TL;DR
Ang UMA ay isang optimistic oracle (OO) na idinisenyo para mag-rekord ng anumang katotohanang puwedeng malaman sa isang blockchain. Ang mga oracle ay mga entity na nagkokonekta ng mga blockchain sa mundo sa labas. Ang optimistic oracle ay isang uri ng oracle na nagbibigay ng data ng totoong mundo sa isang desentralisadong system; ipinagpapalagay na tumpak ang data na ito kung walang pagtatalo kung saan ito sangkot. Layunin ng optimistic oracle, na tinatawag na “truth machine na pinapatakbo ng tao” na magbigay ng flexibility at ilabas ang walang limitasyong potensyal ng Web3 nang may layuning gumawa ng mga pandaigdigang merkado na patas sa lahat, accessible, at desentralisado.
Panimula
Kasamang itinatag ang UMA noong 2017 ni Hart Lambur. Noong Disyembre 2018, inilabas ang white paper ng proyekto ng UMA, at hindi nagtagal pagkatapos noon, nag-anunsyo ang mga developer ng opisyal na paglulunsad ng proyekto ng UMA at ipinakilala nito ang USStocks token bilang unang produkto sa pangunahing network. Noong umpisa, nagsagawa ang UMA ng inisyal na alok na liquidity noong Abril 2021, ang pinakaunang initial offering ng isang desentralisadong palitan sa Uniswap.
Ang UMA, na ang ibig sabihin ay Universal Market Access, ay isang optimistic oracle na nagse-secure ng mga merkado at smart contract sa Web3. Dahil sa hindi perpekto o hindi tumpak na impormasyon, posibleng kulang o mali ang data sa labas ng chain na kailangan para matugunan ang mga kondisyon para sa mga smart contract. Masyadong hindi flexible ang mga kasalukuyang oracle dahil naglalabas ang mga ito ng isahang value at hindi naisasaalang-alang ng mga ito ang iba pang anyo ng data. Para maasikaso ang hindi perpektong impormasyon, binibigyan ng insentibo ng mga OO ang mga tao na i-verify ang katumpakan ng data, na nagbibigay-daan sa advanced na pag-verify sa data na may kontribusyon ng tao.
Paano gumagana ang UMA?
May tatlong kumikilos sa sistema ng Optimistic Oracle ng UMA: ang kontratang humihiling ng data, ang kalahok na nag-aalok ng data, isang potensyal na disputant, na puwedeng mag-dispute ng data kung hindi siya sang-ayon.
Humiling
Binibigyan ng insentibo ng OO ng UMA ang network nito ng mga may hawak ng token para matiyak na tumpak na data ang ibibigay sa chain. Puwedeng magbigay ng kahit anong data ang OO sa pamamagitan ng komunidad nito ng mga may hawak ng token, kung saan nagkakaroon ng tungkulin ang tao sa proseso nito ng pag-verify sa data.
Magmungkahi
Kadalasan, ang kontrata ay manghihingi ng data at tutukoy ng panahon ng dispute (na puwedeng ilang minuto hanggang ilang araw). Ang proposer ay magpo-post ng bond at mag-aalok ng data point, na puwedeng i-dispute. Pagkalipas ng panahon ng dispute, ipagpapalagay na totoo at naihatid na sa blockchain ang data, at mababawi ng proposer ang bond niya. Sa panahon ng dispute, posibleng may makaramdam na hindi tumpak ang data at puwede niya itong kuwestyunin.
I-dispute
Kung minsan, posibleng may lumabas na disputer na hindi sang-ayon sa data ng proposer. Magpo-post din ng bond ang disputer, at pagbobotohan ang dispute. Lulutasin ng mga may hawak ng UMA token ang dispute sa loob ng 48 oras. Kung tama ang disputer, makakakuha siya ng parte ng deposito ng proposer bilang reward; kung mali ang disputer, mawawala ang deposito niya bilang parusa, at ang isang parte nito ay mapupunta sa proposer. May tatlong yugto ang pagboto sa oracle:
Bukas na botohan: Isang 24 na oras na panahon kung kailan itatala ang boto.
Pagkumpirma sa pagboto: Isang panahon kung kailan ilalahad ang mga boto ng mga user at bibilangin ang mga resulta.
Pag-claim ng reward: Isang panahon kung kailan make-claim ng mga user na bumoto nang “tama” ang reward sa mga UMA token na binuo ng protocol.
Mako-compound ang mga reward habang kine-claim ang mga ito. Kapag na-claim ang mga reward, mapupunta ang mga token sa mga wallet ng mga user, kaya naman ang mga ito ay magiging mga aktibong token sa pagboto na makakadagdag sa kapangyarihan sa pagboto ng user sa bawat matagumpay na pagboto.
Pangunahing idinisenyo ang mga smart contract ng UMA para sa mga developer na bumubuo ng mga desentralisadong application. Gayunpaman, lahat ng may-ari ng token ng UMA ay puwedeng lumahok sa optimistic oracle ng UMA. Ang UMA ay isang ERC-20 token na binuo sa Ethereum na puwedeng hawakan sa mga wallet tulad ng Metamask, Trezor, o Ledger, na dapat ikonekta sa UMA DApp para bigyang-daan ang pagboto.
Bakit natatangi ang UMA?
Ang OO ng UMA ay nagbibigay ng resolusyon sa dispute sa data sa pagitan ng mga smart contract na pinapatakbo ng mga tao. Hindi tulad ng mga karaniwang oracle ng feed ng presyo na hindi flexible at nagbibigay lang ng mga isahang nauulit na value sa isang blockchain, nagbibigay ang mga OO ng paraan para mapagtugma ang hindi perpekto o malabong data sa pagitan ng mga smart contract. Mas flexible ang mga OO kaysa sa iba pang oracle dahil nakakapagbigay ang mga ito ng anumang uri ng katotohanang puwedeng malaman mula sa labas ng chain, gaya ng score sa sports, lagay ng panahon, o resulta ng eleksyon, kaya naman walang limitasyon ang potensyal ng mga ganitong sistema para sa Web3.
Ano ang UMA token?
Ang UMA ay isang ERC-20 token at ang pundasyon ng model ng seguridad ng UMA. Gaya ng nabanggit, puwedeng lumahok ang mga may hawak ng token sa pagboto sa komunidad tungkol sa dini-dispute na data. Nakakakuha ng mga reward ang mga may hawak ng UMA kapag lumalahok sila sa botohan. Nagbibigay ng inflationary reward na katumbas ng 0.05% ng kasalukuyang supply ng UMA sa mga aktibong botante sa tuwing nagkakaroon ng botohan sa network.
Sangkot din ang mga may hawak ng token sa pamamahala, mga pag-upgrade ng protocol, at mga pagbabago sa system.
100 milyon ang inisyal na supply ng token. Noong Abril 2021, isinagawa ng UMA ang pinakaunang inisyal na alok sa desentralisadong palitan sa Uniswap, na may inisyal na presyo na 0.26 USD. Sa natitirang 98 milyong token, 48.5 milyon ang nakareserba para sa mga founder ng proyekto, 35 milyong token ang nakalaan sa mga developer ng network, at 14.5 milyong token ang itinabi para sa mga bentahan sa hinaharap.
Noong 2021, ang Risk Labs, ang foundation na nagpasimula ng UMA, ay naglipat ng 35 milyong token sa UMA DAO, na nagbigay-daan sa mga may hawak ng UMA na bumoto kung kailan at saan ide-deploy ang mga pondong ito para sa paglago ng ecosystem.
Ano ang susunod para sa UMA?
Nakatuon ang business development team ng UMA sa dalawang segment ng industriya: ang mga merkado ng paghula at insurance.
Sa kasalukuyan, ginagamit ng Sherlock, isang platform sa pamamahala ng panganib, ang oracle ng UMA bilang backstop para sa kanilang sistema ng dispute sa policy sa insurance. Malapit nang makapagtanong ang Polymarket, isang platform ng mga merkado ng impormasyon, sa OO ng UMA na hindi mapapangasiwaan ng iba pang oracle nang hindi nangangailangan ng tiwala.
Inaasahan din ng UMA na makakakita ito ng malaki-laking paglago sa mga tool ng DAO para sa pamamahala at mga insentibo. Nag-aalok ang Outcome.Finance, na pinapagana ng UMA, sa mga DAO ng mga paraan para magpatakbo ng mga programa sa insentibo na hindi nangangailangan ng tiwala. Ang Risk Labs ang team at foundation sa likod ng UMA, pati na rin ng mga partner nitong organisasyon, ang Across Protocol at Outcome.Finance. Kasalukuyang sinusuportahan ng UMA at ng OO nito ang Across cross chain bridge.
Paano bumili ng UMA sa Binance?
Makakabili ka ng UMA sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance.
1. Mag-log sa iyong account sa Binance at pumunta sa [Mag-trade] -> [Spot].
2. I-type ang “UMA” sa search bar para makita ang mga available na pares sa pag-trade. Gagamitin natin ang UMA/BUSD bilang halimbawa.
3. Pumunta sa kahong [Spot] at ilagay ang dami ng UMA na gusto mong bilhin. Sa halimbawang ito, gagamit tayo ng Market order. I-click ang [Bumili ng UMA] para kumpirmahin ang iyong order, at ike-credit sa iyong Spot Wallet ang nabiling UMA.
Mga pangwakas na pananaw
Naka-secure ang Optimistic Oracle ng UMA ng daan-daang milyong dolyar mula noong inilunsad ito noong 2018. Habang nagsisimulang maunawaan at isama ng mga builder ang mga optimistic oracle, posibleng dumating ang panahon kung kailan magiging napakahalaga ng mga OO sa iba't ibang protocol, DAO, integration, at produkto.