Ano ang Mga Meme Coin?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Mga Meme Coin?

Ano ang Mga Meme Coin?

Baguhan
Na-publish Nov 15, 2021Na-update May 23, 2023
9m
Disclaimer: Ang artikulong ito ay para lang sa pagbibigay ng kaalaman. Walang kaugnayan ang Binance sa mga proyektong ito, at walang pag-eendorso para sa mga proyektong ito. Ang impormasyong ibinibigay sa pamamagitan ng Binance ay hindi maituturing na payo o rekomendasyon sa pamumuhunan o pag-trade. Hindi mananagot ang Binance sa anuman sa iyong mga desisyon sa pamumuhunan. Humingi ng propesyonal na payo bago ka sumugal kaugnay ng pera.


TL;DR

Noong 2021, malaki ang inilago ng merkado ng meme coin, lalo na ang mga meme coin na may temang aso. Mula noong Nobyembre 2021, isa sa mga pinakasikat na “breed” ay ang Dogecoin (DOGE) at ang katunggali nitong Shiba Inu (SHIB). 

Ang mga meme coin ay mga cryptocurrency na hango sa mga meme. Malamang na maging napaka-volatile ng mga ito kumpara sa malalaking cryptocurrency gaya ng bitcoin (BTC) at ether (ETH). Malamang na ito ay dahil ang mga meme coin ay mga token na komunidad ang nagpapatakbo sa pangkalahatan. Karaniwang naiimpluwensyahan ng social media at mga saloobin ng mga online na komunidad ang mga presyo ng mga ito. Madalas itong magdala ng malaking hype, pero pati na rin ng FOMO at pampinansyal na panganib. Bagama't totoong yumaman ang ilang trader dahil sa mga meme coin, marami ang nawalan ng pera dahil sa volatility ng merkado.


Panimula

Sabi ng ilan, 2021 ang taon ng “mga aso” para sa crypto. Ang doggy duo, ang Dogecoin (DOGE) at Shiba Inu (SHIB), ang nanguna sa mga meme coin at tumaas ang presyo at market capitalization ng mga ito. Mula November 2021, tumaas na ang DOGE nang lampas 8,000% mula noong umpisa ng taon at #9 ang rank nito ayon sa market capitalization sa CoinMarketCap. Ang kakumpitensya nitong SHIB ay nag-pump nang lampas 60,000,000% mula Enero.


Ano ang mga meme coin?

Ang mga meme coin ay mga cryptocurrency na hango sa mga meme o joke sa Internet at social media. Ang unang meme coin na ginawa ay ang Dogecoin (DOGE). Ang DOGE, na inilunsad noong 2013 bilang parody, ay hango sa sikat na Doge meme ng isang Japanese na asong Shiba Inu.

Malamang na maging napaka-volatile ng mga meme coin. Sa pangkalahatan, pinapatakbo ang mga ito ng mga komunidad at puwedeng sumikat ang mga ito sa magdamag dahil sa mga pag-eendorso ng mga online na komunidad at FOMO. Gayunpaman, puwede ring hindi inaasahang bumagsak ang presyo ng mga ito kapag ibinaling ng mga trader ang kanilang pansin sa susunod na meme coin.

Isa pang katangian ng mga meme coin ay kadalasang may malaki o walang limitasyong supply ang mga ito. Halimbawa, ang Shiba Inu (SHIB) ay may kabuuang supply na 1 quadrillion token, habang walang maximum na supply ang DOGE, at lampas 100 bilyong token na ang nasa sirkulasyon. Dahil sa pangkalahatan, walang mekanismo ng pag-burn ng coin ang mga meme token, mababa ang mga presyo ng mga ito dahil sa malaking supply. Sa $1 USD lang, makakabili ka ng milyon-milyong meme token.


Bakit napakasikat ng mga meme coin?

Bagama't mahirap tumukoy ng mga partikular na dahilan, ayon sa iba, noong panahon ng pandemya ng COVID-19, lumago ang merkado ng crypto dahil gusto ng mga retail na mamumuhunan na mag-hedge laban sa inflation. Nag-boom din ang mga meme coin dahil sa hype, lumago ang mga ito pagdating sa market capitalization at nagkaroon ng maraming iba't ibang klase nito.

Nagsimula itong lahat pagkatapos ng pangyayari sa “meme stock” ng GameStop (GME) at AMC Entertainment (AMC) noong katapusan ng 2020, kung saan pinataas ng komunidad ng Reddit ang mga presyo ng mga share na ito hanggang sa umabot sa hanggang 100 beses sa loob ng ilang buwan. Noong Enero 2021, nagbiro ang isang grupo sa Reddit tungkol sa pagpapataas ng presyo ng DOGE para gumawa ng katumbas ng GME sa crypto. Nagtuloy-tuloy ang trend, at kasama ng impluwensya ng mga tweet ng CEO ng Tesla na si Elon Musk, tumaas nang tumaas ang presyo ng DOGE. Umabot ang Dogecoin sa bagong all-time high na $0.73 USD, kung saan tumaas ito nang lampas 2,000% sa loob ng limang araw.

Gayunpaman, noong Mayo 2021, nagbiro si Elon Musk tungkol sa DOGE sa publiko sa TV, at marami ang nagsasabi na ito ang dahilan ng pagbagsak ng presyo na nangyari pagkatapos nito. Lumipat ang ilang trader sa iba pang meme coin sa merkado, gaya ng “Dogecoin killer” na SHIB. Kasabay nito, nagfo-FOMO ang mga retail na mamumuhunan sa mga meme coin sa pag-asang magiging milyonaryo sila agad-agad, na nagpasimula ng isa na namang meme coin rally.

Isa pang dahilan kung bakit nahihikayat ang mga retail na mamumuhunan sa mga meme coin ay karaniwang ilang sentimo o kahit fraction lang ng isang sentimo ang halaga ng mga ito. Sa teknikal na usapan, wala masyadong kahulugan ang mababang presyo dahil napakalaki ng mga supply ng mga ganitong coin. Gayunpaman, iba ang pakiramdam ng paghawak ng milyon-milyon ng isang partikular na meme coin kaysa sa paghawak ng isang fraction ng ETH o BTC. Makakakuha ang mga trader ng libo-libo o kahit milyon-milyong DOGE, SHIB, o Akita Inu (AKITA) token sa ilang dolyar lang.

Maliban sa mga potensyal na kita, ang pagkahumaling sa meme coin ay sanhi rin ng mga saloobin ng kanya-kanyang komunidad ng mga ito. Gaya ng nabanggit, hango ang mga meme coin sa mga sikat na Internet meme, nakalaan ang mga ito para maging nakakatuwa, at kung minsan, itinuturing itong “insider joke” para sa isang komunidad. Kahit papaano, ang pagbili ng mga meme coin, ay nagpapakita ng suporta sa kaugnay na komunidad ng mga ito. Pagkatapos ng pangyayari sa GME sa stock market, ang mga trader ng meme coin na nakakuha ng inpirasyon sa grupo sa Reddit na SatoshiStreetBets ay nagsimula ng labanang “David vs. Goliath” para tumaya laban sa mga mainstream na cryptocurrency. Samakatuwid, napuno ng mga meme coin na pinapatakbo ng komunidad ang merkado ng crypto noong 2021.

 

Mga potensyal na panganib ng pamumuhunan sa mga meme coin

Napakalaki man ng naging paglago ng mga meme coin noong 2021, pero gaya ng lahat ng cryptocurrency, malaki ang dalang pampinansyal na panganib ng pag-trade at pamumuhunan sa mga meme coin.

Una sa lahat, posibleng nakakapag-alala ang tokenomics ng mga meme coin. Tingnan natin ang Bitcoin bilang halimbawa. Mayroon itong blockchain, isang whitepaper na mahusay ang pagkakasulat, isang kilala nang ecosystem, at deflationary na katangian. Mas marami na rin tayong nakikitang mga institusyon na gumagamit ng bitcoin sa mga kamakailang taon. Kumpara sa BTC, karamihan ng mga meme coin ay inflationary na walang maximum na supply. Kadalasang tinutukoy ng mga joke ng buong komunidad ang ecosystem, mga mapaggagamitan, at mga pangunahing prinsipyo ng mga ito. Ilang meme coin lang ang binuo sa teknolohiya ng mga pangunahing cryptocurrency. Halimbawa, hinango ang teknolohiya ng DOGE sa Litecoin (LTC), at binuo ang SHIB sa blockchain ng Ethereum. 

Isa pang potensyal na panganib ay sa pangkalahatan, pinapatakbo ng mga komunidad ang mga meme coin at mas speculative ang mga ito kaysa sa mga cryptocurrency na may mas malaking market capitalization. Laging humahantong ang volatility na ito sa hindi inaasahang pag-pump at pag-dump. Sa pangkalahatan, maikli ang buhay ng mga meme coin. Puwedeng umangat nang libo-libong beses ang mga presyo ng mga ito mula sa pag-shill ng celebrity o FOMO, o puwede itong bumagsak nang hindi inaasahan kapag nagpasya ang komunidad na lumipat na sa susunod na meme coin.

Habang tuloy-tuloy na lumalago ang merkado ng meme coin, dapat mong tandaan na posibleng may mga proyektong nananamantala sa hype para mang-scam ng mga trader. Halimbawa, nag-surge ang Squid Game (SQUID), na isang meme coin na hinango sa sikat na palabas na Netflix na iyon din ang pangalan, nang lampas 86,000% sa loob ng isang linggo. Gayunpaman, biglang nag-rug pull ang development team at bumagsak nang 99% ang presyo dahil dito. Ang mas masama pa, hindi pinayagan ang mga may-hawak na magbenta ng mga SQUID token nila. Kaya naman dapat kang mag-ingat lagi at mag-DYOR bago ka mag-trade o mamuhunan sa mga meme coin.


Pangkalahatang-ideya ng mga sikat na meme coin

Nangunguna sa merkado ng meme coin na may pinakamataas na market capitalization ang Dogecoin (DOGE) at Shiba Inu (SHIB). Pagkatapos ng tagumpay ng DOGE at SHIB, maraming meme coin na may temang aso ang pumasok sa merkado at unti-unting nagtagumpay noong ikalawang kalahati ng 2021.


Dogecoin (DOGE)

Ginawa ang Dogecoin (DOGE) noong 2013 ng mga software engineer na sina Billy Markus at Jackson Palmer. Nakakuha ito ng inspirasyon sa meme ng isang asong Shiba Inu at ginawa ito bilang joke cryptocurrency para makatawag ng pansin sa mainstream. Bilang fork ng Litecoin (LTC), ginagamit ng DOGE ang parehong mekanismo ng Proof of Work (POW), at wala itong maximum na supply. Para sa mas komprehensibong pangkalahatang-ideya ng DOGE, tingnan ang Ano ang Dogecoin?.


Shiba Inu (SHIB)

Ang Shiba Inu (SHIB) ay ang katunggali ng DOGE at madalas itong tinatawag na “Dogecoin killer.” Ipinangalan din ang SHIB sa isang Japanese na breed ng aso. Ginawa ito ng isang anonymous na developer na may pangalang Ryoshi noong Agosto 2020. Ang pangunahing pinagkaiba ng DOGE at SHIB, ang SHIB ay may limitadong supply na 1 quadrillion token, kung saan ang 50% ay na-burn at ibinigay sa charity bilang donasyon. Ang ecosystem ng SHIB ay may kasama ring desentralisadong palitan, NFT art incubator, mga NFT, at isang NFT game.
Para matuto pa tungkol sa SHIB at sa ecosystem nito, tingnan ang Ano ang Shiba Inu (SHIB)?.


Dogelon Mars (ELON)

Malapit na sinusundan ng Dogelon Mars (ELON) ang doggy duo pagdating sa kasikatan. Gaya ng iminumungkahi ng pangalan, ipinangalan ang ELON sa CEO ng Tesla na si Elon Musk at sa pagsisigasig niya sa kumpanya niyang SpaceX. Ang ELON ay isang fork ng Dogecoin ay mayroon itong supply na 557 trilyong token na nasa sirkulasyon. Mula Nobyembre 2021, nag-surge ang ELON nang lampas 3,780% mula nang inilunsad ito noong Abril 2021.


Akita Inu (AKITA)

Marami pang ibang meme coin na gumagamit ng mga Japanese na breed ng aso bilang mga mascot ng mga ito, gaya ng Akita Inu (AKITA), Kishu Inu (KISHU), at Floki Inu (FLOKI). Malaki ang naging inspirasyon ng DOGE sa AKITA. Inilunsad ito sa Uniswap bilang ERC-20 token noong Pebrero 2021. Katulad na katulad ng SHIB ang tokenomics nito. Gaya ng developer ng SHIB na si Ryoshi, ni-lock ng team ng AKITA ang 50% ng kabuuang supply nito sa Uniswap, habang ipinadala ang natitirang 50% sa co-founder ng Ethereum na si Vitalik Buterin. Gayunpaman, 100 trilyong token lang ang kabuuang supply ng AKITA, na 1/10 ng kabuuang supply ng SHIB. Nagtagumpay ang AKITA kasama ng mga kapwa nito asong coin noong Mayo 2021 at isa na naman itong “Dogecoin killer” para sa ilang miyembro ng komunidad.


Samoyedcoin (SAMO)

Ang Samoyedcoin (SAMO) ay isang proyekto ng asong meme coin na binuo sa blockchain ng Solana. Noong inilunsad ito, 13% ng supply ng SAMO ang na-airdrop sa mga miyembro ng komunidad. Ayon sa website nito, kasama sa roadmap ng SAMO ang mga event ng pag-burn, tool sa pag-airdrop, isang decentralized exchange (DEX), at ang paggawa ng mga NFT. Sumikat kamakailan ang Samoyedcoin dahil sa biglang pagtaas ng presyo. Lumago ang SAMO nang lampas 4,300% sa loob ng isang buwan. Noong Oktubre 2021, mula $0.005, umabot ang presyo nang lampas $0.22 sa loob ng humigit-kumulang 30 araw.


Kishu Inu (KISHU)

Ang Kishu Inu (KISHU), na isa na namang meme coin na may temang aso, ay nagkaroon ng malaking paglago mula nang inilunsad ito noong Abril 2021. Kasama sa KISHU ang mga reward sa paglahok para sa mga aktibong user, non-fungible token (NFT), at isang DEX na tinatawag na Kishu Swap. Sumisikat ito at nakapagtala ito ng mahigit sa 100,000 may-hawak at 2 bilyong dolyar na market capitalization sa loob ng isang linggo pagkalunsad nito.


SafeMoon (SAFEMOON)

Isa na namang baguhang meme coin na nanamantala sa rally ang SafeMoon (SAFEMOON). Isa itong BEP-20 token na inilunsad sa Binance Smart Chain (BSC) noong Marso 2021. Nagbibigay ang SAFEMOON ng mga reward sa mga matagal nang humahawak sa pamamagitan ng pagmumulta sa mga magbebenta ng token ng 10% bayad sa paglabas, kung saan kalahati ng bayarin ay ipapamahagi sa mga kasalukuyang may-hawak ng SAFEMOON, at ibu-burn naman ang kalahati pa. Natawag nito ang pansin ng mga retail na mamumuhunan pagkatapos nitong mamayagpag noong Abril. Mula Nobyembre 2021, ang SAFEMOON ay may 9418.54% ROI, ayon sa CoinMarketCap.


Paano bumili ng mga meme coin sa Binance?

Mabibili mo ang mga mas sikat na meme coin, gaya ng DOGE at SHIB, sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance. Para sa mga hindi masyadong kilalang meme coin, puwede kang pumunta sa mga desentralisadong palitan. 

Gamitin natin ang DOGE bilang halimbawa.

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance. Pagkatapos, pumunta sa [Mag-trade] sa bar sa itaas para piliin ang page ng classic o advanced na pag-trade.

2. Sa kanang bahagi ng screen, i-type ang “DOGE” sa search bar para makakita ng listahan ng mga available na pares sa pag-trade. Gagamitin natin ang DOGE/BUSD bilang halimbawa. Mag-click sa “DOGE/BUSD” para buksan ang page sa pag-trade nito.

3. Mag-scroll pababa sa kahong [Spot] at ilagay ang dami ng DOGE na gusto mong bilhin. Puwede kang pumili ng iba't ibang uri ng order para bumili ng DOGE. Gagamit tayo ng market order sa halimbawang ito. I-click ang [Bumili ng DOGE] para kumpirmahin ang order, at makikita mo ang binili mong DOGE sa iyong Spot Wallet.


 

Mga pangwakas na pananaw

Dahil may mga bagong meme coin na pumapasok sa merkado araw-araw at umaasa ang mga trader na magaya ang mga kinita ng DOGE at SHIB, mahalagang mag-DYOR bago mag-commit sa anumang meme coin. Tandaan na napaka-volatile ng mga meme coin kumpara sa iba pang digital currency. Malaking panganib ang sangkot sa pag-trade o pamumuhunan sa mga cryptocurrency. Sa pangkalahatan, pinapatakbo ng mga komunidad ang mga meme coin at posibleng bumagsak ang mga ito nang hindi inaasahan, kaya hinding-hindi ka dapat mamuhunan ng hindi mo kayang mawala sa iyo.