Panimula
Ang SS Lazio, na itinatag noong 1900, ay isa sa mga pinakamatagumpay na football club sa Italy, na may UEFA Cup Winners’ Cup title, UEFA Super Cup Title, dalawang Serie A title, pitong Coppa Italia title, at limang Supercoppa Italiana title.
Sa kasalukuyan, ang SS Lazio ay may mahigit 1.5 milyong tagasuporta sa Italy, at digital fan base na may lampas 2.5 milyong follower sa kanilang mga social network. Dahil sa partnership ng club sa Binance, maa-access ang LAZIO token ng mga fan ng SS Lazio at ng buong user base ng Binance.
Paano gumagana ang SS Lazio Fan Token ecosystem?
Ang SS Lazio Fan Token ay isang BEP-20 utility token na idinisenyo para baguhin ang karanasan bilang fan para sa lahat ng tagasuporta ng SS Lazio. Binibigyang-kakayahan ng token ang mga fan ng SS Lazio na lumahok sa mga poll ng botohan ng team, maghanap ng mga digital collectible, bumili ng mga NFT, at gumamit ng mga gamification feature na nauugnay sa mga reward para sa mga fan at iba pang napakagagandang karanasan.
Layunin ng mga LAZIO fan token na baguhin ang ugnayan sa pagitan ng SS Lazio at ng mga fan nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga one-stop na solusyon sa engagement at pamamahala na pinapagana ng crypto na gumagamit sa Platform ng Fan Token sa Binance.
Mas binibigyang-kakayahan pa ng Mga Fan Token sa Binance ang mga fan ng SS Lazio sa pamamagitan ng pag-aalok sa kanila ng mga kapana-panabik at makabagong paraan para makipag-ugnayan sa kanilang paboritong team at lumago kasama nila. Naisasama rin ng club ang utility token sa ecosystem nito, na nagbibigay-daan sa pagboto, mga donasyon, e-commerce, NFT, at higit pa.
Ano ang Mga LAZIO Fan Token?
Ang maximum at kabuuang supply ng token ng LAZIO ay 40,000,000. Ang supply na nasa sirkulasyon kapag nailista ay magiging 8,600,000 (21.5% ng kabuuang supply ng token).
Ang mga LAZIO Fan Token ay mga native na BEP-20 token na iniisyu sa BNB Smart Chain (dating BSC). Ibig sabihin nito, makakakonekta ang mga token na ito sa iba pang BSC-based na decentralized exchange (DEX) at decentralized application (dApp). Bilang BEP-20 token, nagbibigay-daan ang LAZIO sa mga user na magkaroon ng mababang bayarin sa transaksyon at tatlong segundong oras ng block.
Hindi tulad ng mga NFT, lahat ng Fan token sa Binance, kasama na ang LAZIO, ay fungible. Ibig sabihin nito, puwede itong ipapalit sa merchandise at mga karanasang may parehong halaga. Gayunpaman, puwede ring ipapalit ang LAZIO sa mga eksklusibong NFT.
Ano ang magagawa ng mga LAZIO token?
Ang LAZIO ay ang opisyal na Fan Token sa Binance para sa SS Lazio at ginagamit ito sa mga sumusunod na layunin:
Engagement: Puwedeng lumahok ang mga may hawak ng LAZIO token sa mga session ng botohan kaugnay ng engagement ng fan sa platform ng Fan Token sa Binance.
Loyalty na subskripsyon: Magagamit ng mga may hawak ng LAZIO token ang LAZIO para mag-subscribe sa at makakuha ng mga reward para sa mga fan, digital collectible, loyalty points, at higit pa.
E-commerce: Puwedeng isama ang LAZIO token sa potensyal na e-commerce ecosystem ng SS Lazio sa hinaharap at ginagamit ito bilang bayad para sa mga merchandise, matchday ticket, membership, at higit pa sa pamamagitan ng paggamit sa Binance Pay.
Mga Benepisyo: Makakakuha ang mga may hawak ng LAZIO token ng minsan lang sa buhay na mga benepisyo sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa SS Lazio sa Platform ng Fan Token sa Binance. Kasama sa mga benepisyong ito ang mga pirmadong merchandise, meet-and-greet session kasama ng mga football player, one-on-one na tawag sa telepono kasama ng mga miyembro ng team, at training session kasama ng first team.
Gamification: Puwedeng mag-access ang mga may hawak ng LAZIO token ng maraming feature ng gamification sa Platform ng Fan Token sa Binance.
Donasyon: Makakapag-donate ang mga may hawak ng LAZIO token nang direkta sa paborito nilang team at puwede silang makakuha ng proof-of-loyalty badge para sa paggawa noon.
Paano bumili ng LAZIO sa Binance
Makakabili ka ng mga SS Lazio Fan Token (LAZIO) sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance.
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Mag-trade]. Piliin ang classic o advanced na mode ng pag-trade para magsimula.
2. I-type ang “LAZIO” sa bar para sa paghahanap para makita ang mga available na pares sa pag-trade. Gagamitin natin ang LAZIO/BUSD bilang halimbawa.
3. Sa kahong [Spot], ilagay ang halaga ng LAZIO na gusto mong bilhin. Sa halimbawang ito, gagamit tayo ng market order. I-click ang [Bumili ng LAZIO] para kumpirmahin ang iyong order, at ike-credit sa iyong Spot Wallet ang nabiling LAZIO.
Mga pangwakas na pananaw
Habang lumalaki ang user base ng LAZIO, maaasahan ng komunidad na madaragdagan ang mga gamit ng LAZIO at masasaklawan ang mga donasyon sa LAZIO, laro ng team, at bayad para sa mga ticket at merchandise kapag nailunsad na ang Fan Shop. Madaragdagan din ang integration ng LAZIO sa SS Lazio ecosystem sa iba't ibang anyo, kasama na ang membership at isang platform ng e-commerce.