailanganin mong siguraduhin na may sapat na ether (ETH) sa iyong wallet para mabayaran ang halaga at bayarin sa transaksyon. Kakailanganin mo ring gumamit ng wallet na makakakonekta sa mga DApp, gaya ng Metamask o Binance Chain Wallet.


Konklusyon

Matagumpay ang Bored Ape Yacht Club sa pagkuha ng sikat na modelo ng NFT at nakahanap ito ng mga bagong paraan para gumawa ng bago. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga etikal na donasyon sa charity, upgrade, at iba pang bonus sa membership, nadagdagan pa ng Yuga Labs ang pananabik sa pamilyar na format ng CryptoPunks. Tulad ng kabuuan ng komunidad ng NFT, may bagong nalalapit na pagtuon sa gamit para sa mga NFT sa halip na collectability lang.