Ano ang Shiba Inu (SHIB)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Shiba Inu (SHIB)?

Ano ang Shiba Inu (SHIB)?

Baguhan
Na-publish Nov 8, 2021Na-update Feb 14, 2023
6m

TL;DR

Ang Shiba Inu (SHIB) ay isang meme cryptocurrency na may temang aso na ipinangalan sa isang Japanese na breed ng aso. Ginawa ito noong 2020 ng isang anonymous na developer na may pangalang Ryoshi, na nagdisenyo ng SHIB para maging alternatibo sa Dogecoin (DOGE) sa blockchain ng Ethereum.

Ang SHIB ay isang ERC-20 token na may desentralisadong palitan na tinatawag na ShibaSwap. Ang roadmap at ecosystem ng SHIB ay nagtatampok din ng NFT art incubator na tinatawag na Shiba Artist Incubator, 10,000 “Shiboshi” na NFT, at isang NFT game, ang Shiboshi Game.

Ang Shiba Inu ay may paunang supply na nasa sirkulasyon na 1 quadrillion token. Ni-lock ni Ryoshi ang 50% ng token sa Uniswap para gumawa ng liquidity, at ipinadala niya ang natitirang 50% sa wallet ng co-founder ng Ethereum na si Vitalik Buterin. Gayunpaman, nagpasya si Vitalik na i-burn ang 90% ng mga coin at i-donate ang natitirang 10% sa charity.

Puwede kang bumili at magbenta ng SHIB sa mga palitan ng crypto gaya ng Binance sa iba't ibang pares sa pag-trade, gaya ng SHIB/USDT at SHIB/DOGE.

 

Panimula

Para sa mga crypto trader na mahilig sa mga hayop, naging partikular na kapana-panabik ang 2021 dahil sa biglang pagdami ng mga cryptocurrency na may temang aso. Isa ang Shiba Inu (SHIB) sa mga sumisikat na coin sa merkado na nagkaroon ng malaking pagtaas ng presyo. Naging patok sa social media ang SHIB coin, na binansagang “Dogecoin killer.” Mula Nobyembre 2021, isa ang SHIB sa mga nangungunang cryptocurrency ayon sa market cap. Rank #11 ito sa CoinMarketCap, kaya naman malapit ito sa kakumpitensya nitong DOGE.

 

Ano ang Shiba Inu (SHIB)?

Ang Shiba Inu (SHIB) ay isang meme cryptocurrency na tumatakbo sa blockchain ng Ethereum. Ginawa ito noong Agosto 2020 ng isang anonymous na developer na may pangalang Ryoshi, na ang pagkakakilanlan ay kasingmisteryoso ng pagkakakilanlan ng gumawa ng Bitcoin na si Satoshi Nakamoto. Gaya ng iminumungkahi ng pangalan, kumuha ng inspirasyon ang SHIB sa Japanese na breed ng aso, ang Shiba Inu.
Nagkaroon ang SHIB ng kabuuang supply na 1 quadrillion. Noong una itong inilunsad, ni-lock ni Ryoshi ang 50% ng kabuuang supply sa Uniswap para makapagbigay ng liquidity. Ang Uniswap ay isang protocol ng automated market maker (AMM) sa blockchain ng Ethereum at isa ito sa mga pinakamatagumpay na proyekto sa larangan ng decentralized finance (DeFi). Ipinadala ang natitirang 500 trilyong SHIB sa co-founder ng Ethereum na si Vitalik Buterin, na nagpasyang i-burn ang 90% at i-donate ang natitira sa COVID-19 relief fund ng India.

 

Ang Ecosystem ng Shiba Inu

Para umayon sa temang aso, gumagamit ang Shiba Inu ng mga terminong may kaugnayan sa aso sa ecosystem nito. Ayon sa “WoofPaper” (whitepaper), ang Shiba Inu ay isang proyektong pinapatakbo ng komunidad na nakatuon sa paggawa ng desentralisadong cryptocurrency.

Ang ecosystem ng SHIB ay binubuo ng isang desentralisadong palitan na tinatawag na ShibaSwap. Puwede kang mag-trade ng SHIB at iba pang cryptocurrency sa ShibaSwap, “mag-dig” in sa Mga Puppy Pool para makapagbigay ng liquidity, o “mag-bury” ng iyong mga token sa mga smart contract para kumita ng interes sa SHIB at dalawa pang ibang ERC-20 token, ang Doge Killer (LEASH) at Bone ShibaSwap (BONE).
Ang LEASH ay ang pangalawang token na ginawa ng Shiba Inu at nasa ShibaSwap din ito. May supply na nasa sirkulasyon na 107,646 na token, ang LEASH ay unang ginamit bilang rebase token para subaybayan ang presyo ng Dogecoin. Gayunpaman, nagpasya ang mga developer ng SHIB na gawing ERC-20 token ang LEASH. Puwedeng i-stake ng mga may-hawak ng LEASH ang kanilang mga token sa liquidity pool at puwede silang makakuha ng xLEASH bilang mga reward. 

Ang BONE ay isang governance token. May supply itong 250,000,000 token. Sa hinaharap, magbibigay-daan ito sa ShibArmy (isang alyas para sa komunidad nito) na bumoto sa mga paparating na panukala sa Doggy DAO.

Nagmumungkahi rin ang Shiba Inu ng isang non-fungible token (NFT) art incubator na tinatawag na Shiba Artist Incubator. Iniimbitahan nito ang mga artist sa buong mundo na kumukuha rin ng inspirasyon sa mga aso na dalhin ang kanilang mga Shiba Inu sa merkado ng NFT, na nagtatampok ng mga artwork gaya ng painting, photography, at digital rendering. 

Noong Oktubre 2021, naglunsad ang SHIB team ng 10,000 “Shiboshi” NFT sa blockchain ng Ethereum at nag-anunsyo sila ng paparating na NFT game na tinatawag na Shiboshi Game. Kasama rin sa anunsyo ang isang bagong mekanismo ng pag-burn ng token. Sa tuwing gustong baguhin ng mga may-hawak ng Shiboshi ang pangalan ng kanilang mga NFT, kailangan nilang magbigay ng bayad na USD 100 na halaga ng SHIB. Ibu-burn ang bayarin (ibig sabihin, ipapadala sa SHIB burn wallet).

 

Ano ang mga meme coin? 

Ang Dogecoin at Shiba Inu, kasama ng daan-daan pang ibang meme cryptocurrency, ay kilala bilang mga meme coin o meme token. Halimbawa, nakakuha ng inspirasyon ang Dogecoin at Shiba Inu sa mga meme ng isang nakakatuwang Shiba Inu na aso, habang ang PepeCoin (MEME) naman ay nakakuha ng inspirasyon kay Pepe the Frog, isang sikat na meme ng anthropomorphic na palaka.

Karamihan ng mga meme coin ay ginawa nang may limitadong gamit o mapaggagamitan at mas panandalian kaysa sa mga mainstream na cryptocurrency gaya ng bitcoin (BTC) at ether (ETH). Samakatuwid, maraming meme coin ang hindi nate-trade sa mga pangunahing platform ng pag-trade. Gayundin, karaniwang mababa ang presyo ng mga meme coin dahil sa malaking supply ng mga ito. Kahit ang mga sikat gaya ng SHIB at DOGE ay isang fraction lang ng isang sentimo ang halaga.

Natatabunan ang mga meme coin ng mga cryptocurrency na may mas malaking market capitalization, pero nagsimulang sumikat ang mga ito pagkatapos ng trend na “meme stock” ng GameStop (GME) at AMC Entertainment (AMC) noong 2021. Noong Enero 2021, itinuring ng isang grupo sa Reddit na may pangalang SatoshiStreetBets ang DOGE bilang katumbas na crypto ng GME at nagbiro ito tungkol sa pagpapataas ng presyo nito. Habang tumaas ang presyo ng DOGE, ibinaling ng mga trader ang kanilang pansin sa DOGE at iba pang meme coin, sa paghahangad na kumita agad. Umabot ang presyo ng DOGE sa all-time high na 73 sentimo noong Mayo 2021, na nagkaroon ng lampas 2,000% pagtaas sa loob lang ng limang araw.

Gayunpaman, mahalaga pa ring tandaan na malaki ang pampinansyal na panganib na dala ng pag-trade at pamumuhunan sa cryptocurrency. Puwedeng maging napaka-volatile ng mga meme coin, kaya lagi ka dapat mag-DYOR at hinding-hindi mo dapat ipuhunan ang hindi mo kayang mawala sa iyo.

 

Bakit napakasikat ng SHIB?

Sa panahon ng pandaigdigang pandemya noong 2020, bumagsak ang merkado ng cryptocurrency at pagkatapos ay bumulusok ito habang dinagsa ng mga retail na mamumuhunan ang mga digital asset gaya ng Bitcoin (BTC) at Ether (ETH) para mag-hedge laban sa inflation. Gaya ng nabanggit, humantong ang kuwento ng stock market sa pagsikat ng mga meme coin. Iniuugnay ng ilan ang kasikatan ng SHIB sa impluwensya ng social media, partikular na mula sa CEO ng Tesla na si Elon Musk. Pagkatapos niyang magbiro sa publiko tungkol sa Dogecoin sa TV noong Mayo 2021 at mapababa ang presyo nito, sinulit ng SHIB at iba pang meme coin ang mabilis na pagsikat ng mga meme token. Mula Nobyembre 2021, mahigit sa 60,000,000% na ang itinaas ng presyo ng SHIB mula Enero.

Isa sa mga dahilan kung bakit namumukod-tangi ang SHIB sa mga kapwa nito tutang coin ay ang mga Shiboshi NFT at laro nito. Para makasabay sa hype sa mga merkado ng NFT, na-sold out ang 10,000 Shiboshi sa loob ng wala pang 35 minuto. Naglunsad ang Shiba Inu ng sarili nitong mga NFT gamit ang platform ng ShibaSwap. Habang pinapangalanan ng mga may-ari ang kanilang mga Shiboshi at nati-trigger nila ang pag-burn ng SHIB token, kasama ng pag-develop ng Shiboshi NFT game, posibleng patuloy na sumikat ang Shiba Inu.


Paano bumili ng SHIB sa Binance?

Makakabili ka ng SHIB sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at pumunta sa [Mag-trade] sa bar sa itaas para piliin ang page ng classic o advanced na pag-trade.

2. Sa kanang bahagi ng screen, i-type ang “SHIB” sa search bar at makikita mo ang mga available na pares sa pag-trade. Gagamitin natin ang SHIB/BUSD bilang halimbawa. Mag-click dito para buksan ang page ng pag-trade ng SHIB/BUSD.


3. Mag-scroll pababa sa kahong [Spot] at ilagay ang dami ng SHIB na gusto mong bilhin. Puwede kang pumili ng iba't ibang uri ng order para bumili ng SHIB. Sa halimbawang ito, gagamit tayo ng Market order. I-click ang [Bumili ng SHIB] para kumpirmahin ang order at makikita mo ang nabiling SHIB sa iyong Spot Wallet.



Mga pangwakas na pananaw

Malaki-laki ang itinaas ng Shiba Inu noong 2021. Sa paglulunsad ng Mga Shiboshi NFT at sa paparating na Shiboshi Game, puwedeng maungusan ng gamit ng SHIB at ng ecosystem nito ang kakumpitensya nitong DOGE. Gayunpaman, dapat kang mag-ingat at mag-DYOR bago ka mamuhunan sa mga cryptocurrency, lalo na sa mga meme coin. Puwedeng maging mas volatile ang mga ito kaysa sa mga cryptocurrency na may mas malaking market cap, dahil pangunahing nakabatay sa saloobin sa social media ang kalakhan ng halaga ng mga ito.