TL;DR
Maraming platform na mapagpipilian, pero kadalasang kailangan mo lang ilagay ang mga detalye ng iyong NFT, i-upload ang digital art o file mo, at ibigay ang bayad sa pag-mint. Kung gusto mong ibenta ang iyong NFT, mabilis mo rin itong mailalagay sa ilang marketplace ng NFT.
Panimula
Mula sa mga painting hanggang sa mga kanta, at kahit mga collectible na NBA trading card, walang katapusan ang mga posibilidad kapag nagmi-mint ng mga NFT. Isa itong napakagandang paraan para mapatunayan ang pagiging totoo ng mga malikhaing gawa at ang pagmamay-ari sa mga ito.
Kung talagang talentado (o masuwerte) ka, puwede ka ring kumita nang malaki-laki. Isipin mo ito bilang isang digital na collectible na talaan o nag-iisang painting. Kung malaki ang demand sa iyong NFT, puwedeng pumalo pataas ang mga presyo. Posibleng narinig mo na ang tungkol sa visual artist na si Beeple, na nakabenta ng NFT na tinatawag na "Everydays: the First 5000 Days" sa halagang mahigit $69 na milyon.
Bukod kay Beeple, nagbebenta rin ang iba pang artist ng kanilang mga NFT sa mga marketplace na nakabatay sa blockchain. Wala nang iba pang kailangang patunay kundi ang matataas na benta.
Bago mag-mint ng mga NFT
Bago mo simulang i-mint ang mga sarili mong NFT, mangangailangan ka ng tatlong bagay:
- Ang iyong kanta, artwork, o collectible
- Kaunting crypto para bayaran ang pag-mint
- Isang cryptocurrency wallet kung saan mo ilalagay ang iyong crypto
Ano ang NFT?
Malamang ay sigurado ka nang gusto mong mag-mint ng NFT, pero alam mo ba kung ano talaga ang ibig sabihin ng NFT? Sa pinakasimple, isa itong uri ng cryptocurrency na kumakatawan sa isang bagay na natatangi, collectible, at hindi magagaya.
Ang isang simpleng paghahambing ng NFT ay sa isang makintab na Pokémon card. Puwede itong i-print ng sinuman, at puwede pa nga itong magaya nang halos eksaktong katulad ng tunay na card. Pero, hindi ito magkapareho sa pananaw ng isang kolektor.
Binibigyang-halaga natin ang makintab na Pokémon card dahil sa pagiging natatangi at tunay nito. Gaya rin nito ang isang NFT. Siyempre, puwede mong i-download ang larawan o collectible na nauugnay sa NFT, pero hindi iyon kumakatawan sa aktwal na pagmamay-ari o pagiging tunay.
Kahit na ang mga NFT na nasa isang limitadong run ay hindi rin magkakapareho. Puwedeng nasa iyo ang 01/100 sa series, na puwedeng magkaroon ng mas mataas na halaga kumpara sa iba pang yunit.
Ano ang puwedeng maging NFT?
Ang isang malaking tanong na dapat masagot ay kung ano ba mismo ang puwedeng katawanin ng isang NFT. Limitado lang ba ito sa mga digital na item, o puwede rin ba ang mga artwork sa tunay na buhay? Bagama't hindi masyadong karaniwan, puwedeng katawanin ng mga NFT ang mga aktwal na collectible. Sa ganitong mga pagkakataon, ang pribadong key sa isang wallet na naglalaman ng NFT ay kadalasang nasa mismong gawa o ibinibigay kasama ng gawa.
Kailangan ko ba ng partikular na wallet para makagamit ng mga NFT?
Magdedepende ito sa network kung saan mo pipiliing gawin ang iyong token. Buti na lang, sa kasalukuyan, karamihan sa mga wallet ay nakakasuporta sa Ethereum at Binance Smart Chain, kaya wala naman masyadong magiging pagkakaiba. Ang mga blockchain na ito ang dalawang pinakamadalas gamitin para sa mga NFT.
Ang pinakamahalaga rito ay tingnan kung saang blockchain network ginawa ang iyong token. Kung isa itong Ethereum token, mangangailangan ka ng wallet na nakakasuporta sa Ethereum. Kung nasa Tezos ito, mangangailangan ka ng wallet na nakakasuporta sa Tezos.
Ano ang blockchain na dapat kong gamitin?
Anong platform ang puwede kong gamitin para gumawa ng mga NFT?
Ang pagpili ng platform na gagamitin para i-mint ang iyong NFT ay nakadepende sa personal na pagpili at sa blockchain na gusto mong gamitin. Gagawin ng karamihan sa mga protocol ng BSC ang iyong NFT bilang BEP-721 token, kaya teknikal na magiging pareho lang ang mga ito, anuman ang piliin mo.
Kung gusto mong i-trade nang madali ang iyong token sa hinaharap, malamang na pinakamainam kung pipili ka ng platform na may marketplace na kilala mo na. Sa ganitong paraan, hindi mo na kakailanganing ilipat ang iyong NFT sa ibang lugar pagkatapos itong i-mint.
Puwede ba akong maglipat ng NFT mula sa isang marketplace ng BSC patungo sa iba?
Madali mong maililipat ang iyong mga NFT sa iba't ibang marketplace, hangga't nasusuportahan ng bagong platform ang uri ng token mo. Para sa mga marketplace at palitan ng BSC, makakasuporta sa mga BEP-721 at BEP-1155 token ang karamihan. Ito ang mga pinakakaraniwang uri ng mga NFT sa BSC na makikita mo.
Para ilipat ang iyong NFT sa ibang palitan, ipadala ang collectible sa iyong wallet. Kapag ligtas na itong nakatabi, ipadala lang ito sa tamang address ng deposito ng bagong platform. Palaging tingnang mabuti kung ang iyong NFT token ay sinusuportahan ng wallet mo at ng anumang platform kung saan mo ito ililipat.
Paano mag-mint ng NFT sa Featured By Binance
2. Susunod, kailangan mo lang i-upload ang iyong mga digital file (mga larawan, audio, video, atbp.).
3. Siguraduhing magdagdag ng paglalarawan (metadata) sa iyong NFT. Kakailanganin mo ring pumili kung gagawin itong mga indibidwal na NFT o isang Koleksyon (isang grupo ng mga NFT).
Paano mag-mint ng NFT sa BakerySwap
Simula umpisa hanggang dulo, makakagawa ka ng mga NFT sa loob ng 5 minuto sa BakerySwap. Tiyakin lang na may kaunti kang BNB para sa bayad sa pag-mint (0.01 BNB sa panahong isinusulat ito) at isang crypto wallet kung saan ilalagay ang BNB.
Tandaan na puwedeng mabago ang bayarin sa pag-mint batay sa presyo ng BNB. Kung wala ka pang wallet, inirerekomenda namin ang Trust Wallet para sa mga user sa mobile at MetaMask para sa desktop.
Sa BakerySwap, puwede kang mag-mint ng:
- Mga Larawan
- Mga GIF
- Mga Video
- Audio
Ipapakita ng mga susunod na hakbang kung paano mag-mint ng NFT sa BakerySwap.
2. Kapag naikonekta mo na ang iyong wallet, i-click ang [Mag-mint ng Mga Artwork] para simulan ang paggawa ng iyong NFT.
3. Punan ang mga kinakailangang field ng lahat ng impormasyon tungkol sa collectible.
4. Sa ibaba ng mga detalye ng iyong NFT, i-click ang [+] na icon para i-upload ang iyong file. Makikita mo rin ang kasalukuyang bayad sa pag-mint sa ilalim ng pahayag laban sa plagiarism.
5. Kapag masaya ka na sa impormasyong inilagay mo at matagumpay mong na-upload ang iyong larawan, tiyaking sumang-ayon sa pahayag laban sa plagiarism bago i-click ang [I-mint].
6. Kung gumagamit ka ng MetaMask, may lalabas na window na hihiling sa iyo na kumpirmahin ang bayad mo sa pag-mint.
Paano mag-mint ng NFT sa Treasureland
Sa kasalukuyan, mga larawan at GIF lang ang pinapayagang ma-mint ng mga user sa Treasureland, pero puwede kang pumili sa pagitan ng isang NFT at isang series, at puwede kang magtakda ng mga royalty ng creator.
2. Pagkatapos, mapupunta ka sa page ng paggawa ng NFT, kung saan mapupunan mo ang lahat ng detalye ng iyong NFT at makakapag-upload ka ng iyong larawan o gif.
3. Tandaang may mga naka-lock na royalty ang Treasureland sa 10% bago gawin ang iyong NFT.
4. Ngayon, matitingnan mo na ang iyong NFT o maibebenta mo na ito. Kung gusto mo itong ilipat, kakailanganin mong magbayad para sa pag-mint.
Paano ko ipapadala ang aking NFT sa iba?
Kapag nakabili o nakagawa ka na ng sarili mong NFT, puwede mo itong ipadala sa iba nang direkta mula sa iyong wallet. Kung may seksyong NFT ang iyong wallet, puwede mong piliin ang alinman sa mga NFT mo at i-click ang opsyon para ipadala ito (may ganitong feature ang Trust Wallet at MetaMask).
Tandaan na kailangang ibigay sa iyo ng tatanggap ng iyong NFT ang kanyang tamang address ng deposito para sa uri ng token na mayroon ka. Kung mayroon kang ERC-721 NFT sa Ethereum network, dapat ipadala sa iyo ng tatanggap ang kanyang address ng deposito sa Ethereum ERC-721 mula sa kanyang wallet.
Puwede ba akong magbahagi sa ibang tao ng pagmamay-ari ng NFT at mga kita sa pagbebenta?
Pagdating sa kolaborasyon, medyo mahirap ito para sa mga NFT sa kasalukuyan. Para sa mga pinakakaraniwang uri ng NFT (ERC721, ERC1155, BEP721, BEP1155), posible lang na magkaroon ng iisang may-ari.
Gayunpaman, may mga plano ang ilang proyekto na payagang mapaghatian ng maraming iba't ibang wallet ang mga kita sa unang benta. Hindi built-in ang feature na ito sa code ng token, pero nakadepende ito sa palitan o marketplace na ginagamit mo. Inirerekomenda namin na tingnan mo ang posibilidad na mapaghatian ang halaga ng benta ng NFT sa palitang ginagamit mo.
Mga pangwakas na pananaw
Mabilis ang paglago ng ecosystem ng non-fungible token, at padali na nang padali ang paggamit dito. Para sa sinumang interesado sa pag-mint ng sarili nilang mga NFT, simple lang ang proseso. Gusto mo mang gumawa, bumili, o magbenta ng mga NFT, may kasalukuyang proyekto na puwede mong magamit. Maligayang pag-mint!