Ano ang Lisk (LSK)?
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang Lisk?
Paano gumagana ang Lisk?
Ano ang LSK?
Paano bumili ng LSK sa Binance?
Mga pangwakas na pananaw
Ano ang Lisk (LSK)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Lisk (LSK)?

Ano ang Lisk (LSK)?

Intermediya
Na-publish Aug 11, 2022Na-update Nov 11, 2022
5m


TL;DR

Ang Lisk ay isang open-source na platform ng blockchain application na nagpapahusay sa accessibility ng Web3 para sa mga developer at user. Nag-aalok ito ng simpleng gamiting software development kit (SDK) na nagbibigay-daan sa mga developer na bumuo ng mga blockchain application gamit ang JavaScript, na isa sa mga pinakaginagamit na programming language. Idinisenyo ang Lisk para mabigyang-daan ang mga developer na mag-deploy ng mga sidechain sa kanilang network sa paglaon, para ma-scale ang kanilang mga blockchain application habang nananatiling konektado sa mas malawak na bahagi ng ecosystem ng Lisk.

Panimula

Isa sa malalaking hamong kinakaharap ng teknolohiya ng blockchain sa panahon ng Web3 ay ang kawalan ng accessibility. Gumagamit ng iba't ibang programming language ang iba't ibang blockchain, na nagpapahirap sa mga developer na bumuo ng mga application na magagamit sa flexible na paraan sa maraming platform.

Ano ang Lisk?

Ang Lisk ay isang open-source na platform ng layer-1 blockchain application na naglalayong tulungan ang mga proyekto na mag-onboard ng mga user sa mundo ng crypto at Web3. Sa pamamagitan ng madaling gamiting SDK nito, madaling makakabuo ng mga blockchain application na puwedeng i-scale ang mga developer. Ang mga proyekto sa metaverse, DAO, marketplace ng NFT, at marami pang ibang application na gagawin nila ay makakapag-alok din ng mas mabilis na transaksyon na may mas mababang bayarin para sa mga user.

Paano gumagana ang Lisk?

Itinatag ang Lisk noong 2016 nina Max Kordek at Oliver Beddows. Nakatuon ito sa pagpapahusay sa accessibility ng Web3 para sa mga developer at user. Kasama sa ilan sa mga pangunahing feature ng Lisk ang mga sumusunod: 

Delegated Proof of Stake (DPoS)

Ginagamit ng Lisk ang algorithm ng consensus na Delegated Proof of Stake (DPoS) para i-secure ang blockchain. Itinuturing ang DPoS bilang mas mahusay at demokratikong bersyon ng sikat na mekanismo ng Proof of Stake (PoS). Nagbibigay-daan ito sa mga validator na i-outsource ang pag-validate ng block sa pamamagitan ng sistema ng pagboto.

Sa blockchain ng Lisk, puwedeng gamitin ng mga botante ang kanilang mga LSK token para bumoto ng maximum na 10 delegator para i-secure ang network para sa kanila at ibahagi ang mga reward na LSK sa kanila. Sa pangkalahatan, mas malamang na mapiling bumuo ng mga susunod na block ang delegator na mas maraming boto. Dahil hinahati-hati ang proseso sa 100+ na nakatalagang validator, puwedeng tumakbo ang Lisk sa desentralisadong paraan. Nagbibigay-daan din ito sa network na magkaroon ng scalability at mapataas ang rate nito ng mga transaksyon kada segundo (transactions per second o TPS). 

Ang Lisk SDK

Isang natatanging feature ng Lisk ay ang software development kit nito na nakabatay sa JavaScript, na isa sa mga pinakaginagamit na programming language sa mundo. Kadalasan, umaasa sa iba't ibang language ang mga sikat na network ng blockchain. Halimbawa, gumagamit ang Bitcoin (BTC) ng C++, habang binuo naman ang Ethereum sa Solidity. Maliban na lang kung marunong sila sa ilang language, posibleng maging mahirap para sa mga developer na makipag-interact sa iba't ibang blockchain. 

Ang solusyon dito ng Lisk ay isang open-source at modular na SDK na nasa JavaScript para gawing accessible ang blockchain at Web3 sa mas maraming developer sa pangkalahatan. Sa paggamit ng napakakaraniwang programming language, nawawala ang balakid para sa mga bago sa pagbuo ng mga blockchain application. Makakapagsimulang bumuo agad ang mga baguhan gamit ang JavaScript at TypeScript, nang hindi kinakailangang mamuhunan ng oras at pagsisikap sa pag-aaral ng mga language na partikular sa blockchain. 

Dagdag pa rito, pagkatapos mailunsad ang inaasahang Lisk Platform, magagamit ng mga developer ang Lisk SDK para ipatupad ang kanilang mga application sa mga sidechain sa halip na sa mga smart contract. Dahil sa interoperability ng mga sidechain, huhusay ang pag-scale at mananatiling mababa ang bayarin sa transaksyon. Inaasahan din na magbibigay-suporta ang Lisk SDK sa pag-develop ng mga module ng NFT, P2P, at Proof-of-Authority (PoA).

Mga sidechain na puwedeng i-scale

Para mapadali ang interoperability sa pagitan ng lahat ng blockchain na partikular sa application sa network, binubuo ng Lisk ang Lisk Platform, na idinisenyo para mabigyang-daan ang mga developer na bumuo ng mga application na puwedeng i-scale nang may dagdag na autonomy at flexibility sa mga sidechain. Ang mga sidechain ay mga hiwalay na blockchain na kumokonekta sa pangunahing chain. Sa Lisk, makakapag-deploy ang mga developer ng sarili nilang mga sidechain para i-scale ang kanilang mga blockchain application at mag-alok ng mas mababang bayarin sa transaksyon at mas mataas na TPS. Makikipag-ugnayan ang mga sidechain sa isa't isa nang direkta sa pamamagitan ng mga cross-chain na mensahe. Ang interoperability na ito ay inaasahang titiyak ng maayos na pagpapalitan ng asset sa pagitan ng mga sidechain at ng pangunahing blockchain ng Lisk. 

Pinapalawak ng Lisk team ang ecosystem sa pamamagitan ng pagpapadali sa interoperability sa iba pang layer-1 blockchain at protocol, gaya ng Ethereum (ETH), Polkadot (DOT), at Cosmos (ATOM). Ang mithiin ay makinabang ang mga user sa lumalagong ecosystem ng mga app na magkakakone-konekta sa pamamagitan ng mga bridge ng Lisk.

Ano ang LSK?

Ang Lisk (LSK) ay ang native cryptocurrency at utility token ng Lisk. Ginagamit ito para magbayad ng bayarin sa transaksyon at bigyan ng reward ang mga delegator sa network. Magagamit rin ng mga may hawak ng LSK ang token para i-secure ang network ng Lisk sa pamamagitan ng DPoS. Puwede nilang i-stake ang kanilang mga LSK token sa Lisk Desktop wallet para bumoto o magtalaga, at mala-lock ang mga token hangga't ginagampanan ng user ang alinman sa mga tungkuling ito. 

Inaasahang madaragdagan ang gamit ng LSK, dahil mas maraming mapaggagamitan ang lumalabas habang nagkakaroon ng interoperability sa iba pang blockchain ang network ng Lisk. Halimbawa, puwedeng gamitin ang LSK para sa pagrerehistro ng mga blockchain application o paglilipat ng mga mensahe sa pagitan ng iba't ibang application. 

Paano bumili ng LSK sa Binance?

Puwede mong bilhin ang Lisk token (LSK) sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Mag-trade] - [Spot].

2. Hanapin ang “LSK” para makita ang mga available na pares sa pag-trade. Gagamitin natin ang LSK/BUSD bilang halimbawa.

3. Pumunta sa kahon ng [Spot] at ilagay ang halaga ng LSK na bibilhin. Sa halimbawang ito, gagamit tayo ng Market Order. I-click ang [Bumili ng LSK] at ike-credit ang mga nabiling token sa iyong Spot Wallet.

Mga pangwakas na pananaw

Maraming naniniwala na isa sa mga pangunahing bahagi ng pagkamit sa paggamit ng nakararami sa Web3 ay ang gawing mas malawakang accessible ang teknolohiya ng blockchain. Sa mga proyektong tulad ng Lisk, mas maraming developer ang madaling makakabuo ng mga blockchain application gamit ang mga coding language na pamilyar na sa kanila. Kasabay nito, makikinabang ang mga user sa lumalagong ecosystem ng magkakakone-konektang application na may mas mabibilis na transaksyon sa mas mababang bayarin.