Paano mag-withdraw ng mga BEP-20 token sa Binance Smart Chain
Talaan ng mga Nilalaman
Panimula
Ano ang BEP-20? 
Paano mag-withdraw ng mga BEP-20 token
Mga palitan na may suporta sa pag-withdraw ng BEP-20
Paano mag-withdraw ng mga BEP-20 token sa Binance Smart Chain
HomeMga Artikulo
Paano mag-withdraw ng mga BEP-20 token sa Binance Smart Chain

Paano mag-withdraw ng mga BEP-20 token sa Binance Smart Chain

Baguhan
Published Apr 22, 2021Updated Aug 30, 2021
3m

Panimula

Sa artikulong ito, ipapaliwanag namin ang pamantayan ng BEP-20 token, ipapakita sa iyo kung paano mag-withdraw ng mga BEP-20 token para makatipid sa oras at bayarin, at magbabahagi kami ng listahan ng mga palitan na sumusuporta ng mga direktang pag-withdraw ng BEP-20.


Ano ang BEP-20? 

Ang BEP-20 ay isang pamantayan ng token sa Binance Smart Chain na pinapalawak ang mga ERC-20 at BEP-2 token, na nagbibigay ng karagdagang functionality at nagbibigay-daan sa iyong ilipat-lipat ang mga token mo sa magkakaibang blockchain at higit pa.

Gamit ang BEP-20, puwede kang:

  • Gumamit ng magkakatugmang token sa magkakaibang blockchain.
  • Mag-peg ng mga token mula sa ibang mga blockchain at gawing available ang mga ito sa BSC (ibig sabihin, na-peg na Bitcoin sa BSC bilang BTCB).
  • Mag-swap ng mga BEP-20 token para sa katumbas na BEP-20 (BNB mula sa BEP-2 papunta sa BEP-20).
  • Sisingilin ka lang ng $0.05 na bayarin sa transaksyon at makakakuha ng oras ng block na 3 segundo.
  • Para sa mas detalyadong gabay sa pamantayan ng BEP-20, tingnan ang draft na panukala ng Github.

 

Paano mag-withdraw ng mga BEP-20 token

Dose-dosenang palitan ang sumusuporta sa mga pag-withdraw ng BEP-20 sa mga wallet na tugma sa BSC, kaya hindi na kinakailangan ang manu-manong pag-convert ng iyong mga BEP-2 token sa BEP-20. Sa direktang pag-withdraw ng mga BEP-20 token, makakatipid ka sa oras at pera (bayarin) dahil lalampasan mo ang hakbang kung saan kailangan mo pang i-convert ang iyong mga token sa BEP-20.

Pag-withdraw ng mga BEP-20 token sa Binance.com

Sa artikulong ito, ipapaliwanag namin ang proseso ng pag-withdraw ng BNB mula sa Binance.com papunta sa Trust Wallet. Ang proseso ng pag-withdraw ay dapat halos parehas sa lahat ng palitan ng crypto at wallet.

Bago ka mag-umpisa, pumunta ka sa iyong Trust Wallet (o sa kahit anong wallet na tugma sa BSC) at kunin ang BSC address ng tatanggap. Simple lang ang prosesong ito at ang kailangan mo lang gawin ay buksan ang iyong wallet, piliin ang Smart Chain, at i-click ang Tanggapin. Lalabas ang address sa screen. Itago ang address na ito para sa ibang pagkakataon, dahil kakailanganin mo ito sa ikatlong hakbang ng gabay sa ibaba.

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance. Sa kanang sulok sa itaas, piliin ang Wallet at i-click ang Pangkalahatang ideya.


2. Sa Pangkalahatang ideya ng iyong Wallet, i-click ang Mag-withdraw sa kanang sulok sa itaas.


3. Kapag nasa menu ka na ng pag-withdraw, piliin ang coin na gusto mong i-withdraw (BNB sa kasong ito), ilagay ang address ng pag-withdraw (na nakuha sa Trust Wallet), piliin ang Binance Smart Chain bilang network ng paglilipat, at ilagay ang halagang gusto mong i-withdraw.


4. Pagkatapos piliin ang Binance Smart Chain bilang network ng paglilipat, may lalabas na pop-up screen para masubukan ang iyong kaalaman sa BSC at para kumpirmahin na naiintindihan mo kung ano ang iyong ginagawa. Kapag nakapasa ka sa pagsusulit, i-click ang Isumite.


5. Ang mga susunod na hakbang ay parehas sa anumang iba pang pag-withdraw. Isang screen ng kumpirmasyon ang lalabas para ipaalam sa iyo ang rate ng pag-convert at bayarin, at para payagan kang suriin ulit ang mga detalye ng transaksyon.

6. Kapag nakumpirma na, hihilingin sa iyong ilagay ang iyong code ng pag-verify para maaprubahan ang pag-withdraw.

Ipoproseso ang iyong transaksyon sa ilang sandali lang. Makikita ang mga pondo sa iyong balanse sa Trust Wallet (sa ilalim ng Smart Chain) sa loob lang ng ilang minuto pagkatapos mong matanggap ang email ng kumpirmasyon sa pag-withdraw. Kapag dumating na ang mga pondo, padadalhan ka ng abiso ng Trust Wallet tungkol sa matagumpay na pagdeposito ng iyong mga BEP-20 BNB token.

Sa pagsunod sa mga hakbang na ito, hind mo na kakailanganing manu-manong mag-convert ng BEP-2 sa BEP-20 at makakatipid ka ng oras at pera sa bayarin. Kapag natanggap mo na ang deposito sa iyong Trust Wallet, libre ka nang makipag-ugnayan sa anumang BSC dApp o proyekto nang walang pagkaantala.

Kilalanin pa ang Trust Wallet dApp Browser para masubukan ang walang hanggang posibilidad ng ecosystem ng BSC.


Mga palitan na may suporta sa pag-withdraw ng BEP-20

Ang mga palitan na nakalista sa ibaba ay sumusuporta sa mga direktang pag-withdraw ng BEP-20, kaya lalong napapadali ang pakikilahok sa Ecosystem ng BSC kaysa sa dati.

  • AscendEX (BitMax)
  • Bigone
  • Biki
  • Binance TR (Turkey)
  • BitFirst (Anguilla)
  • Bithumb Global/Korea
  • Bitmart
  • Bitwell
  • BKEX
  • Bono Exchange (Korea)
  • Cryptomall (Estonia)
  • Dan Investment (UAE)
  • Distributed Ledger Inc (US & Mexico)
  • Gate.io
  • Gooplex (Brazil)
  • HitBTC
  • Hoo
  • Hotbit
  • Mandala (Estonia)
  • MtPelerin (Switzerland)
  • MXC
  • Paronex (Turkey)
  • TBCC (Russia)
  • Tokocrypto (Indonesia)
  • Zencex (Liechtenstein)