Ano ang Lido (LDO)?
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang Lido?
Paano gumagana ang Lido?
Ang Lido DAO
Ano ang LDO?
Paano bumili ng LDO sa Binance?
Mga pangwakas na pananaw
Ano ang Lido (LDO)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Lido (LDO)?

Ano ang Lido (LDO)?

Intermediya
Na-publish Sep 14, 2022Na-update Dec 23, 2022
5m


TL;DR

Ang Lido (LDO) ay isang secure na liquid staking solution para sa mga proof-of-stake (PoS) cryptocurrency na nakakasuporta sa pag-stake sa Ethereum 2.0 (The Merge) at sa lumalaking ecosystem ng iba pang Layer 1 PoS blockchain. Puwedeng i-stake ng mga user ang kanilang mga PoS token sa Lido at makakatanggap sila ng tokenized na bersyon ng mga naka-stake nilang asset sa 1:1 ratio. Puwede nilang gamitin ang tokenized na bersyong ito ng mga naka-stake nilang asset para kumita ng dagdag na yield mula sa iba pang DeFi protocol habang tumatanggap ng mga reward sa pag-stake mula sa kanilang mga token na nakadeposito sa Lido.

Panimula

Ang isa sa mga hamon ng pag-stake sa mga PoS blockchain ay ang kawalan ng liquidity ng mga naka-stake na asset. Kapag na-lock na ang mga token, hindi maa-access o hindi maa-unstake ng mga user ang mga ito hangga't hindi natatapos ang panahon ng pag-lock, kaya nawawalan sila ng oportunidad na kumita ng dagdag na yield mula sa iba pang DeFi protocol na nasa merkado. Nawawalan din ng gana ang mga pangkalahatang retail user na gustong sumali sa pag-stake sa PoS dahil sa kumplikadong set-up ng validator at matitinding hadlang sa pagpasok.

Para mapaganda ang liquidity ng mga naka-stake na token at para maging mas accessible ang pag-stake, nag-aalok ang Lido ng alternatibo sa tradisyonal na pag-stake sa PoS. 

Ano ang Lido?

Itinatag noong 2020, ang Lido ay isang liquid staking solution para sa Ethereum (ETH) at iba pang PoS blockchain, kabilang ang Solana (SOL), Polygon (MATIC), Polkadot (DOT), at Kusama (KSM).

Nag-iisyu ang Lido ng mga 1:1 na naka-tokenize na bersyon ng mga naka-stake na asset sa mga user. Nagbibigay ito sa kanila ng liquidity para sa mga naka-stake nilang PoS token, para kumita sila ng mga reward sa pag-stake sa Lido habang sumasali sa iba pang on-chain na aktibidad ng DeFi para sa mga dagdag na yield.

Paano gumagana ang Lido?

Para mas maraming user ang makasali sa pag-secure sa mga (PoS) network, nagbibigay-daan ang mga serbisyo sa liquid staking gaya ng Lido na makapag-stake ang mga user ng anumang halaga ng mga PoS asset para kumita ng mga reward ng block. Isang makabagong alternatibo ang liquid staking na tumutugon sa kawalan ng liquidity, pagiging kumplikado, at sentralisasyon ng pag-stake sa PoS sa pamamagitan ng hindi pag-lock sa mga naka-stake na token ng user. Pinapaluwag din nito ang mahihigpit na hadlang para magsimulang mag-stake at pinapababa nito ang gastos sa pagkakataon na nauugnay sa mga pangangailangan sa pag-lock.

Kapag nagdeposito ng mga PoS asset ang mga user sa Lido, ise-stake ang kanilang mga token sa PoS blockchain sa pamamagitan ng Lido protocol. Isa itong smart contract ng pool ng pag-stake na namamahala sa mga pagdeposito at pag-withdraw ng mga user, nagde-delegate ng mga pondo sa mga node operator, at tumutukoy sa bayarin para sa mga reward sa pag-stake, pati na rin pag-mint at pag-burn ng mga token. Bilang karagdagan, naglalaman din ang smart contract ng kumpletong listahan ng mga node operator, kanilang mga validation key, at mga rekord ng pamamahagi ng reward.

Makakatanggap ang mga user ng mga naka-tokenize na bersyon ng kanilang mga idinepositong pondo (mga stAsset token), na puwedeng gamitin para kumita ng mga reward nang sabay sa protocol kung saan orihinal na nagdeposito at sa iba pang DeFi protocol at decentralized application (dApp), gaya ng collateral para sa pagpapahiram at pag-farm ng yield para ma-maximize ang mga reward.

Tingnan natin ang ETH bilang halimbawa. Habang lumilipat ang Ethereum sa PoS sa ilalim ng pinakahihintay na upgrade na tinatawag na The Merge (dating kilala bilang ETH 2.0), makakapag-commit ang bawat user ng minimum na 32 ETH para maging validator at makatanggap ng bayad para sa pagkumpirma ng mga transaksyon sa network. Pero hindi posible para sa mga user ang minimum na kinakailangan sa pag-stake sa pangkalahatan. 

Sa pamamagitan ng Lido, makakapag-stake ang mga user ng kahit bahagi lang ng 1 ETH para kumita ng mga reward ng block. Pagkatapos i-stake ng mga user ang kanilang ETH, makakatanggap sila ng stETH, isang ERC-20 token na kumakatawan sa idineposito nilang ETH sa 1:1 na batayan. Mini-mint ang mga stETH token kapag nagdeposito ng mga pondo sa smart contract ng pool ng pag-stake ng Lido, at ibu-burn ang mga ito kapag nag-withdraw ang mga user ng kanilang mga ETH token.

Ipapamahagi ang mga naka-stake na ETH ng mga user sa mga node operator (validator) sa Lido network at idedeposito ang mga ito sa Ethereum Beacon Chain para ma-validate. Ise-secure ang mga pondo sa isang smart contract at hindi maa-access ng mga validator ang mga ito. Pagkatapos nito, pipiliin, io-onboard, susuportahan, at idaragdag ng Lido DAO ang mga address ng mga validator sa registry smart contract, pagkatapos ay bibigyan ng isang hanay ng mga key ang mga validator para sa pag-validate. 

Ang mga ETH na idineposito ng mga user ay hahatiin sa tig-32 ETH sa lahat ng aktibong node operator ng Lido, na gagamit ng pampublikong validation key para mag-validate ng mga transaksyong gumagamit ng mga naka-stake na asset ng mga user. Sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga stake ng mga user sa iba't ibang validator, epektibong maiiwasan ang mga panganib ng isang punto ng pagpalya na nauugnay sa pag-stake ng iisang validator. Magse-set up din ng address ang mga node operator para bigyang-daan ang mga user na i-withdraw ang kanilang mga na-stake na ETH kapag nakumpleto na ang The Merge. 

Ang Lido DAO

Para pamahalaan ang Lido protocol sa isang desentralisadong paraan, inilunsad ng Lido ang isang decentralized autonomous organization (DAO) para makapagsagawa ng mahahalagang desisyon sa kung paano gagana ang protocol. Matitiyak nito na nakaayon ang protocol sa ikabubuti ng mga stakeholder at nagtataguyod ito ng mas mataas na transparency at desentralisasyon. 

Pinamamahalaan ng Lido DAO ang isang hanay ng mga protocol sa liquid staking. Gumagamit ito ng mga smart contract para tumukoy at magpatupad ng mga panuntunan para magpatakbo ng isang desentralisadong proseso ng pagdedesisyon sa efficient na paraan. Kabilang sa mga ito ang pamamahala sa mga parameter at pamamahagi ng bayad, pati na rin ang pagdaragdag at pag-aalis ng mga node operator sa network.

Ano ang LDO?

Ang LDO ay ang native utility at governance token ng Lido. Isa itong ERC-20 token na may kabuuang supply na 1 bilyon. 

Ginagamit ang LDO para bigyan ng reward ang mga user na nasa network. Binibigyan din nito ang mga may hawak ng karapatan sa pamamahala sa loob ng Lido DAO para makasali sila sa proseso ng pamamahala sa pamamagitan ng pagboto sa ilang partikular na desisyon. Kung mas marami silang hawak na LDO token, mas magiging makapangyarihan ang kanilang boto. 

Paano bumili ng LDO sa Binance?

Makakabili ka ng LDO sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Mag-trade] - [Spot].

2. Hanapin ang “LDO” para makita ang mga available na pares sa pag-trade, kasama na ang LDO/BUSD, LDO/USDT, at LDO/BTC.

3. Pumunta sa kahong [Spot] at ilagay ang halaga ng LDO na gusto mong bilhin. Sa halimbawang ito, gagamit tayo ng Market order. I-click ang [Bumili ng LDO] at ike-credit ang mga nabiling token sa iyong Spot Wallet.

Mga pangwakas na pananaw

Sa serbisyo ng liquid staking ng Lido, nabibigyan ang mga user ng lahat ng benepisyo ng pag-stake nang hindi sinasakripisyo ang liquidity ng kanilang mga token. Para ito sa maliliit at malalaking may hawak ng PoS token, na nagbibigay sa kanila ng flexibility na mag-stake at mag-unstake anumang oras. Bukod pa rito, sa pamamagitan ng pag-aalis sa mga kumplikadong setup ng pag-stake at pagpapaluwag sa mga hadlang sa pagpasok para makapag-stake sa PoS, mapapabilis ng liquid staking sa mga protocol gaya ng Lido ang paglago ng DeFi sa hinaharap.