TL;DR
Ang WOOFi ay isang all-in-one decentralized application (DApp) na binuo ng WOO Network. Ang pangunahing layunin ng WOOFi ay ang pagandahin ang karanasan ng mga user sa decentralized finance (DeFi) sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas pinababang slippage, mga kumpetitibong bayarin sa pag-swap, at iba pang kapaki-pakinabang na feature.
Magagawa ng mga user ng WOOFi na mag-swap ng mga sikat na digital asset at mag-access ng mga oportunidad na kumita gaya ng pag-stake at pagbibigay ng liquidity sa network. Malalim na liquidity ang isa sa mga pangunahing pakinabang ng platform para sa mga user ng DeFi.
Panimula
Simula 2020, naging mabilis ang paglago ng mga decentralized exchange (DEX). Noong Agosto 2022 lang, lumampas sa $66 bilyon ang buwanang kabuuang dami ng pag-trade sa DEX. Para matugunan ang lumalaking demand sa on-chain na pag-trade na mababa ang bayad, inilunsad ng WOO Network ang WOOFi noong Oktubre 2021 at ang WOOFi DEX noong Hunyo 2022. Nag-aalok ang WOOFi at WOOFi DEX ng isang hanay ng mga tool, mula sa mga tool na nag-e-enable ng mga simpleng swap hanggang sa mga interface ng propesyonal na pag-trade.
Paano gumagana ang WOOFi?
Idinisenyo ang mga alok na produkto ng WOOFi para tulungan ang mga user ng DeFi na mag-access ng mga kumpetitibong presyo, mababang bayarin, mahigpit na bid-ask spread, pati na iba't ibang oportunidad na kumita.
Nag-aalok ang platform ng tatlong pangunahing paggagamitan:
Pag-swap
Sa pamamagitan ng pagbabayad ng maliit na halaga na 0.025% sa WOOFi Swap, makakapag-swap ang mga user ng mga sikat at pinansyal na matatag na blue-chip asset sa loob o sa pagitan ng mga chain na suportado ng WOOFi.
Pagkita
Puwedeng magdeposito ng mga digital na asset ang sinuman para kumita ng mga kumpetitibong APY sa pamamagitan ng solusyon sa single-sided na pag-stake ng WOOFi, ang Mga Supercharger Vault. Sa single-sided na pag-stake, kailangan ng mga user na mag-stake ng isang uri lang ng token. Sa modelong ito, binibigyan ng insentibo ang mga may hawak ng asset para magbigay ng liquidity sa WOOFi, na nagreresulta sa pagbibigay-daan sa WOOFi na makapag-alok ng mas magandang liquidity sa mga trader.
Pag-stake
Puwedeng i-stake ng mga may hawak ng token ang kanilang mga WOO token sa WOOFi platform para kumita mula sa maliit na 0.025% na bayad sa pag-swap sa WOOFi.
WOOFi Swap
Hindi gaya ng iba pang DApp, sina-simulate ng WOOFi ang malalim na liquidity mula sa sentralisadong palitan ng WOO Network, ang WOO X, ibig sabihin, magagamit ng mga user ang mga serbisyo ng DeFi sa mas abot-kaya at CeFi-grade na presyo.
Kabilang sa iba pang bentahe sa paggamit sa modelong ito ay pinababang slippage at mas mataas na resistance sa mga sandwich attack. Ang slippage ay ang pagkakaiba sa pagitan ng market price ng asset at aktwal nitong presyo kapag ipinatupad ang order. Mas malamang na lumawak ito kapag volatile ang mga kondisyon ng merkado o kapag nagte-trade ng mga asset na mababa ang liquidity, na dahilan para bilhin o ibenta ng mga trader ang kanilang mga asset nang mas mataas o mas mababa kaysa sa inaasahan.
WOOFi DEX
Inilunsad noong Hunyo 2022, ang WOOFi DEX ay ang decentralized exchange ng WOO Network na pinapagana ng Orderly Network. Idinisenyo ang platform para maghatid ng mataas na liquidity, mga advanced na tool sa pag-trade, isang nako-customize na user interface (UI), at isang transparent na order book sa NEAR protocol. Nakakatulong ang WOOFi DEX na ikonekta ang mga trader sa isang platform na nag-aalok ng mas mabilis na pagpapatupad at mas mababang bayarin, bukod pa sa pagpapahintulot sa mga trader na mapanatili ang kustodiya sa kanilang mga asset.
Pinapangasiwaan ng WOOFi DEX ang spot trading ng mga sikat na blue-chip asset gaya ng BTC, ETH, at NEAR. Sa hinaharap, inaasahan ang platform na palawakin ang mga serbisyo nito at magpatupad ng mga functionality gaya ng margin trading, mga perpetual swap, pagpapahiram, at maging paghiram. Pinondohan ng mga nangungunang market maker tulad ng Kronos Research, AGBuild, at Ledger Prime, ang WOOFi DEX ay nakaposisyon na maghatid ng isang pinagandang karanasan sa pag-trade sa DeFi na may hitsura at dating ng isang sentralisadong palitan.
Mga WOOFi Supercharger vault
Nagbibigay-daan ang WOOFi na makapagdeposito ang mga user ng isang token at kumita ng mga kumpetitibong yield habang pinapanatili ang ganap na exposure sa mga paborito nilang asset.
Hanggang 90% ng mga asset sa Supercharger vault ang puwedeng hiramin ng liquidity provider ng WOOFi sa naka-fix na rate para makapagbigay ng liquidity sa WOOFi. Ide-deploy ang mga natitirang asset sa mga third-party na DeFi protocol para sa external na pag-farm ng yield. Sa pamamagitan ng pag-hedge sa sentralisadong palitan ng WOO Network, ang WOO X, na nangangahulugang pananatiling market-neutral, matitiyak ng mga liquidity provider ng WOOFi na palaging may sapat na mga pondo para sa mga user na gustong mag-withdraw kung hihilingin.
Ang dual na istratehiyang ito ang nagbibigay-daan sa mga depositor na direktang makinabang sa dalawang magkahiwalay na pinagmumulan ng kita habang nagbibigay ng liquidity sa WOOFi. Puwedeng hilingin ng mga user na i-withdraw ang mga nadeposito nilang asset nang walang bayarin o limitasyon (maliban kung sumasailalim sa settlement ang vault) kapag natapos na ang 7 araw na cycle ng settlement. Sampung porsyento ng Total Value Locked (TVL) ng bawat Supercharger vault ang itatabi kada linggo para sa mga biglaang pag-withdraw, kung saan maniningil ng 0.3% bayad sa pag-withdraw para maiwasan ang pag-abuso sa system na ito.
Bakit natatangi ang WOOFi?
sPMM liquidity model
Sa halip na gumamit ng automated market maker (AMM) model gaya ng karamihan ng iba pang DEX, nile-leverage ng WOOFi ang isang inobatibong synthetic proactive market making (sPMM) approach para makakuha ng mas malalim na liquidity.
Layunin ng sPMM model na i-simulate ang deep liquidity mula sa sentralisadong exchange ng WOO Network, ang WOO X, na nagbibigay-daan sa WOOFi Swap na makapag-alok ng mas mababang slippage at mga mas kumpetitibong presyo sa DeFi habang nananatiling sentralisado.
Proteksyon laban sa mga sandwich attack
Nagaganap ang isang sandwich attack kapag may malisyosong trader na naglagay ng tig-isang order bago at pagkatapos ng isang nakabinbing transaksyon sa isang DeFi protocol para manipulahin ang mga presyo ng asset. Itutulak pataas ng exploiter ang presyo ng asset sa pamamagitan ng pagbi-bid sa mas mataas na presyo kaysa sa nakabinbing bid price ng biktima. Kapag bumili ang biktima sa mas mataas na presyo, maibebenta ng attacker ang kanyang asset sa mas bago at artipisyal na pinalobong presyo.
Karaniwan ang mga sandwich attack sa malalaking trader na nagsa-swap ng mga asset sa mga AMM-based na DEX. Dahil ang pagkakatuklas ng presyo sa AMM ay dala ng mga balanse ng token sa liquidity pool, puwedeng samantalahin ng mga attacker ang ganitong transparency para palobohin ang mga presyo.
Sa kabaligtaran, ang pagkakatuklas sa presyo sa sPMM ng WOOFi ay tinutukoy ng mga parameter ng mga on-chain na feed ng presyo sa halip na pool liquidity. Hindi mahuhulaan ng masasamang-loob ang mga presyo batay sa mga balanse ng token.
Ang DEX na nagbabayad para sa daloy ng order
Sa kasalukuyan, may broker program ang WOOFi kung saan nagbabayad ito ng 0.5 na basis point (bps) sa dami na ipinapadala ng mga third-party na DApp bilang rebate.
Ano ang WOO?
Ang WOO ay ang native na token na ginagamit ng WOOFi at ng mas malaking hanay ng mga produkto ng WOO. Nagbibigay ito ng mga reward sa pag-stake, mga diskwento sa bayad, at mga karapatan sa pamamahala sa kabuuan ng WOO Network ecosystem.
Paano bumili ng WOO sa Binance?
Makakabili ka ng WOO sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance.
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at pumunta sa [Mag-trade] -> [Spot].
2. I-type ang “WOO” sa search bar para makita ang mga available na pares sa pag-trade. Gagamitin natin ang WOO/BUSD bilang halimbawa.
3. Pumunta sa kahong [Spot] at ilagay ang halaga ng WOO na gusto mong bilhin. Sa halimbawang ito, gagamit tayo ng Market order. I-click ang [Bumili ng WOO] para kumpirmahin ang iyong order, at ike-credit sa iyong Spot Wallet ang nabiling WOO.
Mga pangwakas na pananaw
Ang natatanging liquidity model na ginagamit ng WOOFi ay idinisenyo para gayahin ang order book ng mga tradisyonal na palitan para makapag-alok ng mga pangunahing benepisyo gaya ng mas malalim na liquidity, higit na kumpetitibong mga presyo, at isang mas magandang karanasan sa pag-trade sa DeFi sa pangkalahatan. Para sa mga naghahanap ng mas mababang slippage, puwede nilang tingnan ang WOOFi at ang mas malawak na WOO ecosystem para sa higit pang impormasyon.